Chapter 19 - Chapter 19

Now playing: Ikaw lamang by Silent Sanctuary

Jennie

May tatlong araw na rin ang nakalipas magmula nang mangyari ang araw na hindi ko alam kung totoo ba talagang nangyari o isa lamang sa aking mga panaginip.

Iyong araw kung saan ang daming nangyari na hindi ko inaasahan.

Kapwa ko iniiwasan sina Lisa at Nami dahil pareho silang hindi ko pa kayang harapin sa ngayon.

Nakakahiya!

Hanggang ngayon wala pa rin akong mukha na maiharap sa kanilang dalawa, lalong lalo na kay Nami.

Muli kong naramdaman ang pang-iinit ng aking pisngi nang maalala na naman ang mga nangyari.

Hays!

Parang siraulo na napapasabunot na lamang ako sa aking buhok habang naglalakad palabas ng gate ng St. Wood.

Katulad na pa rin ng dati, isa pa rin akong katawa-tawa sa paningin ng nakararami at palaging tinutukso sa tuwing makikita ako.

Kailan ba sila magsasawa sa pambubully sa akin?

Natigil ang aking pag-iisip nang bigla akong matalisod at tuluyang madapa dahil sa biglang mayroong tumulak sa akin.

Agad na nagtawanan ang mga estudyante sa buong paligid.

"Panget na, lampa pa!" Tukso nang mga ito habang tumatayo ako.

Napahinga na lamang ako ng malalim bago nagpatuloy sa aking paglalakad at mas pinili na lamang na hindi pansinin ang mga ito.

Sakto paglabas ko ng gate ay agad na nahagip ng aking paningin si Miyuki na naglalakad din kagaya ko.

Medyo may kalayuan ito sa akin kaya halos patakbo akong naglakad maabutan lamang ito.

Ilang beses ko siyang tinawag sa kanyang pangalan, ngunit hindi niya ako nililingon.

Noon ko lamang nakita na nakasuot pala siya ng earphone.

Ilang araw na rin kaming hindi nagkakausap nito, at madalas ay nakikita ko siyang naka earphone lamang sa tabi habang ini-enjoy ang kanyang pinakikinggan kanta.

Agad na hinawakan ko siya sa kanyang balikat para pigilan noong maabutan ko ito.

Mabilis naman itong napalingon sa akin at halatang nagulat noong makita ako.

"Jennie!" Pagbanggit nito sa pangalan ko habang tinatanggal sa kanyang tenga ang suot na earphone.

Napatingin din ito sa buong paligid na tila ba mayroong hinahanap ang kanyang mga mata.

Kaya naman, napalingon din akong kagaya niya.

"May hinahanap ka ba o ini-expect na makita?" Tanong ko sa kanya at nagsimula na muli sa paghakbang.

Agad naman na sinabayan ako nito. Napailing siya at muling napangiti.

Hindi talaga siya nagsasawa sa pag ngiti.

Kung si Nami ang hilig ngumisi, si Miyu naman, ang hilig ngumiti. Haaaay.

"Akala ko lang kasi kasama mo si Lisa." Tugon nito at muling napahinto sa kanyang pag hakbang, kaya napahinto na rin ako at nagtataka ang mga mata na muling tinignan siya sa kanyang mukha.

"Are you busy tonight?" Tanong niya.

Sandali naman akong nag-isip kung mayroon ba akong takdang aralin o babasahing libro ngayong gabi, nang hawakan ako nito sa aking braso at basta na lamang hinila patungo sa kung saan.

"Huwag ka nang mag-isip pa. Hindi naman kita i-uuwi ng umaga eh!" Paliwanag nito. "Kakain lang tayo ng dinner." Dagdag pa niya.

"P-Pero Miyu," Napakamot ako sa aking batok. Nakalimutan ko kasing dalhin ang wallet ko kanina. Siguradong wala akong pambayad kapag nagkataon.

"N-Nakalimutan ko kasi 'yung wallet ko---"

"Duh! My treat!" Sabi nito sa akin. "Let's go!"

Kaya naman, walang nagawa nasumama na lamang ako sa kanya.

Pumara ito ng taxi at sinabi ang isang lugar na hindi ko alam kung saan.

Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng pagkailang dahil sa mga tingin ni Miyuki.

Kanina pa kasi siya panay sulyap sa akin atsaka napapatingin sa labi ko. Gusto ko kasi siyang tanungin kung may dumi ba ako sa mukha o ano.

Ngunit mas pinili ko na lamang ang manahimik at ibaling sa labas ng bintana ang aking mga mata.

Hindi magtagal ay huminto kami sa tapat ng isang restobar.

Agad na napangiti ako dahil ang sarap at ang presko ng ambiance. Gawa kasi ito sa nipa hut, kahoy at mga kawayan. Habang napapalibutan ng maraming mga halaman ang buong lugar.

Mayroon din itong mini fountain kung saan nakahilera ang mga lamesa at upuan na siyang magsisilbing dining area at mayroong mini stage kung saan naman mayroong nagtutugtog na live band.

"Good morning mga Ma'am!" Magiliw na pagbati sa amin ng isang waiter.

And he's gay.

Napangiti ako rito ganoon din si Miyuki.

"Table for?" Tanong nito.

"For two, please." Sagot ni Miyuki sa kanya.

"This way ma'am!" At agad na iginaya niya kami sa pinaka gilid na lamesa kung saan wala masyadong dumaraan na mga tao at walang masyadong makakapansin sa amin.

Binigyan niya kami ng tig isang menu book at sandaling iniwanan.

Napalunok ako noong makita ko ang mga presyo.

Grabe! Gawa ba sa ginto at tanso ang mga pagkain nila rito?

Napapalunok ako na ibinaba ang menu at napatingin kay Miyuki na abala sa pagpili ng kanyang pagkain.

"Uhmmm...M-Miyuki." Pagtawag ko sa kanya. Agad naman na nag-angat ito ng kanyang paningin.

"P-Pwede bang sa ibang resto nalang tayo kumain? Eh kasi...ang mamahal naman ng mga pagkain nila rito." Nahihiya na sabi ko sa kanya at napakamot sa aking batok.

Hindi agad ito sumagot at sa halip ay tinitigan lamang ako ng matagal sa aking mukha, pagkatapos ng ilang minuto ay gumuhit ang isa na namang matamis na ngiti sa kanyang labi.

"You are really cute, Jennie." Komento nito dahilan para maramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

"Pwede bang pumili ka nalang ng makakain mo dahil treat ko ito?" Dagdag pa niya at walang sabi na piningot ang ilong ko at pagkatapos ay napa-giggle.

Muling mapalunok ako bago muling ibinalik ang mga mata sa menu.

"O-Okay." Wala na namang nagawa na pagpayag ko.

Muling lumapit sa amin ang waiter para kunin ang aming order.

Si Miyu na rin ang nag-order para sa akin. Sinabi ko na lang sa kanya kung ano ang gusto ko, at pinili ko talaga ang kung ano ang pinaka mura sa menu.

Kaya lang kasi, ang kulit ni Miyu at dinagdagan pa talaga niya 'yung para sa akin.

Napapangiti na lamang ang waiter habang tinitignan kaming dalawa.

"Ang cute ninyo!" Parang kinikilig na komento pa nito.

Tinignan siya ni Miyuki at nginitian.

"Thanks!" Puno ng emosyon at confidence na pagpapasalamat naman ng aking kaibigan.

Tumayo si Miyuki at may ibinulong sa waiter. Dahilan upang mapatango ito.

Habang ako naman ay nagtataka ang mga mata na sinundan ng tingin si Miyuki hanggang sa makaalis nang muli ang waiter.

"Pwedeng sa akin din? Share mo rin?" Biro na sabi ko sa kanya ngunit napailing lamang ito.

"Hmmmm..." Kunwari naman na nag-isip ito. "Lemme think about it first." Pagkatapos ay napatawa siya habang ako naman ay napapanguso.

"Do you like music, Jen?" Tanong nito sa akin in a serious tone.

Napatango ako.

"O-Oo naman." Sagot ko.

"Do you love OPM songs or..."

"K-Kahit ano." Sagot kong muli at sing-bilis ng alaskwatro na tumayo ito.

"D'yan ka lang." Sabi niya sa akin.

"T-Teka, saan ka pupunta?" Agad naman akong nataranta.

Napangiti itong muli.

"Chill, I'll be right back." Ani niya at agad na akong tinalikuran.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makarating siya sa mini stage kung saan may tumutugtog na live band.

Teka, 'wag mong sabihin na kakanta siya? Hmp!

Lumapit siya sa isang guitarist at may ibinulong. Napatango ito at ini-abot kay Miyuki ang kanyang hawak na gitara.

Habang ang mga kasamahan naman nito ay sandaling tumigil din muna sa o pagtugtog at nagtungo sa isang tabi.

Hanggang sa si Miyuki na lamang ang naiwan sa ibabaw ng mini stage.

Lumapit siya sa pinakaharap kung nasaan ang mikropono at naupo sa upuan na naroon.

Nagpalakpakan ang mga taong nanonood sa kanya. Noon naman siya napangiti at na patingin sa direksyon ko, bago napakaway.

"Hello everyone, I'm Miyuki. And I'm with my friend, Jennie. She is right there," Pagkatapos ay itinuro niya ako.

"Yes, that beautiful girl, right there." Napalingon ang ilan sa aking direksyon at muling nagpalakpakan.

Habang ako naman ay namumula ang mukha dahil sa kahihiyan.

"And I'm going to sing a song, entitled, Ikaw lamang by Silent Sanctuary." Dagdag pa nito. "But, pagpasensyahan niyo na, I am not really fluent in Tagalog song." Pag-joke nito dahilan para mapatawa ang ilan sa mga manonood. "But I will try my best na ma-pronounce ng maayos ang lyrics ng kanta."

Atsaka nagsimula na siya sa pag-strum ng gitara kaya lalong naging maingay ang paligid.

Napapasipol pa nga iyong guitarist kanina habang napapalapak din.

Sa totoo lang, may future si Miyuki sa music industry.

Hindi ko akalain na ang ganda ng boses niya. Hindi lamang ako ang kanyang napahanga, kundi lahat ng mga nanonood sa kanya.

Grabe! Aakalain mong si Moira ang kumakanta dahil sa lamig ng boses niya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakangiting bumalik na ito sa aming table. Na-i-serve na rin ang aming pagkain na konting oras nalang ay lalamig na.

"Wow!" Malawak ang ngiti na komento ko. "Hindi mo naman sinabing may talent ka pala sa pagkanta!"

Hindi ito nakapagsalita at sa halip ay basta na lamang namula ang magkabilaang pisngi niya.

"It's just because of you, that's why I had the courage to sing in front of those people." Pag-amin nito na siyang dahilan kaya ako na naman ang natigilan.

Habang nararamdaman ko ang mga nakakapasong titig nito sa akin ay napayuko na lamang ako.

"K-Kain na tayo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Subuan kita?" Wika niya para muling matigilan ako.

"Just kidding!" Agad naman na pagbawi nito, pagkatapos ay napatawa ng mahina.

---

Busog na busog na hinatid ako ni Miyuki sa aming bahay. Inaantok na nga ako sa sobrang kabusugan eh!

Nakakahiya naman kasi kung hindi ko uubusin 'yung pagkain na inorder niya!

Ang mahal kaya ng mga 'yun! Tapos sasayangin ko lang?

Isa pa, libre na nga lang 'yun, 'diba?

Mabuti na lamang din at may taxi na dumaan kaya nakasakay din naman ito kaagad pauwi.

Sinabi ko na lang din sa kanya na magtext siya kapag nakauwi na siya sa kanila.

Hinintay ko na lang na mawala sa aking paningin ang sinasakyan nito bago ako nagpasyang pumasok na sa gate ng aming bahay.

Nang siya namang biglang mayroong humablot sa akin mula sa may dilim at mabilis na tinakpan ang aking bibig dahil mapapatili pa sana ako.

"Ssshhh. It's me."

Napapikit ako ng mariin at agad na kumalma ang kumakabog kong puso noong marinig ang boses ni Lisa.

Mabilis na tinanggal ko ang kamay nito sa bibig ko atsaka napaharap sa kanya.

"Bakit kailangan mo pang takpan ang bibig ko?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.

Eh kasi naman!

Mas lalo lang akong natakot sa ginawa niya eh!

Ngunit sa halip na sagutin ako ay napatawa lamang ito ng mahina bago ginulo ang buhok ko.

"Halika, sa Park na muna tayo." Biglang pag-aya niya at nauna na sa akin sa paghakbang palabas muli ng gate.

Hindi ko agad ito sinundan. Sandaling pinagmasdan ko na muna ang likod niya.

Naalala ko na naman kasi yung aksidenteng nag-kiss kami.

Kaya naman, mabilis na napailing ako at walang nagawa na sumunod na lamang sa kanya.

Pagdating sa Park ay naupo ito sa damuhan, kaya naman agad na tinabihan ko siya.

Tahimik lamang itong nakatingin sa kawalan. Habang ako naman ay nakikiramdam lamang at ini-enjoy ang moment na kasama siya.

"Masaya ka ba?" Biglang basag nito sa katahimikan.

Kunot noo na tinignan ko siya. Nag-ingat din ito ng kanyang mga mata para salubungin ang aking paningin.

Napalunok ako dahil hindi ko mapigilan ang hindi mapasulyap sa labi niya.

"O-Oo." Sagot ko sa tanong niya. "Masaya naman ako palagi." Dagdag ko pa.

Napa-ismid ito.

"What I mean is, were you happy with Miyuki earlier? Looks like you enjoyed what she sang." Mabilis na namilog ang mga mata ko habang napapalunok ng mariin.

"Yes, I was at that restobar earlier with my parents. Masyado ka lang nag-enjoy sa company ni Miyuki kaya hindi mo kami napansin." Dagdag pa niya at bilang kasagutan sa tumatakbong katanungan sa aking isipan.

"S-Sorry." Paghingi ko ng tawad habang napapayuko.

Napahinga ito ng malalim. Hindi siya kumibo at tahimik na muling tumayo.

Hindi nagtagal ay inilahad nito ang kanyang kanang kamay.

Dahan-dahan na napatingala ako at na patingin sa kamay nito. Binigyan niya ako ng isang ngiti, kaya naman, inabot ko ang kamay nito at agad na inalalayan niya ako sa pag tayo.

"H-Hindi ka na ba galit?" Tanong ko sa kanya na parang batang napagalitan kanina kahit na hindi naman.

Nagtataka nga ako bakit parang ang kalmado pa rin niya. Usually kasi kapag ganitong alam niyang magkasama kami ni Miyuki, umuusok na agad ang ilong niya sa galit.

Napatikhim ito bago napailing.

"Why would I? Eh kasama kita ngayon. 'Yun ang mahalaga." Sabi niya habang nakatitig lamang sa mukha ko dahilan para makaramdam ako ng pagkailang.

Bakit ba ang hilig nila akong titigan sa mukha?

Hindi ba sila binabangugot sa kakatitig sa akin? Tanong ko sa aking isipan.

"At this moment, ako na naman ang manghaharana sa'yo." Sabi nito habang nakangiti at walang sabi na hinawakan ako sa aking beywang at hinila mula rito palapit sa kanyang katawan.

Awtomatikong napasinghap ako ako dahil sa ginawa niya bago napalunok ng maraming beses.

"Habang isinasayaw ka sa ilalim ng buwan." Dagdag pa niya. Hindi pa rin nito inaalis ang kanyang mga mata sa akin.

Hinawakan niya ako sa aking magkabilaang kamay at marahan na ipinatong nito ang mga iyon sa kanyang magkabilaang balikat.

Pagkatapos ay muling ibinalik niya ang kanyang dalawang kamay sa aking beywang. At mas hinapit pa ako, iyong malapit at dikit na dikit sa kanyang katawan. Ganoon din ang aming mukha.

Nagsimula siya sa pag hmmmmm, at hanggang sa tuluyang nagsimula sa pagkanta.

Kinanta nito mula ang kung ano mang kinanta ni Miyuki kanina.

But this time, walang gitara kung hindi boses lamang ni Lisa ang tanging nangingibabaw sa akin. Iyong napakagandang boses niya na hinding-hindi ako magsasawang pakinggan.

Iyong boses na hinding-hindi na ako mabubuhay pa, kapag hindi ko narinig.

Walang ibang taong nanonood, kundi kaming dalawa lamang, sa ilalim ng mga tala, sa ilalim ng buwan at kalangitan.

Iba talaga ang kilig at saya kapag 'yung taong mahal mo ang humarana sa'yo. May bonus pang kasama dahil isinasayaw niya ako, kinakantahan habang nakatingin sa mga mata ko.

Gustong-gusto ko siyang halikan sa mga sandaling ito. Gustong-gusto ko siyang hawakan sa pisngi niya habang sinasabi ang mga katagang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya...gustong-gusto ko.

Pero maraming bagay ang pumipigil sa akin. At unang-una na roon ang best friend ko siya.

At ayaw kong masira ang friendship na meron kami, at kung anong meron sila ni kuya.

Napapikit ako at walang sabi na ipinagdikit ang aming mga noo habang napapasinghap ako ng mariin dahil pinipigilan ko ang aking nararamdaman.

Lisa....bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?

Bakit?