Chapter 12 - Chapter 11

~Living with her~

"WHAT happened, mommy?!" gulat na gulat na tanong ni Lervin sa kanyang ina.

Nakadapa na si Jillian. Walang malay at naliligo na rin ng sarili niyang dugo. Tumama yata ang ulo niya kaya maraming dugo ang nawala sa kanya.

"Call the ambulance, honey!" nag-papanic na saad ni mommy.

"Wait!"

"Ano'ng...ano'ng."

"Arthea!" tawag sa akin ni mommy at napatingin sa akin sa itaas si Lervin.

Walang emosyon ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"What did you do to her?!" pagalit na tanong niya at masasama na ang mga matang nakapukol sa akin.

"Kung may mangyayaring masama kay Jillian ay hinding-hindi kita mapapatawad. You'll pay for this," malamig na saad niya bago binuhat ang walang malay na si Jillian.

Hindi lang doon natapos ang pagbabanta sa akin. Dahil nagmamadaling umakyat sa hagdanan si mommy.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko. Dinig na dinig iyon sa loob ng mansyon.

Naramdaman ko ang paghapdi sa pisngi ko at ang kanina pang mga luha na nagbabadya nang mahulog ay tila naging ulan na ito at tuluyan nang bumuhos sa aking pisngi.

"You are such a monster. Dear, magtago ka na kasi hindi mo magugustuhan ang gagawin sa 'yo ng sarili mong asawa," aniya at muli niya akong binigyan ng sampal sa kanang pisngi ko.

Nang makaalis na siya, ay napaluhod na ako. Dahil sa mag-asawang sampal niya ay naigalaw ko na ang katawan ko at sobrang kinakabahan na ako.

Nanginginig ang mga kamay ko at mga tuhod ko pero nagawa ko pa ring tumayo.

Tumakbo ako, tumakbo ako palabas ng mansyon na 'yon.

Humihikbi at hindi mawari kung ano ang gagawin ko.

Ang ipinag-papasalamat ko lang ay hindi ko nabitawan ang purse ko kanina.

Mabilis na tinawagan ko ang taong makakatulong sa akin ngayon.

"Hello, Art?" sagot niya mula sa kabilang linya.

"D-drimson..." humihikbing sambit ko sa pangalan niya.

"Art? Umiiyak ka ba? Are you--sh*t Crim, bring back my phone! Kinakausap ko pa si Art!"

"Ako na. Art, are you okay? B-bakit ka umiiyak, Art?" nag-aalalang tanong ni Crimson.

"Crim...p-puwede mo ba akong s-sunduin dito?" nauutal at naiiyak ko pa ring sabi.

"Of course. Where are you, Art? F*ck! Wala sanang nangyaring masama sa 'yo! Nasaan ka, Art?"

"N-nasa mansion ako ng in-laws ko."

"Wait for me there, Art. Stay still, okay?" Tumangu-tango na lang ako kahit hindi niya ako nakikita.

Pasalampak na napaupo ako sa kalsada. Niyakap ko ang mga tuhod ko at umiyak nang umiyak.

Ilang minuto ang nakalipas at may humintong sasakyang nasa tapat ko.

"Art!"

"Art!"

Umangat ang ulo ko at nakita ko ang dalawang kaibigan ko. Humahangos na lumapit ito sa akin.

Si Crimson ang unang humila sa akin patayo at mahigpit na niyakap ako. Binaon ko ang mukha ko sa matigas niyang dibdib at doon ko na naman binuhos ang mga luha ko.

"Art, ano ba'ng nangyari?"

"It's okay, Art. Nandito na kami. Stop crying."

Iyon lang ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.

NAGISING ako kinaumagahan na masakit ang ulo ko at parang ang bigat-bigat ang katawan ko.

I roamed my eyes around the room. Black and gray wall. Pamilyar sa akin ang amoy ng perfume.

Nakahiga na ako sa malambot na kama. Napabangon ako at sumandal sa headboard ng malaking kama.

Pilit na inaalala ang mga nangyari sa akin bago ako dinala rito sa loob ng silid na ito.

Mariin na pinikit ko ang mga mata ko.

Si Lervin...

Family dinner...

Si Jillian at ang aksidenteng 'yon...

Ang pagbabanta sa akin ng asawa ko...

Ang mag-asawang sampal na binigay sa akin ng mother-in-law ko...

At ang huli na nawalan ako ng malay. Iyon ang mga nangyari sa akin sa gabing iyon.

Napatingin ako sa damit ko. Iba na ang kasuotan ko ngayon. Nakasuot na lang ako ng malaking t-shirt at pajama.

Bumukas ang pintuan ng kuwarto at napalingon ako roon.

"Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo, Art?" Crimson asked me. Maaliwalas ang maamo niyang mukha pero nababahiran iyon ng pag-aaalala.

"Crim."

"Gising na ba si Art, Crim?" tanong naman ni Drimson at sumilip sa loob ng kuwarto.

Nanalalaki pa ang mga mata niyang nakatingin sa akin at nagmamadaling lumapit ito sa akin.

"Oh, God! You're awake, now. You scared the h*ll out of me, Art!" aniya.

"Hindi lang ikaw, Drim," nakaismid na sabi ni Crim.

Umuga ang kama nang tumabi sa akin nang upo si Drim at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"My princess. How's your feeling, Art?" he asked in a sweet tone.

"A-ayos lang ako, Drim. A-ano ba ang nangyari sa akin?" nauutal kong tanong.

"Drim, alis ka riyan. Pakakainin ko pa si Art."

"Diyan na lang, Crim. Kinakausap ko pa si Art. You lost your conscious last night, Art," aniya at hinawakan niya ang pisngi ko.

"Namumula rin ito kagabi. Parang sinampal ka. Ano ba talaga ang nangyari sa 'yo kagabi, Art?"

"Stop asking her, Drim. Pakainin na muna natin si Art. Para magkaroon naman siya ng lakas."

"Stop, Crim. Tinatanong ko pa si Art."

Wala akong nagawa kundi ang ikuwento sa kanila ang lahat at ikinagalit nila 'yon.

"Subukan lang niyang saktan ka, Art. Makikita niya kung sino ang makakalaban niya," walang emosyon na sabi ni Crim. Nakakuyom ang mga kamao niya at nagtitimpi lang siya sa galit.

Pero hindi si Drimson. Sinuntok niya ang pader at dumugo ang kamao niya.

Mas nakakatakot ang hitsura niya ngayon kumapara sa kakambal niya.

"How dare him to say that to you, Art? What a j*rk! Hindi pa niya alam ang buong pangyayari at ganoon ba lamang siyang magbanta sa 'yo?! Napaka-g*g* niya talaga!"

"At sino ba ang Jillian na 'yon at nang mapuntahan sa hospital. Tutuluyan ko talaga 'yon, eh. Kahit aksidente lang ang pagkahulog niya ay hindi ko 'yon sasantuhin. She f*cking deserved that!"

"S-salamat sa pag-aalala, guys. Kung wala kayo baka..."

Niyakap naman ako ni Crim at hinaplos pa niya ang buhok ko.

"Stop crying, Art. Kaibigan mo kami kaya asahan mong ipagtatanggol ka namin sa asawa mo," mahinang sabi ni Crim.

"Pati ang Lervin na 'yon ay mapapatay ko."

Bumukas na naman ang pintuan at si Shin na ang iniluwa roon. Nag-aalalang lumapit ito sa akin.

"Art! Oh my, God!"

Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Crim at pumalit dito si Shin.

"Alalang-alala talaga kami sa 'yo kagabi, Art. Gusto ko ngang bantayan ka pero alam mo naman ang asawa ko," sunud-sunod na saad niya.

"S-salamat sa pagpunta, Shin."

"Siyempre naman bestfriend kita, eh. Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya at hinawi niya pa ang buhok ko sa pisngi ko.

"Nagpakulay ka pa ng buhok," she commented.

"NAGPAKULAY ka pa ng buhok," she commented.

"She even cut her long black hair," Crim commented too.

"And I love her red short hair," this time, it's Drim who commented.

"So, bakit ka iyak nang iyak kahapon, Art?" tanong sa akin ni Shin at nakahawak na siya ngayon sa kamay ko.

Hindi na ako ang nag-kuwento pa tungkol sa nangyari sa akin. Dahil nandiyan naman ang kambal para mag-kuwento.

Wala rin naman ako sa mood ngayong umaga. Masakit ang ulo ko at mabigat talaga ang katawan ko.

"Kahit babae pa ako, Art ay hindi rin ako magdadalawang isip na patulan ang asawa mong 'yan, ha? Napaka-g*g* niya lang," walang emosyong sambit ni Shin.

Tipid na ngumiti na lamang ako bilang tugon.

"Tapos nakakainis ang mother-in-law mo. Halatang mas pabor siya sa Jillian na 'yon," dagdag na sabi niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at hinilot-hilot ko pa ang sentido kong kumikirot.

"Art, breakfast ka muna." Umalis sa gilid ko si Drim at umusog naman palayo si Shin para makakain na ako.

Nagsisimula na akong kumain nang tumunog naman ang cellphone ko. Malamang cellphone ko 'yon kasi alam ko ang ringtone ko.

"Kahapon pa 'yang nag-iingay ang cellphone mo, Art. Hindi namin sinasagot kasi father-in-law mo 'ata," ani Drim at inabot niya sa akin ang phone ko.

Bigla akong kinabahan. Baka pati si dad ay galit na sa akin. Malapit din kay dad si Jillian at baka doon siya kakampi.

"A-akin na," nauutal kong sambit.

Sinagot ko 'to kaagad at tila mauubusan ako ng hininga. Nanatiling tahimik ang mga kaibigan ko at naghihintay lang sa akin.

"Hello? Arthea, hija? Nasaan ka? Are you okay?" sunud-sunod na tanong sa akin ni dad mula sa kabilang linya.

"D-daddy..."

"Art, nasaan ka ba? Kagabi pa kita sinusubukang tawagan. Pero hindi mo naman sinasagot. Nag-aalala ako nang malaman kong bigla ka raw umalis ng mansyon. Kamusta ka, hija? Ayos ka lang ba talaga?" Kahit hindi ko nakikita si daddy ay alam kong kunot na kunot na ang noo niya. May bahid na pag-aalala rin sa boses niya.

"H-hindi po kayo galit sa akin, dad?" tanong ko at kinabahan talaga ako.

Ang father-in-law ko na lang ang kakampi ko sa pamilyang ito at hindi ko na alam ang mangyayari sa akin kapag pati siya ay magagalit sa akin.

"Is this because of Jillian? Why would I? Alam kong hindi mo naman 'yon gagawin, hija. Kilala kita. Pagpasensiyahan mo na lamang ang mommy mo dahil nabigla lang 'yon."

"S-salamat daddy."

"Arthea, you are my son's wife. Kaya anak na rin ang turing ko sa 'yo. Mas kakampi at maniniwala ako sa 'yo, dahil anak kita. Pero okay ka lang ba talaga ngayon, hija?"

"Opo, dad. I'm fine. Nasa condo po ako ng kaibigan ko. Sorry po kung pinag-alala ko kayo," diretsang sabi ko at narinig ko pa ang pagpakawala ng hininga ni daddy.

"Salamat naman sa Diyos. Ako na ang bahala sa mommy mo na magpaliwanag. Take a rest now, Art."

"Opo, dad."

Matapos ang pag-uusap namin ni daddy ay muli kong pinagpatuloy ang pagkain ko.

Nagpahatid na ako kina Drim at ayaw pa sana nilang umalis sa bahay namin pero napilit ko rin naman sila.

"Basta Art, ha? Kung may gawin man sa 'yo ang asawa mo ay tawagan mo lang ako o si Drim, okay?" ani Crim at tumango lang ako.

"One call away lang kami, Art."

"Ingat ka rito, Art."

Niyakap na muna nila ako bago sila umalis at ngayon naiwan na ako sa apat na sulok ng silid na ito at tahimik masyado.

Lumipas ang isang linggong hindi ko na naman nakita ang asawa ko at wala rin akong balita kay Jillian.

Maya-maya nakarinig ako ng pagbusina ng isang sasakyan at nang silipin ko 'to ay kotse 'yon ni Lervin.

Nagmamadali pa akong lumabas para salubungin sana si Lervin pero natigilan ako bigla.

Bumaba si Lervin at umikot siya sa likuran ng kotse niya at may kinuhang wheelchair at tinulak niya 'yon sa tapat ng passenger's seat at binuksan niya 'yon pagkatapos.

Binuhat niya si Jillian. May cast sa braso at paa niya. Pati rin ang ulo niya ay may benda. May mga bakas na sugat at pasa pa.

Mukha siyang battered wife sa lagay niya ngayon.

"Art!" tawag niya sa pangalan ko na as if close kami.

Masayang-masaya pa siya ngayon kahit na hindi maganda nag pag-uusap namin sa nakaraan.

"Kamusta, good wife?" tanong niya at matamis na nginitian pa niya ako.

Nasa likuran niya si Lervin na wala man lang emosyon sa mukha.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" sa halip na 'yon ang lumabas sa bibig ko at napasinghap pa si Jillian. This time nakatingin na sa akin si Lervin.

"Tinatanong mo pa talaga 'yan. You are the reason kung bakit injured ngayon si Jillian," he said in a cold tone.

Para namang may sumipa sa dibdib ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"Lervin, ano ka ba. Huwag kang ganyan sa asawa mo. Pinapatawad ko na nga siya sa pagtulak niya sa akin last week." Aba't umaakto pa siya ngayon. Tapos tinulak ko siya?

"She's staying with us at ikaw ang mag-aasikaso sa kanya. Iyon ang kabayaran mo sa ginawa mo," malamig pa ring sabi niya at saka ako iniwan doon na nakatayo.