Dear Diary,
Pagsapit ng six thirty ng gabi ay tinahak na namin ang papuntang Taal Batangas. Sa Royal Beach Resort gaganapin ang aming outing.
Apat na jeep ang inarkila ni Father Bong. Sa isang jeep magkakasama kami nina Jenny at Robby. Nahiwalay kami sa grupo nila Vander. Okey na ko na hindi namin sila kasama. Tukso lang ang aabutin ko sa mga iyon. Di pa rin nila makalimutan ang stolen shot naming dalawa ni Van. Na ginawa pang profile picture ng huli.
Masaya naman ang byahe ngunit pagsapit ng ala una ng madaling araw ay tahimik na kami sa sasakyan. Mga tulog na ang karamihan.
Nagising lang ako nang dumating na kami sa destinasyon namin. Mag aalas dos na niyon ng umaga. Malamig ang simoy ng hangin. Hindi ko pa makita ang paligid dahil wala pang liwanag.
Niyakap ko ang sarili nang bumaba na kami sa jeep. Ang sarap singhutin ng hangin. Nakaka relax ang ambience.
" Ang lamig! Buti na lang nagdala ako ng jacket" sabi ni Jenny sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Napangiti ako sa gesture niyang iyon. May pagka clingy talaga ito.
"Ako na lang yakapin mo Jenny. Baka magpakamalan pa kayong tomboy ni Maya diyan" tawang saad ni Robby sa amin.
"Inggit ka lang Robby. Wala kasing nayakap sayo" tukso ko.
Mahinang tumawa si Robby at may tinignan sa malayo.
"May isa kasing naiinggit diyan. Nasa tabi tabi" mukhang nagpaparinig na sabi ni Robby.
"Tara yumakap ka na din sa amin" yaya ni Jenny dito.
Umiling si Robby. Nakangiwi.
Arte naman nitong lalaking ito. Sabagay ang kapal naman ng jacket nito.
Tinawag na kaming lahat ni Father Bong para sabihin ang magiging cottage namin. At para makapagpahinga pa kami. Gigising kami ng alas otso ng umaga para masimulan na ang outing. May hinanda din mga program at palaro para mas masaya.
Nagtungo na ako sa cottage namin. Sampu kada cottage. Hiwalay ang babae sa lalaki. Kasama ko si Jenny sa higaan. Buti na lang hindi kami magkahiwalay na dalawa. Pati si Isabella ay kasama din namin.
Nagkasalubong ang aming paningin ni Isabella. Nailang ako. Naisip ko si Vander. Babae din ako. Alam kong may gusto ito sa binata. Hindi siya nag iwas ng tingin sa akin. Parang may binabasa sa mukha ko na hindi ko mawari.
Nang hindi man lang siya kumurap ay tipid ko na lang siyang nginitian. Ang awkward naman nito. Nagbaba na ko ng tingin at inayos ko na ang higaan namin ni Jenny.
Baka iniisip ni Isabella na may gusto sa akin si Van. Naku! Wala akong panama kay Isabella. Porselana ang kanyang kutis at maamo ang bukas ng kanyang mukha. Parang anghel na bumaba sa lupa. Ganyan ang itsura ni Isabella para sa akin. Tapos ang ganda pa ng boses. Di tulad ko may pagpiyok piyok pa. Kahit ang DO RE MI hindi ko pa matamaan ang nota.
Bagay din sila ni Vander kung pisikal na anyo at talento ang pag uusapan. Hays. Nakaka selos naman at nakaka bitter itong iniisip ko.
Pagkatapos kong ayusin ang higaan ay nahiga na ko. Hindi na ko tumingin pa sa gawi ni Isabella. Lalo lang akong ma i insecure dito. Hindi ko na hihintayin si Jenny na nasa cr pa. Uuna na kong matulog. Napagod ako sa byahe.
NAIILANG ako habang kumakain ng almusal. Hindi ko malunok ang kinakain kong sinangag, kahit ang pag appreciate ng paligid ay hindi ko magawa.
Kumakain na kami nina Jenny at Robby nang maki join sa table namin sina Vander kasama ang mga kaibigan nitong si John at Seph. Ang mas nakaka ilang pa ay kasama ng mga ito si Isabella.
Hindi yata ako matutunawan nito. Sabay lang kaming nagising ni Jenny ng alas siyete ng umaga. Pagkatapos namin ayusin ang sarili ay nagtungo na kami para sa almusal. Nakasalubong pa namin si Robby na papunta na din para mag breakfast.
Tahimik lang kaming kumakain ng binasag ni John ang katahimikan.
"Van, bakit nag iba ka ng profile?" Ani John. Ang pangit ng topic naman nito. I rolled my eyes secretly.
"Alam mo na iyon pare" tipid naman na sagot ni Vander dito. Sabay baling sa akin. Nanlaki ang mata ko ng ngumisi siya.
Tumikhim si Isabella. Para siguro maagaw ang atensiyon ni Van.
"Bakit nga ba binago mo iyong profile picture mo Van? Maganda na ang dati mong dp nagpalit ka pa" Isabella said.
Ngumiti si Van kay Isabella.
"Maganda din naman ang profile picture ko ngayon." Kibit balikat na sagot nito.
"Ano ba ang pakialam mo kung iyon ang gustong picture ni Vander?" Sabat ni Jenny sa usapan.
"Jenny!" Saway ko. Baliw talaga itong kaibigan ko. Aga aga nang aaway.
"I'm just asking" depensa naman ni Isabella. Napahiya yata.
Biglang nagkaroon ng tensiyon sa mesa namin. Ano bang big deal doon sa picture? If I know pang aasar lang ni Van iyon sa akin.
"May pa games mamaya si Father Bong" basag ni Seph sa tensyon.
"Anong games?" Ani Robby. Halata ang excitement sa tinig.
"Tuwing outing iyon ang nilalaro namin. Group of five tapos magte treasure hunting. May tinago na silang papel na instruction kung paano natin makukuha ang premyo" paliwanag ni Seph.
"Mamayang gabi din ay may bonfire. Wag lang sanang umulan. Alam niyo naman kapag August ulanin" wika ni John sabay tawa
"Sana magka team tayo" bulong ni Vander sa akin. Magkatabi lang kami ng upuan.
"Sana hindi" bulong ko din.
"Favorite ako ni Lord. Pagbibigyan niya ko na ikaw ang maging ka team ko"
" Umayos ka Vander may kasalanan ka pa sa akin" ingos ko.
"Maayos naman ako. Saka wala akong kasalanan sayo" anito
"Burahin mo iyong picture natin"
"Ayoko" pinal na wika ni Vander.
Napatingin kami sa mga kasamahan namin ng may narinig akong nag uyyy.
"Anong binubulong niyong dalawa diyan ah?" Ani Seph. Nanunudyo ang iginawad na tingin sa amin ni Vander.
Namula naman ang pisngi ko sa narinig. Nakakainis naman. Aasarin na naman kami nito.
"Care to share?" Tudyo din ni Jenny sa akin.
"W-wala iyon.." utal kong sabi. Yumuko na ko sa pinggan at tahimik na kumain. Letse! Nautal pa ko.
*Pinapabura sa akin iyong picture namin. Sabi ko ayoko."
Mabilis akong napatingin kay Van. Ang abnoy na ito sinabi pa! Grrr..sinamaan ko siya ng tingin. Namumula na ko dito sa hiya.
Nagtawanan naman silang lahat maliban sa akin.
"Bakit ayaw mo nga bang burahin?" tanong ni John.
"Gusto ko iyong nasa picture" ani Van.
Muntik na kong mahulog sa kina uupuan ko. What the heck?
Mayanne Lorenza