Chapter 15 - Chapter 14

~To be loved~

______________________________

KATULAD ng gusto ko ay naramdaman ko na kung paano'ng mag-alaga si Lervin.

Kung paano niyang pagsilbihan ang isang katulad ko.

Masaya kahit may kirot sa puso ko. Kasi alam ko, alam ko na matatapos din. Alam kong matatapos din 'to lahat. At iyon ang ikinakatakot ko.

Pero wala akong magagawa. Hindi ko pa rin hawak ang asawa ko. Hindi ko pa rin naaangkin ang buong siya, ang buong pagkatao niya.

____________________

"Kung tapos ka nang mag-enroll, tawagan mo ako. Para masundo kita, okay baby?" malambing na tanong niya sa akin at ngumiti lang ako bilang tugon.

Hinaplos pa niya ang magkabilang pisngi ko bago niya ako hinalikan sa aking noo pababa sa aking ilong at tumigil ito sa aking mga labi.

Marahan at may pag-iingat niya akong hinalikan. Na buong puso ko naman itong ginantihan. Humawak na ako sa kanyang braso at diniin ang aking sarili.

Tumindig ang balahibo ko sa ginawa niya at nag-iinit ang katawan ko.

Bago pa may makakita sa amin dito sa parking lot ng university ay mabilis na pinutol na niya ang mainit na halikang pinagsaluhan namin.

"Take care, okay?" nakangiting sabi niya at niyakap na muna niya ako bago niya ako pinakawalan.

"Sige na, umalis ka na," sabi ko.

Lumabas na naman ang malalim niyang dimples dahil sa pag-ngiti niya.

"Gusto kong makita na pumapasok ka na sa university. Mauna ka bago ako aalis, baby."

Iyon nga ang ginawa ko.

"I love you, take care!" pahabol pang sabi ko at narinig ko pa ang sinabi niya.

"I know, baby..."

Naglalakad na ako sa corridor at lutang na naman ang utak ko. Iyong isip ko na kay Lervin na naman.

Pagkatapos nang pag-aaway namin ni Jillian ay wala na akong balita sa kanya. Hindi ko nga alam kung nasaan na siya ngayon.

Nasaktan ba siya dahil pinagtabuyan na siya ng asawa ko? Tuluyan na ba siyang umalis sa bansa?

Hindi ko alam...

"Miss, watch out!" biglang sigaw ng isang lalaki.

Napalingon ako sa gilid ko at may bola ang sasalubong sa akin. Kung hindi ko ito maiiwasan ay baka sa ulo o sa mukha ko tatama.

Pero heto na naman ako. Heto na naman ang paralisado kong katawan. Gusto kong iwasan ang bola. Gusto kong tumagilid para hindi ako matamaan.

Hindi ko na kayang igalaw ng mga binti.

Sumisigaw rin ang mga lalaking naglalaro ng basketball pero tila bakit nawala ang pandinig ko?

Parang hindi ko na sila naririnig. Tanging ang pagtibok lang ng puso ko ang aking naririnig.

Parang naging slow motion ang lahat. Kitang-kita ko ang dahan-dahang pagtama ng bola sa akin. Sapul ang aking mukha.

Nawalan ako nang balanse dahil sa lakas ng impact nito. Naramdaman ko ang pagkirot sa kanang pisngi ko at may mainit na likido ang lumabas mula sa ilong ko.

Hinawakan ko 'to at nakita kong dugo ito.

"Art!" Boses 'yon ni Drim.

Natatarantang lumapit sa akin ang mga kaibigan ko at ang mga player.

"You f*cking idiot! Hindi ba kayo marunong maglaro at sa maling direksyon pa niyong ihahagis ang bola niyo?!" pagalit na sigaw ni Crim. Nagulat ang mga player kasi ngayon nila lang nakitang nagalit si Crim.

"S-sorry po!"

"Art! Art, you okay?"

Isa lang ang nasa isip ko ngayon.

Bumalik na ang pandinig ko.

NASA loob na kami ng infirmary. Pagkatapos ng aksidenteng 'yon ay dinala kaagad ako ng mga kaibigan ko rito.

Alalang-alala sila sa akin lalo na nag-nose bleed pa ako. Ramdam ko nga ang kirot nito. Tapos may pasa na ako sa kanang pisngi ko.

Galit na galit ang kambal at akmang susugurin talaga isa-isa ang mga player pero napigilan na namin ni Shin.

Enrollment na ngayon at fourth year college na kami. Ga-graduate na kami ngayong taon at excited na nga ako wala pa man.

Balak din kasi naming magpatayo ng Coffee Shop ni Shin. Magsisimula na muna kami sa maliit na negosyo.

"Na-enroll na kita, Art. Kaya magpahatid ka na kina Drim," ani Shin.

"Thank you, Shin," pagpapasalamat ko sa kaibigan ko.

"Always, Art."

"Talagang okay ka na, Art? Wala na bang ibang masakit sa 'yo?" nag-aalala pa ring tanong sa akin ni Crim.

"Okay na ako, Crim. Huwag kang OA," sabi ko at tumawa pa 'ko.

"Ano'ng huwag OA, Art? Nag-bleeding ang ilong mo, hoy!" ani Shin pero umiling na lang ako.

"Pero Art, maiiwasan mo naman ang bolang 'yon. May oras ka pa para tumagilid. Pero bakit pinanood mo lang?" seryosong tanong naman ni Drim at natigilan ako.

Hindi ko rin alam Drim, eh. Hindi ko rin alam kung bakit naparalisado ang katawan ko at hindi ko maigalaw ang mga binti ko sa mga oras na 'yon.

These past few days ay nararamdaman ko na 'yon. Nagsimula 'yon noong malaman kong bumili ng condo ang asawa ko para kay Jillian.

"I'm fine, guys. Salamat," nakangiting sabi ko at sabay-sabay silang bumuntong-hininga.

_______________

Maaga nga akong umuwi and I decided to cooked for Lervin. Makakaabot ako sa lunch break niya.

Pinabalik ko na rin ang mga katulong dahil iyon ang utos ni Lervin babe. Hindi ko raw kaya ang gawaing bahay ng mag-isa at dapat daw mayroon ding naghahanda para sa akin.

Busy na kasi siya sa trabaho niya dahil maraming pasyente sa hospital.

Pinagluto ko ng adobong manok at may sayote si Lervin. May kanin na rin. Pagkatapos kong ilagay ito sa lunch box ay kaagad na akong umalis ng bahay. Siyempre, ginamit ko ang kotse ko. Tinanong pa nga ni Lervin ang kung kanino ang puting kotse na nasa garahe namin at sinabi kong sa akin.

Hindi naman niya ako pinigilan na gamitin 'yon papuntang school. Para raw kung masyadong maaga siyang aalis ay may sasakyan ako. Basta raw may limitado ang pagmamaneho ko.

Napatingin ako sa kabilang bahay. At kumirot na naman ang puso ko. Sumasakit kasi ito sa tuwing nakikita ko ang mansiyong 'to. Hindi pa alam ni Lervin ang tungkol dito. Sabi ko nga, magkukunwari akong walang alam.

"STAND UP, STUPID."

My husband...

Ang sakit-sakit. Dahil dumating na nga ang inaasahan ko. Pero ang bilis naman? Ang bilis namang bawiin sa akin si Lervin.

Hinila ako patayo ni Lervin at nakita ko na naman ang malamig na aura niya.

Bumalik na naman siya sa dating siya. Bumalik na naman ang Lervin na nakilala ko ng una pa lamang nang pagkikita namin.

"You are so, clumsy."

Naiiyak ako, naiiyak ako dahil nakakaawa ang sarili ko.

Inaasahan ko na ito pero bakit hindi ako nakapaghanda? Bakit natakot pa ako?

"What are you doing here, Arthea?" malamig na tanong pa rin niya sa akin.

Kanina lang Lervin ang saya pa natin. Ang saya pa natin at ang bait-bait mo pa. Hinalikan mo pa ako sa labi at niyakap mo pa ako nang sobrang higpit.

Pero bakit biglang naglaho ang kilala kong Lervin na malambing at maalaga?

Is this because of that snake? Nakuha na naman ba niya ang loob ng asawa ko?

Panlilinlang...

Diyan magaling ang asawa ko. Alam mo 'yong nakakatawa? Iyong alam mong mangyayari 'to. Alam mong may kutob ka na, eh. May masama ka nang pakiramdam. And it was funny to admit this, ang laki kong tanga, 'no?

Iyong alam mong masasaktan ka rin pero go pa rin. Sige ka pa rin nang sige. Kahit masakit na, sige pa rin.

Masyado kasi tayong nabubulag sa pagmamahal natin sa taong mahal natin. Ayos lang sa atin kung saktan man tayo. Ayos lang sa atin na apak-apakan nila tayo. Ayos lang sa atin kung itrato tayo na parang basura.

Mahal natin 'yon, eh. Handa tayong masaktan.

Kung tatanungin niyo ako kung masakit na ba 'to o susuko na lang ako? Oo, masakit na masakit na. Iyong utak ko sumusuko na pero ano ba ang nais ng puso ko?

Sige lang daw. Ako ang sundin mo kasi tama naman ang mga puso.

Sundin ang puso.

______________________________________________

A/N:

May karugtong pa po 'to. Wait lang, ha? Haha. Murahin niyo lang si Lervin.

Happy reading!

#RBP!

Edited · 335 · Like · React · Edit · Sep 2, 2021

Kristina Digal replied · 46 replies

S Lyn Hadjiri

SOMEDAY, I'LL BE GONE

Chapter 15 (1.3)

~Plan~

"YOU'RE bleeding," ani Lervin at tiningnan ang mukha ko.

Ramdam ko na ang pagkirot sa baba ko at mainit na likido nito.

Pero mas masakit pa rin ang sugat ko sa loob. Ang sugat ko sa puso. Walang-wala ang sakit ng physical sa emotional, 'no?

"Let me handle her," biglang sulpot ng lalaki.

Paglingon ko ay isang doktor din pala. Matangkad at guwapo 'to.

Hinawakan niya ang braso ko at inilayo niya ako kay Lervin.

Kunot-noong tinitigan kami ni Lervin at ang ahas niyang kasama? Nakapulupot na ang marurumi niyang braso sa baiwang ng asawa ko.

Nanatiling walang buhay ang mga mata ko kay Lervin.

"I'm a doctor too. I can give her a first aid," mariing sabi niya.

"I can do that, too," malamig na saad din ng doktor.

"F*ck off, she's my--"

"I don't know him. Hindi ko siya kilala, Doc. G-gamutin niyo na po ako," walang emosyong sabi ko.

"Arthea--"

"I don't want to be rude, Mr. Hindi talaga kita kilala, eh."

_____________________________________________

(Lervin de Cervantes POV)

(A/N: A week before Lervin bought a condo for Jillian.)

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

I silently standing at the waiting area while looking at the exit, where the passengers was arrived from their flight.

It almost two hours, and I am waiting for her arrival. Jillian Amero.

She texted me via E-mail that she's going back to Philippines. Sa una, nagtataka pa ako kung bakit babalik siya sa Pinas.

Because, all I know, she's with her husband, Jaickel Sanre Amero. My best buddy way back in college.

Jillian is my first love, she's my everything to me. But she's in love with him, her currently husband.

Nasaktan ako dahil mahal na mahal ko siya. But I don't have any choice but to accept her fate, to accept that she's in love with someone else. Pero hindi na ako nabahala na si Jaickel ang pinili niya, dahil kaibigan ko naman siya.

Kaya kahit masakit ay tinanggap ko ang katotohanan. Na kailanman ay hinding-hindi siya magiging akin.

Sapat na siguro ang mahalin ko siya at siya lang ang babaeng una't huli kong mamahalin.

I stilled when I finally saw a familiar built of body. She's wearing a tube top and black mini skirt. Her coat on her arms and three inches of sandals. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at naka-sunglasses.

I smiled when I felt my familiar heartbeat. Siya pa rin. Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Oh, God. I am so in love with this girl.