Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 22 - CHAPTER 22: SCHOOL

Chapter 22 - CHAPTER 22: SCHOOL

Dear Diary,

Tahimik ako sa School kinabukasan. Matamang nakikinig sa teacher. Kinausap ako kanina nina Jenny at Robby bago mag start ang klase about sa napansin nila sa noo kong may gasgas at konting bukal na.

Sinabi kong nadapa ako dahil sa paa kong may injury.

Alam ko namang hindi nila paniniwalaan ang aking dahilan.

Kahit ganoon pinagpatuloy pa din nina Jenny at Robby ang pagdadaldalan habang ako'y tango at oo lang ang ginagawa. Wala ako sa mood magsalita. Minsan napapatulala na lang ako kapag nagsasalita si Jenny. Sinusundan kung paano bumuka ang bibig nito.

"May convention tayo sa simbahan. Maganda iyon Maya kasi marami kang matututunan" pagbabago ng topic ni Jenny. Napansin yata na wala akong comment sa pinag uusapan nila kanina tungkol sa ilang subject namin kahapon.

"About saan iyon?" Si Robby na ang nagtanong nang hindi ako nagsalita para elaborate pa ang sinabi ni Jenny.

"Convention. More on pag uusap lang iyon. Mga topic about sa mga sama ng loob mo sa buhay. Mayroon silang mga activity para ma ilabas mo ang nararamdaman mo and then later on gagaan na ang pakiramdam mo" mahabang paliwanag ni Jenny. Iwinagayway pa nito ang kamay sa ere para e-emphasized ang sinabi.

Nakuha niyon ang interes ko. Akmang akma sa sitwasyon ko ngayon. Gusto kong pumunta kaya lang sumingit ang pagbabanta ng aking lola na bawal na kong pumunta sa simbahan. Biglang nadagdagan ang aking panlulumo.

"Punta tayo Maya a?" Untag ni Jenny sa aking pananahimik.

"Oo nga Maya. Mukhang maganda iyong convention nila" segunda naman ni Robby sa akin.

"Hindi ako pwede e.."mahina kong sabi. Napangiwi din kalaunan ng mabanat ang sugat sa gilid ng aking labi.

"Okey ka lang? Bakit pati sa labi mayroon ka ring sugat? Grabe naman yang pagkakadapa mo" napalakas ang pagkakasalita ni Jenny kaya may mga kaklase namin na lumingon sa gawi ko. Iyong iba walang pakialam. Ang iba naman ay curious na nakatingin sa akin.

"Sssh..wag ka maingay.." saway ko dito. Kumirot ang iba ko pang iniindang sugat sa katawan dahil sa konting pag galaw kong iyon. Natigilan ako at bumuntong hininga baka sakaling mawala niyon ang sakit.

Binalewala ko ang tanong ni Jenny sa akin.

"Bakit hindi ka pwede sumama?" Curious na tanong ni Robby.

"Busy ako" tipid kong sagot. Walang maidahilan kung bakit ako naging busy.

"Okey lang Maya. Sa November pa naman gaganapin ang convention. First week pa lang ng September ngayon kaya siguro makakasama ka pa"

"a.." wala akong maapuhap sabihin. Ayoko naman sabihin ang totoo na dahil sa pagdalaw nilang iyon sa bahay at ang pagka kita kay Vander ni Lola sa ginawa nito sa akin sa tapat ng bahay ay binugbog ako ng aking abuela. Siguradong magi guilty ang mga ito. Ayoko namang mangyari iyon.

"Luh! Recess na pala!" Exaggerated na bulalas ni Jenny. Napatingin sa wall clock ng classroom.

"Jenny, five minutes pa. Ang takaw mo talaga" natatawang saad ni Robby.

"Ewan ko sayo! Bumalik ka na nga doon sa upuan mo" tinirik pa ni Jenny ang mga mata.

"Tara na nga binibiro lang naman kita!" yaya ni Robby. Kumapit pa ito sa braso ng huli para hatakin.

"Tara na! Pwede na naman kasing lumabas e! Tignan mo iyong mga iba nating kaklase nasa labas na!" Jenny

"Kayo na lang muna. Busog pa ko. Nag kanin ako kanina sa almusal" ani ko. Ngumiti ng kaunti para kahit paaano'y hindi nila ako mahalata na may kakaiba sa akin ngayong araw.

"Sure?" Taas kilay na paninigurado ni Jenny

"Sure" tango ko pa

Umalis na sina Jenny at Robby papuntang canteen. Pagkalipas ng five minutes ay tumunog na ang bell hudyat na breaktime na. Nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Tanging ako na lang ang natira sa classroom.

Si Vander naman ay kanina pa umalis. Wala pang ten minutes before breaktime ay lumabas na ito ng classroom. Baka gutom na gutom lang.

Nangalumbaba ako sa ibabaw ng desk ko at tulala na namang nakatingin sa blackboard. Wala naman akong iniisip na kung ano. Parang namanhid na yata ang utak ko kaya walang maisip or kahit maramdaman man ngayon.

May tumikhim mula sa likuran ko. Hindi ako lumingon. Wala akong gana.

"Are you okey?" Tanong ni Vander ng makalapit na sa harapan ko. Binaba nito ang hawak na plastic bag papunta sa ibabaw ng desk ko. Napaatras ako at tinanggal ang pangangalumbaba ko.

"Kumain ka. Hindi ka na naman magre recess, kaya binilhan na kita ng pagkain"

Syempre dahil libre'y hindi na ko nagpa bebe pa. Binuksan ko ang plastic bag.

Siopao!

Sinamaan ko ng tingin si Vander. Loko 'to a!

"Siopao? Nang aasar ka ba?" inis kong sabi. Ayoko ng Siopao e! May palaman na pusa ito. Nakaramdam na ko ng pagka badtrip dito

Tumawa ng mahina si Vander nang makita ang aking reaksyon. Sumimangot ako. Tawanan ba naman ako?

"Alam ko na kung ano ang nasa isip mo. Hindi pusa ang palaman niyan. Hindi naman totoo ang sinabi ko dati about sa siopao. I just want to annoy you that time" naka ngising saad nito.

Umirap akong kumagat sa siopao. Kapag ako may nakagat na ngipin ng pusa dito ibabalibag ko si Vander palabas ng school.

Sa totoo lang gutom na ko. Tanging tinapay lang ang kinain ko kanina sa almusal. Kulang pa iyon para mabusog ako. Hindi pa naman ako pinakain kagabi bilang parusa.

"Kamusta ka na?" maya maya'y tanong ni Vander sa akin. Masuyong nakatunghay habang ako'y kumakain.

Nabitin tuloy ako sa pagkagat nang makita ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin.

"Ayos na. Wala na kong sipon." Sagot ko. Iniwas ko ang tingin ko at nagsimula ulit kumain. Tatlong asadong siopao ang binili ni Vander at vitamilk na isang litro ang laki. Siguradong busog ako nito.

Mayroon pang transparent plastic container sa loob ng plastic bag. Hula ko'y puro slice fruits ang laman niyon. Mayroon ding mga chocolate. Apat na tobleron, maraming Hershey kisses at m&m's

Letse! Suguradong lubog ako sa kabusugan nito. Bibitayin na yata ako mamaya.

"Ang dami naman nito.." hindi ko maiwasan mag komento.

"Para gumaling ka na sa sipon mo. At hindi mo na maramdaman pa ang sakit." Banayad na sabi ni Vander.

Letse ulit! Ayokong kiligin dahil sa pag aalala niya sa akin pero hindi ko maiwasan.

"Wala na nga akong sipon. Salamat dito a" tukoy ko sa mga binigay niya.

"Pasensiya na Maya. Dahil sa pagdalaw ko sa inyo'y nasaktan ka pa ng lola mo" hinging paumanhin nito.

"Wag ka na mag sorry! Bayad ka na dahil sa mga pagkain binigay mo" pinilit kong langkapan ng pabiro ang aking tinig para hindi na ito makonsensiya pa.

"Hindi mo naman kailangan maglihim sa akin. Hindi mo kailangan magpanggap na ayos ka lang kahit hindi naman" Vander

"Ayos lang talaga ako Van. Wag ka na mag alala" ani ko. Kumain na ulit.

Tumikhim ulit si Vander para tignan ko na naman ito. Pampam na naman.

"Hmmm?"

"Nalalala mo iyong nagalit ka sa akin sa simbahan dahil inasar kita about doon sa harana ko sayo?"

"O ano naman meron doon? Gusto mong ulitin para mabadtrip ako sayo?"

Tumawa ito "Gusto kong ulitin pero hindi para badtripin ka"

"Ano na naman trip mo sa buhay at tinatanong mo sa akin 'yan?" Humawak ako sa sugat kong kumirot. Kainis talaga ito si Vander. Napapadaldal ako ng mahaba.

Imbes na sagutin ako'y pumunta ito sa desk nina Seph at John. May kinuha ito mula doon. Isang gitara!

"Gusto kitang kantahan para gumaan ang pakiramdam mo Maya" Nakangiti nitong wika.

"Seryoso 'yan?"

"Seryoso 'to"

Napanganga ako ng konti. Wala akong maapuhap sabihin. Nagsimula nang mag strum ng gitara si Vander. Namamangha na marunong pala itong mag gitara. For real! Akala ko'y sabi sabi lang.

Minamasdan kita

Nang hindi mo alam

Pinapangarap kong ikaw ay akin

Mapupulang labi

At matingkad mong kita

Umaabot hanggang sa langit

Lalo akong humanga kay Vander. Marunong itong kumanta! Buong buo ang kanyang boses. Wow!

Huwag ka lang titingin sa akin

At baka matunaw ang puso kong sabik

Sa iyong ngiti

Ako'y nahuhumaling

Sa tuwing ikaw ay gagalaw

Ang mundo ko'y tumitigil

Para lang sayo

Ang awit ng aking puso

Sana'y mapansin mo rin

Ang lihim kong pagtingin..

Nag strum ulit ito.

Minamahal kita nang di mo alam

Wag ka sanang magagalit

Tinamaan yata talaga ang aking puso

Na dati akala ko'y manhid..

Strum

Strum

Lumipas na ang ilang sandali'y nag sstrum lang ito at hindi na kumanta pa!

Sa huling kalabit nito sa string ng gitara'y huminto na ito.

Napapantastikong tumingin ako kay Vander.

"Ayos ba?" his wearing his mischievous smirked.

"Bakit mo hininto?!" inis kong bulalas. Nagagandahan na ko sa kanta at boses nito tapos bigla itong tumigil? Na bitin ako!

"O teka lang! Wag ka muna mainis sa akin" natatawang sabi ni Vander. Binababa na nito ang gitara.

"Sinong hindi maiinis sayo? Hininto mo! Hindi mo pa tinapos!" Demanding kong wika

"Nakakahiya nang ituloy.." tumawa pa ulit ito. Ginulo pa ang buhok sa ulo.

Sinamaan ko ito ng tingin. Grrrr..

"Tayong dalawa lang dito sa classroom nahihiya ka pang ituloy!"

"Yun nga e..ang dami nating audience sa labas" ngisi nito. "..pero kung gusto mong ituloy ayos lang sa akin"

Puro dahilan!

Inis pa rin akong lumingon sa labas ng classroom.

Namilog ang dalawa kong mata sa nakita. Ang mga classmates ko ay nakatunghay sa amin mula sa labas. Pati ang taga ibang section din nakikinood. Tapos na yata ang thirty minutes break. Hindi mo man lang namalayan!

Nanunudyo ang mga tingin sa akin ni Jenny,Robby, Seph at John.

At ang mas malupit pa doon. Pati ang Adviser namin ay nasa labas. Nanunudyo din ang paraan ng pagkakatingin.

"Tapos na ba ang haranahan niyong dalawa diyan? Pwede na ba kaming pumasok?" Tanong ni ma'am na nakangiti.

Tumawa si Vander sa sinabi ni Ma'am Sonya, sumabay din ang ibang estudyante sa tawanan habang ako'y pulang pula ang mukha sa sobrang pagkapahiya.

Oh no! Nakakahiya!

Mayanne Lorenza