Chapter 15 - Chapter 15

Now playing: Pagtingin by Ben and Ben

Lisa

Bagot na bagot na pumaparoon at pa rito ako sa labas ng gate ng bahay nina Jennie.

Kung kani-kanino nang numero ng telepono ang tinatawagan ko pero kahit isa sa kanila, walang may nakakaalam kung nasaan si siya!

Hindi ko naman alam kung saan ang bahay ng Miyuki na iyon, sigurado ako na siya na naman ang kasama ni Jennie.

Magmula talaga nang maging magkaibigan sila, kung saan-saan na nito dinadala si Jennie.

Paano kapag napahamak 'yung kaibigan ko dahil sa pagiging masamang empluwensya niya?

Paano kapag may nangyaring masama kay Jennie?

Hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad kahit lumuhod pa siya sa harapan ko.

Masyado na akong frustrated. Kagabi pa hindi umuuwi si Jennie at pati mga magulang niya ay sigurado akong nag-aalala na rin.

Isama mo pa itong si Austine, na hindi rin sumasagot sa mga tawag at texts ko, maging sa chats sa messenger. Mukhang natatakot at halatang may pinagtataguan yata.

"Hon, pwede bang magpahinga ka na muna sa loob?" Lumapit sa akin si Brent at pilit akong pinapapasok sa loob ng kanilang bahay.

"Pwede naman na sa loob ng bahay mo nalang siya hintayin. Don't worry, I know she's safe wherever she is right now."

"Brent, kuya ka ba talaga niya?" Kunot noo na tanong ko rito.

"You know her, hindi siya ginagabi ng uwi at mas lalong hindi siya inuumaga!" Dagdag ko pa habang napapailing.

"Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko siya nakikitang safe na papasok sa gate na ito. Tell me I'm OA, so what? Nag-aalala lang talaga ako ng sobra."

Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng marahan.

"Nag-aalala rin naman ako. Pero hon, matanda na si Jennie. Alam na niya ang ginagawa niya." Pagpapakalma nito sa akin. "Hindi mo ba nakikita? Relax kaming lahat, maliban nalang sa'yo." Dagdag pa nito.

Napakamot ako sa aking batok.

"Hindi ba parang sobra ka naman yatang nag-alala?" Muling pagtanong pa niya bago ako tinignan ng mataman sa aking mukha at hinaplos iyon.

"Don't worry, ako ng bahala sa kapatid ko. I'll scold her kung kinakailangan para hindi ka na rin nag-aalala pa ng ganyan." Walang nagawa na napatango na lamang ako at sinunod ang gusto ng boyfriend ko.

Pumasok na muna ako sa loob ng kanilang bahay.

Maya-maya lamang din ay narinig ko ang pagbuhay ng makina ng sasakyan mula sa labas. Alam kong si Brent na ang maghahanap kay Jennie.

Sana lang talaga at okay siya. Hindi kasi talaga ako mapakali lalo at maraming nagkalat na mga gago at manyakis sa paligid, lalo na sa panahon ngayon.

Habang naghihintay sa pagdating ng magkapatid, ay minabuti ko na lamang muna ang ikalma ang aking sarili.

Bakit ba naman kasi masyado akong nag-aalala ng ganito?

Hindi naman ako ganito mag-alala noon. Pero kung umasta ako ngayon daig ko pa ang--- nevermind.

Hindi ko na naman mapigilan ang makaramdam ng inis sa sarili ko.

Pilit akong umiiwas sa amin ni Jennie. Pero bakit tila yata 'yung sitwasyon na rin mismo ang naglalapit sa aming dalawa.

Madalas nangyayari ang mga ganitong bagay kapag nagdedesisyon akong dumistansya sa kanya.

Ano ba talaga ang plano ng mundo sa amin?

To think na...p-parang may namumuo akong pagtingin sa kaibigan ko. Bagay na hindi talaga pwede.

Hindi talaga!

Mariin na napapikit ako bago napahawak sa aking sintido noong maalala ko na naman ang huling beses na nagkasama kami.

She kissed me that night.

Pero para sa kanya, panaginip lang yun.

Well, baka naman kasi nananaginip lang naman talaga siya at ako lang naman itong assumera na baka may ibang ibig sabihin iyon.

Tsk!

Naghintay pa ako ng ilang minuto, hindi nagtagal ay may narinig akong kakaibang tunog ng sasakyan na huminto sa tapat ng bahay nina Jennie.

Mabilis ang mga hakbang na lumabas agad ako at nagtungo sa gate. Without knowing na si Jennie na nga pala ang bubungad sa akin.

Ngunit ang ipinagtataka ko lamang ay ibang tao at babae ang kasama nito ngayon.

Nakasuot ito ng full-face helmet kaya hindi ko siya mamukhaan.

"Jennie!" Parang nabunutan ng tinik na lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap noong makababa ito sa big bike.

Noon naman hinubad ng babae ang suot nitong helmet, pagkatapos ay agad na binigyan ako ng isang mapang-asar na ngisi ngunit binalewala ko lamang iyon at muling ibinaling ang mga mata kay Jennie.

"Oh my gosh! Are you okay? Are you hurt?" Nag-aalala na tanong ko sa kanya. "Buong gabi kang wala. Pinag-alala mo ako." Dagdag ko pa.

Ngunit binigyan lamang ako nito ng assurance smile bago napatango sa akin.

"Ayos lang ako, wag ka na mag-alala." Bago ako nito hinawakan sa aking braso.

"Yes, of course she's safe!" Sagot ng babae kahit na hindi ko naman kinakausap. "I took care of her last night. Right, Jennie?" Sabay kindat nito kay Jennie at napakagat pa sa kanyang labi.

Mabilis na tinignan ko ito ng masama.

"What do you mean by that?" Clueless na tanong ko naman at muling napatingin kay Jennie para sa kanya hingin ang kasagutan.

At ang gaga, namula pa ang itsura na para bang mayroong nangyari kagabi na hindi ko dapat malaman.

Parang bigla yatang kinurot ang dibdib ko roon.

Ano bang nangyayari?

"And who are you?" Hindi ko na napigilan na itanong ang pangalan nito.

Atsaka isa pa, parang masyadong pamilyar ang mukha ng babaeng ito sa akin. At minsan ko na rin yatang narinig ang boses niya somewhere.

"It's for you to find out, Lisa. It's sooooo NICE to finally meet you." Pagkatapos ay walang sabi na muling isinuot na nito ang kanyang helmet at mabilis na muling pinasibad papalayo ang kanyang sasakyan.

Hindi ko naman ito inaalis sa aking paningin hanggang sa tuluyan siyang makalayo.

Naramdaman kong papasok na sana si Jennie sa gate ng pigilan ko siya.

"So, what happened last night?" Pagkatapos ay napa cross arms ako at napalunok ng maraming beses.

Pakiramdam ko kasi, may mga bagay na inililihim na sa akin si Jennie.

At pinipigilan ko rin ang magselos.

Nagseselos ako! Oo.

Parami na kasi ng parami ang mga taong nahuhumaling kay Jennie. At hindi ako manhid para hindi maramdaman na 'yung babaeng iyon, kung sino man siya, ay katulad rin siya ni Miyuki na hindi lang pakikipag-kaibigan ang gusto sa best friend ko. But more than that.

Bagay na wala akong magagawa.

"Lis, okay ka lang ba?"

Natigilan ako sa malalim kong pag iisip noong lapitan ako ni Jennie.

Binigyan ko ito ng isang mabagal na ngiti bago napatango.

Gosh! Ang hirap labanan ng damdamin kapag ganito.

Napakasama ko ba?

Kasi alam kong may kakaiba akong nararamdaman sa kapatid ng nobyo ko? At ang masakit pa roon, hindi ko pwedeng hayaan na lumalim ang kung ano mang nararamdaman kong ito.

Masasaktan ko sila pareho.

Hindi ko kaya na mawala sila pareho sa akin.

Pero alam ko sa sarili kong may magagawa ako, na may pwede akong gawin para sa kanila pareho dahil parehas silang may puwang sa puso ko.

Mahal ko sila pareho.

Tinitigan ko ito sa kanyang mukha bago inayos ang pag tayo ko.

"Na-miss lang kita." Pagkatapos ay hinawakan ko na ito sa kanyang braso papasok sa gate.

Pilit ko ring binabalewala ang kuryente na dumadaloy mula sa pagkadikit naming balat ngayon.