Chapter 22 - Chapter 22

Now playing: Sa'yo by Silent Sanctuary

Lisa

"Hon, lasing ka na. Pwede bang matulog na tayo?" Inis na saway ko kay Brent dahil ang kulit-kukit na naman.

Napahinga ako ng malalim bago tinalikuran na ito at dumiretso na sa kama. Kanina pa nananakit ang likod ko at gusto ko ng ihiga ito.

Lalo na ngayon na bagong linis ako ng katawan. Napakasarap sa feeling matulog dahil anong oras na rin naman.

Pero itong si Brent, ayaw pa ring matulog at gusto pa rin ng alak.

Ano bang problema niya sa buhay?! Palatak ko sa aking isipan.

Noon ko naman naalala si Jennie, na dapat ay siya ang kasama at katabi ko ngayon sa pagtulog.

Napatingin ako sa itim na box na nasa ibabaw ng bed side table.

Tulog na kaya siya?

Malamang sa malamang eh, natutulog na talaga ito dahil anong oras na, umaga na kaya!

Sigurado na tatanghaliin na ako ng gising bukas dahil mag-aalas kwatro na ng umaga.

Good luck talaga sa eyes bags ko nito.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata at handa sa pagtulog dahil antok na antok na ako, nang siya namang biglang lumapit sa akin si Brent mula sa sofa na hinihigaan nito kanina, bago mabilis na pumaibabaw sa akin.

"Brent, ang bigat mo! Pwede bang umalis ka riyan?" Ngunit sa halip na pakinggan ako ay namumungay ang mga mata dahil sa kalasingan na nginitian lamang ako nito.

"Hindi mo ba ako na-mimiss?" Sabay pout pa niya.

Napairap ako.

"Brent, pwede ba? Lasing ka--"

Ngunit natigilan ako nang bigla na lamang ako nitong pinasadahan ng halik sa aking dibdib hanggang sa maramdaman ko ang pagawa nito ng kiss mark.

"You're mine." Tatawa-tawa na sabi pa niya.

Dahil doon ay mabilis ko siyang itinulak mula sa ibabaw ko dahilan upang mapahiga ito sa aking tabi.

Inis na napaharap ako sa kanya, hindi nagtagal ay nakita at narinig ko na lamang ang mahina nitong paghilik dahil sa nakatulog.

Napahinga ako ng malalim bago napasabunot sa aking buhok. Mabilis na umalis ako sa kanyang tabi at dumiretso sa pahabang sofa kung saan ito nakahiga kanina.

Ayoko kayang tumabi sa kanya na amoy alak.

Kaya ang ending, natulog ako sa sofa at siya ang nasa kama.

Ang galing lang eh, ano? Tss!

Pero....hays! Bakit hindi ako makatulog?

Naalala ko na naman si Jennie, lalo na 'yung nangyari at ginawa kong panghahalik sa kanya kanina.

Napatampal ako ng disoras sa aking noo. Kung bakit naman kasi ang ganda-ganda niya palagi. At masyadong nakakaakit ang mga labi niya.

Napalunok ako at pinilit na muling ipikit ang aking mga mata. Kailangan ko na talaga itong maitulog.

Baka kasi hindi ko mapigilan ang aking sarili at bigla ko na lamang mamalayan na nasa kuwarto na niya ako.

---

Kinabukasan, expected ko na talaga na tatanghaliin ako ng gising.

Hindi ko mapigilan ang mapa-ungol dahil sa sakit ng aking ulo.

Daig ko pa ang uminom kagabi dahil sa sobrang puyat. Napasulyap ako sa ibabaw ng kama kung saan, tulog na tulog pa rin si Brent.

Napahinga ako ng malalim bago tuluyang bumangon mula sa pag higa at lumapit sa kanya.

Hinila ko ito sa kanyang braso.

"Hon, pwede bang bumangon ka na riyan para mag shower?" Paki-usap ko sa kanya.

"Kapag hindi ka pa tumayo riyan, ako mismo ang magdadala ng tubig dito sa higaan mo." May halong pagbabanta na dagdag ko pa.

Dahil doon ay napapakamot ito sa kanyang batok atsaka napabangon na nang wala sa oras habang naka busangot.

Pagkatapos nitong maligo ay ako na ang sumunod bago pa man kami tuluyang lumabas ng aming kwarto.

Noon ko naman naramdaman ang kumukulo kong sikmura.

Sino ba naman kasi ang hindi magugutom eh mag-aala una na ng hapon?

Paglabas namin ni Brent ay unang bumungad sa amin sin Austine at Fynn na mayroong nakakalokong mga tingin.

"Nakasimangot tayo bro ah." Pang-aasar ni Fynn sa kanya. "Wala bang ganap kagabi?" Dagdag pa niya kaya napatawa si Austine ng mapang-asar.

Agad ko naman silang tinignan ng masama kaya sila natigilan.

Lumapit si Brent sa mga ito at binigyan sila ng tig-iisang sapak ngunit 'yung mahina lamang.

"Badtrip na ako kaya 'wag niyo nang dagdagan." Inis na sabi ni Brent sa kanila at dire-diretso na itong naglakad papunta sa kubo kung saan ang dining area.

Katatapos lamang kasi nila sa pagkain ng pananghalian.

Noon naman nakita ko si Jennie na nakatingin sa akin ngunit mabilis na nagbawi ng kanyang mga mata.

Bahid sa kanyang mukha ang pagtatampo. Hmmmm. Mukhang may lalambingin ako mamaya ha.

Nangingiti na wika ko sa aking sarili.

Pilit na binalewala ko na lamang muna ito dahil gutom na gutom na talaga ako.

Habang kumukuha ako ng pagkain, ay siya namang biglang umalis at lumayo si Jennie sa kubo kung nasaan kami.

Nakita ko na may kausap ito sa telepono.

Agad na napakunot ang aking noo.

At sino naman kaya ang kausap nito?

Napaisip ako atsaka naalala si Miyuki. Sigurado akong alam na niya ang tungkol sa kaarawan ni Jennie.

Well, dahil birthday naman ngayon ng ng best friend ko, kaya pagbibigyan ko siya.

At ikakain ko nalang muna itong gutom ko na nararamdaman.

---

Pagkatapos naming kumain ni Brent ay nag desisyon kami na lapitan na si Jennie.

Ayoko pa sana itong lapitan dahil naghahanap ako ng tamang tyempo na ma-solo ko siya.

Pero hindi ko naman kasi pwedeng tanggihan si Brent, isa pa, baby sister niya si Jennie.

Ngunit habang papalapit kami kay Jennie, kasama si ninang na mama nila ni Brent, ay siya namang bumungad sa akin ang mukha ng isang babae na bukod kay Miyuki ay labis ko ring kinaiinisan.

Si Nami ba 'yun?

Right, si Nami.

At ang nakapagtataka pa eh bakit parang aalis yata sila ni Jennie?

Hindi ko tuloy mapigilan na hindi tignan iyong bruha sa kanyang kabuohan.

"At anong ginagawa mo rito?" Masungit na tanong ko sa kanya nang makaalis sa aming harapan si ninang.

Ngunit tila ba hindi man lamang ito nasindak sa akin at napangisi lamang.

Wth!

"Magulang ka ba ni Jennie para mag-explain ako sa'yo?" Ganting tanong naman nito sa akin bago hinawakan si Jennie sa kanyang beywang at marahan na hinapit palapit sa kanyang katawan.

Mabilis na napalunok ako at agad na sumiklab ang nagbabaga kong pagkainis na naman sa kanya.

Sandaling nagkasalubong ang mga mata namin ni Jennie. Ngunit mabilis itong napaiwas ng tingin lalo na noong napasulyap ito sa aking dibdib.

Fuck!

That f*cking kiss mark! Pagmura ko sa aking isipan.

"L-Let's go, Nami."

Rinig kong sabi ni Jennie.

Magsasalita pa sana ako nang walang lingon lilod na nilampasan na nila kaming dalawa ni Brent.

Walang nagawa na pinanood ko na lamang ang pagsakay nila sa sasakyan.

Parang gusto kong maglasing ngayon din.

I hate it!

I hate this feeling!

I hate this growing jealousy in my chest.

Mabilis na naglakad ako patungo sa mag-iinuman na sina Fynn at Austine. At kahit na tinatawag ako ni Brent ay hindi ko ito pinapansin.

Sakto at kabubukas lamang ng mga ito ng isang bote ng Tequila.

Pagdating doon ay ako na ang unang naglagay ng alak sa shot glass at mabilis na nilagok iyon habang napapangiwi na inaabutan ni Fynn ng lemon.

"Woah! Chill, may kaaway ka ba?" Pang-aasar ni Austine.

Hindi ko ito pinansin at napapunas na lamang ako sa aking labi gamit ang sariling palad.

"Isa pa." Sabi ko kasabay ng pag bagsak ng shot glass sa ibabaw ng lamesa, dahilan upang matigilan sila at mapanganga.

"Mukhang mahaba-habang inuman 'to!" Excited na wika ni Fynn at muling nagsalin ng alak.

---

Hindi ko na namalayan kung anong oras na kami natapos sa pag-inom.

Nagising na lamang ako na madilim na ang paligid at napaka tahimik din.

"Awww!" Napahawak ako sa aking ulo habang dahan-dahan na bumabangon sa higaan.

F*ck that Tequila!

Ang sakit talaga sa ulo.

Everytime nalang na iinom ako niyan.. Tss!

Natigilan ako noong maamoy ko ang pamilyar na perfume na iyon na bumabalot sa buong silid.

Wait, I'm sure na wala ako sa kwarto namin ni Brent, kundi sa kuwarto ni---

"Iinom-inom tapos hindi naman pala kaya." Rinig kong sabi nito dahilan upang mapatalon ako sa gulat.

Nang galing kasi ito sa terrace ng kanyang kuwarto kung saan may kadiliman doon banda.

"J-Jennie." Utal na pagbanggit ko sa pangalan niya at akmang lalapitan sana siya nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo.

Lasing pa yata ako.

Narinig kong napahinga ito ng malalim at muling nilampasan ako.

Napa nguso ako habang tinitignan siya.

Bubuksan lang pala niya ang ilaw. Awtomatikong napapikit ako dahil sa silaw.

"Hmmmm..." Nahihilo na muling naupo ako sa ibabaw ng kama.

"So...H-how's the date?" Tanong ko kay Jennie.

Of course, I'm not stupid para hindi sabihin na date 'yung lakad nila kanina.

Muling iminulat ko ang aking mga mata. Nasa may terrace na naman siya banda.

Sinasadya ba talaga niyang iwasan ako?

"O-Okay lang naman. Masaya." Tipid na sagot nito sa akin.

This time, ako na naman ang napahinga ng malalim.

Kahit hilong-hilo pa ako, ay pinilit ko ang tumayong muli para lapitan siya.

Hindi nito napansin ang paglapit ko kaya naman, marahan at agad na niyakap ko siya mula sa likod.

Iyong yakap na malambing at mas isiniksik ang aking katawan sa kanya.

Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan ngunit hindi iyon nagtagal.

"Happy Birthday, Jennie." Pagbati ko sa kanya kahit huli na. Alam kong ako ang pinakahuling taong binati siya ngayong kaarawan niya.

And I know, I fucked up.

"T-Thanks." Tipid na pasasalamat niya.

Hindi ako kumibo pagkatapos noon. Basta nakayakap lamang ako sa kanya. Para bang ayaw ko nang magsalita pa, kundi gusto ko ay damhin lamang ang init ng katawan niya habang nasa mga bisig ko.

Gosh!

Nandito na naman ang pakiramdam na hindi ko maintindihan.

Iyong pakiramdam na, gusto ko siyang ipagdamot, iyong feeling na ayaw ko siyang mahawakan ng kahit na sino, ng ibang tao. Lalo na kapag naaalala ko na sumama siya kay Nami kanina.

Nasasaktan ako ng sobra. Nagseselos ako.

Hindi ko alam kung paano pipigilan. Hindi ko naman dapat ito nararamdaman, diba?

Pero, wala eh.

And I admit, nahihirapan na akong kumawala sa kung ano mang nararamdaman kong ito.

"You scare me today, Jennie." Sabi ko sa kanya sa mahinang boses.

Hindi ito agad nakapagsalita. Dahan-dahan na tinanggal nito ang kamay kong nakayapos sa kanyang katawan bago ito napaharap sa akin.

"What? Why?" Nagtatanong ang mga mata na tinignan niya ako sa aking mukha.

Magkadikit pa rin ang aming mga katawan.

Napahinga ako ng malalim atsaka marahan na hinawakan siya sa kanyang pisngi. Napapikit ito noong sandaling lumapat ang balat ko sa kanya.

Malungkot na napangiti ako bago napalunok at mabagal na na hinaplos siya sa kanyang pisngi.

"Because you make me love you more even I can't have. And that's the scariest thing I've ever felt." Mga salita na gusto kong sabihin ngunit nananatili lamang sa aking isipan.

Mataman na tinignan ko ito sa kanyang mukha hanggang sa muling iminulat nito ang kanyang mga mata.

"N-Nothing." Sagot ko at muling inilayo ang aking katawan sa kanya.

Sometimes, the more you hide your feelings for someone, the more you fall for them.

Pero...siya na mismo ang muling humawak sa aking beywang at hinapit ako palapit sa kanya.

Inaamin ko, knowing Jennie, hindi ko inaasahan ang aksyon niyang iyon. Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon.

Napalunok ako kasi pakiramdam ko, unti-unting lumalapit ang mukha nito sa akin. Hanggang sa isang galaw na lamang niya ay maglalapat na ang aming mga labi.

"Lis?" Pagbanggit nito sa pangalan ko.

Muling napalunok ako ng mariin. Kasabay ang mabilis napagtibok ng puso ko habang nakatutok lamang ang aking mga mata sa kanyang labi, na sobrang inaakit na naman akong tikman sila.

"Hmmmm?"

Napalunok ito.

"C-Can I kiss you?" Tanong nito na siyang dahilan para mapakagat ako sa aking lower lip dahil sa pinipigilang pag ngiti.

Tinignan ko siya ng diretso sa kanyang mga mata, bago napatango.

Napangiti ito.

At hindi nakaligtas sa akin ang pagkislap ng kanyang mga mata bago nito ipinagdikit ang aming mga labi.

Kapwa kami napahinga ng malalim noong sandaling mag dikit ang aming labi sa isa't isa.

I bite her lower lip to give me more access to her mouth atsaka dahan-dahan na iginalaw ang aking labi sa kanya, na agad naman niyang sinabayan.

Hindi ito katulad ng unang kiss nito sa akin noong akala niya nananaginip lamang siya, hindi tulad ng aksidenteng pag-kiss namin sa CR at hindi rin katulad noong hinalikan ko siya kahapon sa garden...this time, alam kong mas special ito bukod sa kaarawan niya, kundi dahil mas dama ko ang sincerity sa bawat paggalaw ng kanyang labi.

It's a slow, gentle, passionate and full of sincerity kiss ang pinagsasaluhan namin sa mga sandaling ito.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa pagitan ng aming mga labi dahil sa sayang nararamdaman. Ganoon din ito sa akin.

Hanggang sa bigla ko na lamang naramdaman ang isang malakas na paghampas ng unan sa aking mukha dahilan para ako ay magising.

"Awwww, what was that for?!" Reklamo ko habang napapakamot sa aking ulo kasabay ang paghinga ng malalim.

Nadidismaya kasi na isa lamang palang panaginip ang lahat.

Panaginip lang ang lahat!

"A-Ano bang nasa panaginip mo at grabe ka kung maka-moan?"

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong nanigas sa aking higaan at agad na napaupo sa kama nang marinig ang boses ni Jennie.

Awtomatiko ko ring naramdaman ang pangangamatis ng aking buong mukha noong makita ko siyang nagpipigil ng kanyang pagngiti.

"At bakit binabanggit mo ang pangalan ko habang umuungol?" Pagkatapos ay bigla na lamang naging ngisi ang pinipigilan nitong pag ngiti.

What the!

Nakakahiya!

Nahihiya na muling nahiga ako atsaka tinakpan ng unan ang aking mukha.

Habang naririnig ko naman ang malakas na pagtawa ni Jennie.