Dear Diary,
Lumipas na ang dalawang linggo pero hindi pa rin ako tinitigilan ng panunukso ng mga kaklase ko kahit ang mga taga ibang section ay nakikisali na sa panunukso sa akin.
Hanggang ngayon hindi pa rin nila makalimutan ang nangyari tungkol sa nasaksihan nilang panghaharana ni Vander.
Konting kibot ko'y may naririnig na kong panunukso. Magtama lang ng konti ang paningin namin ni Vander ay may malakas ng uugong na uuyyyy galing sa aming mga kaklase ultimo mga teacher namin ay nakikisali. Kulang na lang lumubog ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko naman pwede silang dikatahan para hindi na nila ako tuksuhin.
Si Vander naman ay tuwang tuwa pa sa nangyayari imbes na tulungan akong patahimikin ang panunukso nila.
Ngayong araw ay magkatawagan kami ni Van sa cellphone. Mag isa lang ako sa bahay dahil nagpunta si Lola Amanda sa prayer meeting,sinama si Brenda. Bukas pa ng madaling araw ang uwi ng mga iyon.
Kinukulit ko si Vander na kantahan ulit ako. Hindi pa rin ako maka get over sa boses niya. Pa hard to get naman itong lalaking 'to. Gusto pinipilit pa.
"Van! Kantahan mo na ko! Iyong kinanta mo doon sa classroom. Ano ba title niyon?" Ani ko dito.
"Ayoko. Paos pa ko" pabebe pa ang abnoy. Naiinis na naman ako dito.
"Vander!" Kulang na lang maglupasay pa ko dito sa sahig para pagbigyan niya akong kantahan ulit.
Tumawa si Vander sa kabilang linya.
"Tawa tawa pa. Gusto mo pinipilit ka pa. Ang arte mo na"
"Ang title nun ay Ngiti by Ronnie Liang. Narinig ko lang iyan sa radyo. Tapos ikaw agad ang naisip ko. Bagay sayo ang kanta" biglang sabi ni Vander sa kabilang linya. Nawala na ang palabiro sa tono nito.
Dug dug dug
Ayan na naman ang puso ko. Nagrereact na naman sa mga sinasabi ni Vander sa akin. Feeling ko unti unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya. Masyadong mabilis kaya mahirap paniwalaan.
Narinig ko sa kabilang linya na kumaluskos sa background nito. Kasabay ng narinig niyang pag strum ng gitara. Familiar ito!
Ito iyong kinanta ni Vander sa school!
Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik🎶
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin🎶
Napaka ganda ng song. At talaga naman na na hook na ako sa kanta. Hindi ko alam kung bakit may kanta na parang hinulma talaga para sayo. Hindi ko man maamin pero kinikilig ako sa boses ni Vander.
Feeling ko parang theme song namin ito kahit hindi naman kami.
Sa totoo lang natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.
Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid🎶
Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib (sa aking dibdib)
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin🎶
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
Sa iyong ngiti
Sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo (para lang sa'yo) ang awit ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti (sa iyong ngiti)🎶
Nag strum pa ito ng matagal bago nito iyon tinigil ni Vander. Ako naman ay parang manghang mangha sa pagkakanta nito.
"Ayos na ba Maya? Magsalita ka naman diyan. Hahaha. Ninenerbyos ako sayo" kabadong sabi ni Vander sa akin.
"A-Ayos naman. Maganda! Sobrang ganda talaga!" Mangha ko pa din na sabi ko.
"Bakit tunog napililitan?" Tukso pa nito sa akin.
"Sira! Maganda talaga promise! Sasagutin ka na ni Isabella niyan" ani ko
"Ha? Hindi naman ako nanliligaw kay Isabella. Bakit napasok siya sa usapan natin?" Himig inis na wika ni Vander.
"H-Ha? Hindi ba? Hehe. Akala ko nanliligaw ka sa kanya" palusot ko. Joke lang naman kasi iyon. Na may halong pagseselos. Bakit ba? Eh iyon ang nararamdaman niya.
"Manliligaw din ako kapag tama na ang time at edad ko pero hindi kay Isabella. Syempre alam ko naman na alam mo iyon. Ewan ko na lang sayo kung hindi ka manhid"
"You mean..?"
"Yes" seryosong sagot nito. Parang alam na alam talaga kung ano ang itatanong ko.
"Seryoso ka? N-Na.." hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Ibigsabihin tama yung sinabi sa akin ni Isabella sa Gubat? Ang hirap naman kasi talaga paniwalaan.
"Bakit hindi mo matuloy ang tanong mo Maya? Sasagutin ko naman iyon ng may katapatan"
"Hindi kasi ako makapaniwala" ani ko. Di pa rin maka get over.
"Bakit naman?Hahaha...Kinakabahan ka na?" Tudyo pa ni Vander sa akin.
Naku! Basta pang aasar napaka galing nito. Kailan kaya ito magbabago?
"Sira! Puro ka kalokohan talaga! Kailang ka kaya magiging seryoso kapag kinakausap? Hindi ko tuloy al-"
"Gusto kita. Matagal na" putol nito sa iba ko pang sasabihin.
Sa sobrang shock muntik ko ng mabitawan ang hawak kong cellphone.
"Seyoso ako sayo Maya. Sa tamang panahon kapag kaya ko na ang sarili ko at kaya ko ng humarap sa Lola mo na mayroon ng maipagmamalaki. Liligawan kita. Pangako iyan" dagdag pa ni Vander.
Speechless ako Diary! Hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya sa akin.
"Alam kong nakakagulat ang mga sinabi ko sayo ngayon. Hindi ka maniniwala. Lagi kasi kitang binubully...pero way ko iyon para mag papansin sayo. Lagi na lang kasing si Robby ang napapansin mo"
Tumawa ito ng pagak
"Ano ba yan. Nahihiya na ko sa mga pinagsasabi ko. Malakas lang loob ko ngayon dahil nasa cellphone tayo nag uusap. Siguro magiging speechless ako kung sa personal ko ipagtatapat ito"
Tameme ako! Letse naman talaga! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Tandaan mo sana ang mga sinabi ko sayo,Maya. Goodnight na!" Saka nito binaba ang tawag.
Napatingin ako sa aking cellphone. Wala akong masabi doon miske isa. Nakala shock naman kasi talaga ang mga pinag tapat nito! Ang hirap kayang i absorb iyon lahat!
Hindi ko alam kung makakatulog pa ko nito. Diary, anong gagawin ko? Parang gusto ko na din si Vander.
Mayanne Lorenza