Chapter 18:Dr. Even (check up)
"BE CAREFUL next time, Art. Una, nagkasugat ka sa baba mo tapos ngayon nagalusan na naman ang mga tuhod mo. Sa pagkakakilala ko sa 'yo ay hindi ka naman clumsy," ani Shin.
Kasalukuyan na kaming naglalakad palabas ng school.
Umuwi na sina Lervin kanina at hanggang ngayon ay gumugulo pa sa utak ko ang mga sinabi niya.
He want a child with me? Bakit hindi si Jillian ang anakan niya? Napahinto ako sa paglalakad ko nang tila may kamao ang pumiga sa puso ko.
Pinilig ko ang ulo ko, iyon na ang pinaka-masakit na pumasok sa ideya ko ang pagkakaroon ng anak niya sa babaeng ahas na 'yon.
Pero bakit nga ba nais niyang magkaanak sa akin? Tapos parang may hinahabol siya na kung ano. Hindi ko na talaga siya maintindihan.
Magiging cold siya sa akin at hindi ako papansin pero kapag sinusumpong ay magiging sweet siya at magiging harsh din at the same time.
"May problema ba, Art? Why did you stop walking?" Shin asked me worriedly.
Ngingitian ko na sana siya at sasagutin na ayos lang ako pero umatras siya. Tinaas niya ang kanang palad niya para sinyales na tumahimik ako.
"Hindi ako manhid, Art. Hindi ako bobo para hindi ko malaman ang mga nagyayari sa 'yo these past few days. Do you think I am numb that I can't noticed that, there is something wrong with you. Not just emotionally but physically too. Art, admit it." She made sure that she's too serious to said those words, that's make me nervous. She's genius, I know that.
"Ewan ko rin, Shin. I don't know why I feel this strange feelings," sagot ko sa malungkot na boses at napahinga pa ako nang malalim.
"Art, what if magpa-check up ka sa doctor? I'll go with you," mahinahong saad niya at hinawakan pa niya ang kamay ko nang sobrang higpit.
Nanginig bigla ang kamay ko at tila maiiyak ako. Magpa-check up? I am afraid. Paano kung may mali rin na nangyayari sa katawan ko? Ah, I am too scared to know that.
"I don't know, Shin. N-natatakot ako."
"Don't. Mas nakakatakot na hindi mo alam ang nangyayari sa 'yo. Art, you are my bestfriend. Mahal kita kasi ikaw ang unang naging kaibigan ko sa school na ito. Ikaw ang unang taong hindi ako hinusgahan at hindi tumitingin sa mga nakaraang nanggari sa akin. Ikaw ang unang taong nagparamdam sa akin na hindi lang ako ang babaeng itatapon lang kung pinagsawaan ng karamihan. Mahal kita at mahalaga ka sa akin," aniya at nangingilid na rin ang mga luha niya.
Naantig ang puso ko. Natutuwa ako at hindi ko na rin namalayan sa sarili ko na naiiyak na rin ako.
"S-sige. Magpapa-check na ako and please, stay with me. Huwag mo akong iwan doon."
"Hinding-hindi. Salamat, Art. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin kapag nawala ka. For God's sake, I can't lose you, Art."
"Thank you, Shin."
"No problems, that at least I can do as your bestfriend," nakangiting sabi niya at inabot ko ang pisngi niya para tuyuin ang luha niya.
"Ang panget mo pala kung umiyak, bestfriend. Don't cry again, ang panget mo talaga," natatawa kong sabi.
"Gaga!" Nagtawanan na lang kami ni Shin.
DE CERVANTES HOSPITAL
Hindi ba dapat hindi ako rito magpapa-check up? Kasi hospital 'to ng asawa ko. Hindi malabo na baka makita ko siya at baka kung ano na naman ang makikita ko ngayon na hindi ko magugustuhan.
I looked at Shin when she squeezed my hand and she gave me her sweet smile.
"You can keep this secret, right Shin?" I said.
"Yes, I'm your bestfriend. Expect me that I am your side para pagtakpan ka. So, puwede na ba tayong pumasok ngayon? At hanapin si Dr. Cheng that you were talking about, yesterday?"
Nai-kuwento ko na rin sa kanya si Dr. Taking Cheng. Na iyon ang unang nag-suggest sa akin para magpa-check up na. Natural na hindi ko talaga nagustuhan 'yon. Kasi alam kong healthy naman ako. Wala akong sakit at ayokong magkaroon ng malubhang sakit kung sakali man.
Sana magiging ayos lang 'to. Sana hindi tama ang mga naiisip ko na posible ngang may abnormalities akong nararamdaman.
Naglakad na kami papasok ni Shin at magtatanong na sana kami para hanapin si Dr. Cheng, pero siya na rin ang nakita namin at napangiti pa nang makita kami.
Ang singkit niyang mga mata ay mas lumiit pa. Naka-suot siya ng doctor's robe at mas lumabas talaga ang kapogian niya.
"Sabi ko na nga ba, pupunta ka." Ang lawak ng ngisi niya.
Nang silipin ko ang mukha ng kaibigan ko ay nakataas ang kilay niya. Isa lang ang ibig sabihin no'n. Hindi niya nagustuhan ang pakikitungo sa amin ng doktor at ayaw niya sa ugaling parang mayabang? Ganoon.
"Come with me, pretty girls," aniya saka siya naglakad.
Nagkatinginan kami ni Shin at nagkibit-balikat lang kami saka sumunod sa maangas na doktor na 'yon.
___________________________________
"This is Dr. Evenna Baudelaire, she is neurologist doctor." Pagpapakilala ni Dr. Cheng sa magandang babaeng nasa tabi niya.
Nasa loob na kami ng office nila at mukhang kanina pa naghihintay ang isa pang doctor na kilala niya.
She's intimidating but it seems, friendly naman. She flashed her beautiful smile.
"Hi, I am neurologist doctor. You can call me, Dr. Even," pagpapakila naman niya sa sarili niya.
Ang ganda-ganda talaga niya. Kahit ang boses niya ay ganoon din. Parang magkasing edad lang sila nina Lervin. Maamo ang maganda niyang mukha at may kahabaan ang maalon-alon niyang buhok. Maputi rin siya at matangos ang ilong.
Inabot namin ni Shin ang palad niya para makipag-kamay sa kanya.
"I am Arthea, and this is my bestfriend, Sh--Cashren Jhed." Muntik na ako roon, ah! Sekreto pa naman nina Shin ang tungkol sa totoo niyang identity.
"Nagagalak akong makilala kayong dalawa," she said.
"So, let's proceed to our check-up?" she added at tumango na lang ako bilang tugon ko.
Umupo ako sa visitor's seat at kinausap na muna niya ako, tungkol sa mga nararamdaman at nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw.
Kinuwento ko 'yon lahat at mataman lang siyang nakikinig. Pagkatapos no'n ay pinasuot ako ni Dr. Cheng ng kasuotan ng mga pasyente.
Kinakabahan man pero tinatagan ko ang loob ko.
Kasalukuyan na akong pinasok sa CT scan at nakapikit ang mga mata ko. Ramdam ko ang init ng CT scan.
May lakas ng loob din ako dahil alam kong nandiyan lang si Shin. Nandiyan lang siya at tahimik na nanonood lang sa akin.
Wala pa mang resulta ay natatakot na ako. Pero tama si Shin. Mas nakakatakot kung hindi ko malalaman ang tungkol sa mga nararamdaman kong ito.
_____________
"Okay naman ang blood pressure mo, iyong heartbeat ay normal naman. Maliban na lang sa mga strange moves mo. Sa next week pa natin malalaman ang test result mo sa CT scan dahil pag-aaralan pa namin 'to at kung may lalabas man na resulta at magiging positive na may sakit ka nga ay puwede ka ring bigyang test ulit. May co-doctor pa kami na puwedeng makakatulong sa 'yo, Miss Arthea," nakangiting pagpapaliwanag niya.
Kinabahan ako lalo dahil wala pang resulta. Pero maghihintay na lang kami.
"Don't worry, kung ano man ang lumabas sa test result mo ay nandito lang kami. We are doctors and we save lives," ani Dr. Cheng at sa unang pagkakataon ay napangiti niya ako.
Gumaan ang bigat sa dibdib ko.
Sana negative na lang ang lalabas sa test result ko. Nakakatakot talaga kapag malaman ko na may sakit ako.
"Thank you so much," nakangiting pagpapasalamat ko.
"You can come again next week, Miss Arthea."
Pagkatapos no'n ay nagpaalam na kaming umalis ni Shin. Bago pa man kami tuluyang makalabas nang mahagip namin ng tingin si Jillian.
Hindi maipinta ang mukha nito at tila naiinis. Malalaki ang mga hakbang nito at nakakuyom ang mga kamao.
"I wonder what happens to her," naiiling na sabi ni Shin sa tabi ko.
GS 1:SIBG