Chapter 14 - Chapter 13

~The Wife's Right ~

"HOW dare you?! Mananagot ka kay Lervin!" galit na galit na sigaw niya at namumula na ang mukha niya.

Napatawa na naman ako. Dahil sa nakakatuwa siya ay napahawak pa ako sa tiyan ko.

"Are you still thirsty, sweetie?"

"Isusumbong kita kay Lervin!" parang batang sabi niya at kahit basang-basa siya ng tubig ay alam kong luha na ang nasa pisngi niya.

"I'm scared, sweetie," sabi ko and I acted that I am scared.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi niya at ikinagulat niyo 'yon.

"Ang kati na ng palad ko, sweetie. Matagal ko na sanang dapat gawin 'yon, eh. Pero wala pa sa tamang panahon," nakangusong sabi ko at walang sabi-sabing hinila ko ang mahaba niyang buhok.

"AHH!"

Nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ko sa kanya pero hindi niya magawa. May dugo na rin siya sa gilid ng labi niya, dahil 'yon sa sampal ko.

"AHH! Let go of me, b*tch!"

"Come on, Jillian. We are just playing. Don't be kill joy, f*cking snake!" sigaw ko rin at malakas na hinila ko siya patungo sa sink.

Hanggang baiwang lang ang sink kaya nagawa kong itapat ang ulo niya sa gripo ng tubig at binuksan 'yon.

"Arthea!"

"Paliguan lang kita, f*cking snake," natatawang sabi ko at ginulo ko pa lalo ang buhok niya.

Dinig na dinig ko na ang hikbi niya pero hindi ako naaawa roon. She deserved it, right?

Sumabit sa mga daliri ko ang p*steng buhok niya at kinainis ko 'yon.

Napatingin ako sa drawer at napangisi.

"You don't mind if I cut your hair, sweetie?"

"What?! Don't you f*cking dare, Arthea! Bitawan mo ako!"

She's weak, too weak para makawala sa akin. Puro salita lang siya. Pero sa physical ay ang weak na niya.

Gamit ang libre kong kamay ay inabot ko ang gunting at pinutol ko ang mahaba niyang buhok.

Pasalamat siya hanggang leeg lang. At dahil malikot siya ay aksidenteng nasagi ko ang daliri ko.

"D*mn you! Sobrang likot mo!" sigaw ko sa kanya at malakas na hinila ko ulit ang buhok niya.

Tanging pagsisigaw lang namin ang maririnig sa kabahayanan.

Pagkatapos nang ginawa ko ay muli ko siyang hinila palabas.

Tinulak ko siya at napasubsob pa siya sa damuhan. Pasalamat ka snake may damuhan pa.

"What is the wife's right, Jillian? Ako? Ako pa ang kakalabanin mo? Saka, hindi ako matatakot sa asawa ko. Hinding-hindi. Kasi alam ko na luluhod din sa akin si Lervin. Luluhod siya na akala mo ako ang Diyos," malamig na sabi ko.

Nakadapa lang siya sa damuhan na akala mo isang mermaid.

"Puro ka salita. Pero ang weak mo naman," sabi ko at lumuhod ako.

Inangat ko ang mukha niya na gamit ang paghila ko sa buhok niya.

Napaigik siya sa sakit. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa mag-asawang sampal ko sa kanya.

"Gusto mong tuluyan kitang bigyan ng injury sa paa?" mala-demonyong tanong ko. I didn't wait her to answer dahil sinipa ko na siya sa binti niya.

"AHH! F-F*ck you, Arthea!" impit na sigaw niya.

"F*ck you too, Jillian. Do you think, I give a d*mn about my husband? No, sweetie. Sa akin pa rin siya babagsak. Ikaw na ahas ka? Dapat nasa forest ka hindi nasa city."

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas niya at napatayo pa siya. Nga lang paika-ika pa siya.

Humakbang siya palapit sa akin at hinuli ang braso ko.

"YOU B*TCH, hinding-hindi 'to palalampasin ni Lervin ko. Hindi ba't binalaan ka na niya?" tanong niya sa garalgal na boses. Bumaon ang kuko niya sa balat ko.

Napangisi ako. "Lervin mo? Lervin mo? Kailan pa naging iyo si Lervin? Isang masamang ahas?" mapangkutyang tanong ko sa kanya at malakas na sinampal ko ulit siya.

Napabitaw siya sa akin pero hindi ko napaghandaan ang pagtulak niya sa akin.

Heto na naman ang pakiramdam. Ang pakiramdam ko na hindi na naman ako makakagalaw. Tila biglang na paralisado ang buong katawan ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at handa na akong bumagsak sa damuhan pero ilang saglit ang nakalipas ay walang nangyari.

Sa halip naramdaman ko ang pamilyar na init ng isang katawan. Ang makikisig niyang braso na naka-pulupot sa baiwang ko. Ang mainit at mabango niyang hininga na tumatama sa leeg at tainga ko.

Ang pamilyar na presensiya niya. Ang isang presensiya na nagagawa nitong patibukin ang puso ko. Nagagawa nitong pakabugin nang malakas ang dibdib ko.

Tumindig ang balahibo ko at tila may paruparo ang lumilipad sa loob ng tiyan ko.

Ang lalaki na siyang iniibig ko. Ang lalaking walang iba kundi ang asawa ko.

Si Lervin...

Sumalubong sa akin ang malamig niyang mga mata.

"L-lervin..." tawag sa kanya ng masamang ahas at dinig na dinig na ang malalakas na hikbi niya.

At iyon ang dahilan kung bakit kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya.

Nagawa ko pa siyang itulak at napatiim bagang siya. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

"So, here come your lover," nakangising sabi ko.

Nanatili siyang nakatitig sa akin at mula sa gilid ng mga mata ko ay nakaluhod na si Jillian.

She's the best actress. I can say that.

"Lervin...look what she have done to me," naiiyak niyang sabi.

Umiwas nang tingin sa akin si Lervin at humakbang palapit kay Jillian.

Nakasunod ang mga mata ko sa kanila. Nakita ko pa ang lihim na pagngisi sa akin ni Jillian. Na para bang sinasabi niyang panalo siya at nasa kanya pa rin ang huling halakhak.

"Can you stand?" tanong ni Lervin sa mahinang boses.

Naikuyom ko ang kamao ko at nagtatagis na rin ang mga bagang ko.

"Lerv, I can't. May injury nga ako, eh," pabebe pa niyang sagot. But Lervin ignore her.

Buong lakas na pinatayo siya nito na ikinagulat ng ahas.

"Lervin!" gulat na sambit niya sa pangalan ng asawa ko.

"You are fine, Jillian. Wala ka namang injury," mariing sabi ni Lervin at nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa asawa ko.

"W-what? Lerv--"

"Umalis ka na. Umalis ka na Jillian. Ayoko sa lahat ang niloloko lang ako," nalamig na bigkas niya.

Nangingilid ang mga luha ng ahas at dapat matuwa ako dahil pinapaalis na siya ni Lervin. Pero bakit hindi ko 'yon maramdaman!

"Lervin...alam mo--"

"Na hindi ka naman tinulak ng asawa ko!" pagpuputol nito kay Jillian. Napaigtad pa sa gulat ang gaga.

"No Lerv--"

"Just f*cking leave!"

MABILIS na hinubad ni Lervin ang coat niya at malakas na binato niya ito kay Jillian.

"Leave my f*cking house, Jillian. Don't ever show your face to my wife!"

Natatarantang umalis ito pero kaagad naman niyang kinuha ang binatong coat sa kanya ni Lervin. Umiiyak pa ang gaga. Patakbong umalis siya at naiwan kaming dalawa ni Lervin na hindi nagkikibuan.

Nakuha niya ang atensiyon ko nang humakbang siya palapit sa akin pero kaagad na akong umatras.

"Don't come near me!" sigaw ko sa kanya, habang dinuduro ko pa siya.

"Baby..."

"Don't call me that!"

"I'm so sorry, baby..."

Hayan na naman, hayan na naman ang nagmamaakawa niyang boses. Alam na alam niya talaga kung paano ako paamuin.

"I'm so sorry, baby. H-hindi ko alam na hindi naman ikaw ang nagtulak sa kanya," may pagsusumamong saad niya.

"But you were accusing me! Dapat magalit ka! Dapat magalit ka sa akin dahil sinaktan ko na ang babae mo! Have you seen her red face?! I even cut her hair! I kicked her too! Dapat magalit ka, eh!" sigaw ko sa kanya pero umiling lang siya.

Mabilis na kinain niya ang distansya namin at kinulong na naman niya ako sa mga bisig niya.

Doon na ako napaiyak. I-iba ang nararamdaman ko. Hindi ito 'yong galak dahil ako ang pinili niya. Dahil may pakiramdam ako na panglilinlang lang 'to.

Ilang beses na ba niyang ginawa 'to? Ilang beses na ba niya akong nilinlang? Ilang beses na niya akong pinaasa?

Mahal ko siya. Mahal na mahal. At masama bang maging marupok ako ngayon? Masama bang manglimos ako ng pagmamahal mula sa kanya?

Maaari ko rin bang maramdaman kung paanong mahalin ng isang Lervin de Cervantes?

Puwede ba akong humiling na sana ako naman? Na sana ako naman ang mahalin niya?

Masama bang humiling na ako na lang ang mahalin niya at huwag na ang babaeng iyon?

Kahit alam kong panlilinlang lang at isang ilusyon lang ang ipinapakita niya sa akin ay puwede ko bang yakapin na lang iyon lahat?

Dahil ang sakit-sakit na kasi. Ang sakit na. Pero mahal ko siya. Mahal ko siya at kakainin ko ang pain niya. Sasabayan ko siya. Magkukunwari akong walang alam.

"Mahal kita, Lervin..."

"I know baby, I know." He caress my hair.

Ganito, ganito po ang gusto kong maranasan. Alam kong in the end, ako pa rin ang luluha. Ako pa rin ang masasaktan. Ako pa rin ang talo. Pero puwede ko bang maramdaman man lang 'to? Kahit ubos na ubos na ako ay wala na akong pakialam.

Gusto kong maranasan kung paano siya mag-alaga sa akin. Susundin ko na muna ang puso ko at isantabi ang utak ko.