Chereads / THE AUTHOR'S NOTE / Chapter 20 - CHAPTER 20: BORING

Chapter 20 - CHAPTER 20: BORING

Dear Diary,

Nakapalumbaba ako dito sa balustre ng aming kwarto ni Brenda. Lunes ngayon, nakakainip. Hindi ako nakapasok dahil injury pa rin ang aking paa. Sinabi ko na sa lola ko na okey na ko at gusto ko ng pumasok sa school pero pinagalitan lang niya ako. Ang sabi baka daw gusto ko lang lumandi sa school kaya parang atat na atat akong pumasok.

Kung dati sa loob loob ko'y magagalit ako sa sinabi ng aking lola pero ngayon ay mas lamang ang guilt dahil gusto ko lang talagang makita si Vander. Biglang gusto ko itong makita. Hindi ko alam kung bakit.

Ngayon nga na nabo boring ako dito sa bahay ay mas may time akong mag isip sa nangyari kahapon. Sa last day ng outing namin.

Talagang hindi ako iniwan ni Vander. Naisip kong hindi ito nakapag enjoy ng husto dahil sa akin. Hanggang sa mag uwian kami'y sumabay siya sa jeep na sinakyan namin nina Jenny at Robby. Humiwalay ito sa grupo nito.

Nakatulog ako niyon sa byahe tapos pag gising ko ay nakahilig na pala ako sa balikat ni Vander. Ang loko imbes mangawit nag enjoy pa daw sa ayos namin.

Minsan talaga hindi ko alam kung abnoy talaga si Van o takas ito sa mental.

Nag beep ang cellphone ko na nasa aking tabi. Sino naman kaya ang magte text sa akin? Impossible namang si Jenny o Robby. Dahil may pasok sa paaralan.

Binuksan ko ang cellphone. Dalawa ang nag message sa akin. Talk n' text. Buti pa ang TNT lagi na lang nagme message sa akin. Walang palya.

Ang isa naman ay galing kay Vander.

Kay Van? May pasok a!

"Maya kamusta na? " Iyan ang text sa akin ni Vander. Paano nito nalaman ang number ko? Naka off ang messanger kaya siguro sa sms ito nag message.

Naka kunot ang aking noo habang nagta type ng reply kay Van.

"Hindi ka pumasok?" Iyan ang tinype ko. Bumilang muna ng ilang minuto bago ulit ito nag reply.

"Pumasok. Dinala ko ang phone ko. Nag aalala pa rin ako sayo. Kamusta ka na diyan?"

Dug dug dug

Ayoko talaga minsan kapag ganito ang trato sa akin ni Van. Kapag naiisip ko ang mga nakaraan naming mga away ay hindi ko akalain na ito ang kahahantungan namin. Hindi tuloy ako makapaniwala na parang ibang iba si Van sa dati kong pagkakakilala.

Kung dati, kapag binubully niya ako ay kaya ko siyang ihandle at sungitan pero ngayong iba ang pagtrato niya sa akin na para bang special ako sa kanya'y lagi na lang akong nai-speechless. Naba blanko ang utak ko.

"Bawal magdala ng phone sa school a? Bakit mo dinala? Lagot ka kapag nahuli ka ni ma'am"

"Hindi ako mapakali kapag hindi ko malaman kung okey ka na ngayon. Ayos ka na ba?" Nararamdaman ko ang pag aalala niya sa akin. Nao- overwhelmed na naman ako.

"Ayos na ko. Baka bukas makapasok na ko sa school. Wag ka na mag text baka mahuli ka pa" napakagat ako sa labi nang isend ko ang mensahe na iyon. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang mayroon sa amin at para kaming hindi magka away dati.

"Pupuntahan kita diyan sa inyo kapag tapos na ang klase"

Hala ka naman! Baka masabunutan pa ako ng lola ko pag nakita siya. Masabihan pa akong malandi. Anong gagawin ko?

"Wag ka ng pumunta dito! Magagalit lola ko" kinakabahan na ko sa irereply niya sa akin. Para naman walang takot itong Vander na ito. Kapag hinampas ito ng lola ko ng yantok baka hindi na ito bumalik sa bahay.

"Bakit naman magagalit? Dadalawin lang naman kita. Anong masama doon?"

"Basta hindi pwede!" Naiinis na nilapag ko ang aking phone sa aking kandungan. Nakakabadtrip naman ito.

Ilang minuto akong tumingin sa aking cellphone ngunit hindi na nagreply si Vander. Sana naman hindi pumunta ito kundi yari ako sa lola ko. Sasabunutan talaga ako niyon hanggang sa malagas ang aking buhok.

Pero ang dalangin kong hindi sana pumunta si Vander sa bahay ay hindi natupad. Pumunta nga siya sa bahay namin kasama sina Jenny at Robby at mas nagulat akong kasama din nila si Isabella.

Nasa sala kami ng bahay at ang lola ko naman ay nasa kusina. Para itong sundalong pabalik balik sa sala. Pinaparamdam na hindi welcome ang aking mga bisita. Naiilang na nga sina Jenny,Robby at Isabella sa lola ko pero itong si Vander wala man lang pake sa paligid niya.

"Pasensiya na kayo sa lola ko. Ganoon talaga iyon. Masungit" nakangiwi kong paliwanag ng ika lima na nitong balik sa sala para kumuha ng kung anu-ano na alam ko namang paraan lang ng lola ko para mapaalis na mga kaibigan ko.

"Ganyan ka ba niya tratuhin Maya?" Mahinang tanong ni Jenny. Medyo naiilang na talaga ang itsura.

"Masungit lang talaga siya. Mabait naman ang lola ko kahit paano" napapakamot ko pang sagot. Nakakahiya naman itong sitwasyon na ito.

"Nasaan ang mama mo? Bakit nasa poder ka ng lola mo?" Tanong ni Vander sa seryosong tinig. Kung makatingin naman ito parang kami lang dalawa dito sa sala.

"Iniwanan na niya kami dito" mahina kong sagot. Ang pagkailang ko kanina ay napalitan ng kalungkutan.

Magsasalita sana si Vander ng tumunog ang phone nito. Nag excuse ito na lalabas muna para sagutin ang tawag. Nang makaalis na si Van sa aking paningin siya namang paghampas sa akin ni Jenny sa hita. Mahina naman iyon pero nagulat pa rin ako sa ginawa niya.

"Bakit?" Taka kong tanong. Nababaliw na naman ito.

"Muntik ng mahuli si Van ni Ma'am Sonja. Ang lolo mo kasi ay todo text sayong bruha ka" ani Jenny na nakangisi sa akin ng nakakaloko.

"Hiningi ni Vander ang number mo kaya nalaman namin na ikaw ang tinetext niya" dagdag naman ni Robby sa sinabi ni Jenny sa akin.

"Dapat hindi niyo na lang binigay. Ayan tuloy nagpunta pa dito sa bahay" ani ko

"Buti nga dinalaw ka ng Irog mo. Kahit bawal nag dala pa ng cellphone para malaman kung okey ka lang" sabi pa ni Jenny sa akin

"Handa pang harapin ang kasungitan ng lola mo para mapuntahan ka lang..." Mahinang bulong ni Robby. Kabado at baka marinig ng lola ko.

"Saka kinuntsaba pa kaming sumama dito. Kapag siya lang daw ang pupunta baka ma misinterpret pa ng lola mo at mapahamak ka pa" Jenny

"Iba na talaga ang tama sayo ni Vander Maya" komento ni Robby

Umiling iling ako "naku! Wag nga kayo..."

Bumalik ulit ang pagkailang ko hindi dahil sa lola ko kundi kay Isabella na tahimik lang na nakatingin sa akin. May gusto ito kay Vander kaya alam kong nasasaktan ito.

"I'm sorry again Maya" hinging paumanhin ni Isabella sa akin ng tumingin ako sa gawi niya. Nakatingin na ito sa paa kong medyo okey na kesa noong linggo na namamaga pa.

"Hindi mo naman sinasadya. Ayos na naman ako Isabella wag ka na mag alala" assurance ko sa kanya.

"Kasalanan ko pa rin kung bakit hindi ka nakapasok" mahinhin pa rin ang paraan ng pagsasalita ni Isabella.

"Okey lang talaga Isabella" parang gusto kong mapakamot.

Tumikhim si Jenny kaya tumingin ako sa gawi niya. Nakataas ang kilay na tinitigan ko siya. Pampam na naman si Jenny. Parang hindi gustong maging kaibigan si Isabella

"Papasok ka na bukas?" Jenny

"Oo" tipid kong sagot.

"Maya" tawag nito sa aking atensyon,may inabot sa akin si Robby na notebook "May assignment tayo sa science. Kopyahin mo na lang pati ang sagot"anito

Napangisi naman ako. Ang swerte ko talaga sa kaibigan.

"Kokopyahin ko talaga ito. Baka ako pa ang matawag ni Sir Delfin. Mapahiya pa ko sa klase" ani ko.

"Ang tanong tama ba lahat ng sagot ni Robby?" Biro ni Jenny.

Natawa naman si Isabella sa biro ni Jenny. Natawa na rin tuloy ako. Nakasimangot na ang mukha ni Robby. Ganoon ang eksena ng pumasok ang lola ko sa sala.

Masungit na naman ang ekpresyon ng mukha.

"Gabi na, hindi pa ba kayo uuwi?" Naka ismid na sabi ni Lola Amanda. Hindi na yata naka tiis na hindi sungitan ang mga kaibigan ko.

Natigilan sina Jenny,Robby at Isabella sa pagsusungit ng lola ko. Ngayon alam niyo na kung gaano kasungit 'yan

"Pasensiya na ho sa abala aalis na ho kami" magalang na paalam ni Vander na nasa loob na pala ng sala. Mukhang narinig nito ang pagsusungit ng aking Lola Amanda.

"Mabuti naman" masungit na sabi ni Lola sabay martsa sa loob ng kwarto nito.

Nang hihingi ng despensa na tumingin ako sa kanila. Para namang nauunawaan ng mga ito ang aking sitwasyon ngayon.

Hinatid ko sila sa labas ng bahay. Nakapara na ng tricycle si Robby. Inaabangan na lang ng mga ito si Vander na nasa harapan ko pa rin. Masuyo akong tinititigan.

"Magiging okey din ang lahat Maya" pang aalo sa akin ni Vander na para bang alam nito kung anong nararamdaman ko ngayon.

"Okey naman ang lahat Vander wag kang OA" I rolled my eyes heavenwards. Paraan ko para hindi mamuo ang luha sa aking mata.

"Kapag hindi mo na kaya ang mga problema mo. Tawagin mo lang ako, agad kitang pupuntahan" masuyong hinaplos ni Vander ang ilang hibla ng aking buhok.

"Sa ngayon wala pa akong magagawa sa sitwasyon dahil bata pa ako. Kahit ikaw din Vander" ani ko.

"Hindi kita iiwan kahit anong mangayari. Nandito lang ako" seryoso na ang tinig ni Van na para bang siguradong sigurado sa sinasabi sa akin.

"Vander! Tara na!" Sigaw ni Jenny. Mukhang naiinip na rin ang tricycle driver.

"Aalis na kami. Mag iingat ka Maya. Ite text kita mamaya" binaba na ni Van ang kamay huminto na sa pag haplos sa aking buhok. Masuyo akong nginitian. Tumalikod na ito at sumakay na sa naghihintay na tricycle.

"Ingat kayo!" Kumaway pa ako bago umandar ang sasakyan. Napabuntong hininga akong pumasok sa bahay.

Napatigil lang ako sa paghakbang ng makita ko ang aking lola na matalim na nakatingin sa akin.

Kinabahan ako.

Mayanne Lorenza