~Lunch date~
Arthea Primero-de Cervantes POV
"AYOKONG matulad kay Reolla," walang emosyong saad ni Shin at nagtatakang napalingon ako sa kanya.
"Ha? Ano'ng pinagsasabi mo riyan, Shin? Sinong Reolla?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa SM at nagliwaliw lang kami ng kaibigan kong si Marshin Escalante.
Bestfriend ko since second year college. Maganda pero tahimik. Morena at matangkad siya. Pang-Miss Universe nga ang looks ni ate at minsan ng nanalong Miss University namin.
Model type rin kasi siya eh, marami na ngang may balak na alukin siya na mag-model. But she rejected it, hindi rin dahil ayaw niya at wala kuno siyang talent sa pagrarampa. Kundi, she's married at napaka-strict ng sugar daddy--este asawa niya.
"Si Reolla Moon, iyong Unwanted Family ni Poirier," wala sa sariling sambit niya at may hinablot na isang libro mula sa bookshelves.
"Who is Poirier?" I asked her.
"Si Poirier na may wife na at may ibang pamilya pa," sagot niya at inabot niya sa akin ang kinuha niyang libro.
"Basahin mo. Para sa katulad kong The Proxy Wife at ikaw na parang Unwanted Wife ay dapat may alam ka sa mga ganyan."
Mahilig po talaga ang kaibigan ko sa mga nobela basta romance ang genre. Ewan ko ba sa isang ito kung bakit ayaw niyang matulad sa mga bidang babae na binabalewala ng kanilang mga asawa.
"Ayoko. Mas gusto ko ang fantasy," sagot ko at hinablot ang isa pang libro na may titulong, Uncrown Princess, Lazaro's Princess.
Hindi ko kasi feel ang romance kasi nga ayokong maging malungkot sa pagbabasa.
Shin and I were the same situations. Siya kasi ay proxy wife lang at ibang name ang ginagamit niya ngayon. Cashren Jhed Vesalius. But I called her Shin.
At ako na ikinasal two years ago na parang wala ring asawa kasi madalas hindi umuuwi si Lervin. Lervin de Cervantes, neurologist doctor. Kaya relate na relate talaga kami sa isa't-isa.
"Art, dapat may idea ka sa mga ganyang nobela," giit niya sa akin.
"Romance ka at fantasy ako, period," sambit ko at tinalikuran ko na siya.
Akma na akong maglalakad patungong counter para mabayaran ang binili kong libro nang mapako ang mga mata ko sa pigura ng lalaking kakapasok lang dito sa book area.
"Patay ako nito, Shin!" halos pasigaw na saad ko at hinila ko sa braso si Shin para makapagtago sa kabilang shelves.
NILINGON ni Shin ang tinutukoy ko sa kanya at nagsalubong ang mga kilay niya nang tumingin siya sa akin.
"Ano'ng ginagawa ng asawa mo rito, Art?" tanong niya na as if wala rin siyang idea kung bakit nandito nga ang asawa ko sa SM.
Two weeks ko na ring hindi nakikita ang pogi kong asawa. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta at wala naman din akong pakialam sa kanya. Tsk.
"Eh, ikaw, Shin. Ano rin ang ginagawa ng asawa mo rito, Shin?" balik na tanong ko sa kanya.
Heto nga't nagtatago na kami at nakasalampak na sa sahig para hindi makita ng dalawang lalaking pinagtataguan namin.
"Hindi ko alam na mag-bestfriend din pala sila, Art," namamanghang saad ni Shin at napatangu-tango naman ako.
"Shin, patay tayo rito. Hindi dapat malaman ni Lervin babe na nandito tayo!" kinakabahan na sabi ko at humigpit ang pagkakahawak ko sa kanang braso niya.
"Aray! Art naman, iyong kamay mo gaga!" may pagbabanta na wika niya at ngiting aso lang ang iginanti ko sa kanya.
"Ako rin, Art. Dapat hindi ako makita ni Cervin dito. For God's sake, Art! We are in the middle of class! Baka malaman nila na nag-cutting tayo sa class," aniya at may pangamba sa boses niya.
"Na totoo namang nag-cutting tayo," nakangisi kong sabi.
Muli kaming lumingon sa direksyon nina Lervin at nakita naming wala na sila roon.
"Cervin din ang pangalan ng asawa mo, Shin?" kunot-noong tanong ko.
"Right. Lervin naman ang pangalan ng asawa mo, Art."
Saglit na nagkatinginan kami ni Shin at maya-maya pa ay napatawa na kami at nag-apir pa.
"Destiny nga silang dalawa," natatawa kong saad at tila nakalimutan naming dalawa na nagtatago kami rito para hindi makita nina Lervin at malaman pa nilang nag-cutting kami sa class na which is true naman.
Wala lang kasi. Hindi namin feel ang pumasok sa last subject namin eh. Isa pa, hindi naman iyon major subject at keri lang iyon.
"No pakels naman si Lervin babe ko. Para nga akong hindi nag-eexist sa house namin dahil hindi naman niya ako pinapansin at saka hindi naman ito ang unang beses na nagkita kami sa labas," mahabang sabi ko at nagbago ang expression ng mukha ni Shin.
"Pero hindi si Cervin. Patay ako kapag nahuli niya ako rito, Art. Alam mo namang strict siya, right? May curfew nga ako eh. Nakakatakot siya kapag nagalit," aniya at mukha ngang takot na siya.
"Ganito--"
"Ladies, what are you doing, there?"
Gulat na napalingon kaming dalawa ni Shin sa nagsalita and there. Nakatayo na ang dalawang poging lalaking pinagtataguan namin!
Napalunok ako sa kaba nang magsalubong ang mga mata namin ni Lervin. As usual, no expression.
Naramdaman ko naman ang pagbaon ng mahabang kuko ni Shin sa braso ko at napaigik ako sa sakit.
"Shin naman, baka puwede mong putulin ang mahaba mong kuko?" nakataas na kilay na sabi ko at kitang-kita ko ang pagkaputla niya.
Para siyang binubusan ng maraming suka sa mukha. Ganyan ba siya katakot sa asawa niya? And hey! She's shaking, dude!
Bago pa ako makapagsalita at dumalo na sa akin si Lervin. Hinawakan niya ako sa kaliwang braso at hinila patayo.
Ganoon din ang ginawa ni Cervin kay Shin. And he possessively encircled his arms on his wife waist. Nice.
And there! Naramdaman ko rin ang kamay ni Lervin babe sa baiwang ko at hinapit niya ako palapit sa kanya at nagdikit tuloy ang katawan naming dalawa.
Ramdam ko ang init ng katawan niya at heto na naman ang pamilyar na pagkabog sa dibdib ko.
KAGAT labing napayuko ako at hindi makatingin ng diretso sa asawa ko. Matapos ang pagtatago namin ni Shin at nakita rin kami ay heto at nasa Starbucks na kami.
Magkatabi kaming nakaupo ni Shin at nang silipin ko kanina ang hitsura ng kaibigan ko ay wala ring emosyon.
Nasa tapat naman naming nakaupo sina Lervin at Cervin.
Ganyan po siya kapag kaharap niya ang asawa niya. Better don't show your real expression, ika niya.
Nakakatakot din kasi ang aura ni Cervin Raeson Vesalius. Iyong parang may itim na nakapaligid sa kanya? At kulang na lang ay magkaroon ng itim na pakpak at sungay sa ulo. Wala po talagang expression sa mukha niya.
Guwapo naman at maganda ang tindig ng katawan. Nakasuot siya ng color orange polo shirt at black slack. Si Lervin ay nakasuot ng sky blue long sleeve and white pans. Oh, 'di ba? Naglalaban ang pogi nilang face at alam kong parehas na panalo.
Ang dami ring mga babae ang nakatingin sa kanilang dalawa at wala naman silang pakialam doon.
Nakatutok ang mga mata nila sa amin eh. Kaya nga nakakailang.
"May klase pa kayo, right?" ani Cervin at maski ang boses niya ay sobrang lamig din. I looked away when he stared at me. Si Lervin nga na asawa ko ay hindi ko matagalan ang mga titig niya. Eh, si Cervin pa kaya na asawa ni Shin na nakakatakot talaga ang aura niya?
"Yeah. Ano'ng ginagawa niyo rito?" This time, ang asawa ko na ang nagtanong.
"Bumili lang kami ng materials para sa project namin." Lihim na nagbunyi ang kalooban ko nang si Shin ang sumagot kay Lervin. Shin is a good liar.
Dahil daw, sabi niya. Proxy wife siya ay dapat best actress siya. Marunong magsinungaling. Nakakaawa nga ang kaibigan kong iyan, eh.
Basta sa hell na siya mapunta sa dami ng kasinungalingang sinabi niya.
"That's book? Is that what you called materials?" nagdududang tanong ni Lervin at muli akong napalunok.
"And why are you hiding from us?" Si Cervin naman.
Patay. Para kaming kriminal nito at hindi talaga nabibili ng kasinungalingan ang dalawang 'to.
"Fine. Nag-cutting kami at bored na bored na kami sa University. Nakakapagod," nakangusong sabi ko at kinain ko ang spaghetti na in-order nila sa amin.
Napatigil ako sa pag-nguya ng biglang napatawa si Cervin at kumunot ang noo ko. Kanina ay hindi mabasa ang mukha niya. At kahit isang tipid na ngiti ay wala. Ngayon naman ay tumatawa siya.
Ang galing.
Napalingon ako sa loob ng Starbucks at nakuha niya ang buong atensyon ng mga customer.
Parang may umaawit na anghel kasi, ang ganda ng boses.
"Iyan ang gusto ko sa asawa mo, Lervin, eh. Masyado siyang honest," aniya at hayon na mga ate. Sumisilip na ang killer smile niya. Kaya pala inlababo ang kaibigan ko. Eh, may dalawang malalim na biloy sa magkabilang pisngi niya. Parang si Lervin babe ko rin. Pero may dimple din naman si Shin, ah? Dalawa pa! Ako lang ang wala. Unfair.
Wala sa sariling napatingin ako kay Shin. Nakayuko na siya at mukhang napahiya siya. Do something, Art!
Tumikhim ako bago nagsalita, "that's true. We are too bored. May project kami at need namin ng materials kaya nag-cutting kami sa last subject. This afternoon na kasing ipapasa at wala na kaming oras. Kaya nag-cutting kami." Tiningnan ko naman ang dalawang librong nakapatong sa table namin.
"And about the books. Binili namin kasi bookworm nga kami eh," nakangiting sabi ko at napatangu-tango na ang asawa ni Shin. Tumalab ang palusot ko. That's good.
Parang nakahinga ng maayos si Shin at nagsimula na siyang kumain ulit.
"Oh, okay. And maybe, this is destiny. Lunch date na rin natin 'to. What do you think, dude?"
"Yeah. Since, matagal ko na ring hindi nakita ang asawa ko. So, this is our lunch date, right baby?" nakangiting sabi niya at nasamid ako bigla.
Feeling ko, pulang-pula na ang face ko ngayon!