~He still do~
"ARE YOU sure na, hindi ka pa uuwi kasama ko?" tanong sa akin ni Lervin.
Ilang ulit na niyang tinatanong 'yan sa akin. Kung gusto ko na bang sumama sa kanya pauwi. Pero mas gusto ko na munang mag-stay rito sa mansyon ni daddy-lo. Miss na miss ko na rin kasi ang lolo ko.
"Ikaw na lang muna," naiiling na sabi ko at lumapit siya sa akin upang bigyan ako ng halik sa aking noo.
"Alright. Just call me when you want to go home, okay?" nakangiting sabi niya at tinanguan ko na lamang siya.
"Bye, baby." Tipid na nginitian ko na lamang siya at pinanood ko na lang na makasakay na siya sa kanyang sasakyan.
Nang makita kong malayu-layo na ang kotse niya ay sumulpot naman bigla si Jaickel.
Nakapamulsa ito habang tanaw niya rin ang papalayong kotse ng asawa ko.
Binalingan niya ako nang nakangiti, "Kamusta, Mrs. de Cervantes?" tanong niya na akala mo close kami dati. E, hindi niya nga ako kinakausap no'n.
"Okay lang," maikling sagot ko.
"Bakit ka nga pala nandito?" I added.
"I just checking your grandfather's health," sagot niya at nagulat naman ako roon.
"W-why? May sakit ba ang daddy-lo ko?" kinakabahang tanong ko and he burst out laughing.
"Hey, I'm not kidding!" may pagbabantang saad ko.
"Silly," nakangising saad niya at ginulo pa niya ang buhok ko at umiwas ako kaagad.
"May monthly check up ang lolo mo, and no. Walang sakit ang lolo mo," sagot niya.
"I thought nasa Switzerland ka."
Lumingon ulit siya sa akin and this time, naglaho na ang masayang ngiti niya kani-kanina lang. Parang napalitan ito ng lungkot at wala akong ideya kung bakit naglaho kaagad ang mga ngiting iyon.
"I want to live here, for good. I don't have any reason to stay there, nandito na ang buhay ko. And besides, inaayos ko na ang annulment namin," sabi niya at malungkot din ang boses niya.
"Annulment?" gulat na tanong ko naman.
"Yeah, annulment. We both decided to get divorce as soon as possible."
Parang isang bomba ang mga katagang iyon at natakot ako. Natatakot na naman ako para sa sarili ko.
"Why?"
"Love wasn't involved at all."
LOVE WASN'T INVOLVED AT ALL.
Paulit-ulit na naririnig ko ang boses ni Jaickel at ang huling katagang binigkas niya.
Love wasn't involved? But I can sense that he still in love with his wife. At bakit naman sila magpapakasal kung hindi nila mahal ang isa't-isa. What was that? A game?
Ano ang akala nila sa kasal? Kasal-kasalan? And suddenly, I remember our situation.
Parang laro rin ang relasyon namin ng asawa ko. Love is not involved too.
____________________
ALBISON COLLEGE UNIVERSITY
'Saktong 8 ng umaga ay nakarating na ako sa university namin. Hinatid ako ng tauhan ni daddy-lo at katulad nga ng gusto ko ay roon ako natulog sa mansyon ni daddy-lo.
Siguro uuwi na rin ako mamaya o bukas na lang? Ah, ewan ko.
Naglalakad na ako patungo sa department namin.
White blouse with dark blue ribbon on my neck, dark blue skirt and black shoes with white socks ang uniform ng ACU.
Maganda ang sikat ng araw ngayon. Dahil asul na asul ang kalangitan at kitang-kita mo rin si haring araw. Hindi naman gaano mainit. Dahil umagang-umaga pa lang.
Marami na ang estudyante sa university. Karamihan sa makikita mo ay mag-babakarda. Babae, lalaki, may mga gay rin at tomboy.
Tahimik naman ang magiging life mo sa university na 'to, hindi uso ang bully rito, dahil puro aral lang at siyempre, may landian scene ka namang makikita.
May mag-boyfriend at mag-girlfriend at nag-uusap sa mga bench, sa waiting ched or somewhere that they are comfortable. Nag-uusap? O baka naman nagde-date? Yeah, that's a good terms to say.
Pero minsan din na may awayan ang nagaganap. Saka strict din ang university namin. No I.d, no entry, at kapag hindi ka naka-uniform? Makakalusot ka sa security guard dahil wala naman 'yon sa rules pero kapag sa professor? Hindi ka papasukin sa loob ng klase, kaya naka-uniform lahat ang mga estudyante. Puwera na lamang sa Wednesday, wash day namin 'yon at kapag Friday naman ay P.E namin o may club kami. Ganoon.
Malapit na ako sa room namin nang nadatnan ko roon ang kaibigan ko. Isa pa, wala ka ring permanenteng classroom. Paiba-iba ka ng classroom na gagamitin. Kung next subject mo ay next room na naman Ganoon 'yon. Ikaw ang hahabol sa prof mo at hindi sila ang hahabol sa 'yo. Iyong mga prof lang naman ang mayroong permanenteng classroom, dahil doon din ang subject nila.
But of course, may teacher in charge din kami.
3-A, HRM, 'yan ang section and year namin at hindi rin mga matatalino ang nasa section na 'yan. Paunahan lang po ng pag-enroll. At dahil maagang-maaga kaming nag-eenroll ni Shin ay nasa section A lang kami.
Karamihan ay gusto talagang maging late sa pag-enroll at may deadline naman, kung makakalampas ka sa oras ng pag-enrol ay may multa ka na. 1000 pesos.
Nakasandal sa dingding si Shin at nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo.
"Art, bakit hindi mo sinasagot ang mga text message ko? At bakit naka-off ang cellphone mo?" Ginigisa niya kaagad ako ng tanong.
"Wala," sagot ko at tinaasan niya ako ng kilay. Kilalang-kilala na ako ng kaibigan ko.
Kung may problema ako ay alam na niya iyon agad-agad. Bestfriend instinct niya raw 'yon pero kapag ako naman ay hindi ko malalaman kung may problema ba siya. Kung hindi niya sasabihin ay hindi ko rin malalaman. Ganyan siya kung makapaglihim.
"Nag-alala ako sa 'yong bruha ka, pero hindi na kita gigisahin pa. Tara na sa loob at maya-maya pa ay darating na ang prof natin. At oo nga pala, mag-reresearch pa tayo ng kanta para sa foundation night," mahabang sabi niya at inakbayan pa niya ako.
To be continue...
Edited · 316 · Like · React · Edit · Aug 28, 2021
Beverly Repuya Rec... replied · 2 replies
S Lyn Hadjiri
SOMEDAY, I'LL BE GONE
Chapter 6 (3.3)
NATAPOS din lahat ang klase namin at ngayon ay papunta na kami sa faculty room. Pinapatawag daw kami ni Miss Emily.
Supposed to be, kahapon pa dapat kaming kakausapin ni Miss Emily pero absent naman ako kahapon.
"Hindi ka ba pinagalitan ng sugar daddy este ng hubby mo, Shin?" tanong ko habang naglalakad na kami.
Magkahawak kamay pa kami. Ganito kami ni Shin at masyadong sweet sa isa't-isa.
"Hindi naman, pero binantaan lang na huwag na huwag na akong mag-cutting sa klase. Huwag ko raw sirain ang reputasyon ng pangalan ng kanyang tunay na asawa, tss."
"E, 'di, pinagalitan ka na no'n!" sabi ko at bigla akong nainis kay Cervin.
G*go 'yon, ah. Huwag daw sirain ang reputasyon ng asawa niya? E, sirang-sira na 'yon.
"Baka sumama sa ibang lalaki si Cashren Jhed, kaya nawawala siya," sabi ko at siniko pa niya ako.
"Sssh...ka lang, Art. Baka marinig tayo, patay ako kay Cervin bebe ko," aniya.
Magkaibigan nga kaming dalawa. Cervin bebe ang tawag niya sa asawa niya at ako naman ay Lervin babe.
___________________
"Kakanta kayo ng tatlong beses, kaya tatlo ang kakantahin niyo. It's up to you kung ano ang mapili niyong kanta. It's either na malungkot o masaya," pagpapaliwanag sa amin ni Miss Emily at napatangu-tango kami.
"Just do not forget to wear your elegant dress, may mga guess din tayong envited. Take note, mga kilala 'yon sa larangan ng medisina."
"Opo, Miss Emily," sabay na sagot namin ni Shin at nagpaalam na kami para makapunta na sa canteen.
"Nagutom ako roon," nakangusong sabi ko at hinimas-himas ko pa ang tiyan ko. Narinig ko ang mahinhing tawa ni Shin.
"Sana hindi invited si Cervin bebe, dahil nakakahiya kapag nagkataon na nandoon siya," ani Shin.
O, crap! Doctor din pala ang asawa niya. Cervin Raeson Vesalius, the owner of Vesalius Pharmaceutical sa bansa. Ano nga ba ang tawag sa mga doctor na gumagawa ng gamot? Ah, hindi ko alam.
Basta mayaman si Cervin. 28 years old, same age ng asawa ko at may isa ng anak.
"Si...si ano, ano ba 'yong pangalan ng anak niyo, Shin?" I asked her.
"Renna Cerae Vesalius, ang panganay niyang anak na aloof sa mga tao pero ako, nakuha ko kaagad ang loob ng bata at...napamahal na rin ako kay Renna "
"Uh-huh." Tumangu-tango na lamang ako at pumasok na kami sa canteen at nandoon na ang kambal naming kaibigan.
Sabay-sabay kaming nag-lunch habang nagkukuwentuhan.
___
________________________
Sa huli ay napag-desisyunan ko rin ang umuwi sa house namin ni Lervin. Ewan ko ba kung bakit nagbago ang isip ko at bigla akong umuwi ngayon sa amin.
Dahil ba miss na ko kangad ang asawa ko? Dahil gusto ko na palagi ko siyang nakikita?
And speaking of love, mahal ko na nga ba si Lervin? Ah, ewan. Hahanapin ko ang kasagutan sa sarili kong tanong.
Pagkauwi ko sa bahay namin ay nagulat pa ang kasambahay namin nang makita niya ako. Tila nakakita siya ng multo sa kanyang reaksyon. Nawala ang kulay ng mukha niya.
"N-nakauwi na pala kayo, ma'am Arthea," nauutal niyang wika.
Hindi kami close niyan. Kasambahay sila ng parents ng asawa ko at mahirap naman silang pakisamahan.
"Nakauwi na ba ang asawa ko? O mula pa kahapon ay hindi na siya umuwi?"
tanong ko. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin. 20 years old na ako and maybe nasa mid-20 pa naman siya. Mukha rin kasi siyang bata.
"O-opo, k-kagabi pa--t-teka lang po ma'am!" biglang sabi niya at kumunot ang noo ko.
Bakit niya ako pinipigilan? Nakahawak kasi siya sa braso ko at parang ayaw niya akong paakyatin pataas.
At dahil sa ginawa niya ay nagkaroon na naman ako ng akala. May masamang kutob na naman ako.
Ganito rin ang pakiramdam ko ng malaman ko na bumili ng condo unit ang asawa ko and worst, binili niya ito
para lang sa babae niya.
"What's your problem?" tanong ko. Kalmado lang ako pero nababakasan ang lamig sa mga boses ko.
Hindi ako matapobreng tao dahil hindi naman masama ang ugali ko. At dahil short tempered ako ay lumalabas din ang side ko na pinakaayaw ko sa lahat.
Ang maging walang galang.
"Let me go, and don't you dare do that again. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho," malamig na sabi ko at marahas na inagaw ko ang braso ko sa kanya.
Naiiyak na tinalikuran ko siya at nagmamadali akong umakyat pataas.
Walang katok-katok na binuksan ko ang pintuan sa library at nadatnan ko ang asawa kong nakaupo sa swivel chair niya.
Nasa mahabang sofa nakaupo ang babae. At kahit wala silang ginagawa o baka tapos na o baka naman wala pa, ay nagbigay rin ito sa akin ng masamang ideya at nasasaktan na naman ako.
Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsalubong ang malamig na mga mata namin ni Lervin.
"Arthea?" bigkas niya sa pangalan ko at hindi man lang nabakasan nang pagkabigla ang mukha niya. Parang chill lang siya.
Tumayo siya at bago pa siya makalapit sa akin ay humakbang na ako paatras at patakbong umalis na sa library.
He dissapointed me, akala ko hindi na niya gagawin 'to. Akala ko magtitino na siya. Pero mali ako, maling-mali.
Dahil sa pagtatakbo ko ay nawalan ako ng balanse. Bigla kasing nanghina ang mga tuhod ko at hindi naman ako clumsy.
Kung malalaman kong mawawalan ako ng balanse ay hindi ako babagsak kaagad. Pero hindi ngayon. I felt numb. I can't move my legs at nahihirapan akong bumangon.