Chapter 21 - Chapter 20

Chapter 20:Trip to Baguio

AS WHAT I've expected. Maraming bisita nga ang invited sa party na ito.

Magagara ang mga gown nila at mukhang bigatin din. May kanya-kanyang magagandang babae ang nakakapit sa mga braso ng mga lalaki.

Maganda 'yong theme ng party. Royal blue siya at kung hindi lang ako nakakita ng naka-red evening gown ay baka out of place kami ni Lervin.

Maganda ang dekorasyon ng mga bulaklak sa mga table at professional nga talaga ang nag-handle nito. Tapos nagpapatugtog pa sila ng soft na music. May mga nagsasayawan na at ang iba ay kumakain ng finger-food. Karamihan ay nagku-kuwentuhan na.

"Good evening, Dr. de Cervantes," bati ng isang lalaking lumapit sa amin ni Lervin. 

Mukha siyang foreigner, guwapo at matangkad. Tapos gray pa ang mga mata niya. Naka-red suit din ang lalaki.

"Good evening, too, Dr. Mojeh," Lervin greeted him back.

Matapang ang expression ng lalaki at kahit hindi ito nakangiti ay guwapo pa rin.

Nagkamayan pa silang dalawa at naibaling ng lalaki ang paningin niya sa akin.

Sa isang idlap pa ay umiba na naman ang aura niya. Ngayon ay may malawak na ngiti na siya and amusement was invisible on his gray eyes.

Tumaas pa lalo ang sulok ng mga labi niya at ako na iyong hinarap niya.

"Who's this pretty lady?" malambing niyang tanong kay Lervin at hindi ko nagustuhan iyon.

"My date," parang bored na sagot ng asawa ko.

"Hi, pretty lady. I am Kierson Mojeh, co-doctor of your date. But, Lerv, can we switch our date? I want her to be my date instead, tonight."

Humigpit ang kamay ni Lervin sa baiwang ko at nang silipin ko ang mukha niya ay hindi na maipinta, nagtatagis 'yong mga bagang niya.

"Lervin?"

"Fuck, Kierson, back off! She's just not my date," matigas na sabi niya at napataas ang kilay ng doctor.

"Hi, I am Arthea Primero," pagpapakilala ko sa sarili ko at tinanggap ko na 'yong palad niya na kanina pa niyang inaalok sa akin.

Lumawak lalo iyong ngiti niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"What a beautiful name, just like the owner..."

Namilog 'yong mga mata ko nang bigla siyang yumuko upang mahalikan niya ang likod ng kamay ko.

"Nice to meet you, Ms. Arth--"

"Mrs. de Cervantes. She's Arthea Primero-de Cervantes, Kier. My wife," malamig na sabi niya at napasinghap pa ang lalaki.

"No way..." hindi makapaniwalang saad ng lalaki. Umatras pa siya at pinasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa at tumgil na naman ito sa mukha ko.

Tapos nakaawang pa ang mga labi niya at sunud-sunod na umiling.

Tumikhim pa 'to at tiningnan na naman niya si Lervin.

"I thought, you are in to Jaickel's wife. Nakita ko pa kayo kahapon na magkasama, eh. Tapos--"

"Shut up, Kier."

Lumuwang ang pagkakahawak sa akin ni Lervin. Kumirot na naman ang puso ko sa narinig.

Lumayo ako ng bahagya sa kanya at hinarap ko si Kierson. Doctor din pala ang isang 'to. Halos lahat naman ng kaibigan ng asawa ko ay puro doctor.

Iyong Jillian na 'yon ay doctor din. Hindi ko lang alam kung ano ba ang specialist niya. 

Iyong father-in-law ko pala ay retard doctor na at ang mommy niya ay nagma-manage pa ng De Cervantes Chains of Hotel. 

Kaya siguro gusto ni Lervin na magkaanak na sa akin ay para may taga-pagmana na siya? 

"Oh, I'm not his wife. He's just invited me to be his date but...we don't have a relationship," I said while smiling. Lervin gritted his teeth.

"Really?" Muling sumilay ang ngiti niya at nahawa ako roon.

Nakaka-intimidate siya pero kung nakangiti na siya ay mahahawa ka na lang. Mas lalong lumabas ang kagandahang lalaki niya.

"Oh, come on. Doon tayo sa table namin," aniya at kinuha ko na ang kamay niyang nakalahad sa akin, walang pag-alinlangan 'yon. Basta sumama na lang ako sa kanya.

Bahagyang sinulyapan ko si Lervin. Napangisi ako nang makita ang expression ng mukha niya at bumaba ang mga mata ko sa nakakuyom niyang mga kamao.

Ganyan nga Lervin. Magalit ka. Maramdaman mo sana ang feelings na i-deny ka na asawa kita. I-deny ka na wala kayong relasyon. Nakakagalit man sa 'yo pero para sa akin ay tila dinudurog nito ang puso ko.

Wala kang ideya kung ano ang tunay kong nararamdaman sa tuwing sinasaktan mo ako.

Bago pa kami makalapit sa table niya ay may bigla nang humila sa braso ko at dahil malakas 'yon ay napasubsob pa ako sa matigas na dibdib ni...Lervin.

Nawindang ang utak ko nang makitang bumagsak na si Kierson sa floor ng hotel.

"Fuck off, man. You can't fucking have my wife," malamig at mariin na saad niya at hinila na ako pagkatapos.

***

PABAGSAK na sinara ni Lervin ang pintuan niya sa front seat. Napapikit pa ako roon dahil sa lakas.

Galit na galit na siya ngayon. No expression at masyado ng madilim ang aura niya.

Tinanggal na niya ang coat niya at tinapon 'to sa back seat. Sinunod niyang tinanggal ang necktie niya at binuksan ang dalawang butones n'on. At dahil tinupi na niya ang sleeves ng polo niya ay lumitaw ang mga galit na galit na ugat niya roon.

Mahigpit ang kapit niya sa manibela. Kaunting-kaunti na lang ay tila madudurog na niya 'to. Nagtataas-baba ang dibdib niya dahil sa mabibigat na paghinga niya.

Magulo na rin ang buhok niya sa paulit-ulit na pagsa-bunot niya sa kanyang sarili.

Tsk. Tsk.

Patay malisya na lamang ako at hindi na lang din ako kumibo.

Lumipas ang ilang minuto na tahimik lang kami sa loob ng sasakyan niya. Pero ang reaksyon niya? Walang pagbabago. Galit na galit pa rin siya. Gusto ko na sanang pagtawanan siya pero huwag na lang. Baka mas lalong magalit sa akin, eh.

"Uwi na tayo?" inosenteng tanong ko. Kunwari ay hindi ako aware na galit na siya.

Marahas na sinulyapan niya ako at inirapan pa ako.

"O babalik na tayo sa loob? Naghihintay na si Kierson sa akin, gusto niya raw akong maka-date. Switch na lang kayo, para hindi ka maging loner. Para saan ba ang party na 'yon? Nandoon din ba si Jaickel?" pagdadaldal ko sa kanya. Ang bigat na kasi ng atmosphere namin at nakaka-kaba na.

"Bakit? Para malandi mo rin si Jaickel?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin. Parang hinukay ang boses niya dahil sa lamig no'n.

I shrugged my shoulder at nilaru-laro ko pa ang mga labi ko. "Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang manglandi? Paalala ko lang sa 'yo, Mr. de Cervantes, you cheated on me not just once but several times," malamig na sabi ko at nakipag-titigan ako sa mga mata niya.

"Fuck you!" pagmumura niya sa akin at nag-kibit balikat na lamang ako. Bahala siya.

"Mas gusto ko si Kier. Mukha man siyang suplado, at least hindi siya cheater at mabait naman talaga siya. Hindi katulad ng iba riyan, ay ewan ko na lang," sabi ko at napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Close na ang entrance no'n, dahil malamang ay nagsisimula na nga ang party.

"Don't worry, Lervin babe. Someday, makakawala ka rin sa akin. Someday, matutupad na ang mga hiling mo na mawawala rin ako sa buhay mo. Someday, I'll be gone..."

Hindi siya kumibo, sa halip ay nag-maniobra na siya ng sasakyan niya 

Hinayaan ko na lamang siya. Wala naman kaming masyadong ginawa sa party na 'yon, kundi ang manggulo ay bakit bigla akong napagod?

Kahit iyong vision ko ay hindi na malinaw. Hindi ko alam kung kasama rin 'yon sa pagod ko. Pero hindi na talaga malinaw. Napahawak ako sa seatbelt ko pero nadulas lang 'yon. Nanginig bigla ang mga kamay ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

Tumunog ang ringtone ng cellphone ko at nasa paanan ko 'yon. Kahit blured na iyong vision ko ay inabot ng mga kamay ko ang purse ko at nakapa ko 'yon. 

Natakot ako nang dumulas din ito sa kamay ko. Ano'ng nagyayari? Ano'ng nangyayari sa akin?

Heto na naman ang stange moves ko.

Hinayaan ko na lamang mag-ring nang mag-ring ang phone ko. Ayokong makita ako ni Lervin na may hindi magandang nangyayari sa akin.

Natatakot akong malaman niya. Pinikit ko ang mga mata ko at sumandal na lang sa upuan ng front seat.

"W-where...are we going?" nauutal kong tanong. Kahit ang pagbigkas ko ng mga kataga ay nahihirapan ako.

Gumalaw-galaw pa ang lalamunan ko at sumikip ang dibdib ko.

"Baguio City..."

#GS1:SIBG