Chapter 23:Heartbreak
"ART! Wait up!"
Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Shin at mabilis na naglakad ako patungong exit ng hospital.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan. Na okay lang 'tong sakit na 'to. Na wala lang ito sa akin. Na kahit mamamatay man ako pero hindi, eh...
Parang pinipiga ang puso ko. Parang nayayanig ang mundo ko. Sobrang sakit na to the point mapapamura ka na lang sa mundo.
Magagalit ka sa KANYA. Na sa lahat ng taong nabubuhay sa mundo ay bakit ako pa? Bakit ako pa ang magkaroon ng sakit na 'to? Bakit ako pa ang makakaranas nito?
Ang unfair, 'no? Ang unfair ni God sa atin.
"Art..." basag na 'yong boses ni Shin nang sambitin niya ang pangalan ko.
"Shin, I want to be alone, please," mahinang sabi ko at hindi ko na siya narinig na sumusunod sa akin.
Naglakad lang ako sa gilid ng kalsada. Naiwan sa parking ng hospital ang sasakyan ko pero hinayaan ko na lang 'yon. Marunong mag-drive si Shin at alam kong gagamitin din niya ang kotse ko.
Iyong mga luha ko ay malaya nang naglandas sa pisngi ko. Ang hirap. Ang hirap huminga, para akong kakapusin. Ang sakit, ang sakit.
Nakakuyom na ang kamay ko na hawak-hawak ko pa rin ang dibdib ko.
Pero wala lang ang sakit na ito, kumpara sa sugat na nasa puso ko. Wala, 'di ba? Pero bakit sobrang sakit pa rin?
M-marami akong pangarap. Marami. Gusto ko pang magpatayo kami ni Shin ng cafe or restaurant. G-gusto ko pang maka-graduate sa college. Gusto ko pang maranasan ang lahat ng nais ko pang gawin.
Si daddy-lo, gusto ko pa siyang makasama. Si Lervin, alam kong hindi niya ako mahal. Pero gusto ko rin siyang makasama kahit imposible na.
Napahinto ako sa kalagitnaan nang paglalakad ko at napatingala ako.
"Bakit ang unfair mo sa akin?" pagkakausap ko sa langit.
"P-pinagkaitan mo na ako ng magulang, h-hindi ko nakasama ng matagal sina mommy at daddy. H-hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila, a-ang pag-aalalaga sa akin. PERO BAKIT BINIGAY NIYO 'TO SA AKIN?! SA DAMI-RAMI PA NG TAO SA MUNDO AY BAKIT AKO PA?!" Hindi ko na napigilan at napasigaw na ako.
May mga tao sa ang dumaraan lang at napapalingon sa akin pero wala akong pakialam doon.
Hinayaan ko sila sa kung ano man ang sasabihin nila sa akin. Wala na akong pakialam. G-gusto ko lang 'to ilabas, gusto kong ilabas ang sama ng loob ko.
"Meron ka ba talaga? Totoo ka ba?" tanong ko sa kawalan at humina na ang boses ko. Pero pinilit ko pa rin na huwag kumawala ang hikbi ko.
Iyong maaliwalas na kalangitan ay biglang dumilim. Natakpan na ito ng itim na ulap at ilang segundo na lang ay bubuhos na ang ulan.
Hanggang sa umambon na 'to. Maraming tumakbo upang sumilong. Natataranta pa sila sa paghahanap ng masisilungan. Pero hindi ako, hindi ako sumilong. Sa halip ay sumalampak ako sa gilid ng kalsada.
Hanggang sa lumakas 'yong ulan. Hindi ako nagpatinag. At hindi ko na tinago iyong hikbi ko. Umiyak na lang ako nang umiyak. Wala na akong pakialam kung sabihan nila akong baliw.
Kung sana maging baliw na lang ako ay okay lang. Ayos lang, para naman makalimutan ko na ang sarili ko. M-makalimutan ko na ang sakit na 'to. Lahat, sana makalimutan ko na lang.
Hapon na kaya medyo malamig na talaga, lalo pa na umuulan. Pero para akong manhid na hindi nagpapatinag sa ulan. Sa mga haka-haka ng mga taong nakakakita sa akin.
Nakayuko lang ako at malakas pa rin 'yong iyak ko. Hindi ko akalain na may pagkakataon palang iiyak ako ng ganitong kalakas.
I am happy go lucky, walang problema kahit kulang ako sa aruga ng mga magulang ko. Kahit si daddy-lo lang ang mag-isang nagpalaki sa akin ay naging masaya naman ako.
Hindi ko na naisip na darating pala ang panahon na labis-labis akong masasaktan. Hindi lang sa pag-ibig. Pati rin pala sa sarili ko, sa kapalaran ko.
SA KALAGITNAAN ng ulan, naramdaman ko ang mainit na tela na bumalot sa akin at hindi ko na naramdaman pa ang pagpatak ng ulan. Sa halip ay narinig ko ang pagtama nito sa isang bagay.
Mula sa kaliwang gilid ko ay may presensiya akong naramdaman. May nakita akong dalawang pares ng puting sapatos at base sa sapatos na 'yon ay lalaki siya.
Napatingala ako at nakita ko 'yong kulay dilaw na payong at nakasilong na ako. Kaunting patak na lang ng mga ulan ang tumatama sa akin.
"Pangalawang jacket ko na 'yan, huh? Hindi niyo pa binabalik sa akin 'yong isa. Pasalamat kayo ay mayaman ako at kaya ko ring bumili ng isang dosenang jacket para lang sa 'yo," pagdadaldal niya.
At biglang tumigil 'yong luha ko, pati 'yong ulan naging mahina. Hanggang sa umaambon na lang ito.
"Hindi ko alam na gusto mo palang magpaulan ng ganito. Kung gusto mong maligo ulit ay tawagan mo ako, huh? Para sabay tayong maligo, sabay tayong tawaging baliw ng mga tao. Ang daya mo. Classmates tayo pero ni hindi mo man lang ako inayang maligo sa ulan. Gustung-gusto ko rin naman kasi na maligo. Alam mo 'yon? Ilang araw na rin akong hindi naliligo," pagbibiro niya at biglang gumaan din ang bigat sa dibdib ko.
Kahit kailan, napaka talaga ng isang 'to. Ang galing niyang tumayming.
Naramdaman kong lumuhod siya sa gilid ko at hinawakan niya ang braso ko.
"Tara," maigsing saad niya at tinulungan niya akong matayo. Nagpahila na lang ako kung saan niya ako dadalhin.
Pinapasok niya ako sa loob ng kotse niya at wala lang sa kanya kahit basang-basa na ako. Okay lang sa kanya na kahit mabasa ko man ang kotse niya.
"I won't ask you kung ano ba ang problema mo. But I can be your listener, I know I'm not good listener pero mapag-tsa-tsagaan mo ako. I can be your jacket, your umbrella and I can be your invisible friend para hindi ka mailang sa akin. But you can sense my presence."
Hindi ako kumibo pero tinitigan ko lang siya. Basang-basa na rin siya at magulo na ang basa niyang buhok. Naka-uniform pa at parang hindi pa umuuwi sa kanila.
Kahit ganyan pa ang hitsura niya ay ang guwapo pa rin niya.
Hindi naman niya ako kaibigan or something, hindi kami close pero bakit ang bait niya sa akin ngayon? Snob kaya siya sa mga tao. Hindi siya pala-kaibigan. Mas gusto niyang maging loner.
"Gusto mo ng ice cream--ay huwag na pala, malamig dahil naulanan ka. O gusto mo ng chocolate? Come on, say it. What do you want to eat?" nakangiting tanong niya at umiling lang ako bilang sagot ko.
"Okay. What do you want me to do?"
"Take me home," nanghihinang sagot ko at napatangu-tango ako.
"Okay, Miss."
______________________
Hinatid niya nga ako sa bahay namin ni Lervin. Hindi pa sana siya papasukin sa loob ng Subdivision namin pero nakita naman ako ng guard at pinapasok na rin ang kotse niya.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat at inalalayan pa akong makababa mula sa kotse niya.
"Okay ka na? Maligo ka kaagad, huh? Para hindi ka lagnatin o uminom ka kaagad ng gamot. Kasi alam kong sisipunin ka," aniya at nagawa pa niyang pisilin nang mariin ang ilong ko. Hinampas ko 'yon at natatawa pa siyang inalis ang kamay niya. Napasinghop ako at sinamaan ko siya nang tingin.
"Everything is gonna be okay."
"S-salamat. Salamat, Hillarus..."
"No probs, Miss. From now on, I am your invisible friend but with presence. Hindi mo man ako nakikita, at least nararamdaman mo ako," nakangiting sabi niya at kahit malungkot ako ay nagawa niya pa rin akong mapangiti.
"Thank you, Hillarus..."
Sa mundong ito kahit ang unfair na sa 'yo ng buhay. Marami kang makikilala, magmamahal sa 'yo at sasaktan ka. Ay may makikilala ka rin palang mga taong mabait. Iyong kaibigan na puwede mo ring abalahin at maglabas ng sama ng loob sa kanya. Isang kaibigan na maiintindihan ang lahat.
Wala na ang sasakyan ni Hillarus pero nakatayo pa rin ako sa tapat ng mansyon namin.
My eyes settled on the mansion next to mine. My heart throbbing. One thing I found myself was walking towards the gate and I let myself in.
Trespassing. Pero may nag-uudyok talagang pumasok ako sa loob ng mansyon na ito. Nakakatawa lang kasi kahit ang mga bagay na nakasakit sa 'yo ay hindi mo aakalain na aapak ka rin pala.
Bukas ang main door at tinulak ko lang 'to nang bahagya. Kahit maliit lang ang makikita ko sa loob ay hindi naman ako nabigo.
Mula sa malawak na living room nila ay napako ang mga mata ko sa dalawang tao.
Nakaupo sila sa sofa at nakayakap mula sa likod ang lalaki.
Sino ba ang lalaking may kayakap?
"Please, Jillian. Magpagamot ka na..."
Magpagamot...may sakit din ba siya? May sakit din ang ahas na 'yan? Hindi halata.
Sumandal ako sa pader na malapit lang sa pintuan. Maririnig ko naman ang mga boses nila kasi nakaawang nga ng bahagya ang main door.
"No! Wala akong sakit! Wala! Lerv, paalisin mo na siya! W-wala naman akong sakit, ah! Wala!" hysterical na sigaw nito at kahit hindi ko man sila nakikita ay alam kong nagwawala na ito kaya nakayakap sa kanya si Lervin.
"Doc...ano po ba ang kailangan nating gawin sa kanya? G-gusto ko siyang gumaling sa sakit na 'to..." Iyong boses ng asawa ko ay sobrang lungkot. Parang desperado siyang maipagamot niya talaga ang babae niya.
Ang kanyang kabit, that's a real terms. Bagay na bagay sa kanya.
"Sa ngayon ay huwag na muna natin siyang i-pressure. Iyong mental disorder niya ay baka maging complicated pa," sagot no'ng isa pang babae.
Hindi lang pala silang dalawa ang nasa loob. May kasama rin pala sila. Isa ring doctor.
"Jillian...huwag mo namang pahirapan ang sarili mo, please. Magpagamot ka na. Nandito naman ako, n-nandito naman ako para alalayan ka..." magmamakaawang sabi pa ni Lervin. Gusto kong magprotesta. Nakaka-insecure. Kaya mo rin bang sabihin 'yan sa akin, Lervin?
Iyong magmamaakawa ka sa akin na magpagamot din ako kahit mamamatay rin naman ako? Mamamatay? Will you cry when I die?
Ako Lervin. Kung sasabihin mo rin 'yan sa akin ay sasang-ayon ako kaagad. Isang salita mo lang, Lervin ay susundin ko kaagad. Kung sa akin mo lang 'yan sasanihin ay baka magtatalon pa ako dahil sa tuwa. Magpapakain ako sa mga pulubi, Lervin. Magpapagmot ako kahit na...mamamatay rin naman ako.
Ganyan ako karupok, ganyan ako kalambot sa 'yo, Lervin. Ganyan kita kamahal. Isang salita mo lang, Lervin. Makukuha mo kaagad ang 'oo' ko. Pero asa naman ako, 'di ba? Wala ka ngang pakialam sa akin. Wala. Wala.
"What do you want? What do you want me to do para mapapayag ka na magpagamot, Jillian? Gagawin ko, I'll do everything for the sake of you."
Akala ko forever ng mute ang ahas at hindi na sasang-ayon. Pero hindi. Iyong salita niya ay nagawang iguho ang mundo ko. Nasira niya, n-nasira niya ang buo kong pagkatao.
"Divorce her, divorce your wife, Lervin."
Gaga! Sa lahat ng puwede mong hilingin ay bakit 'yon pa?! Ano ka? Sinusuwerte? Segurista? Sige, segurista ka na. Gusto mong masolo ang asawa ko. Desperada.
Ang sakit no'n. Sobra. Nandito pa rin sa dibdib ko. Sa puso ko na tila tinutusuk-tusok ng mga karayom.
Pero wala na palang mas maii-kumpara sa sakit na maririnig mo mula sa labi ng lalaking mahal mo.
"I will. I will do that for you, babe..." Bullsh*t ka rin, Lervin, eh. Napaka mo rin, nakakainis ka.
Ganyan mo talaga kamahal ang kabit mo para lang i-divorce ako? Para lang paulit-ulit mo akong masasaktan? But I know better.
Nangatog 'yong mga tuhod ko at napaluhod na ako bigla. Mariin akong napapikit ng mga mata nang sumagi ang mga tuhod ko sa sahig. Naramdaman ko ang pagkirot nito. Naragdagan ang sakit, naragdagan ang pasa ko sa tuhod.
Bullish*t world! Hindi pa natatapos ang araw na ito ay binigyan mo na ako ng maraming heartbreaks.
Puwede bang break muna tayo? Wala ba tayong break, huh?
Hindi ako lumuha. Kasi parang wala na akong mailuluha pa, tila naubos na. Sinagad ko, eh.
Minuto ang tinagal ko roon at hindi ko na narinig ang mga boses nila.
Nanatili akong naka-salampak sa sahig at nakasandal lang sa pader ng mansyon nila. Lutang ang isip ko at nakatulala lang ako.
I was about to leave the house but I'll stopped. Narinig ko kasi ang boses ni Jaickel.
"F*ck, Lervin. Nahihibang ka na ba? Hihiwalayin mo ang asawa mo ng dahil lang kay Jillian?" ani Jaickel. Kalmado lang ang boses niya pero may galit doon.
"For my Jillian, gagawin ko, Jai."
"Oh, God! Magagawa mo talaga 'yan? Alam mo kung ano ang sakit ni Jillian."
"Exactly, kaya ginagawa ko ang lahat para sa kanya. Iniwan mo na siya, eh. Iniwan mo na siya sa ere. Kaya ako na lang, ako na lang ang sasalo sa kanya," desperadong sambit ni Lervin. Iyong boses niya ay nahihirapan.
"That's because of her sick, I left her! I can't take it, Lerv! Sino ba naman ang makakatagal sa asawa mo na marami nang nai-kamang lalaki?! She's insane, she's crazy! She's really obsessed of sex! Lervin, hindi lang ikaw. Hindi ka sapat para sa kanya. Dahil maghahanap pa rin siya ng ibang lalaki to satisfy her needs! Hindi lang 'yan basta-bastang sakit! Nakakasira rin!"
"That's why I'm here! Gagawin ko ang lahat para sa kanya! Let me do that! Hayaan mo akong gawin 'yon para sa kanya na hindi mo nagawa ng nasa poder mo pa siya!" sigaw rin ni Lervin.
Nagkakainitan na sila, sa totoo lang.
"Sa tingin mo hindi ko 'yon ginawa, Lervin? Nagawa ko na 'yon lahat pero hindi pa 'yon sapat sa kanya! Iniwan ko siya kasi nakaka-gago. Kahit 'yong driver namin ay pinapatulan niya! Love wasn't envolled, Lervin. Pinakasalan ko siya dahil sa sakit niyang 'yan. Para mailayo ko na siya sa tukso, sa mga lalaki. But Jillian is Jillian."
"She was raped...kaya siya nagka-ganoon."
"Ewan ko sa 'yo, Lervin. Nakaka-gago ka rin."
Napatayo ako bigla nang marinig ko ang footsteps nila at malakas na binuksan ang pintuan. Nagmamadaling lumabas doon si Jaickel pero natigilan siya nang makita niya ako.
Napaawang ang mga labi niya.
"M-mrs.de Cervantes..."
"Arthea?" tawag sa akin ni Lervin at napalingon ako sa kanya. Walang emosyon.
"N-narinig mo?" tanong 'yon sa akin ni Jaickel.
"B-bakit basang-basa ka? Nagpaulan ka ba, Art?"
Wala akong naisagot sa mga tanong nila kasi parang nahihilo na ako.
Umiikot ang paningin ko. Humakbang ako pero bago ko 'yon magawa ay bumagsak na ako. Pero nasalo rin naman ako...hindi si Lervin.
Hindi siya ang sumalo sa akin, kundi si Jaickel. Mas malapit naman siya sa akin, ah? Pero bakit hindi niya magawa? H-hinayaan niya lang ako? He's heartless.
"Lervin... baby, please stay... Stay with me, please?"
"I'm sorry. I c-can't, Arthea. Mas kailangan ako ni Jillian..."
"Pero mas... kailangan kita..." sabi ko at may namumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko. Kala ko ubos na ang luha ko. Meron pa pala. Naka-reserved kay Lervin.
"You'll be good, you'll be good without me," aniya at umiling ako.
"I'm sick. I'm sick..."
Iyon na lang ang huli kong nasabi bago ako nag-passed out.
Another heartbreaks, Art.
#GS1:SIBG