~Accident~
SO, naiwan nga ako kasama ang mommy niya. Kapag kami na lang ang naiwan ay lalabas na ang tunay niyang ugali.
Humakbang palapit sa akin ang mother-in-law ko at nanglilisik ang mga mata matang nakatingin sa akin.
"You have this guts to do that, eh?" malamig niyang tanong sa akin.
Napaigik ako sa sakit nang hawakan niya ang kaliwang braso ko. At dahil mahaba nga ang kuko niya ay bumaon pa ito sa balat ko.
If looks could kill...
Me, either mom. I don't know kung saan ko nakuha ang guts na iyon against your son. Basta iyon na lang ang nasabi ko.
Iyon sana ang sasabihin ko pero huwag na dahil baka mas lalo pa siyang magalit.
"You looks good in your beautiful red gown, mommy," I said and fake my smile again.
Umismid siya sa papuri ko pero hindi naman niya tinatanggal ang pagkakahawak sa akin.
"I don't need your compliment. So, kamusta ang buhay asawa?" tanong niya na punung-puno ng insulto. Ngayon ay binitawan na niya ako at napahawak ako sa braso ko. Ang sakit no'n, ha.
"Ayos naman po, mommy," I answered and she smirked.
"How old are you, darling? 20 or 21? Two years na rin kayong kasal pero hanggang ngayon ba ay hindi mo pa binibigyan ng taga-pagmana ang anak ko?" Honestly, I was insulted from what she said to me.
"You are in a hurry, mom?" nakangising tanong ko. I thought magagalit na naman siya sa akin pero hindi. Nakapaskil pa rin sa mapupula niyang labi ang nakaka-insulto niyang ngisi.
"Hindi naman masyado, darling. But you know this family. My son is our only son at inaasahan namin ng iyong daddy na mabibigyan mo ang asawa mo ng taga-pagmana. Oh, don't tell me, darling. Until now, hindi pa rin kayo nagkaka-mabutihan? Hindi pa nag-wor-work out ang relationship niyo ng anak ko?" I hate her, really.
That's bullseye, at that words napahinto ako at hindi makapagsalita. Alam na alam niya talaga kung paano ako pahihintuin.
"Oh, my bad. Baka maunahan ka pa, darling."
Hindi naman lingid sa kaalaman niya na hindi nga maganda ang relasyon namin ng kanyang anak. Siya naman kasi ang isa sa humahadlang sa kasalang ito pero ano rin ba ang magagawa niya?
Ito ang pinagkasundo ng father-in-law ko at ni daddy-lo. Siya pa kaya ang may magagawang paraan? Eh, ang kanyang anak ay wala rin naman.
"Alam ko ang tumatakbo sa buhay niyo, darling. I have a lots of sourse to watch your life and to my son, also."
Nakakuyom na ang mga kamao ko. Gusto ko talaga siyang sampalin sa mga oras na ito. Ang bilis-bilis na ng tibok ng puso ko. At ramdam ko ang mga ugat sa leeg at ulo ko. Tila mapuputok na ito sa galit.
Noon, hindi ko talaga siya kinakalaban. Hinahayaan ko lang siyang magsalita ng hindi maganda sa akin.
Dahil ina siya ng asawa ko. I respect her kahit sagad na sagad na sa buto ko ang galit ko sa kanya. Magpasalamat pa siya na mahaba-haba ang pasensiya ko sa kanya at nagtitimpi lang ako sa kanya. Kung hindi, God knows makakalimutan ko na siya ang babaeng nagluwal sa asawa ko.
"Ano sa pakiramdam ang niloloko ka lang ng asawa mo, darling? Na malalaman mo na bumili pala siya ng condo para sa ibang babae?" aniya at nilapit pa niya ang bibig niya sa tainga ko.
"At ang masaklap pa, bumili rin siya ng mansyon at katabing bahay pa ninyo. Baka doon niya rin binabahay ang babae niya." Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumatawa siya nang tumawa.
Akala ko iyon na ang pinaka-nakakatawang jokes na narinig niya sa buong buhay niya.
Iyong tawa niya na akala mo wala ng bukas.
"Masakit, mommy. Inaamin ko," nakangiti pa ring saad ko.
"Pero alam ko na sa akin pa rin siya babagsak, mommy."
Napahinto siya sa pagtawa at masama na naman ang mga tingin niya sa akin.
"That would never happens, darling."
"Why not, mommy? Ako ang asawa niya at alam kong balang araw ay luluhod din ang anak niyo sa akin. Magmamaakawa na huwag ko siyang iwan dahil mahal na mahal niya ako. Darating ang araw na hindi na niya kayang mabuhay kung wala ako."
PINTIG ng puso ko at ang kanyang paghinga lang ang tangi kong naririnig.
Saglit na naghari ang katahimikan sa pagitan namin ng mother-in-law ko.
Ang mga matang nanglilisik. Mga ugat na makikita sa kanyang noo. Namumula na rin siya sa galit.
Masyado bang nakakagalit ang mga sinabi ko sa kanya at nagawa ko siyang patahimikin?
Nasulyapan ko naman ang mag-amang bumababa sa hagdanan nila at nakangiting binalingan ko na si mommy.
Lumapit pa ako sa kanya at inangkala ko ang braso ko sa braso niya. Naramdaman kong nagulat pa siya pero nang marinig niya ang mga papalapit na yapak ay umiba na ang aura niya
"Tapos na kayong mag-usap, hon? Let's go to dining area," matamis na ngiting saad niya.
See? Pakitang tao lang naman siya, eh.
"That's good. Nagugutom na rin ako, let's go, hija," pag-aaya sa akin ni daddy at ngumiti lang ako bilang tugon.
Hinila na ako ni mommy patungo sa dining area pero bago roon ay napahinto rin kami. Dahil sa bagong dating.
"Good evening, tita Cerabelle," bati ng babae kay mommy. Nababahiran pa ng kasiyahan ang boses niya.
Napaka talaga ng tadhana. Kung sino pa ang ayaw kong makita ay siya pa ang makikita ko ngayon.
Nakasuot pa siya ng doctor's robe at mula sa loob na 'yon ay pulang dress din na hanggang tuhod ang haba.
Naka-bun ang mahaba niyang buhok at makapal ang make-up.
"Oh! Jillian, hija!" Binitawan ni mommy ang braso ko at lumapit kay Jillian. Excited na excited talaga siyang makita ang babaeng 'to.
"Hi, tita. Nagdala po ako ng paborito niyong cookies," masayang saad niya.
Yeah, close na close sila ng babaeng 'yan. Can't blame them. Si Jillian kasi ang gustong maging daughter-in-law niya. Si Jillian ang gusto niyang makatuluyan ng kanyang anak.
Naramdaman ko na lumapit sa akin ang asawa ko at hinawakan niya ako baiwang ko. Napalingon ako sa kanya at sumalubong sa akin ang maganda niyang ngiti na hindi ko alam kung totoo ba 'yon.
"Thank you, dear. Mabuti pa sumabay ka na sa amin for dinner," pag-aaya ng mommy ni Lervin at napatingin sa direksyon namin si Jillian. Particular na sa mga braso ni Lervin na nasa baiwang ko. Tsk.
"Hindi po ba nakakahiya, tita? Mukhang family dinner po ninyo 'to, eh," aniya at namumula pa ang mga pisngi niya. Hindi ko alam kung blush on lang 'yon or what.
"No, that's okay, hija. Hindi ka naman iba sa amin, eh. Right, hon?" baling nito sa asawa niya.
"Yeah. Join us, Jillian. Para ka namang pamilya sa amin," pagsang-ayon ni daddy.
Kaya sa huli, sabay-sabay kaming nag-dinner.
Katabi kong nakaupo ang asawa ko at nasa tapat namin ang parents niya at ang isa pang sampid sa family dinner namin.
If I know, sinadya naman niyang pumunta rito, si Jillian at baka tinawagan siya ng magaling kong mother-in-law.
Hindi naman medyo awkward ang atmosphere namin. Kasi nag-uusap-usap kami. Kinakamusta ako ni daddy at sumisingit din si mommy. Siyempre, iyong sampig din.
"Ang sarap po ng niluto niyong tuna, mom. Siguro po sa 'yo nagmana si Lervin," nakangiting wika ko at napatingin sa akin si mommy. Nababakasan ito ng pagtataka.
"Lervin cooked our dinner month ago, mom. And I love it."
"What do you mean, darling? Lervin cooked your dinner? My son doesn't know how to cook."
Napahinto ako at feelings ko namumula na ang pisngi ko sa hiya. Hindi lang 'yon. Naramdaman ko rin na may kung anong bagay ang bumaon sa puso ko. Akala ko siya ang nagluto no'n. Nilinlang niya ako.
Kitang-kita ko ang mga tawang pilit na tinatago ni Jillian at nakangisi lang din ang mother-in-law ko.
Naibaba ko ang mga kamay ko at tinago ko 'to sa ilalaim ng mesa. Nanginginig na kasi 'to.
Hiyang-hiya ako roon. Tumikhim si daddy, and thanks God. To the rescue si daddy.
"He said that? Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo, Lervin?" tanong ni daddy at wala na ang emosyon sa mukha niya.
To be continue...
Edited · 303 · Like · React · Edit · Aug 31, 2021
Beverly Repuya Rec... replied · 2 replies
S Lyn Hadjiri
SOMEDAY, I'LL BE GONE
Chapter 10 (3.3)
NATAPOS ang dinner at pinagpasalamat ko 'yon. Dahil matapos ang kahihiyang nagawa ko ay natahimik na ako.
Sobrang nakakahiya. Hindi ko naman kasi alam na hindi naman talaga marunong magluto si Lervin.
At isa pa, siya naman ang nagsabi na magluluto siya. Kaya ako namang si tanga ay naniwala na siya nga ang nagluto.
Grabe pa ang kasiyahan ko no'n, eh. Feelings ko lumilipad ako sa ulap at tila sasabog ang puso ko sa sobrang kasiyahan no'n. Iyon pala ay isang panlilinlang lang.
Nakatayo lang ako sa tapat ng dingding kung saan nakasabit nito ang malaking frame. Picture ito nina Lervin no'ng graduation nila sa college. Katabi ni Lervin si Jillian, well nasa gitna siya ng dalawang lalaki. Naka-akbay pa siya. Larawan sila ng kasiyahan.
Love triangle.
"Kamusta, Mrs. de Cervantes." Napalingon ako sa nagsalita.
Nasa braso na niya ang robe niya at nakapaskil na naman ang malawak niyang ngiti.
"Still breathing, Mrs. Amero," sagot ko at nawala sa mga labi niya ang malawak na ngiting iyon.
Okay, bullseye. Is that name ring a bell? I guess.
"Soon, magiging Jillian Ramirez na rin ako, Mrs. de Cervantes," aniya. Kaagad nakabawi.
"Excited ka na talagang tanggalin ang Amero na 'yon sa pangalan mo, aren't you?" tanong ko at lumitaw na rin ang mga ngisi ko sa aking labi.
Akala nila hindi rin ako marunong ngumisi na katulad nila? Puwes kaya ko rin naman ang ginagawa nila.
"Hindi ba't dito kayo kinasal sa Pilipinas? Legal na ba ang divorce?" That's hit her again. Umiba na kasi ang aura niya.
"Palaban ka rin, good wife. Wala sa hitsura mo, eh," natatawang sabi niya at napasandal siya sa ring ng hagdanan.
Hindi ba siya natatakot na baka matalisod siya at naka-heels pa naman din siya?
"Well, you can't blame me, Mrs. Amero. Lumalabas kasi ang palabang side ko sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha mo. Akala niyo kaya niyo akong isahan ng asawa ko? Mrs. Amero, may alam ako sa mga pinag-gagawa niyo."
"Stop calling me that in name!" Short tempered din siya like my mother-in-law.
"Ano ba ang dapat na itawag ko sa 'yo? Soon to be Mrs. de Cervantes?" sarkatiskong tanong ko at napa-cross arm pa ako.
Galit na galit niya kaagad. Parang version lang siya ni mommy, that any moment susugod na siya sa akin.
"Shut the f*ck up, b*tch! Nakakaawa ka rin kasi hindi mo nakukuha ang loob ng asawa mo. Hindi ka niya napapansin at wala naman talaga siyang pakialam sa 'yo, eh. Kailanman ay wala namang halaga si Lervin sa 'yo. Hindi ka niya mahal at oo, inaamin ko na may relasyon nga kami. Iyong nakita mo kami sa condo na binili niya para sa akin? Doon siya madalas umuuwi, dear. Doon pinagsasaluhan namin ang init ng gabi. Doon siya umuuwi sa akin at habang ang kanyang pathetic na asawa ay nasa mansyon niyo lang at nakahiga lang sa kama na malamig sa gabi. At oo, sa loob ng isang buwang hindi siya umuuwi sa 'yo? Nasa tabi lang ng bahay niyo Mrs. de Cervantes. Doon kami nagbabahay-bahayan. At aware ka naman sa ginagawa namin kapag kami lang, right?"
Masakit, sobrang sakit. Na akala mo pinupunit ang puso mo. Masakit na akala mo may malaking sugat doon at binuhusan ito ng isang galong alcohol. At tuluyan nang humapdi hanggang sa hindi mo na 'yon mararamdaman.
Masakit, lahat ng mga sinabi niya sa akin pero nanatiling blangko pa rin ang mukha ko. Nakakuyom lang ang mga kamao ko.
"How's that, good wife? Sabi rin ni tita baka maunahan ka at maka-buntis ang asawa mo sa ibang babae. Oh, I don't mind having his son in my womb, Mrs. de Cervantes."
Mabilis ang mga pangyayari, bago pa kasi ako makalapit sa kanya at bigyan siya ng mag-asawang sampal ay bigla na lang nadulas ang mga paa niya.
At nahulog siya. Nagpagulung-gulo siya sa hagdanan. Pero ako? Tila nakapako lang ako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw.
Gusto ko pa nga siyang tulungan, eh. Pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Matutuwa dahil kinarma siya kaagad? O mangangamba na baka ako ang mapagbintangan?
Sunud-sunod na napahinga ako nang malalim. Pati ang paghinga ko ay bumibigat na rin. Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero hindi ko magawa.
"Oh my God! Jillian!"
Isang matinis na tili ni mommy ang umalingaw-ngaw sa loob ng mansyon nila at ang nagmamadaling mga yapak.
W-what happened to myself?