Chapter 23 - Chapter 23

Now playing: I need you by LeAnn Rimes

Jennie

Pauwi na kami ngayon galing sa pag celebrate ng aking birthday na parang wala namang nangyari.

Nasa kalagitnaan na kami ng aming biyahe nang maramdaman ko ang paggalaw ni Lisa sa aking tabi.

Napalingon ako rito at napangiti. Naka sandal kasi sa aking balikat ang ulo nito habang tulog na tulog pa rin dahil sa kanyang kalasingan.

Nasa gitna namin siya ni Kuya ngayon, na natutulog din. Ganoon din si mama. Kami lamang ni papa ang gising dahil binabantayan ko rin ito na baka antukin sa pagmamaneho.

Alas otso ng gabi kami umalis sa lugar kung saan kami nag-stay at ngayon nga ay nasa isa at kalahating oras na kaming nagbibiyahe.

Muli akong napatingin sa maamong mukha ni Lisa at sandaling hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok na humaharang sa kanyang mukha.

At pagkatapos ay dahan-dahan na hinalikan ito sa kanyang noo. Iyong marahan lamang upang hindi ko siya magising.

Kanina nagtatampo pa rin ako sa kanya noong maihatid ako ni Nami galing sa aming lakad.

Ngunit noong makita ko kung ano ang sitwasyon si Lisa ay kusa na lamang nawala ang tampo ko at hindi nagdalawang isip na alagaan siya.

Basta talaga mahal mo ang isang tao, kahit na anong bagay pa ang magawa nito, palagi mo siyang patatawarin at pipiliin pa rin na mahalin kahit na ano pa man.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok nang bumaba ang mga mata ko sa kanyang labi. Mabilis na napaiwas ako ng tingin at ibinaling na lamang sa labas ng bintana ang mga mata.

Ngunit ayaw yata taga akong tantanan ng imahe ni Lisa dahil awtomatiko na bumalik sa aking isipan kung paano siya managinip kanina habang napapa-moan pa at binabanggit ang pangalan ko.

Isang pigil na ngiti ang gumuhit sa gilid ng aking labi bago napatikhim.

"What are you smiling at?" Rinig ko na tanong ni Lisa sa mahinang boses habang napapahikap pa.

Gising na pala siya.

Agad na napalingon akong muli sa kanya at napailing.

"I am not." Pagsisinungaling ko.

Ngunit tinitigan lamang ako nito sa aking mukha. Iyon bang parang may sinasabi ang mga mata niya pero hindi ko mabasa kung ano.

"Liar." Tugon niya. "Nakita kong nakangiti ka eh." Dagdag na bulong pa niya.

Napangiti na lamang ako ng tuluyan habang napapailing.

Ilang minuto kaming na tahimik bago ito muling nagbaling ng kanyang paningin sa akin at walang sabi na kinuha ang kanang kamay ko bago ito hinawakan ipinagdikit ang aming mga daliri.

We are holding hands now in the car, while my older brother is beside us.

Hindi ko mapigilan ang mapakagat ng aking labi habang muling ibinabalik ang mga mata sa labas ng bintana upang itago ang kilig na nararamdaman.

Naramdaman ko ang panaka-nakang pagpiga ni Lisa sa kamay ko dahilan para mapatingin akong muli sa kanya.

Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa nito. Dahil nang muling magbaling ako ng aking paningin sa kanya, ay siya namang biglang nakaw nito ng isang smack na halik sa aking labi.

Mabilis na pinanlakihan ko siya ng kanyang mga mata dahil baka magising si kuya o makita kami ng aking ama.

Pero napangisi lamang ito bago muling ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat sabay bulong nito sa aking tenga.

"Can we go out later when we get home? I'll just give you something." Sabi nito na siyang dahilan upang mapakunot ang aking noo.

Dahil dito ay walang nagawa na napatango na lamang ako.

"S-Sure!" Pagpayag ko.

At ano naman kaya ang bagay na ibibigay nito sa akin? Tanong ko sa aking isipan.

Hanggang sa makarating kami sa aming mga bahay ay magkahawak pa rin ang aming mga kamay. Habang si kuya naman ay buong biyahe lamang na tulog. Ginising na lamang ito noong makarating kami.

Sandaling ipinasok na muna namin ang lahat ng aming mga gamit. Ganoon din si Lisa na tinulungan muna sandali ang kanyang mga magulang mula sa sarili rin nilang sasakyan.

Pagkatapos ng ilang minuto, habang pababa akong muli ng hagdanan galing sa aking kuwarto ay narinig ko na lamang ang boses ni Lisa na ipinagpapaalam ako sa aking mga magulang.

"Gabi na, at saan naman kayo pupunta ng ganitong oras?" Tanong ni papa kay Lisa.

"Ninong, diyan lang naman kami. Promise, hindi na kami aabutin pa ng ilang oras. Please!" Pakiusap pa nito sa aking mga magulang.

"Oh siya, basta mag-iingat kayong dalawa." Tuluyang pag payag naman ni mama. Napakamot si papa sa kanyang batok.

"Hayaan mo na, mag-iingat naman silang dalawa eh." Dagdag pa ni mama bago napakindat kay Lisa habang hinahaplos ang likod ng papa.

Napahinga si papa ng malalim, habang si Lisa naman ay agad na ipinulupot na ang kanyang braso sa akin.

"Let's go?" Hindi maitago sa kanyang mga mata ang saya at excitement noong hinihila na ako nito palabas ng bahay.

"Before 12 midnight dapat nandito na kayo ha!" Pahabol pa ni papa kaya napatawa si Lisa.

"I won't forget, Ninong." Nakangiting pahabol din ng aking best friend sa aking ama bago pa man kami tuluyang makalabas ng bahay.

Noong nasa loob na kami ng kotse ni Lisa ay hindi ko mapigilan ang hindi magtanong.

"Where are we going?"

Binuhay na muna nito ang makina ng sasakyan bago dahan-dahan na pinasibad na ito, atsaka ako tuluyang sinagot.

"Basta." Tipid na sagot niya ngunit nakangiti.

"Ayaw mo talagang sabihin?" Napailing ito.

"Basta. Alam kong magugustuhan mo ang lugar na pupuntahan natin kaya please...'wag ka nang maraming tanong. Okay?" Halatang nakukulitan na sabi nito sa akin.

Napatango ako.

"O-Okay. Sabi mo eh." Bago ako napa cross arms at pinili na lamang ang manahimik.

Habang binabaybay na namin ang daan ay kapwa tahimik lamang kaming nakatingin sa unahan.

Pinapakiramdaman ang bawat isa at wala sa amin ang gustong magsalita.

Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang kamay nitong gumagapang sa ibabaw ng legs ko.

Hindi ko mapigilan ang mapasinghap dahil naka short lamang ako at noong lumapat na ang mainit na palad nito sa balat ko.

"Your hand, please." Paki usap niya habang nasa unahan pa rin naka-focus ang kanyang mga mata.

Napalunok ako atsaka dahan-dahan na hinawakan ang kamay nito.

Ramdam ko na naman ang kakaibang daloy ng kuryente sa buong katawan ko dahil sa paghawak sa kamay niya. Ang sarap lamang sa feeling at para bang gusto kong halikan ang likod ng kanyang palad habang nakatingin sa mga mata niya.

Hindi nagtagal ay bigla nitong iniliko ang sasakyan sa hindi ko alam na daan. Hindi ako pamilyar at ito ang kauna-unahan na nadaan ko ito.

Medyo liblib na rito at wala nang masyadong mga bahay. Mabuti na lamang at marami pa rin namang street lights kaya medyo safe pa rin naman.

"Lis, sigurado ka bang alam mo kung saan tayo pupunta?" Medyo kinakabahan na tanong ko sa kanya dahil natatakot na talaga ako.

Napangiti lamang ito bago sandaling napasulyap sa akin.

"Relax, Jen. Hindi kita ipapahamak." Kalmado pa rin ang boses na sabi niya.

Alam ko naman na hindi niya ako ipapahamak. Kaya lang kasi, maraming masasamang tao na ngayon ang nagkalat. At iyon ang labis ipinag-aalala ko lalo at parehas pa kaming babae.

"We're here!" Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib noong marinig ko ang sinabi nito.

Agad na lumiwanag din ang aking mukha nang mapatingin ako sa unahan ng sasakyan at sa labas ng bintana.

Nasa tuktok kami ngayon ng isang burol kung saan matatanaw ang buong ka-Maynilaan.

Wait, paano niya nahanap ang lugar na ito?

Hindi ko aakalain na may burol pala rito?

"Hmmm.." Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. "Sa ngiti at kislap pa lang ng mga mata mo, alam ko nang nagustuhan mo rito. I told you, you'll love it."

Napatango ako habang tinatanggal ang lock ng seat belt ko.

"Lis, ang gandaaa! Paano mo nahanap ang lugar na ito? I didn't know that such a place existed here!" Hindi maitago ang saya sa aking boses.

Sa halip na sagutin ako ay napatitig lamang ito sa aking mukha bago piningot ang ilong ko.

"Pwede na ba tayong lumabas ng sasakyan para mas ma-enjoy ang view?" Tanong niya.

Napatango ako at agad na lumabas na nga ng sasakyan, ganoon din siya.

Shems!

Parang mas nagustuhan at na-appreciate ko pa ang lugar na ito kaysa sa pinuntahan namin sa Tagaytay.

Hindi kaya dahil si Lisa ang kasama mo ngayon kaya mo nasasabi 'yan? Tuyo ng aking isipan.

Well, may point siya. Siguro nga dahil si Lisa ang kasama ko kaya ko nasasabi ang bagay na ito.

Pero...kahit pa, ang ganda naman kasi talaga panoorin ng City lights mula rito sa itaas.

Lumapit si Lisa sa akin habang mayroong hawak na blanket na agad nitong inilatag sa lapag upang aming maupuan.

Nauna itong naupo sa akin bago pinagpag ang bakanteng space sa kanyang tabi.

"Come!" Sabi niya.

Napalunok ako bago tuluyang tumabi sa kanya sa pag-upo.

Naka ngiti na napatingala ako sa kalangitan. Bago sandaling ipinikit ang aking mga mata. Ang presko rin kasi ng malamig na hangin na tumatama sa aming mga balat.

Nakaka-relax at nakakagaan sa pakiramdam.

Habang si Lisa naman ay naka tingin lamang sa magandang view na nasa aming harapan.

Napatikhim ako bago muling iminulat ang aking mga mata.

"Napakaganda talaga ng mga tala. Hindi sila nakakasawang pagmasdan, lalo na kapag sa malapitan." Sinasabi ko iyon habang nakatitig lamang sa kanyang magandang mukha.

Dahil dito ay malawak ang mga ngiti na nagbaling siya ng kanyang paningin sa akin. Isang matamis na ngiti naman ang iginanti ko sa kanya.

"Mahal kita. At para sa akin, higit ka pa sa milyon-milyong mga tala." Mga salita na sana ay kaya kong sabihin sa kanya, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko magawa.

Hindi ko pa rin magawa.

May katagalan na nagkatitigan kami hanggang sa may inilabas itong isang maliit na itim na box.

Tumayo siya atsaka pumunta sa may likod ko bago napaluhod para maging magka-level kami dahil nakaupo pa rin ako.

Sandali at marahan na hinawi nito ang aking buhok na humaharang sa batok ko. Noon din ay isinabit nito sa leeg ko ang isang kulay gold na kwentas na mayroong hugis puso, habang merong letter J&L ang nakaukit sa loob.

Kung kanina ay masaya na ako, mas lalo pa akong naging masaya dahil sa regalo nito.

"Alam kong huli na ako, alam ko rin na ako 'yung huling tao na bumati sa'yo. Patapos na ang birthday mo pero, bago ko lang naibigay ito dahil---"

"Thank you, Lis. I loved it!" Buong puso na pasasalamat ko sa kanya at putol na rin. "Hindi na rin mahalaga kung late ka sa pagbati or whatsoever, ang mahalaga, kasama kita ngayon." Dagdag ko pa.

Sandaling natahimik ito. Hindi pa rin siya umaalis sa likod ko kaya hindi ko makita ang reaksyon ng kanyang mukha.

Napahinga ako ng malalim at haharap na sana sa kanya nang basta na lamang niya akong niyakap mula sa likod. At pagkatapos ay naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa batok ko. Sa may kwentas na ikinabit nito.

Hindi ko mapigilan ang mapapikit at ang mapasinghap dahil sa ginawa niya.

"How I wish, you know how much I want to hug and hold you like this." Pag-amin nito nang hindi pa rin inaalis ang pag yakap sa akin.

Kung alam lang niya.

Wala siyang ideya kung gaano ko siya gustong hagkan palagi. Kung pwede lang nga na habambuhay na eh.

"Lis..." Dahil doon ay lakas loob na napaharap ako sa kanya. But too bad dahil masyadong malapit pala ang mukha nito sa akin.

I even smell her sweet breath. Her breath smelled like vanilla. Kaya mas lalo akong naaadik din sa labi niya.

Dahan-dahan na inabot nito ang pisngi ko, pagkatapos ay mabagal na hinaplos ito, habang nakatitig lamang siya sa mga mata ko. Hanggang sa bumaba ang mga tingin nito sa labi ko, at marahan na hinaplos din iyon gamit ang hinlalaki na daliri nito.

"You're my best friend, I-I know..." Napalunok siya na tila ba nagpipigil lamang ng kanyang sarili. "But forgive me, kung palagi ko mang naiisip at gustong angkinin at halikan ang mga labi na ito." Dagdag pa niya dahilan para magbigay ng kakaibang kiliti sa sikmura ko.

Muli akong napasinghap dahil sa adrenaline rush at kakaibang sensation na aking nararamdaman ngayon. Pilit ko itong pinipigilan.

Noon din ay biglang pumasok sa aking isipan ang isang kasagutan at katanungan.

Iisa lang ba kami ng nararamdaman?

Katulad ko, higit din ba sa isang kaibigan ang kanyang nararamdaman para sa akin?

Pero...paano si kuya?

"Lis..." Muling napapikit ako ng mariin. "You know, you shouldn't feel that because---"

Pero hindi ko na naituloy pa ang aking gustong sabihin nang patahimikin ako nito gamit ang kanyang labi.

Pero hindi iyon nagtagal nang muli naman niyang inilayo ang kanyang mukha sa akin.

"Like this, I always want to kiss you like this!"

Atsaka walang sabi na muli na naman niya akong hinalikan at agad na iginalaw ang kanyang labi. But this time, I feel hunger in her kisses. At first it was a passionate kiss, hanggang sa naramdaman ko ang pagmamadali sa bawat paggalaw ng labi nito.

Hindi ko siya masabayan, ngunit para ako nitong isinasayaw sa mga ulap. Nakakapanlumo ng tuhod at nakakapanghina. Hanggang sa mas nilaliman pa nito ang paghalik sa akin dahilan upang mapa-ungol ako ng mahina ganoon din siya.

Hanggang sa hindi ko na namalayan pang naglalakbay na pala ang kanyang isang kamay sa aking hinaharap sa loob ng aking shirt. Pagkatapos ay marahan niya akong inihiga sa blanket at pumaibabaw ito sa akin.

Sandaling ipinaghiwalay ko ang aming mga labi para kumuha ng hangin.

"Lis..." Pagbanggit ko sa kanyang pangalan.

Ngunit tila ba hindi ako nito pinapakinggan dahil muli na naman niyang sinakop ang aking labi.

But this time, mas mabagal na, mas ramdam ko ang pag-iingat sa bawat paggalaw ng labi niya. Iyong pananabik at na tila ba ayaw na nitong pakawalan ang labi ko. Naramdaman ko rin ang mahinang pagkagat nito sa lower lip ko.

Hanggang sa siya na mismo ang tumigil sa paghalik bago tinignan ako sa mga mata ko. Muli ay marahan na hinaplos niya ako sa aking pisngi.

Pagkatapos ay hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

Basta na lamang kasing may tumulong luha sa mga mata nito na pumatak sa mismong pisngi ko.

Agad naman akong nag-alala.

Napakagat siya sa kanyang labi.

"I will not be sorry for doing this Jen." Wika nito habang napapalunok ng mariin. "Dahil para ko na ring sinabi na nagsisisi akong nararamdaman ko ito para sa iyo." Dagdag pa niya.

"Because I love you." Medyo na piyok pa ito sa dulo.

Napalunok rin ako habang naluluha na rin.

"Not as a friend or a sister. I know you'll hate me for saying this but, I'm in love with you, Jen. I fell for you--- and that's the thing I can't control right now, my feelings for you." Sinasabi niya ang mga iyon habang nasa ibabaw ko pa rin siya. Habang lumuluha siya at nakatingin lamang sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin sa kanya, hindi ko alam na all this time, parehas lamang pala kami ng nararamdaman.

Ang saya-saya ng puso ko.

Ang saya-saya ko na malamang mahal din pala ako ng taong matagal at maraming taon ko ng minamahal ng palihim.

Pero nasasaktan din ako para sa kuya ko.

Dahil sa ayoko na munang isipin ang magiging kapalit ng moment na ito pagkatapos, ay ako na mismo ang muling naglapat ng aking labi kay Lisa na agad din naman niyang ginatihan.

Sana katulad niya, magkaroon na rin ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Iyong walang masasaktan na iba. Iyong pareho kaming magiging masaya.

Hindi ganito, na parang nagtataksil siya sa kuya ko, habang third party ako.