Chapter 26 - Chapter 25

Chapter 25: Divorce

"Celebrate raw tayo! Nakapasa si Drim sa board exam niya, top 1 ang loko," pagbabalita ni Shin sa akin nang makapasok ako sa classroom namin.

Friday ngayong araw at kahapon lang din ang birthday ko. Well, hindi na 'yon ang pinaka-worst na birthday ko. Three times na 'yon.

Kahit na nandiyan ang mga kaibigan to celebrate my birthday ay iba pa rin iyong kasama mo sa celebration ang lalaking mahal mo. Pero tanggap ko naman, eh.

Tanggap ko na, na hindi ko talaga nakakasama si Lervin sa kaarawan ko. 

"Really?" sabi ko, kahit na nakangiti pa rin ako ay hindi naman umabot sa mga mata ko.

Ang lungkot pa rin. Sobra, pero wala akong magagawa. Ganito naman ang nagmamahal, 'di ba? Hindi tayo nagiging selfish.

"Yeah, nag-text sa akin si Drim. Hindi ka ba niya tinext?" tanong sa akin ni Shin at umupo na ako sa tabi niya.

Kinuha ko ang phone ko at may na-received nga akong text message from him.

"Meron, ngayon ko lang nakita," natatawang sabi ko. Pero wala naman talagang humors sa tawa ko.

Pretending, iyong mga taong nasasaktan na? Hindi 'yan nagpapakita ng totoong emosyon. Bihasa sila sa pretending, right? Kaya ganoon ako.

"Video call!" sigaw bigla ni Shin at napalingon sa akin ang mga kakklase namin. Nagtatanong 'yong mga mata nila pero umiling na lang ako sa kanila.

Dumikit sa akin si Shin para makita ko ang screen ng cellphone niya.

"Congrats, Drim," sabay na bati namin ni Shin kay Drim.

Nakabusangot ang face niya. Parang hindi pq siya happy na naging top 1 siya sa board exam nila.

Si Crim ang may hawak sa phone at pilit na pinapaharap nito ang kakambal niya. Kaya naman pala na busangot si Crim dahil tinatawanan lang siya ng kakambal niya.

"Hoy, Drim. Smile ka naman diyan," natatawang sabi ko at tumingin siya sa screen.

"Shy baby raw siya, Art," natatawang sabi ni Crim at minura lang siya nito.

"Magpapainom ka?" tanong naman ni Shin.

Umismid ito bago sumagot, "ano ka? Sinusuwerte? Juice lang sa 'yo, hoy!" masungit na sabi nito at napatawa kami.

"Ako, Drim? Wine or something hard drink?" nangingiti kong tanong at inirapan na naman ako.

"Juice lang, juice lang ang sa inyo. At hindi kami magpapa-inom. Tubig okay pa," aniya.

Over protective talaga siya, ganyan siya sa amin ni Shin. Kaya napaka-suwerte rin namin dahil nakilala namin ang magkambal na 'iyan.

"Opo, ama," sabay na sabi namin ni Shin at napatawa na siya.

Kahit papaano ay nakalimutan ko ang problema ko sa buhay. Kahit papaano ay napapasaya pa rin ako ng mga kaibigan ko.

Dumating na ang prof namin kaya pinatay na ni Shin ang VC nila ni Crim at nagsimula ng nag-discuss sa lecture namin.

Dumating sa school namin ang dalawa at dito rin kami nag-celebrate para kay Crim.

Kaunting kuwentuhan lang kasi may klase kami kaagad. Kaya pagkatapos no'n ay umalis na rin sila.

4 pm na ng hapon at tapos na ang klase namin. Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Shin palabas ng university.

Marami pa namang estudyante dahil hanggang 6 pm din ang uwian nila at may klase rin sa gabi. Iyon ay kung pinili mo ang night season. 

"May susundo sa 'yo, Art?" untag na tanong sa akin ni Shin.

"Meron. Si Mang Ernesto," sagot ko.

Hindi na kasi ako hinayaan ni Shin na mag-drive ng kotse ko kasi baka mapahamak pa ako. Lalo na sa kondisyon ko.

"Ikaw?" balik na tanong ko sa kanya.

"As usual. By the way, hindi ko pa nakikita si Hillarus. Nasaan na 'yon?"

Oo nga, 'no? Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw. May pinagkaabalahan kaya ang isang 'yon?

"Siguro busy lang, 'yon."

"Dalawa na raw ang jacket niyang pinahiram sa 'yo. Buti na lang daw mayaman siya at kaya niyang bumili pa ng bago, loko-loko talaga," natatawang sabi niya.

Sinabayan ko na lamang siya sa pagtawa. Snob si Hillarus at parang si Drim lang pero pagdating sa akin. Sobrang bait.

"Hayan na ang sundo ko, oh," ani Shin at nginuso pa ang itim na kotseng susundo sa kanya.

Sabay kaming napatingin ni Shin sa kotseng kaka-park pa lang.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala ko ang may ari no'n at humigpit ang pagkakahawak ko sa shoulder bag ko.

Pinagpawisan ako sa sobrang kaba. He stepping out from his car at diretso ang tingin sa akin.

"L-lervin..."

"Hop in," malamig na sabi niya pero mahinhin ang pagkakasabi niya.

Haharang na sana ang kaibigan ko pero pinigilan ko kaagad.

"PLEASE, Shin?" pgmamakaawa ko sa kanya. 

Visible sa mga mata niya ang hindi pagsang-ayon sa akin pero kalaunan ay napabuntong-hininga na lamang siya at tumango.

"Ingatan mo ang kaibigan ko," malamig at may diin ang pagkakasabi ni Shin bago niya kami tinalikuran.

Binuksan ni Lervin ang pintuan sa passenger's seat at hindi na ako nagsalita pa. Sumakay na ako sa kotse niya at nanuot kaagad sa ilong ko ang perfume niya.

D*mn, boy. I missed him. I missed him, so much.

Nalaman niya kaya na birthday ko kaya siya nandito at sinundo ako?

Sa naisip ko ay umasa ang puso ko. Natuwa ako. Okay lang kung late na ng malaman niya ang birthday ko at least narito na siya.

Hindi ko napigilan ang mapangiti. Ganoon pala 'yon? Iyong taong nasaktan ka na pero nakukuha ka pa rin niyang pasayahin? Kahit gaano ka pa niya nasaktan ay mapapasaya ka pa rin niya.

Iyong taong nagbigay sa 'yo ng sakit ay siya rin pala ang puwede gumanot sa sugatan mong puso.

"Why are you smiling?" tanong niya sa akin.

Nilingon ko siya at mas lalong lumawak pa ang ngiti ko. Sure ako na umabot hanggang sa mga mata ko ang ngiti kong 'yon.

"Wala. Masaya lang ako. Masaya lang ako kasi nandito ka na," nakangiti pa rin sabi ko at hindi na niya ako sinagot pa. Nag-drive na lang siya.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. At ilang minuto lang ay huminto ang kotse niya sa B&B's cafe. Ang favorite cafe naming magkaibigan.

Nauna siya bumaba at pinagbuksan pa ako ng pintuan. Wala siyang kibo na nauunang pumasok sa loob ng cafe.

Nasa likuran niya lang ako at hindi pa rin naglalaho iyong ngiti ko. Ang saya ko po, sobra. Okay lang kung makalimutan ko ang sakit na binigay niya sa akin. Pinapawi niya lahat, eh. Sana tuluy-tuloy na ito. Pero ako na ba ang pinili niya? This time, he choose me over Jillian? Sana nga.

Umupo kami kaagad sa bakanteng table. Maraming customer, ang iba ay couples, ang iba mga estudyante, highschool at college. May mag-pamilya rin.

Nasa tapat kong nakaupo si Lervin at nakatingin lang ako sa guwapo niyang mukha.

Namiss ko talaga siya. Nakakamiss iyong paglalambing niya sa akin at lahat-lahat.

"Ler--" Naputol ang pagtawag ko sa kanya ng may umupo sa tabi niya.

Lalaki na nasa mid-50 na. Nakasuot siya ng eye-glasses at may dala-dala siyang suit case.

"Am I late?" tanong ng lalaki at kumunot ang noo ko.

Ano'ng ginagawa niya at sino siya? Bakit siya nakiki-table sa amin ni Lervin?

"No, kararating lang namin Attorney," ani Lervin.

By what he said, my heart skips a beat at parang may tunog na naman na tila may binabaling buto?

S-sana mali. Sana mali ang nasa isip ko. S-sana mali.

"Let's start, I prepared the divorce papers," straight forward na sabi ng lalaki at napatingin ako kay Lervin.

"D-divorce? W-what is this, Lervin?" tanong ko sa kanya.

"I decided to annul our marriage. So, sign the divorce paper," walang emosyong sabi niya.

Inaasahan ko naman na tutuparin niya ang gusto ni Jillian pero bakit ang sakit pa rin?

"G-gusto mong...mag-divorce na tayo? Pero Lervin...walang divorce sa Pilipinas," sabi ko at pumiyok na ang boses ko.

"Exactly. Sign it para mas mapaaga ang lag-process niyan. May divorce sa Pilipinas kung may pera ka," aniya at malamig iyong mga mata niya.

Tumayo ako at umiling.

"No. No, Lervin. I won't sign that d*mn papers! I won't divorce you!" sigaw ko at nakuha ko ang atensyon ng mga customer.

Ayoko, ayokong maghiwalay kami. Para akong sinasakal. Para akong inunti-unting pinapatay. Ayoko, ayoko.

"P-please, Lervin. H-huwag m-mo namang gawin sa akin, 'to... Lervin..."

Iyong mga luha ko ay masagana na namang naglandas sa pisngi ko.

Napaka-sakit na naman. Dinudurog na naman niya ang puso ko. Sa isang idlap lang ay nasaktan na naman niya ako. Sa isang idlap lang ay nagawa niyang alisin ang mga ngiti ko. Umasa ako, umasa na naman ako.

Na sana this time ako naman. A-ako naman ang piliin niya. A-ako n-naman...ang mahalin niya. A-ako naman ang piliin niya at alagaan.

Pero ang laki kong t*nga. Umasa na naman ako na sana may puwang na ako sa puso niya. 

"Lervin...baby..."

Nagmamakaawa na nga ako sa kanya at hinayaan ko na ang mga taong sabihan akong baliw pero parang wala lang sa kanya.

Sa halip ay siya pa ang unang pumirma ng divorce paper na mas lalong nagpapadurog sa puso ko. Wasak na, eh. Wasak na wasak na ang puso ko pero mas nadurog pa 'to lalo.

"Lervin! Please, I begging you..."

Lumapit na ako sa kinauupuan niya at lumuhod. Lumuhod ako sa harapan niya at pinagdikit ko ang magkabilang palad ko habang ang mga luha ko ay walang sawang bumubuhos na tila ulan.

"Lervin... Huwag m-mo namang gawin sa akin...'to please. O-okay lang sa akin...kung hindi ka umuwi sa bahay natin. O-okay lang sa akin na...kay Jillian ka umuwi. O-okay l-lang kung hindi mo a-ako papansinin. Just...just don't leave me. H-huwag mo nang gawin sa akin 'to, please baby? I'm begging you...Lervin."

Tumayo siya bigla kaya hinawakan ko kaagad ang paa niya.

"I love you, Lervin. M-mahal kita, m-mahal na m-mahal kita. Please, stay? Stay with me, L-lervin?" nagmamakaawa pa rin sabi ko at halos hindi ko na makilala ang boses ko.

"STAY please..."

"I'm sorry," malamig pa ring sabi niya saka siya naglakad palayo. Palayo sa akin.

Kahit nanghihina na ang mga tuhod ko at blured na ang paningin ko ay buong lakas kong tinayo ang sarili ko at hinabol siya habang tinatawag ko ang pangalan niya.

"Lervin! Come back here! L-lervin, please!"

Pero para siyang bingi dahil hindi man lang siya lumingon sa akin. Nagtuluy-tuloy lang siya sa paglalakad niya.

Nadudurog talaga ang puso ko kapag lumalayo siya sa akin.

Nang nakalabas na kami sa cafe ay bigla siyang huminto at doon ko kinuha ang pagkakataon. Niyakap ko siya from behind. Sobrang higpit na iyong tipong ayaw ko na siyang umalis pa. Ayaw ko na siyang pakawalan pa.

Sinubsob ko ang mukha ko sa malapad niyang likuran at doon nag-iiyak.

"Please...Lervin."

"Buo na ang desisyon ko, Arthea," aniya. Ramdam ko ang bigat sa boses niya pero bakit gusto pa rin niya akong iwan?

Binaklas niya ang pagkakayakap ko sa kanya kaya nataranta ako.

"No! D-don't leave! N-no, Lervin!"

Hinabol ko na naman siya nang sumakay na siya sa kotse niya at kinalampag ko ang salamin no'n at nagmamakaawang buksan niya 'yon.

Mas lalong napalakas ang iyak ko nang pinaandar na niya ang sasakyan niya at para akong t*nga na hinahabol ang papalayo niyang sasakyan.

"Lervin! B-bumalik ka! Bumalik ka please! Mahal kita! Mahal na mahal kita!" naiiyak na sigaw ko at nang mas bumilis ang kotse niya ay doon na ako nawalan ng lakas.

Bumigay ang mga tuhod ko at napaluhod na lang ako sa gitna ng kalsada. Hawak-hawak ko ang dibdib ko habang nakatanaw lang ako sa kotse niyang unti-unting lumiliit.

Sana namatay na lang ako. 

Mahal kita. Mahal na mahal kita, Lervin. Sobra, sana maalala mo na may Arthe ang nagmamahal sa 'yo.

Kung ito na ang gusto mo ay wala akong magagawa kundi...ang isuko ka.

End of chapter 25