Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 21 - CHAPTER 21: PAIN

Chapter 21 - CHAPTER 21: PAIN

Dear Diary,

Pak!

Napahawak ako sa pisingi nang sinampal ako ng aking Lola Amanda. Pakiramdam ko namanhid ang mukha ko sa sobrang lakas ng impact na tumama na palad sa akin.

"Ano iyong nakita ko sa labas Maya? Lumalandi ka na? Nobyo mo ba iyon?" Sunod sunod na sabi ni Lola sa akin. Nang gagalaiti itong nakaduro sa aking mukha.

Nagsimula nang mamuo ang luha ko sa mata. Natatakot na masaktan nito.

"Hindi po 'La..." nanlalaki ang matang sagot ko.

"Hindi? Pero naglalandian kayo sa mismong labas pa ng pamamahay ko? Gumagaya ka pa sa ina mong pagkatapos lumandi ay nabuntis ng maaga!" Hinila nito ang aking buhok at kinaladkad ako papunta sa loob ng aking kwarto.

"Aray! Tama na po 'La.." umiiyak kong pagmamakaawa. Napaigik ako ng isalya ako ng aking abuela sa sahig ng aming kwarto. Tumama ang noo ko sa gilid ng kama.

Nakaramdam ako ng munting kirot sa aking noo. Wala namang dugong umagos doon pero pakiramdam ko'y may gasgas na doon.

Hindi ko alam kung ano ang una kong hahawakan. Kung ang pisngi ko bang nasaktan, ang buhok kong sinabunutan o ang noo kong nauntog.

"Hindi ka na pwede pang pumunta sa simbahan! Pagkatapos ng klase ay dederetso ka na ng uwi dito sa bahay!" Kumuha ito ng walis tambo sa may gilid ng pintuan. Walang habas na pinalo ako ni Lola Amanda. Walang pakialam kung saan tamaan. Hindi ko mapigilang sumigaw ng pag aray kapag natatamaan nito ang aking hita o mukha.

"Lola.." humagulgol na ko ng iyak. Tinitiis ang bawat hampas ng tambo sa aking katawan. Hinaharangan ng aking kamay ang aking sarili. Na para bang kayang proteksyunan niyon ang aking katawan.

"Pinapaaral kita hindi para lumandi lang Maya! Gagaya ka pa ina mong kaladkarin ding babae!" Nanlilisik ang mata nito sa bawat hampas ng tambo.

"Kapag sinuway mo ang utos ko'y papahintuin kita sa pag aaral at mag pokpok ka na lang! Tutal parehas naman kayo ng nanay mo!" Galit na galit na sigaw nito. Isang malakas na hampas pa sa aking braso bago nito tinapon ang tambo sa sahig.

Hinihingal ito sa galit at parang sarado na ang isip sa mga paliwanag.

"T-tama na po.." nakayupyop ako sa malamig na semento. Nanginginig sa sobrang takot at namumuong sama ng loob. Namanhid na ang buo kong katawan sa sakit. Pautal utal na ang aking salita dahil sa sobrang pag iyak.

"Pag aaral ang intindihin mo Maya hindi ang pag no nobyo mo! Hindi ka gumaya sa kapatid mong si Brenda na nag aaral ng mabuti" malakas pa ring sigaw nito. Hindi pa ito nakontento'y hinila ang buhok ko paitaas.

Napangiwi ako sa sakit sa aking anit. Hinawakan ko ang kamay ni Lola Amanda para pigilan ito sa pagsabunot sa aking buhok.

"Lola wala po akong nobyo.. maniwala kayo sa akin" lalo pa kong ngumuwi ng higpitan pa nito ang pagkakahatak sa aking buhok.

"Magsisinungaling ka pa talaga Maya! Kitang kita ng dalawa kong mata ang paglalandian niyo ng lalaking iyon! Naghanap pa ng kasabwat para hindi ko malaman na nobyo mo iyon! Ka galing!"

Binitawan na nito ang aking buhok. Hinihingal na sa galit.

"Hindi ka kakain ng hapunan ngayon para magtanda ka!" Dumeretso ito sa pinto ng kwarto. Binuksan iyon at ni lock.

Imbes na balyahin ang pinto at magmakaawa'y umupo na lang ako sa kama. Umiiyak at hindi ko alam ang gagawin.

Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit ako pa ang nasa sitwasyon na ganito. Bakit ako pa? Bakit hindi iyong mga masasamang tao ang nasa sitwasyon ko? Maraming bakit ang tumatakbo sa aking isipan. Halos parang gusto na iyong sumabog.

May narinig akong nag beep sa may night stand ng kama.

Cellphone

Nanghihinang kinuha ko iyon. Nag message si Vander sa akin.

"Maya nakauwi na ko sa amin. Ayos ka lang diyan?" Iyan ang nabasa kong message galing sa kanya. Lalo akong humagulgol. Hindi alam kung rereplyan ba ito or hindi.

Pinili ko ang huli. Parang hindi ko kayang replyan siya sa mga oras na ito. Hindi ko rin naman alam kung ayos lang ba talaga ako.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa sumapit na ang alas otso ng gabi. Nakayupyop lang ako sa ibabaw ng kama.

Sinisisi ang aking ina kung bakit niya ako iniwanan sa poder ng lola ko. Nag uumpisa ng mamuo ang galit sa aking dibdib. Mga bintang ni Lola na hindi naman totoo.

Umalingawngaw ang ringtone ng aking cellphone sa katahimikan ng gabi. Nilinga ko lang ang aparato. Si Vander ang tumatawag.

Namatay ang tawag sa cellphone. Pero umilaw ulit iyon at tumunog. Tanda na tumatawag na naman si Vander.

Napabuntong hininga kong kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag.

"Maya? Ayos ka lang ba?" May nahihimigan akong pag aalala sa boses ni Vander.

"Maya?" Untag nito sa aking ng hindi ako umimik.

"A-ayos lang.." garalgal kong sagot. Pinipigilan ang mapahagulgol ulit. Feeling ko may bigik sa aking lalamunan.

"Bakit parang paos yata ang boses mo? Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba talaga?"

"M-may sipon lang ako.."

"Hindi ka okey. Anong nangyari? Tell me, sinaktan ka ba ng lola mo?" Marahan nitong tanong ni Vander. Maingat na baka may mali siyang masabi.

"H-hindi ah!" Sinubukan kong maging normal lang ang boses ko. Para hindi nito mahalata ang nararamdaman ko "A-ang OA mo talaga Vander. H-hindi naman ako sinaktan ng Lola ko.." tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking palad para pigilan ang mapahikbi.

Baka biglang sumugod pa si Vander dito sa bahay at lalo akong makalbo ng aking Lola.

"Wag mong pilitin kung hindi mo na kaya. Umiyak ka Maya hindi naman masamang umiyak pero wag na wag kang magtatanim ng galit sa lola mo kahit ano pa man ang mangyari" ani Vander. Napaka banayad ng tinig nito sa kabilang linya.

"Isipin mo na lang na baka may pinagdadaanan lang ang Lola mo kung bakit ganun ang ugali niya sayo"

"Umiyak ka lang, nandito lang ako at makikinig.." engganyo nito sa akin.

"H-hindi naman talaga ako umiiyak.." ani ko. Nagsimula ng humikbi at humagulgol.

"Hindi talaga ako umiiyak Vander! May sipon lang ako ngayon siguro dahil maalikabok" umiiyak ko pang sabi.

"It's okey..Ilabas mo lang lahat ang sama ng loob mo gagaan ang pakiramdam mo"

Pinahid ko ang luha ko na nagsunod sunod ng bumagsak sa aking pisngi.

"Grabe naman itong sipon ko..ayaw tumigil. Masakit na..." Suminok sinok kong sabi. Ang tinutukoy ang sakit ng mga hampas sa akin ng lola ko.

"Nakakaiyak talaga kapag may sipon. Masakit sa dibdib. Na parang gusto mo ng ilabas lahat ng sama ng loob mo.."

Tahimik lang sa linya si Vander habang pinapakinggan ang mga hinaing ko sa buhay. Puro about sa sipon ko kuno ang binabanggit ko sa kanya kahit sa loob loob ko'y ang sama ng loob ko sa aking lola ang aking tinutukoy.

"Ba-bye na! Salamat sa pakikinig sa akin. Napapaiyak lang talaga ako kapag may sipon" paalam ko pagkalipas kong ilabas lahat ng aking nararamdamang sama ng loob.

"Good night Maya. Everything will be alright.." Vander use his soothing voice. Parang hinahaplos tuloy ang aking puso sa mga pang aalo niya sa akin.

"G'night"

Pinatay ko na ang tawag at buong lakas na bumuntong hininga. Nakaramdam ako ng gutom. Hindi ako nakapag meryenda kanina kaya ang bilis kong magutom agad.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari e di sana'y kumain na ko ng meryenda kanina.

Everything will be alright

Umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Vander. Kumalma ako ng bahagya. Pumikit at pinilit na makatulog.

Mayanne Lorenza