Chapter 19:Party
"HINDI ba't binigyan mo 'yon ng injury sa paa, Art? Mukhang magaling na ang bruha," Shin commented and I shrugged my shoulder.
"All about that snake, I don't care," malamig na wika ko.
"And you forgot that my husband is a doctor? Nasa kanya ang asawa ko."
"Don't worry, sa 'yo naman siya umuuwi."
"Sana nga..." I whispered.
Nakatayo lang kami ni Shin sa gitna ng hospital. Malamig sa loob dahil sa aircon. Amoy gamot din at iba pang mga kagamitan nila rito.
Maraming pasyente, mapa-bata man at matanda. May mga naka-whelchaire at tinutulak ng mga nurse at kamag-anak nila. May nakaaalalay. May nagku-kuwentuhan.
Ganito ang buhay mo bilang pasyente. Halos maging tahanan mo na ang hospital.
Naalala ko ang kalagayan ko. What if may sakit nga ako? What if darating ang panahon na magiging pasyente rin nila ako?
I can even pictures myself out. Lying on the hospital bed, with dextrose.
I deal with the doctors and nurse, deal with the medicine. Visiting me by my daddy-lo. He bought me a basket of fruits and flowers.
At malungkot na titingnan nila ako na tila naaawa sila sa kalagayan ko.
I am afraid. I don't want to experience that. It is a nightmare for me.
***
IT WAS Sunday morning at walang klase. Nasa bahay lang ako at inabala ko lang ang sarili ko sa pagbabasa ng paborito kong genre na fantasy.
Do you remember the book that we bought at the Bookstore? Iyong naabutan kami roon nina Lervin at ngayon ko lang mababasa ang librong binili namin.
Tapos hindi kinuha ni Shin ang book niya. At curious naman ako about sa book na 'to. May pagka-romance naman ang fantasy pero hindi katulad ng romance talaga ang genre ay may pagkakaiba naman sila.
And one thing I found myself? Nagbabasa na ako sa librong binili ni Shin.
6 pm na ng hapon nang i-check ko ang wall clock namin sa loob ng kuwarto ko. Kuwarto ko na kasi hindi na rito natutulog si Lervin pero nandito lahat ang mga gamit niya at dito lang din siya naliligo.
Bumukas ang pintuan at akala ko isa lang katulong namin na baka nagdala ng lunch ko. Hindi kasi ako lumabas upang kumain ng lunch ko.
Kasi baka nandiyan si Levin. Ayokong makausap siya. Iniiwasan ko nga rin, 'di ba?
Napatingin ako sa kanya. Malamig ang mga mata at walang emosyon.
Nilapag niya ang paper bag sa paanan ng kama at nakapamulsang tiningnan ako.
"Wear this gown, you are my date tonight. We are going to the party and I don't accepting a no," he said giving me no choice.
Binaba ko ang librong binabasa ko sa study table ko at naglakad palapit sa kama.
Dalawang paper bag ito at ang isa ay may lamang box. Kinuha ko 'to para tingnan ang laman.
Namangha ako nang makita ko ang nakatuping gown. Half shoulder bloody red evening gown. Mukhang mamahalin kasi makintab ang cloth niya at may mga kristal pa ang naka-desinyo.
Umangat ang isang kilay ko sa naisip. Siya kaya ang pumili nito? Kung siya man ay may taste pala siya sa dress ng mga babae. Sa pangalawang paper bag ay ang red three inches sandals. May maliit na box pa at nang binuksan ko 'to ay tumambad sa akin ang one set of accessories.
A beautiful necklace, earnings, ring, bracelet and a red wrist watch. Terno sa dress ang accessories.
Pinaghandaan talaga. Bakit naman kaya ako pa ang naisipan niyang i-date sa party na 'yon? At ano'ng party ba 'yon?
Required ba na ako ang sasama at hindi ang Jillian na 'yon ang dalhin niya sa party? May iba naman kasing mga tao na hindi alam na kasal na si Lervin.
7 pm na ng gabi at tapos na akong naghanda para sa sarili ko.
Nasa tapat ako ngayon ng malaking salamin at kitang-kita ko ang kurba ng katawan ko. Kasyang-kasya sa akin ang dress at parang sinukat nga.
Dahil maikli lang naman ang buhok ko ay nilagyan ko na lang 'to ng red na hairclip na may desinyong bulaklak. Mahilig ako sa hairclip.
Naghanap na rin ako sa closet na puwedeng i-partner sa bloody red evening gown ko. Red purse. Pulang-pula ang aura ko ngayon, maski ang lips ko ay nilagyan ko rin ng red lipstick. Kinapalan ko rin ang paglalagay ko at ang make-up ko.
The good thing is marunong akong mag-ayos sa sarili ko. Marunong akong gumamit ng girl's stuff.
Bumukas ang pintuan at pumasok doon ang asawa ko. Hindi ko siya tiningnan ha? Mula lang sa gilid ng mga mata ko kaya nakita ko na siya ang pumasok.
"Can you help me with this, baby?" Pesteng baby na 'yan at ang boses niya.
Humarap ako sa kanya at halos mahulog na naman ang panga ko sa sahig. God, he is so freaking hot gorgeous. Naka-red suit siya at hindi pa naaayos nang mabuti ang red necktie niya.
Guwapong-guwapo talaga siya ngayon. Maayos din ang pagkaka-suklay ng buhok niya.
"Like what you see, baby?" nakangising sabi niya at ngali-ngali kong ihampas sa kanya ang purse ko. Tse!
"I know that I am handsome, baby. But please, help me to tie this necktie on my neck. And if you continue staring at me, we are going to be late," aniya at punung-puno ng kayabangan sa boses niya.
"You are so full of yourself, Mr. de Cervantes. Hindi lang po ikaw ang pinaka-guwapo sa balat ng lupa," malamig na saad ko at napaismid siya dahil do'n.
Inabot ko ang necktie niya at napalakas ko yata kasi napalapit siya sa akin.
"That's hurt," komento niya. Hindi ko siya pinansin at inayos ko na lang ang pagkakatali nito.
Masyadong malapit ang katawan namin sa isa't-isa at ramdam ko na naman ang init no'n.
Ramdam ko ang mga titig niya sa akin at iyong braso niya ay unti-unti na niyang pinulupot sa baiwang ko. Patay malisya lang sa mga moves niya.
"Hayan tapos na," may pagkairitang sabi ko.
"You are so damn beautiful, baby..."
Hindi ko pinansin ang compliment niya sa akin at inirapan ko na lamang siya.
Napaka-tamis talaga ng dila niya at minsan pa ay matabas.
Napaigtad ako nang bigla niya akong halikan sa kaliwang braso ko. Tumindig lahat ang balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Sa tingin napunta lahat ang dugo ko sa ulo ko at ramdam ko ang pang-iinit sa magkabilang pisngi ko.
Half shoulder lang ang dress ko, kaya natural na naka-expose ang kaliwang braso ko.
Iyong mainit niyang labi ay naglandas pa lalo patungo sa balikat ko at huminto ito sa leeg ko.
Shit!
Tinulak ko na siya bago pa man na may gawin siya sa akin. Alam kong gustung-gusto na niyang magkaroon ng anak sa akin pero ano siya? Sinusuwerte?! Mahal ko lang siya at hindi ko siya pagbibigyan sa nais niya.
"Isang halik lang naman, napaka-damot mo," parang batang sabi niya at nanulis ang nguso niya.
Seriously? Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya. Tila bata kung magtampo.
Tinaasan ko siya ng kilay at napaiwas siya nang tingin sa akin pero sinabayan pa niya ng pag-irap.
"Gusto mo bang ma-late tayo?" naiiritang tanong ko sa kanya.
Hindi siya umimik. Pinasadahan niya ang buhok niya na gamit ang kanyang mga daliri kaya nagulo ang buhok niya.
"Kung mahahalikan lang kita ngayon ay ayos lang kung ma-late tayo sa party," nagtatampo pa rin niyang sabi.
"Stop sugarcoating me, Mr. de Cervantes," matigas na sabi ko.
"Okay Mrs. de Cervantes, come on."
Inilahad niya ang braso niya sa akin at iyon na nga ang ginawa ko saka kami lumabas sa loob ng kuwarto.
__________________________
Huminto ang sasakyan ni Lervin sa Five Star Hotel. Nasa tapat na kami ng entrance ng hotel at may red carpet pa.
Parang may mga celebrities ang dadalo dahil sosyal talaga ang party na ito.
May mga nakaabang pa na media sa labas. Para saan naman kaya ang party na 'to?
Naunang bumaba mula sa kotse si Lervin at umikot siya sa gawi ko.
Bigla akong kinabahan. Hindi ito ang unang beses na nakadalo ako sa party. Madalas akong isama ni daddy-lo pero hindi pa rin ako nasasanay. Kabadong-kabado ako. Parang hindi lang ito bastang-bastang party lang. Dahil tiyak na maraming mga mahahalagang tao ang guess nila.
Bumukas ang pintuan sa front seat at bumungad sa akin ang guwapong-guwapong mukha ng asawa ko.
Nanuot sa ilong ko ang manly perfume niya. D*mn, he smells good.
Naglahad siya kaagad ng kamay sa akin at napatitig ako sa mga malalamig niyang mata. Para akong hinihigop nito at nakakapanghina ng tuhod.
Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko at may paruparo na naman sa loob ng tiyan ko. Ganito kalakas ng epekto niya sa akin.
"Nervous?" untag na tanong niya sa akin.
Napahinga ako nang malalim bago sumagot. "Yeah, a little bit."
"Don't worry, baby. Nasa tabi mo lang ako," aniya.
Tipid na ngumiti na lamang ako at inabot ko na ang kamay niyang nakalahad sa akin. Sobrang init ng kamay niya at nakaramdam ako ng comfort doon.
maingat na inalalayan niya akong makababa sa kotse at pagtapak ko lang sa red carpet ay dumausdos na ang kamay niya sa baiwang ko.
Binalot ako ng mainit na katawan niya at doon napawi ang nararandaman kong kaba.
Sobrang lapit ng katawan namin sa isa't-isa and I can even feel his breath on my neck. Oh, God!
"Smile, baby..." bulong niya malapit sa tainga ko at kasabay ng pag-flashed ng light ng camera.
Mas humigpit ang pagkakapit niya sa baiwang ko at hinila pa niya ako palapit sa katawan niya.
"Let's go inside..."
#GS1:SIBG