Chapter 18 - Chapter 18

Now playing: Gani - Puppy Love ft. Nathania & Harms

Nami

I just can't help but smile like an idiot here!

Sino ba naman ang hindi ma-go-good mood sa nangyari?

Ewan ko rin sa sarili ko kung anong pumasok sa aking isipan at basta ko na lamang sinundan si Jennie kanina sa CR.

Nakita ko tuloy ang hindi dapat makita.

But, f*ck!

Mabuti na lamang at ubod ng lakas na ibinigay ko ang aking self control dahil kung hindi, baka basta ko na lamang siyang nahalay kanina nang disoras.

Kung bakit ba naman kasi hindi siya nag-lo-lock ng cubicle.

Hindi na kasalanan ng mga mata ko kung aksidenteng tumama ang mga ito sa kanyang--- a-ano, kuwan...ah basta!

Pffttt!

I could feel the blood rushing to my face and the redness of it when I remembered her innocent face!

Damn!

Jennie is so cute! And--- her baby.

Iyong bagay sa ibabang parte ng kanyang katawan na hindi ko dapat nakita.

I swallowed hard and laughed softly habang para bang nababaliw na ako sa paningin ni Miyuki.

Nandito kasi kami ngayon sa isang Japanese restaurant kasama ang kanyang parents na hanggang ngayon ay abala sa kanilang kausap sa Zoom meeting.

Napapailing na lamang si Miyuki habang tahimik na tinitignan ako.

Ngunit masyadong masaya ako ngayon para pansinin siya.

Kagat labi na napalunok ako at muli na namang napatawa ng mahina dahil sa hindi talaga mabura-bura sa aking isipan ang reaksyon ni Jennie kanina.

Isa pa, kahit na nakita kong naglapat ang labi nila ng kanyang best friend ay hindi ako masyadong apektado.

Alam ko naman kasi na aksidente lamang iyon.

Yes! Nakita ko kung paano siya sinalo ni Lisa kanina ngunit dahil masyadong madulas ang sahig kaya pati ito ay na out of balance din.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang ang pagbato ni Miyuki ng tissue napkin sa aking mukha.

"Pwede bang kumain ka na lang?" Saway nito sa akin.

Siguro kung nasa normal kong mood ako ngayon, sinakal ko na itong pinsan ko. Pero dahil masyado akong masaya kaya pagbibigyan ko siya.

"Masyadong maganda ang mood ko para mainis mo." Komento ko at nagsubo ng steak na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nauubos.

Napairap ito sa akin.

"Yeah. You seem to be in a good mood right now." Pagsang-ayon nito sa akin.

Napatango ako. "Yes!" Malawak ang ngiti sa sagot ko sa kanya bago napainom ng wine.

"At busog na ako." Dagdag ko pa bago napa haplos sa aking flat na tyan.

"Agad?" Gulat na gulat na tanong ni Miyuki. "Eh tatlong subo lang yata ang nagawa mo ah!"

"Ah huh?" Sagot ko sa kanya. "Ayaw kong tumaba, ano?" Sabay irap ko sa kanya at nagbaling ng tingin sa labas ng restaurant kung saan glass ang buong paligid at makikita mula rito sa loob ang mga dumadaan mula sa labas na mga tao.

Mabilis pa sa alas kwatro na nahagip ng aking paningin ang dumaan na si Jennie.

Hindi ako magkakamali.

Sigurado akong si Jennie ko iyon.

Kaya naman mabilis na napatayo ako sa aking kinauupuan.

Gulat na nagbaling muli ng tingin sa akin si Miyuki ganoon din ang parents nito na may ka-meeting pa rin hanggang ngayon.

"Excuse me. I'll be right back." Paalam ko sa kanila at nagmamadaling lumabas ng restaurant.

"Where are you going?" Pahabol na tanong ni Miyuki ngunit hindi ko na ito pinansin.

Naka-focus lamang ang aking mga mata sa babaeng ayaw kong alisin sa aking paningin dahil baka mawala.

Same outfit pa rin ito. Iyon pa rin ang suot nito kanina kaya mas lalong naging malawak ang mga ngiti ko habang palihim at tahimik ko siyang sinusundan.

Tila ba wala ito sa kanyang sarili at parang nakatulala habang naglalakad.

Ano kayang iniisip niya?

Napatawa akong muli ng mahina. Marahil dahil pa rin siguro sa nangyari kanina? Baka masyado niyang dinamdam ang nakita ko sa kanya?

Awww! She's so cute talaga.

So innocent kaya lalo akong nahuhumaling sa kanya eh. Haha.

Kakaiba talaga siya sa lahat.

Hindi niya napansin na may sumusunod sa kanya--- ako. Kaya naman nagpatuloy lamang din ako at tahimik lamang siyang sinundan.

Kapag huminto siya ay humihinto rin ako.

Saan naman kaya siya pupunta sa ganitong oras?

Kumain na kaya siya ng dinner? Napatingin ako sa wrist watch na suot ko.

Mag-aalas nuebe na ng gabi pero pagala-gala pa rin siya daanan.

Bakit ba ang hilig niyang lumabas ng gabi? Nagtataka na tanong ko sa aking isipan.

Nagpatuloy pa ito sa kanyang paglalakad hanggang sa napansin ko na mayroong humarang sa kanya na tatlong kalalakihan.

Mga mukhang sanggano na kalalakihan.

Mabilis akong nagkubli sa pinaka malapit na pader atsaka sumulip na tamang makikita ko pa rin sila.

Napailing ako dahil mukhang may hindi magandang balak ang mga ito kay Jennie ko kaya naman, lumabas na akong muli mula sa aking pinagkukublihan at lumapit sa kanila, at pagkatapos ay mabilis kong hinila sa braso si Jennie at binulong ang...

"Mabilis ka bang tumakbo?" Tanong ko sa kanya na agad na ikinagulat niya noong marinig ang boses ko at dahil masyadong malapit ang bibig ko sa tenga niya.

Narinig ko pang napasinghap ito.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Tinignan ako nito sa aking mukha ngunit mabilis din siyang napaiwas ng tingin.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pamumula ng kanyanh pisngi.

Napapangiti na lamang ako sa aking isipan.

"Wow! Pare, mukhang mas yummy itong kasama niya. Kung sinu-swerte ka nga naman." Sabi ng isa habang tatawa-tawa at napapadila pa.

Ewww! They're so kadiri.

"At mukhang mabango din. Nyahahaha!"

Hindi ko mapigilan ang mapatirik ng aking mga mata. At tinignan ang mga ito ng pamatay na tingin.

Tsk!

Oh, boy!

"Jennie, bibilang ako ng tatlo, kapag sinabi kong takbo, takbo. Okay?" Bulong kong muli rito dahilan upang mapatango siya at mapalunok ng mariin.

Halatang kinakabahan.

"P-Pero Nami---"

"Tuturuan ko lang sila ng leksyon." Putol ko sa kanya na para bang nababasa ang kung ano mang tumatakbo sa isipan niya. "Because none of them can touch my girl, even a strand of your hair." Dagdag ko pa na mas lalong ikinakamatis ng kanyang mukha.

Muli akong napangisi.

Atleast, ngayon alam ko nang may epekto rin ako sa kanya. Napahinga ako ng malalim at pilit na inaalis sa aking isipan ang imahe niya at ng kanyang best friend na aksidenteng nag-kiss kanina.

"I-I mean, ang payat mo para sa mga katawan nila." Sabi nito. Napanganga ako in disbelief.

Tinuro ko ang sarili ko.

"Wala ka bang bilib sa akin?"

Tss!

"Pero---"

"One." Nagsimula na ako sa pagbilang.

Humakbang iyong isang lalaki palapit sa amin habang nagtatanggal ng belt niya.

"Two." Ganoon din iyong isa habang napapadila na naman. Kadiri talaga.

Ang pangit pa!

"Three! Takbo!"

Pinauna ko lang ng takbo si Jennie bago ko pinagsisipa sa mukha iyong tatlong ungas dahilan upang bumagsak ang mga ito sa sahig.

Pasalamat nga sila at sa mukha lang. Hindi sa dibdib. Dahil ayokong mabalian sila ng buto!

That's the importance of self defense. Huh! Black belter karate yata ito!

Hinihingal na nahinto si Jennie sa may tapat ng Park kung saan ko siya natagpuan dati. Iyong Park na malapit sa bahay nila.

Napapahawak ito sa kanyang magkabilaang tuhod nang huminto ako sa tapat niya habang himihingal din.

Gosh!

Nakakawala ng poise 'yung mga 'yun ah!

Tinignan ko ng masama si Jennie sa kanyang mukha noong kumalma na ito mula sa pagkahingal.

"Bakit ba kasi ang hilig mong lumabas ng gabi?!" Inis na tanong ko sa kanya.

Napaiwas ito ng tingin at hindi ako kinubo bago tinalukuran.

What the fuck!

Hindi ba niya ako narinig? Sinundan ko siya.

O baka masyado lang akong OA?

Eh kasi naman eh.

"Jen." Pagtawag ko sa kanya pagkatapos ay mabilis siyang hinawakan sa kanyang braso para pigilan.

Hindi pa rin ito makatingin sa aking mukha.

"I-I'm sorry."

Wait, what?

Ako ba talaga ito? Bakit ako nagsosorry?

Hays.

Pero, shit! Si Jennie ito eh.

Tss! Fine!

"I'm sorry about earlier. I didn't mean to." Dagdag ko pa.

"Swear, I'll forget kung ano mang nakita ko kanina." But in the back of my mind, hindi ko na 'yun makakalimutan pa at habambuhay ko na iyong maaalala.

Gosh!

Muling nangamatis na naman ang kanyang itsura bago napalunok.

"Please, say something." At hahawakan ko pa sana ito sa kanyang mukha nang---

"Say something about WHAT?"

Kapwa kami napalingon sa babaeng kadarating lamang.

Ang kontrabida sa aming story na si Lisa.

Hindi ko mapigilan ang mapairap.

"And what are you doing here?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko sa kanya. Ngunit tinaasan lamang din ako nito ng kilay bago napatingin ito sa kamay kong nakahawak kay Jennie.

"Dahil dito ako nakatira? Dahil kamay ng BEST FRIEND ko 'yang hinahawakan mo? What about you, what are YOU doing here?" Pagkatapos ay lumapit ito sa amin at tinanggal ang kamay kong nakahawak kay Jennie.

What the hell is wrong with her?

Mas lalo lamang niyang pinapatunayan ngayon na hindi lang kaibigan ang turing niya kay Jennie, but more than that. Not a sister, not best friend, ngunit mas malalim pa sa mga iyon.

Napangisi ako at tinignan si Lisa ng nakakaloko. Lumapit ako sa kanya at binulong ang bagay na mas lalong ma-b'bwisit siya.

"Best friend, huh?" Bulong ko. "Well, just to remind you, Lisa Manoban. You are in a relationship with his older brother." Dagdag ko pa pagkatapos ay hinawakan siya sa kanyang balikat at pinagpag iyon.

"May the best woman win." May paghahamon na pahabol ko pa bago ito tinalikuran habang naka ngisi ng mapang-asar.

Because I know for sure, hinding-hindi siya mananalo sa akin.