Chapter 10 - Chapter 9

~In-laws~

"I'M GOING home, see you baby."

Basa ko sa text message na na-received ko from Lervin. Paulit-ulit ko pa 'tong binasa.

Kung sa ibang pagkakataon ay baka matutuwa pa ako na malamang uuwi na siya. Pero hindi ngayon. Masama ang loob ko sa kanya.

Ginagawa lang niya akong tanga at iyon ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Simula ng pinanganak ako sa mundong ito, wala ni isang nilalang na nanloloko sa akin.

Tumunog ulit ang ringtone alert ko at binasa ko 'to kaagad.

"I'll pick you up, 7 pm. Our parents invited us. Family dinner."

Family dinner, God knows hindi maganda ang relasyon namin ng mother niya. Okay pa kung sa daddy niya. Dahil pabor sa akin ang father in law ko. Hindi ang kanyang ina na matapobre.

DAHIL gusto ko ngang baguhin ang sarili ko ay nag-ayos ako ngayon upang puntahan ang stylist ko.

Nagsuot lang ako ng denim short na kulay puti at tank top na black. Hinayaan ko lang nakalugay ang mahaba kong buhok.

May sasakyang bumusina sa labas ng gate namin. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at lumabas na.

Dumating na ang kotseng binili sa akin ni daddy-lo. White Lambhorgini. Binigay ng mga tauhan ni daddy-lo sa akin ang susi at nagpaalam na silang umalis. May dala rin naman silang sasakyan.

"Hi, baby white. Starting from now, ako na ang magiging mommy mo," nakangiting sabi ko. Para akong baliw na kinakausap ang sarili niyang kotse. Marunong akong magmaneho at may license naman ako.

Pinatunog ko ang kotse ko at binuksan ang pintuan sa driver's seat.

"Off to go," sabi ko and I start the engine.

___________________________

ARTPRI'S BOUTIQUE.

Iyan ang nakasulat na titulo sa itaas ng building na pinuntahan ko. Sinadya talaga ni daddy-lo na gawing ARTPRI.

Pumasok na ako sa loob ng boutique at kaagad na sinalubong ako ng isang magandang babae.

"Miss Arthea Primero- de Cervantes, is that you?" tanong sa akin no'ng babae.

Morena ang kutis niya. Matangkad at maganda ang katawan niya. Nakasuot kasi siya ng maroon off-shoulder dress na abot hanggang tuhod niya. Medyo hapit ito sa kanyang katawan. Maganda ang kulay ng maikli niyang buhok. Red. Sophisticated and too beautiful. May pagkasingkit ang mga mata niya at matangos ang maliliit niyang ilong. Well, mapupula ang mga labi dahil sa red lipstick nito.

Gusto ko ang aura niya, magaan.

"Yes," nakangiting sagot ko. Medyo nagulat pa ako ng hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap pa niya ako. Feeling close rin siya but I like it.

"HINDI mo ba ako naalala, dear?" malambing na tanong niya.

Nakaupo na kami ngayon at kaharap ko ang malaking salamin.

"Ah, hindi eh," nahihiyang sabi ko. Akala ko magagalit siya pero ngumiti lang siya sa akin.

"Ako ang nag-design ng pink long gown mo noong 18th birthday mo, dear. Hindi rin kasi ako nakadalo. Kaya hindi mo ako nakita. Saka noong sinukatan ka ay assistance ko lang ang gumawa no'n. Hindi mo ako kilala sa personal, kaya ganoon," mahabang kuwento niya.

"I am Europa Cruz Hayudini, 29 years old and happily married with Chancellor Hayudini at may unico hijo na kami. Weird ng name kong 'Europa', 'di ba? But you can call me, ate Eu," nakangiting sabi niya at inabot niya sa akin ang kamay niya.

"Nice to finally meet you, ate Eu," sabi ko at tinanggap ang pakikipagkamay niya sa akin.

"Mee too, dear. So, what brought you here? Gusto mong magpa-make up over?" tanong niya at tumayo siya sa likuran ko.

Hinawakan pa niya ang mahaba kong buhok.

"Dress designer ka, tapos make up artist ka rin?" namamanghang tanong ko sa kanya.

"I can do any fashion, my dear."

Napatangu-tango ako sa sinabi niya.

"Cool," maiking sagot ko.

"Anyway, I love your hair. Puwede mo rin bang kulayan ng red ang buhok ko?" I asked her and I even pointed my finger in the mirror. Sa salamin kasi kaming magtitinginan.

"Sure, my pleasure."

___________________

"Hayan! Iba na ang looks mo ngayon. Mas gumanda ka, dear," papuri sa akin ni ate Eu.

Iyong ga-baiwang kong buhok ay hanggang balikat ko na lang 'yon at kulay pula na ito. Straight na straight siya.

"Bumagay sa 'yo ang color red, kasi maputi ka."

Bukod sa pagpapagupit ko ng buhok ko ay nilagyan din ako ng make-up ni ate Eu pero light make-up lang 'yon. Hindi na raw kailangan ang makapal kasi maganda naman daw ako. Hiyang-hiya ako sa papuri niya at masyado ng lumalaki ang ulo ko.

Sinabi ko rin kasi na may family dinner kami mamayang gabi at heto pumili siya ng dress para sa susuotin ko.

Masyado pang maaga para maghanda pero hayaan na.

Double strap dress above the knee ang susuotin ko. Maganda lalo na may mga diamente sa gilid ng mga damit ko na nasa bandang dibdib ko. Masyado ring hapit sa katawan ko at ang pababa ay bagsakan na ang tela.

Pero sinukat ko lang 'to at hinubad na kaagad.

Isusuot ko na lang 'to kapag nasa bahay na ako.

________________________

Suot-suot ko na ngayon ang gray dress ko at tutal maikli na naman ang buhok ko ay nilagyan ko na lang ng pang-ipit sa gilid ng ulo ko. Kulay abo rin ang high heels ko at hindi gaano mataas ang takong niya. Sabi nga ni ate Eu, iyong height ko ay 5'7 kaya hindi ko na raw kailangan ang mataas na sapatos. Ewan ko ba, kung bakit hindi siya nauubusan ng papuri sa akin.

8 pm na ng gabi at katulad ng nasabi ni Lervin via text message ay narinig ko na ang pagbusina niya sa labas ng gate namin.

Kinakabahan man pero pilit na isinisiksik ko sa utak ko na maging chill lang ako.

Breast out, chin up and cheer up self. Inabot ko sa coffee table ang purse ko and I wore my fake smile, a great prentending.

"MAGTITITIGAN na lang ba tayo rito?" nakangising tanong ko sa aking asawa.

Noong pagkalabas ko kasi sa mansyon namin ay naabutan ko siyang nakasandal sa hood ng kotse niya. Ito ang kotse niyang ginagamit.

Tapos hindi na siya nakakibo at tulalang nakatitig na lang siya sa akin. Kahit hindi ko mabasa ang reaksyon niya ay tila alam ko na ang tumatakbo sa isip niya.

"W-what...what did you do to your hair?" nauutal niyang tanong at tinuro pa niya ang buhok ko.

Isang pekeng ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

"Do I look good on a short red hair?" I asked him, with my sweet voice.

Tumiklop ang bibig niya pero maya-maya lang ay gumalaw-galaw ito.

"You look stunning tonight, but I like your black long hair better, baby," aniya and this time, his lips curves into a smile. A bright smile.

He walked towards me and I shocked when he hugs me.

"I miss you, baby," he whispered. Lies, lies, lies Lervin babe.

Hindi ko siya niyakap pabalik, sa halip ay tinulak ko siya at nagulat siya sa ginawa ko.

"Baka malukot ang mga damit natin," mariing sambit ko at sa huli ay ngumisi lang siya.

"Come on, we better go, baby," pag-aaya niya at binuksan niya ang pintuan sa passenger's seat at pumasok na ako. Hindi ko na siya hinayaang kabitan pa ako ng seatbelt dahil mabilis ko na 'yong sinuot. He burst into chuckled and I just rolled my eyes at him. What a j*rk.

"How are you baby?" he asked nang nasa sasakyan na niya kami at nagmamaneho na siya.

Muling umikot ang mga mata ko. Start to use your acting skill, Art.

"Coming from the man who dissapered month ago, nah. Save your question , Mr. de Cervantes. Don't ask me as if you don't do anything," may kahulugang sabi ko.

Akala ko magagalit siya sa sinagot ko sa kanya pero hindi. Umalingaw-ngaw na naman ang tawa niya sa loob ng kotse niya.

Gusto ko mang marinig iyon nang paulit-ulit ay huwag na lang. Masama nga ang loob ko sa kanya. Tsk.

"I'm sorry baby. May biglaang seminar namin sa London at bawal kaming gumamit ng cellphone, it can cause distraction. Kaya heto at ngayon lang din ako nakabalik." Lumabas din sa bibig niya ang mga kasinungalingan niya.

Akala ko ba matalino ang mga doctor? Bakit hindi niya naisip ang security guard namin sa Subdivision? Tsk, tsk. Napaka-bobo naman ng asawa ko.

"Ah, ganoon ba? I understand. Ano lang naman ba ako sa 'yo, ha? Asawa mo lang ako sa papel at wala akong karapatang magtanong kung saan ka nagpunta o kung saan ka man mapadpad. Wala ka rin naman kasing pakialam sa akin, kahit mamatay pa ako ako sa pag-aalala sa 'yo. Mamatay sa paghihintay sa 'yo. Naiintindihan ko 'yon lahat and don't talk to me." Matapos kong sabihin 'yon sa kanya ay tumahimik na ako at iyon naman ang ginawa niya.

Kahit nakakabingin ang katahimikan ay naka-survive naman kami roon at nakarating na kami sa mansyon ng parents niya.

"Oh, my goodness. My beautiful daughter-in-law is here, now. It's nice to see you again, darling," malambing na bati sa akin ng mother-in-law ko at muntik na akong mapaismid.

Napaka-plastik niyang babae. Alam ko na hindi totoo ang mga pinapakita niya ngayon sa akin.

"Good evening po, mommy," nakangiti ring bati ko. Sabayan lang sa kaplastikan niya. Alam kong diring-diri na ang kalooban niyang yakapin ako pero titiisin niya dahil nasa harap niya ang asawa niya, ang father-in-law ko.

"Hi, daddy." Binalingan ko naman ang daddy ni Lervin at humalik din ako sa pisngi niya.

"You are so beautiful, Art." Matamis na nginitian ko si daddy. Totoong ngiti dahil hindi naman siya plastik na tao na hindi katulad ng iba riyan. May pinagmamanahan.

Mabait sa akin ang father-in-law ko at siya na ang tumayong second father ko.

"Lervin, son," pagpansin ni daddy sa anak niyang walang kuwenta.

"Daddy."

"Excited na excited na kaming makita kayong dalawa mga anak. Kaya halina kayo at nakahanda na ang dinner natin," ngiting-ngiting saad ng plastik na nanay ni Lervin.

Lervin snaked his arm on my wairt pero tinabig ko 'yon. Kitang-kita ng mga in-laws ko ang ginawa ko but I don't give a d*mn.

"May problema ba?" tanong ni daddy at seryoso na ang mukha niya ngayon. Pasimple kong tiningnan si mommy at matatalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Wala naman po, daddy. May kaunting tampuhan lang po ang asawa ko sa akin." I hate his fake smile.

"Hindi lang po 'to kaunting tampuhan, daddy. Dahil nawala po siya ng isang buwan dahil may seminar daw sila sa London. The worst thing, daddy. Hindi niya po sinabi sa akin. Wala pong text message from him," sabi ko at may kaawa-awa pa sa boses ko. Narinig ko ang pagsinghap ng magaling kong mommy.

"Lervin de Cervantes, sumunod ka sa akin," nakakatakot na sabi ni daddy at lihim akong napangisi.

"We are not yet done, baby."

So, naiwan nga ako kasama ang mommy niya.