Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 24 - CHAPTER 24: KILIG

Chapter 24 - CHAPTER 24: KILIG

Dear Diary,

"Jenny, may sagot ka na dito sa Part B ng page sixty three?" Tanong ko kay Jenny. Math time namin at nalulugaw na ang utak ko sa mga questionnaire na binigay sa amin ni Mr. Delaire.

Terror pa naman ang titser namin na iyon. Kaya kapag mayroong graded recitation or magtatawag ito ng sasagot sa tanong nito eh talaga iniiwas nila ang mga paningin nila wag lang silang matawag!

Dito sa school namin sikat itong si Mr Delaire dahil sa kasungitan nito. Binansagan nga din ito ng mga estudyante na Delubyo. Kasi talagang Delubyo ito kapag darating na!

"Wala pa. Ang sakit na ng brain ko,Maya" ngawa ni Jenny sa akin. Nagka duling duling pa ito sa pagtingin sa libro.

Sobrang tahimik tuloy ng room namin. Dahil once na marinig ni Sir Delubyo I mean, ni Sir Delaire ang pag iingay namin. Iisipin nun na tapos na kami at magtatawag na ito ng estudyante sa harapan para mag solve ng problem.

Buti pa itong nasa unahan ko. Parang walang ka proble-problema sa pagsasagot. Nakayuko pa si Vander sa papel nito habang seryoso doon na nagsusulat.

Pa simple akong sumilip sa papel nito. Aba! Ang dami na niyang nasagutan. Naduduling din yata ako sa dami ng number na nakikita ko sa papel ni Vander.

Nagulat ako ng lumingon ito sa akin. Napaatras tuloy ako. Nahuli akong naninilip sa papel niya!

"Bakit?" Seryosong tanong ni Vander sa akin. Hindi naman galit ang tono.

"Wala naman. Napatingin lang ako" palusot ko sabay yuko sa papel ko. Napangiwi ako ng makitang number five palang ang nasasagutan ko. Waaaaa!

"Wala ka pang sagot?" Tanong nito ulit sa akin

"May sagot ako 'no. Anong akala mo sa akin bobo?" Pagsusungit ko.

"Wala naman akong sinabi na bobo ka. Nagtatanong lang naman ako ng maayos" sabi nito. Binalingan ulit ang papel at nagsagot ulit ito. Hindi na ako pinansin. Hmp! Sungit!

Kagat labing tumingin ako sa aking papel. Wala na talagang mapipiga ang utak ko para masagutan na ang number six sa part B.

Napa piksi ako ng may nag abot sa akin ng one whole sheet of paper. Galing iyon kay Vander.

"Ano 'to? Hindi ko kailangan ng sagot mo. Kaya ko naman sagutan tong Math. Sisiw nga to sa akin eh" sinamaan ko pa ng tingin si Vander. Kahit ba gwapo pa siya sa paningin ko.

"Hindi naman iyan sagot. Kahit naman gusto kita hindi ibigsabihin nun ay pakokopyahin kita. Paano ka matuto kung gagawin ko iyon?" Ani Vander.

Namula ako sa narinig ko. Pasimpleng tinadyakan ni Jenny ang paa ko kaya napangiwi ako. Siguradong kilig na kilig na tong katabi ko.

"Kunin mo na. Para magkaroon ka na ng sagot" alanganin na kinuha ko ang inaabot na papel ni Vander.

Binuklat ko ito at nakita ko ang sulat niyang parang kinalahig ng manok. Akala ko pa naman maganda ang penmanship nito. Ang pangit pala!

Hindi na talaga ako naniniwalang kapag gwapo. Gwapo din ang sulat kamay. Pinilit kong binasa ang mga nakasulat doon sa papel.

=Solve Trigonometric Equation=

1. Get one function of one angle

2. Get the value(s) of a trig function

3. Solve for the angle

4. Solve for the variable

5. Appy for any restrictions

Hinawakan ko ang aking ilong. Baka may tumulo ng dugo doon. Hindi ko alam 'to! Ano ang mga ito? Orasyon ba ang binigay sa akin ni Vander?

Example in number six part B.

½sin(2D)-½=0 for D in [0;2π]

Step1 is completed

Step2 solve for the function

½sin(2D)=½

Sin(2D)= 1

Step 3 find the angle 2D=2/π+2πn

Step4 solve for the variable

D= π/4 +πn

Step5 apply for any restrictions

n ..  D = π/4+πn

0 ..  π/4

1 .. 5π/4

The answer is : D =π/4, 5π/4

Waaaaa.. kahit may paliwanag pa sa papel hindi ko pa rin maintindihan. Napabuntong hininga ako. Inis na pinukpok ang aking ballpen sa desk ko.

Kinalabit naman ako ni Jenny.

"Bakit?" Nakasimangot kong tanong. Feeling ko talaga hihiwalay na ang aking utak paalis sa ulo ko.

"Sinabi sayo ni Vander na gusto ka niya? Haha. Kinikilig ako,Maya" impit na tili ni Jenny. Pabulong lang para hindi marinig ng mga kaklase namin.

"Sagutan muna natin ang Math bago ka kiligin diyan"

"Hindi ka kinilig? We?"

Ngumisi ako "Syempre kinikilig din" sabay hagikhik ng mahina. Sinabunutan naman ako ni Jenny "Aray!"

"Bruha ka! Kakalbuhin na talaga kita dahil sa haba ng buhok mo"

"Nanabunot ka na nga eh. Ang sakit kaya Jenny" hinimas ko ang aking ulong nasaktan. Brutal talaga ito kapag kinikilig.

"Hindi lang yan aabutin mo sa akin kapag kinilig pa ko lalo sa inyo"

"Shh..wag ka maingay. Baka marinig ni Vander. Nasa unahan lang natin siya" mahina kong suway sa aking kaibigan.

"Hayaan mo nga siya Maya. Ano ba binigay niya sayo. Love letter ba yan?" Usisa ni Jenny

"Baliw! Hindi kaya. About lang ito sa Math. Pero hindi ko rin naman maintindihan kahit may example pa siyang nilagay dito"

"Sabihin mo pakopya na lang tapos sasagutin mo na siya"

"Baliw ka Jenny! Hindi naman nanliligaw si Vander.  Magsagot kana nga diyan"

"Sana all may Vander. Kailan kaya ako mamahalin ni Bebe Seph ko?" Pagda drama pa nito.

"Grumaduate ka muna bago ka magdrama diyan tungkol kay Seph" pang iinis ko kay Jenny.

"Tse!" Pairap na sabi sa akin ni Jenny bago pinagtuunan ng pansin ang pagsagot sa papel nito.

Ako naman ay tumingin ulit sa papel na binigay sa akin ni Vander. Kahit baliktarin ko itong papel ay hindi ko talaga maintindihan. Waaaaa..

Bahala na nga. Isipin ko na lang. Hindi lang naman ako ang nahihirapan sa subject na Math. Baka nga hindi rin nila alam ang sagot dito eh. Damay damay na to sa pagbagsak!

Hahahaha..Joke lang syempre. Makapag focus na nga lang dito.

Mayanne Lorenza