Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 19 - CHAPTER 19: MOMENT

Chapter 19 - CHAPTER 19: MOMENT

Dear Diary,

Niyakap ko ang balabal na nakapulupot sa aking katawan. Malamig ang hangin nang pang gabi. Maganda ang mga nagkikislapan na mga ilaw mula sa malayo. May mga nag ni-night swimming pang mga tao.

Pinagmamasdan ko ang mga nagsasayang youth member kasama si Father Bong. Nagbo bonfire sila at masayang nag uusap.

Nandito ako sa balkonahe ng cottage nakatanaw sa kanila. Lumingon ako sa katabi ko nang magsalita ito.

"Naiinip ka na ba? Ayaw mo kasing kargahin kita papunta doon" napapakamot pang sabi ni Vander.

Tama ka Diary. Si Vander nga ang kasama ko ngayon. Ayaw niyang iwanan ako mag isa. Simula ng dalhin niya ako sa clinic ng resort hanggang sa inihatid ako dito sa cottage namin ay hindi na niya ako iniwanan pa.

Kahit sinabi ko nang si Jenny na lang ang magbabantay sa akin pero hindi pa rin siya umalis sa tabi ko. Nagpresinta pa siya kay Father Bong na siya na lang ang magbabantay sa akin.

Kanina nasa loob kami ng cottage. Nakaramdam ako ng pagkailang. Lalo na pag naiisip kong dalawa lang kami sa silid. Kaya nagpadala na lang ako sa kanya dito sa balkonahe ng cottage.

"Tara, kakargahin na lang kita" marahan nitong sabi. Hindi mapakali. Siguro dahil sa kanina pa ko tahimik.

Napatitig ako sa mata niya. May pag aalala pa rin tulad ng kanina. Sobra sobra na itong atensiyon na binibigay niya sa akin.

Sa kaibuturan ng puso ko. Gusto ko ang ginagawa niya. Pero may takot pa rin na magaya ako kay Mama. Tulad ng laging litanya ng Lola ko sa akin na maglalandi lang daw ako katulad ng Mama ko. Hindi ako makakatapos sa pag aaral at mabubuntis ng maaga. Lahat iyon nakatatak sa isip ko. Mabigat sa loob lalo na sa Lola ko pa iyon nanggaling.

"A-ano? Bakit ka ganyan makatingin?" May pagkailang na sabi ni Vander sa akin. Natawa ako sa isip ko. Nautal pa.

"Masama ba tumingin sayo? Ikaw nga lagi kang nakatingin sa akin" pa irap kong sabi sa kanya.

"Hindi ko lang maiwasan na tignan ka. Saka mas komportable kung ako ang nakatingin sayo kesa ikaw ang tumingin sa akin" ani Vander

Dug dug dug

Ito na ba ang sinasabi sa akin ni Isabella? May gusto sa akin si Vander? Hindi ako makapaniwala. Mahirap naman kasi maging asumera ng taon.

Ang bilis din ng mga pangyayari. Magka away kami dati. Inaasar niya ako. Tapos kumukulo pa ang dugo ko sa kanya. At ito kami ngayon, magkasama habang nag uusap ng maayos.

"Hindi ako makapaniwala" pagak akong tumawa.

"Makapaniwala saan?" Nalilito nitong tanong.

"Sigurado ka bang ikaw si Vander? Iyong bully? Ilabas mo siya dito" biro ko. Pabiro ko siyang hinampas sa braso. Natawa naman ito ng mahina. Tapos ngumiti ng totoo sa akin.

"Gusto ko kapag natawa ka ng ganyan o kaya nakangiti ka. Kaya minsan hindi kita maiwasan tignan" ani Vander.

Nag iwas ako ng tingin. Tumikhim ako. Namumula ata ang magkabila kong pisngi! Hindi ko ma take kapag ganitong Van ang kausap ko.

"Ewan ko sayo" nasabi ko na lang. Speechless!

"Bukas hindi ka makakasali sa palaro ni Father Bong. Pagkatapos niyon ay magsu swimming na. Aalis din tayo ng bandang hapon bukas." Imporma nito.

Malas naman. Nagpunta ako dito para mag enjoy. Tapos pilay lang pala ang aabutin ko.

"Hindi man lang ako nakapag enjoy sa dagat"

"Hindi ka pwedeng mag swimming. May pilay ka. Baka malunod ka pa doon" sabi nito.

"Alam ko. Saka hindi ako marunong lumangoy" inirapan ko siya. Kakainis!

"Napano ka ba? Bakit ka napilayan? Nadapa ka naman ba ulit?" Usisa nito.

Naalala ko na naman si Isabella at ang lahat ng sinabi niya sa akin sa gubat. Binalingan ko ulit si Vander.

"May gusto ba sayo si Isabella?" tanong ko. Gusto ko malaman kung alam niyang may gusto si Isabella sa kanya. Baka hindi naman niya kasi alam tapos ako pa ang magsasabi sa kanya. Masasabunutan na talaga ako ni Isabella kapag nagkataon.

"Walang gusto sa akin si Isabella" kibit balikat na sabi nito. "Magkaibigan lang kami Maya. Magkababata kami. Magkaibigan din ang mga parents namin kaya siguro naging malapit kami sa isa't isa"

Manhid din palang tong abnoy na ito. Sarap iuntog sa pader. Para makaramdam naman.

"Bakit mo ba naitanong?"

"Wala naman. Feeling ko kasi crush ka niya. Bagay kayo" palusot ko. Ang plastic naman ng palusot ko.

"Bakit ba natin siya pinag uusapan? May ginawa ba siya sayong masama?" Nanunuri ang mata nito na animo'y may inaalam sa akin.

"Wala ah!" Sigaw ko.

"Oh nakasigaw ka na naman diyan" naka ngiwing sabi nito.

"Kung anu ano kasi ang tinatanong mo"

"Tsk. Ano,kakargahin na ba kita? Sumali tayo sa bonfire nila" pag iiba nito ng usapan.

"Ikaw na lang. Saka pwede ba? Kargahin? Pwede naman ako mag saklay. Hindi naman ako lumpo"

"Nasaan ang saklay kung ganoon?"

"Yun lang.." ani ko sabay tawa.

Umiling iling ito sa naging sagot ko.

"Niyaya kita doon dahil baka naiinip ka na dito"

"Hindi ako naiinip. Saka kasama naman kita." Ani ko. Sabay pabiro ko siyang kinindatan.

Ito naman ang nag iwas ng tingin sa akin. Narinig ko pa siyang bumulong ng the heck..na aabnoy na naman ito. Tumingin muna ako sa mga nagbo bonfire na youth member. Hayaan ko muna si Vander mag aabnoy dito sa tabi ko.

Nakita ko si Jenny na nakatingin pala sa akin. Kumaway ito. Kinawayan ko din siya bilang pagbati.

"Lagi ka na lang na aaksidente. Noong isang araw nadapa ka sa gym ng school. Tapos ito naman ngayon. Pilay na" sabi ni Van. Nakatingin ito sa paa kong namamaga na.

"Hindi mo ini ingatan ang sarili mo."

Tumingin ito sa mukha ko. At walang sabi sabing kinarga ako. Napahiyaw ako sa gulat.

Kumapit ako sa leeg niya ng mahigpit. Baka mahulog pa ko!

"Vander! Ibaba mo nga ako! Ano ba!" Protesta ko.

"Makikisali lang tayo sa bonfire."

"Ikaw na lang sabi eh" maktol ko pa.

"Ayokong iwan ka mag isa dito. Saka outing ito. Dapat nag eenjoy tayo"

"Pwede naman kasi akong maglakad. Tapos alalayan mo na lang ako!"

"Tsk. Mabagal ka maglakad. Baka tapos na ang pag bo bonfire nila bago tayo makarating doon"ani Vander.

"Vander! Ibaba mo na kasi ako! Nakakahiya!" Pinapasag pasag ko ang aking katawan sa pagkalahawak ni Vander pero hindi man lang ito natinag. Hinigpitan lang nito ang pagkaka kapit saakin.

"Wag ka malikot baka mahulog ka. Tadyang naman mababali sayo kung hindi ka pa titigil diyan" nagsimula na itong maglakad papuntang umpukan na mga nag bo bonfire.

"Vander!" naiinis na ko.

"Tumahimik ka diyan."

"Vander! Isa!" sigaw ko pa

"Wag ka ngang sumigaw. Neneng pilay" sabi nito sa akin.

Nanlalaki ang mata na tinignan ko si Vander. Tinawag niya akong neneng pilay?! How dare he. Nakaka inis.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya sa akin. Nanahimik na lang ako ng makarating kami sa nagbo bonfire.

"Anong neneng pilay ah! Gusto mo kutos?"asar kong sabi. Pabulong para kami lang ang makarinig. Kahit na ba nakatingin sa amin karamihan ng mga youth member.

"Ayaw mo ng neneng pilay? Payatot na lang kung ganun. Nakakamiss kang tawaging ganun. Pa-ya-tot" Sabay tawa.

Grrrrrr...

Hindi ko makaya si Vander!

Mayanne Lorenza