Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 16:Stranger

Arthea Primero-de Cervantes POV

"I don't want to be rude, Mr. Hindi talaga kita kilala, eh."

Matapos ko 'yong sabihin ay hinila ko na palayo ang kasama kong doktor.

Dinala ako nito sa loob ng office niya at may mini bed doon para sa mga pasyente niya.

Napatingin ako sa table niyang may placard kung saan nakasulat doon ang pangalan niya.

Dr. Taki O. Cheng.

"I am Dr. Taki Cheng. Half Chinese and half Filipino. My specialist is a cardiologist," nakangiting pagpapakilala niya sa akin.

Halatang may lahi siyang Chinese. Singkit kasi ang mga mata niya at maputi rin siya. Pointed nose, wew, a perfect face I guess.

Saglit na nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. 

"Gamutin na natin 'yan," aniya at kumuha siya ng medicine kit.

Umupo siya sa tabi ko at sinimulan niyang gamutin ang sugat ko sa baba ko.

"Bakit may pasa sa pisngi mo?" curious na tanong niya.

Feeling close siya pero hindi naman 'yon kaduda-duda. Dahil doktor siya. Normal na sa kanya ang maging feeling close.

Pero pamilyar siya. Parang nakita ko na siya sa somewhere. Kaso hindi ko matandaan.

"Na-out balance kasi ako kanina sa school," nahihiyang sagot ko.

"May bakas ding dugo sa ilong mo. Don't tell me, nag-nosebleed ka rin?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin.

"Then, I won't tell," sabi ko at tinaasan ko rin siya ng kilay na ikinatawa niya.

"Madalas ka bang ma-out balance o sadyang clumsy ka lang talaga?"

Ayoko sa tanong niya 'yon. Dahil obvious na hindi naman kasi 'yon katanungan. Tss.

Napatikhim ako at inalala ko ang mga kababalaghang nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw.

"These past few days, I felt my body strange. Hindi po ako clumsy, doc. Pero madalas akong nawawalan ng balanse. Tapos alam mo ba ang feeling na iyong gusto mong igalaw ang mga paa mo ay hindi mo magawa?" naguguluhang sabi ko.

"Tell me more..."

"Honestly, hindi talaga ako nadapa lang. Natamaan ako ng bola pero may oras pa naman akong tumagilid para iwasan ang bolang 'yon. But I can't. Namanhid bigla ang katawan ko, gusto kong iwasan 'yon pero tila napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. And after that...nawala rin ang pandinig ko..."

"I suggest you na magpa-check up."

Napaangat ang tingin ko sa sinabi niya 

"Ano?"

"Magpa-check up ka," aniya at hindi ko namalayang tapos na niya akong gamutin. May malaking band-aid na rin ako sa baba ko.

"Why would I? Sinasabi mo bang may abnormalities akong nararamdaman?" walang emosyong tanong ko sa kanya.

"Yes. Hindi normal ang ganoon, Miss. May mga pasyente na rin akong na-encounter na ganyan sa States. Hindi biro ang sakit na 'yon."

"I'm not sick!" sigaw ko sa kanya at tumayo ako.

Tinulak ko pa siya para makadaan ako.

"You need to..."

"No..."

Bumukas bigla ang pintuan at iniluwa roon si Lervin. Bigla na namang kumirot ang puso ko.

Nilampasan ko siya pero hinuli niya rin ang braso ko.

"Let me go!"

"Let's talk..."

Umiling ako sa sinabi niya at inagaw ko sa kanya ang braso ko. Saka ako lumabas sa loob ng office ni Dr. Cheng.

Naabutan ko naman sa labas si Jillian. Matalim ang mga matang nakatingin sa akin.

Mukhang ayos na siya ngayon, ah. Pantay-pantay na rin ang maikli niyang buhok.

Lumapit ako sa kanya at bigla siyang napaatras. I smirked because of her reaction.

"Scared? Dapat lang kasi darating ang araw ay iiwan ka rin ng asawa ko," mariing sambit ko at binunggo ko pa siya.

"Arthea!" pagalit na tawag sa akin ni Lervin pero tuluy-tuloy pa rin akong naglakad palayo roon.

"Babe... Huwag mo na siyang habulin," dinig ko pang sabi ng ahas.

"Shut up!"

Wow, nakakagulat. Sinigawan pa niya ang ahas niya.

Nakarating ako sa parking lot at mabilis na sumakay sa kotse ko.

Kinalabog pa niya ang bintana ng kotse ko at sinusubukang buksan 'to. Pero hindi niya magawa.

I maneuver my car away from that hospital. Nakaka-suffocate roon. Ang daming plastik na tao at mapanglinlang.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay namin. Pagkalabas nang pagkalabas ko lang ay may huminto na kaagad na kotse.

Napaismid ako. Talagang hinabol pa niya ako at iniwan niya ang babaeng 'yon?

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay hinila na naman niya ang braso ko. At ngayon ay sobrang higpit na. Tila ayaw na niya akong makawala sa mga hawak niya.

"Ano ba?! Ang hilig mong manghila!" sigaw ko sa kanya. Walang reaksyon. Nanatiling malamig ang mga matang tinitigan ako.

"What was that?! Bakit mo sinabi na hindi mo ako kilala?!" sigaw niya rin sa akin pabalik.

Pilit na kumakawala ako sa hawak niya pero hindi niya ako hinayaan. Mas inilapit pa niya ako sa katawan niya.

Ang bilis-bilis na nang tibok ng puso ko at nag-iinit na talaga ang ulo ko.

"Bakit hindi ka na lang bumalik sa asawa mo?! Hindi ba at sinabi mo sa mga staff mo sa hospital na asawa mo ang babaeng ahas na iyon?!" sigaw ko at hinabol ko pa ang sarili kong hininga.

Hindi siya nakakibo at umiba na ang emosyon sa mukha niya.

"Ang galing mo rin, ano? Nagmukha akong tanga roon, Lervin. Nagpakilala pa ako sa babaeng nasa counter na asawa mo ako! Pero may ipinakilala ka na pa lang asawa mo! Hindi ako na-inform na si Jillian pala ang asawa mo!"

This time hindi ko na napigilan ang bumagsak ang mga luha ko at nanghihina na naman ang mga tuhod at binti ko.

Napabitaw siya at iyon ang pagkakataon na naitulak ko siya. Gamit ang daliri ko at tinuro ko ang mansiyon sa tabi lang ng bahay namin.

Napatingin siya roon. 

"Pinalampas ko 'yon, Lervin. Nagkunwari akong walang alam. Kahit niloloko mo na ako ay nagbingi-bingihan ako. Nagbulag-bulagan ako sa katotohanan, Lervin. P-pero...p*tang in* mong g*g* ka! Napakasama mo!" naiiyak na sigaw ko at lumipad ang palad ko sa pisngi niya.

Napaatras siya dahil sa sampal kong 'yon. Naibaling pa niya ang ulo niya sa kanan.

"Una, 'yong condo. Tapos 'yang mansiyon! Pinatira mo pa siya sa bahay natin at nasa iisang silid pa kayo! You didn't respect me as your wife, but at least respect me as a person! I hate you, Lervin..."

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong sumikip at nahihirapan na naman akong huminga.

"Ano?! Magsalita ka! Magsalita ka riyan!"

"I'm sorry..."

Kumawala sa mga labi ko ang mapang-insulto kong tawa dahil sa sorry niya.

"Do you think, Lervin. I'll buy your sorry, again? How many times you say that to me pero paulit-ulit mo lang akong sinasaktan. Paulit-ulit mo lang dinudurog ang puso ko!" bulyaw ko sa kanya at pinaghahampas ko na siya sa kanyang dibdib. 

Hinayaan niya lang ako. Hinayaan niya lang akong saktan siya.

"I hate you! Kung g-gusto mong pakasalan ang babaeng 'yon ay gawin mo! Gawin mo and we should file an annulment."

"No..."

"You can't do that, Arthea."

Iyong luha ko ay biglang tumigil. Hindi na rin naging normal ang tibok ng puso ko. Pero 'yong galit ko? Sagad na sagad. Nakakagalit.

"Asshole!" I cursed him.

"Cursed me, all you want. But you can't divorce me, baby. You stucked with me," he said, he made sure that he's serious when he said that words.

I want to laugh again. What a jerk!

"Stucked with your ass!"

I pushed him again away from me but this time, hindi na siya nagpatinag. He grabbed my waist at nilukumos na ako ng mariin niyang halik.

Saglit lang 'yon pero mariin na kinagat pa niya ang pang-ibabang labi ko. Nalasahan ko pa ang dugo roon.

"F*ck you!"

"Tandaan mo 'to, Arthea. Hinding-hindi kita hihiwalayan. Hindi pa ngayon. I'll stay with you, from now on. It's okay if you ignore me, as if we are strangers." 

After that he left me...

GS1:SIBG