Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 18 - CHAPTER 18: OUTING

Chapter 18 - CHAPTER 18: OUTING

Dear Diary,

Gusto ko iyong nasa picture. Inis na ginulo ko ang aking buhok. Paulit ulit na nagpi- play ang mga katagang iyan sa isip ko.

Dahil sa mga salitang iya'y tinukso kami ng mga kaibigan namin. Halos gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko ng mga oras na iyon.

Si Vander naman ay tuwang tuwa sa mga nangyayari. Proud pa na iyon ang profile picture niya.

Napabuntong hininga ako. Di ko na alam kung anong gagawin ko sa lalaking iyon.

"Focus! will you?" Asik ni Isabella sa aking tabi. Napabalik ako sa sarili ng marinig ko ang boses niya.

Kamalas malasan, si Isabella ang naka team ko sa treasure hunting. Siya lang ang medyo kilala ko sa naging grupo ko.

Nasa parting gubat kami ng resort. Hindi ko alam na dalawa na lang kami dito . Mukhang napahiwalay na kami ni Isabella sa grupo.

"Ang kupad kupad mong kumilos. Nawawala na ata tayo dito! Tapos nag de daydream ka pa diyan" inis na sabi sa akin ni Isabella.

"Bakit hindi mo na lang ako iniwan dito para hindi ka na naiinis diyan" I rolled my eyes. Imbes matuwa ako na at least may kasama ako dito ay naiirita na ko ngayon. Bakit kailangan na ganoon pa ang tono ng boses nito? Alam kong kasalanan ko. Bakit kailan pa na ipangalandakan?.

"Hanapin na lang natin ang daan pabalik. Kesa mag away pa tayo dito"

"Hindi kita inaaway. ikaw ang nag umpisa" ani ko.

"Whatever" ani Isabella. At nagsimula ng maglakad. Sinundan ko naman siya.

"Hindi ko alam kung bakit feeling ko kumukulo dugo mo sa akin" mahina kong sabi. Magka agapay na kaming dalawa sa paglalakad.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo" hinding tumitingin sabi niya sa akin.

Hmp! Maang maangan!

"Sa pagkakatanda ko. Wala naman akong ginawa sayong masama" sabi ko pa. "Ayaw mo sa akin" marahan kong sabi.

Tumigil siya sa paglalakad at mabilis na lumingon sa akin. May pagka inis ng rumehistro sa maamong mukha ni Isabella.

"Hindi ka pala manhid gaya ng akala ko! Oo! Naiinis ako sayo! Simula ng dumating ka. Lagi na lang nasa iyo ang atensiyon ni Vander! Ano bang mayroon ka na wala ako?!" Sigaw niya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa biglaang outburst niya. Atensiyon ni Vander nasa akin? Puro nga pambu bully inaabot ko doon. Nito lang bumait sa akin iyon.

"Isabella, wala ka naman dapat ikagalit sa akin. Saka inaasar lang ako niya. Bully iyon eh"

"Iyon na nga eh! Ikaw na lang laging bukambibig niya kapag magkausap kami. Kahit wala kang ginagawa lagi ka niyang napapansin" malungkot na sabi ni Isabella. Tumulo ang luha nito sa mata. Umiiyak si Isabella!

"Isabella, mali ka ng iniisip" sinubukan ko siyang hawakan pero naitulak niya ko. Aray!

"Wag mo kong hawa- oh my God!" Tili ni Isabella. Nakita niya akong napahiga sa malaking ugat ng puno. Sumabit ang paa ko bago ako natumba doon. Na twist yata ang paa ko. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking paa.

Nilapitan ako ni Isabella. Guilty was written all over her face. Nang sinubukan niya akong tulungang tumayo'y napa igik ako sa sakit. Sumigid iyon mula sa paa ko. Marahas akong napasalampak ng upo.

"Im sorry! Oh God.. di ko sinasadya Maya" naiiyak na naman na sabi ni Isabella. Hindi alam kung anong gagawin sa akin.

"Okey lang ako. Na sprain lang ata ako" ngiwi kong sabi. Nakaupo na ko sa gilid ng puno at nakasandig ang likod ko sa malaking ugat na naroon. Ang sakit!

"Im sorry.." humihikbing sabi nito.

"Wag ka ng umiyak. Okey lang talaga ako" pang aalo ko dito. "Ikaw na lang ang maghanap sa grupo natin at humingi ka na lang ng saklolo" ani ko.

"Paano ka?"

"Don't worry, kaya ko ang sarili ko. Dali na..baka matagalan pa tayo dito kung mag aantay tayong dalawa"

"Ayoko. Hintayin na lang natin sila. Baka hinahanap naman nila tayo" ani Isabella.

Napangiti ako ng lihim. Mabait din naman pala ito. Kung sa iba iba baka iniwan na ko dito or baka inaway pa ko. Kasalanan ko kung bakit kami na stock sa lugar na ito. Daydream pa more.

"Si Vander.. bata pa lang magkakilala na kami..." Maya maya'y wika ni Isabella sa akin. Nakatingin sa malayo na para bang tinatanaw ang nakaraan.

"Crush ko siya noong bata pa ko. Lumago ng lumago ang nararamdaman ko nang mag highschool kami. Mahal ko siya Maya. Mahal na mahal. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." anito. Tumingin siya sa akin ng deretso. Seryoso ang mga mata ni Isabella pero may lungkot akong nababanaag doon. "Gusto kong mahalin din ako ni Vander pero hindi eh. Tapos andiyan ka pa. Bagong lipat lang sa school namin pero nagustuhan ka na agad niya"

"Ako iyong matagal niyang nakilala kesa sa iyo. Pero bakit ikaw ang gusto niya?" frustrate na sabi ni Isabella. Namumula na sa pag iyak.

Naumid ang dila ko. Gusto kong magtanong kay Isabella. Pero hinayaan ko na lang muna siyang mag kwento.

"Wala ka naman ginawa sa aking masama pero naiinis ako sayo ng palihim. Kapag kasama ko si Vander. Puro ikaw na lang binabanggit niya. Dati naman hindi siya ganoon. Maya, ako ang kasama niya pero nasa iba naman ang isip niya." Bumuntong hininga ito.

"Hindi din siya Bully. Pero noong dumating ka. Biglang nag iba na ang Van na dati kong kilala" mapait na sabi niya.

Dug dug dug ...

ang tibok ng puso ko. Hayan na naman. Tumikhim ako.

"A-ano ba siya dati?" sa wakas nahanap ko din ang boses ko!

"Seryoso siya. Tahimik lang sa isang tabi. Masungit at suplado"

Seryoso?

Tahimik?

Masungit?

Suplado?

Si Van ba talaga ang tinutukoy nito? Parang hindi naman ganoon si Van. Ang pagkakakilala ko sa lalaking iyon ay abnoy! Mayabang! Bully! Saka laitero!

"You see..alam kong may gusto sayo si Vander. At nagseselos ako" amin nito sa akin

Oh no! Napanganga ako! Ang lakas naman ng loob nitong umamin sa akin na nagseselos siya sa akin. Ako nga eh hindi ko maamin sa sarili kong nagseselos ako sa kanilang dalawa ni Van.

"Naku! Nang iinis lang iyon si Vander. Ikaw talaga ang galing mag joke" pilit akong tumawa para pagtakpan ang nag uumpisa na namang pagtibok ng puso ko.

"Wag ka mag alala Maya. Hindi naman kita aawayin. Ayoko na din umasa na magugustuhan pa ko ni Vander" ngumiti ng tipid si Isabella sa akin. Nahahawa tuloy ako sa lungkot niya.

"Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko" speechless!

"Sana makaya kong makalimutan ang nararamdaman ko" bulong nito sa sarili. Pero narinig ko naman iyon. Mahal talaga nito si Vander.

"Maya! Isabella! Nasaan na kayo!" sigaw ng isang tinig na umalingawngaw sa kagubatan. Galing iyon sa malayo.

"Maya! Isabella!" narinig naming sigaw ni Isabella.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Si Vander!" Magkapanabay naming sabi. Napatayo kami ng sabay ngunit napangiwi na naman ako sa sakit. May pilay nga pala ako!

Inalalayan ulit akong umupo ni Isabella.

"Ako na ang sasalubong sa kanila. Sasabihin kong may bali ka. Diyan ka lang babalik ako" anito sabay takbo sa direksyon ng mga sumisigaw.

Napa hinga ako ng maluwag. Saka pumikit. Biglang sumakit ang ulo ko sa pag uusap namin ni Isabella. Hindi ko tuloy alam kung paniniwalaan ko ba ang mga sinabi niya.

Napadilat ako ng marinig kong tinawag ni Vander ang pangalan ko. Humahangos itong lumapit sa akin. Kasabay sina Jenny, Robby, at Father Bong.

"Ayos ka lang? May bali ka daw sabi ni Isabella" hinawakan nito ang magkabila kong balikat. May pag aalala ang ekpresyon ng mukha ni Vander. Habang hinahanap kung saan ako nabalian or kung may sugat ba ako.

Naalala ko ang mga sinabi ni Isabella s akin kanina. Sa nakikita kong pag aaalala niya sa akin parang naniniwala na kong may gusto talaga siya sa akin. First time kong makita na may nag aalala pa pala sa akin. Sa pamilya ko hindi ko man lang maramdaman na nag aalala sila sa akin. Nakaka overwhelmed pala sa pakiramdam.

Napahikbi akong bigla. Lalong bumakas ang pag aalala ni Vander sa akin.

"Ano? Saan ang masakit?" Natatarantang tanong nito.

Napailing ako. "W-wala.."

"Sabihin mo sa akin. Saan ka napilayan? Ano? Maya?"

Lumapit na din si Father Bong sa amin nang marinig ang paghikbi ko.

"Michael, buhatin mo na lang si Maya. May bali daw siya sabi ni Isabella" utos ni Father Bong sa katabi nitong si Kuya Micheal.

"Ako na lang bubuhat Father" pigil ni Vander kay kuya Michael.

Wala kahirap hirap na kinarga niya ako. Bridal style.

Dug dug dug

Lumakad na siya papunta sa daan pabalik. Nakita ko naman si Isabella na nakatayo sa malapit. Nag iwas ito ng tingin sa akin. Nagseselos si Isabella.

Tumingin ako sa mukha ni Vander. May pag aalala pa rin sa itsura niya.

Dug dug dug

Bakit ganito lagi ang tibok ng puso ko kapag andiyan siya. Ibigsabihin ba niyon ay gusto ko na siya?

Mayanne Lorenza

-----------------------------------