Chapter 17 - Chapter 17

Now playing: Starving by Hailee Steinfeld

Jennie

Kanina pa talaga ako ihing-ihi, kaya pagkatapos na pagkatapos ng huling klase bago mag lunch break ay tumakbo na ako agad palabas ng aming classroom at agad na tinahak ang daan ng pinaka malapit na CR.

Hindi pa man ako nakakarating sa mismong CR nang may makita akong pamilyar na piguro ng isang babae na naglalakad pasalubong sa akin.

Kumaway ito sa akin at agad akong binigyan ng kanyang signature smirk.

Kabababa lamang nito sa kanyang big bike habang parang isang tunay na modelo na agad rumampa sa gitna ng maraming tao.

Si Nanami.

Ang pinsan ni Miyuki.

Iyong Dyosa at hayop sa ganda at hubog ng katawan na si Nami. Oo, siya nga!

Halos mapanganga ang mga nakakakita sa kanya ngayon at kanyang nakakasalubong. Iyong iba pa nga ay halos tumulo na ang laway at lumuwa ang mga mata dahil kitang kita ang kanyang cleavage.

Hmp! Hindi ba siya nilalamig sa suot niya? Labas na ang pusod tapos kita pa ang hinaharap. Tsk!

Sandali...

At ano naman ang ginagawa niya rito sa St. Wood?

At papaano siya nakapasok?

Isa pa, hays! Ngayon pa talaga ako mag-iisip kung saan sasabog na ang pantog ko.

Saka ko na na siya problemahin, naiihi na talaga ako at hindi ko na kaya pang pigilan ito.

Mabilis na inalis ko ang aking paningin kay Nami. Noon naman tumama ang mga mata ko kay Miyuki na ngayon ay nakikipag kwentuhan kay Austine.

Kay Austine??

At kailan pa sila naging close ni Austine?

Dahil ba kaibigan ni Austine si Nami na pinsan niya?

Gusto ko sana silang lapitan kaya lang 'yung ihi ko nasa tarangkahan na.

Papasok na ako sa CR nang marinig ko na naman ang boses ni Lisa na tinatawag ako.

Mabilis na napalingon ako sa kanya, noon naman biglang humarang si Kuya Brent sa kanya kaya hindi na ito natuloy pa sa paglait sa akin.

Napapailing na dumiretso nalang ako sa pinaka malapit na cubicle. At mabilis na naupo sa bowl.

Hindi na rin nag-abala pang i-lock ito dahil sobrang sasabog na talaga...

Isa wala namang ibang tao rito sa loob kung hindi ako lamang.

Napapapikit pa ako habang umiihi at rinig na rinig ko ang malakas na pag-agos ng ihi ko.

Haaaaaay. Hindi ko mapigilan ang mapahinga ng maluwag noong maging successful na mailabas ito.

Dahan-dahan na tumayo ako at isinuot nang muli ang underwear ko nang bigla akong mapatili ng malakas dahil sa gulat, noong makita si Nami na nakatingin sa akin.

Hindi lang sa akin mismo, kundi sa ano ko...

"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!"

Ngunit tila ba wala lamang sa kanya ang lakas at tining ng boses ko dahil napangisi pa itong napatingin sa mga mata ko.

"Awww! Ang cute naman ng baby. It also has baby hair." Sabay kagat pa nito ng kanyang labi na mas lalong ikinakamatis ng mukha ko.

B-B-Baby hair?

A-Ano daw?

"Nami! A-anong g-g-ginawa mo---"

"Cutie!" Sabay hawak nito sa baba ko at kindat nito sakin habang napapakagat pa rin sa kanyang lower lip.

"Don't worry, 'di ko naman siya natitigan ng matagal. Naiinis nga ako bakit kailangan pa ng panty eh. Natakpan tuloy. Tsk!" Sabay pout pa nito habang pinasisingkit ang mga mata.

Pagkatapos ay tumalikod na ito at parang wala lamang sa kanya ang kanyang nakita sa akin.

Habang ako naman ay halos kulang nalang ay himatayin na dahil sa sobrang kahihiyan!

Take note! Hanggang ngayon, hindi ko parin nasusuot ang pants ko! Kaya naman nagmamadali na ini-angat ko na ito at agad na inayos ang botones.

Nakita n'ya ang hindi dapat makita!

WTF!

P-Paano niya nagawang tignan 'yun at tila ba wala lamang sa kanya ang lahat?

Gusto ko ng magpalamon sa lupa ngayon din!

Swear!

Hindi ko alam kung ano pa ang dapat na maramdaman ko ngayon.

"Are you okay?" Noon naman dumating si Lisa habang mayroong pagkakataka at concern sa kanyang mga mata.

Lumapit ito sa sink bago nanalamin.

Nanginginig naman ang aking mga kamay na lumapit sa kanya. Para akong bata na balak magsumbong sa kanyang ina dahil sa nangyari.

Ngunit mukhang hindi yata talaga umaayon ang tadhana at panahon sa akin ngayong araw, nang basta na lamang akong ma-out of balance dahil sa naapakan kong basa na sahig.

Mabuti nalang at mabilis akong nahawakan ni Lisa at nasalo.

Ang kaso...

Mas lalo naman yatang nagwawala ang puso ko ngayom dahil kapwa nanlalaki ang aming mga mata sa gulat, noong biglang maglapat ang aming mga labi habang nasa ilalim niya ako.

Napasandal ako sa sink habang nakatukod naman ang kaliwang kamay nito sa may gilid ko. At ang kanyang kanang kamay ay naka alalay sa waist ko.

Mas lalo ko pang naramdaman ang pamumula ng mukha ko, at ang mas lalong paglakas ng pintig ng puso ko noong bigla nitong ipinikit ang kanyang mga mata.

"Ops! Shooot! Sorry. I didn't mean to-- argh!" Bigla kong naitulak si Lisa noong marinig ko ang boses ni Nami at nakita itong nakatayo sa may mismong pintuan ng CR.

Bakit bumalik pa siya?

Mariin na napalunok ako noong ma-realize kong nakita nito magkalapat na labi namin ni Lisa.

"Nevermind. Nakita ko naman si baby, I think mas lamang na ako?" Sabay kindat nito kay Lisa.

"Baby?"

Awtomatikong napa ngisi ng makahulugan si Nami sa kanya.

"Yup! My baby." Taas noo at proud na sabi pa nito kay Lisa. Pagkatapos ay muli na kaming tinalikuran habang napapa hmmmm pa ito.

JUICE COLORED!

Ano bang nangyayari ngayong araw?

Can you please tell me???

O baka naman nananaginip lang ako?

Sobra-sobra ng kahihiyan ito ngayong araw! Naiiyak at dismayado na reklamo ko sa aking isipan.

"What baby?" Kunot noo na napalingon sa akin si Lisa. "What did she mean by that?"

"H-Hindi ko alam." Pagsisinungaling ko kanya habang nakayuko dahil sa sobrang pamumula na ng aking mukha.

Isama mo pa na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang lambot ng labi niya sa aking labi.

Gosh!!

Gusto kong magtatatatalon sa saya dahil si Lisa ang naging first kiss ko!

Kung iyong una ay sa gilid lamang ng kanyang labi, ngayon, talagang nag-kiss na kami!

Ngunit hindi ko mapagtanto ngayon kung ano ba talaga ang dapat na maramdaman dahil sa naaalala ko rin si Nami.

Kaya naman walang nagawa na nag walk-out na lamang ako.

Ano bang nangyayari ngayong araw?!

Pwede bang mauntog ako at baka sakaling magising ako dahil baka isa lamang itong panaginip?

Hays!

Nakakabaliw!

---

Lisa

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na naglapat ang labi namin ni Jennie.

And feels so alright to kissed her.

Damn!

She might be a good kisser someday.

I think?

Err!! Iniisip ko palang, sobrang nagwawala na ang mga paru-paro sa aking tyan.

Ibang-iba ang kilig, ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan habang magkadikit ang aming mga labi.

Para bang...para bang isinasayaw ako nito sa mga ulap habang milyon-milyong paru-paro ang nag-aangat sa amin patungo sa kalawakan?

Hindi ko mapigilan ang mapatulala sa kawalan habang hawak-hawak pa rin ang labi ko.

"Hon, nakikinig ka ba?"

Kung hindi ko pa narinig ang boses ni Brent, hindi pa ako maibabalik sa realidad.

"W-What is it hon?" Wala sa sarili na tanong ko rito at halatang hindi talaga nagbibigay ng atensyon sa kanyang sinasabi.

"Ang sabi ko---" Worried na napatingin ito sa mukha ko. "Okay ka lang ba talaga? Namumula 'yung mukha mo eh." Sabay hawak nito sa noo ko.

Namumula kasi kinikilig ako.

Kinikilig sa kapatid mo. Haaaay.

"Hindi ka naman nilalagnat." Dagdag pa niya.

Paano ako kakalma?

Paanong 'di mamumula ang mukha ko?

Aksidenteng nag-kiss kami ni Jennie!

Ang lambot-lambot ng labi niya.

Ang sarap-sarap nilang damhin at namnamin.

"Hon."

Para bang kahit buong araw ko silang i-kiss okay lang. Hinding-hindi ako magsasawa.

"Ang sarap!"

"Ha?"

"H-Ha?"

"What the fuck is wrong with you?!" Pikon na tanong nito sa akin.

Noon naman biglang sumulpot si Jennie sa harapan naming dalawa.

Habang nakatulala rin kagaya ko.

Hanggang sa magtama muli ang aming mga mata.

Hindi nakaligtas sa akin ang lihim nitong pagsinghap. Dahilan upang mapangisi ako ng palihim sa aking isipan.

At sabay din na namula ang aming mga mukha.

Kapwa at sabay kaming napaiwas ng tingin sa bawat isa at parang hindi magkakilalang nilampasan ang isa't isa.

Gosh!

'Yung puso ko.

Can you please calm down heart?

Kasama mo ang boyfriend mo, pero bakit lumilipad sa ibang ibayo?

Sa ibang ibayo, o sa ibang tao? Tuyo ng aking isipan.

Noon naman ako napatingin kay Brent.

Ayaw ko siyang masaktan. Pero itong nararamdaman ko para kay Jennie, sa kapatid niya, hindi ko na talaga mapigilan.

At habang tumatagal, mas lalo silang nagpupumiglas at hindi ko na kaya pang labanan.