Chapter 26 - Chapter 26

Now playing: It's you by Henry Lau

Jennie

Hindi ko alam kung ilang araw ko ng iniiwasan si Lisa. Ayoko na kasi muna sana sa ngayon na isipin ito.

Alam kong tama lamang ang ginawa ko. Tama lamang na lumayo na muna ako sa kanya.

Hindi ko kailangang panghinaan ng loob at hindi ko kailangang makonsensya. Ayaw ko parehas ko silang masaktan ni Kuya.

At higit sa lahat, ayokong maging dahilan iyon ng pagkawasak ng aming pagkakaibigan.

Gusto kong magdesisyon siya ng hindi dahil sa pinangungunahan ng damdamin niya. Gusto kong magdesisyon si Lisa dahil gusto talaga niyang mapunta ako sa kanya at hindi dahil sa naguguluhan lamang siya. Hindi dahil sa, masaya lamang siya at gusto niya akong palaging makasama.

Kung magiging kami man.

Kung bibigyan man ng pagkakataon ng tadhana, gusto ko maging kami na walang masasaktan. Na wala kaming matatapakang damdamin ng iba, lalo at sariling kapatid ko pa.

Hindi.

Ayoko.

Kahit gaano ko pa kamahal si Lisa, hindi ko hahayaan na manloko siya ng ibang tao para lang maging kaming dalawa.

Hindi ko hahayaan na makasakit siya at manloko ng iba.

Kaya ngayong Founding Anniversary na ng St. Wood, pinilit ko talaga ang aking sarili na hindi pumunta ng University o manood ng kahit na anong events.

Katulad ng dati, nagkukulong lamang ako sa apat na sulok ng aking kuwarto para magbasa ng mga libro. O kung hindi naman ay tatambay sa loob ng school library.

Kagaya ngayon, patungo ako sa library para isuli ang librong hiniram ko at para kumuha na na naman ng bago.

Habang ang lahat ng mga estudyante ng St. Wood ay abala sa pagsasaya at panonood mula sa ibat't ibang event, ako, heto, nagtatago sa isang tao habang pilit na iniwawaksi ang sariling damdamin na nararamdaman para sa kanya..

Tanaw ko na mula rito sa kinaroroonan ko ang entrance ng library nang siya namang biglang may humawak sa braso para pigilan ako.

"Gotcha!" Rinig kong sabi nito kaya mabilis akong napaharap sa kanya.

"N-Nami." Utal at gulat na pagbanggit ko sa kanyang pangalan. Hindi ko kasi inaasahan na makikita siya rito ngayon.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Dagdag na tanong ko pa.

Nagkunwari naman itong nasaktan sa kanyang dibdib.

"Ouch naman!" Reklamo niya. "Yan ba talaga ang bungad mo na makita ako? Hindi ka man lang ba magiging masaya?" Dagdag pa niya.

"Wala man lamang ba akong hug? Atsaka..." Pagkatapos ay mas lumapit pa ito sa akin. Napalunok ako. "Kiss?" Pagkatapos ay napanguso ito.

Awtomatikong napaiwas ako ng tingin bago napayuko para itago ang pamumula ng aking mga pisngi na sigurado akong...napansin naman agad niya.

"P-Pasensya ka na ha. May gagawin pa kasi---" Tatalikuran ko na sana ito nang mabilis siyang pumaunahan sa akin para muli akong pigilan.

"Hep! Hep!" Muli ako nitong hinawakan sa aking braso. "Hindi ka ba manonood ng events?" Tanong niya. Napailing lamang ako at hahakbang na sanang muli nang muling harangan niya.

Hindi ba talaga niya ako titigilan?

Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay ngayon. Napahinga ako ng malalim.

"Nami...gusto ko lang mapag-isa." Pagkatapos ay tinignan siya sa kanyang mga mata.

Mataman na tinitigan ako nito sa aking mukha pagkatapos ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga.

"Alam mo bang, hindi ako pumunta para sa stupid events ng University ninyo?" Tanong nito sa akin. "I came here for you." Diretsahang sagot niya.

"Hindi mo naman ako kailangang puntahan. Mas masayang manood ng events kaysa ang samahan ako---"

"Edi sana nanonood ka na ngayon kung masaya manood ng mga events." Pilosopong sagot at putol nito sa akin.

Muli akong napahinga ng malalim.

Bakit kaya ubod ng kulit ang babeng ito?

"Nami, ano ba talagang kailangan mo?" Tanong ko sa malumanay na boses.

Napalunok ito habang nasa akin parin nakatutok ang kanyang mga mata.

"Ikaw!" Sagot niya.

Hindi na ako nakapagsalita pa pagkatapos noon.

Napailing na lamang ako at aalisan na talaga siya, nang muli na naman niya akong hinablot sa aking braso.

"I'm serious, I need you---"

"Nami," Napalunok ako at ubod ng lakas na binawi ang aking braso na hawak na naman niya ngayon. "S-Sorry." Pahingi ko ng tawad pagkatapos ay napayuko.

"Sorry ang sagot ko sa confession mo sa akin nakaraan. B-Because I don't think kaya kong maibalik 'yung nararamdaman mo para sa akin. K-Kasi....m-may iba na akong nagugus---"

"Alam mo? Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko ngayon." Sabay kurot nito sa pisngi ko.

"Nami, seryoso ako." Medyo nagiging matigas na ang tono ng boses ko.

Muli itong napahinga ng malalim.

Mas lumapit pa siya ng isang hakbang sa akin. Hinawakan ako nito sa aking magkabilaang balikat at pagkatapos ay tinitigan ako ng maigi sa aking mga mata.

"Why? Do you really think I was just kidding that day?" Tanong nito. "Sa tingin mo ba, hindi ako seryoso?"

I can see the pain in her eyes kaya mabilis akong napaiwas ng tingin. Napapikit ito ng mariin.

"Let's go!"

At walang sabi na muling hinawakan ako atsaka hinigit papunta kanyang motor bike. Mabilis na ini-abot nito ang helmet sa akin.

Ngunit tinignan ko lamang ito at hindi kinuha mula sa kanya. Kaya siya na mismo ang nagsuot nito para sa akin.

"Nami---"

Binigyan ako nito ng mabagal na ngiti.

"Hindi kita pinipilit na magustuhan mo rin ako, Jen." Muling putol nito sa akin.

Bakit ba ang hilig niyang hindi ako patapusin sa gusto kong sabihin?

"But just this time, please. I want you to come with me. Then, mag-decide ka kung bibigyan mo ba ako ng chance para mas makilala mo pa. Willing akong papasukin ka sa mundo ko, Jen. At ngayon, sisimulan ko ang bagay na yun." Paliwanang niya na lalong nagpapa-speechless sa akin.

Hindi na lamang ako muling nagsalita pa noong tuluyan na itong sumakay sa kanyang bike at tahimik na binuhay ang makina nito.

Tahimik na lamang din akong sumakay rito. Hindi ako kumapit sa kanya kaya siya na rin mismo ang kumuha sa mga kamay ko para iyakap sa kanyang katawan.

"Ayaw ko namang mabalian ka, ano? Mas okay nang safe ka palagi na kasama ako." Sabi pa niya bago tuluyang pinatakbo ang kanyang sasakyan.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Nami. Pero panatag naman ang aking kalooban na sa ligtas na lugar naman niya ako dadalhin at mas lalong hindi niya ako ipapahamak.

Hinayaan ko lamang ito na magmaneho ng matiwasay, hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang mataas na building.

Hindi ko alam kung ilang palapag ito kaya tiyak kong ngayon lamang ako nakaapak rito at mas lalong ngayon pa lamang ako makakapasok.

"A-Anong gagawin natin rito?" Clueless na tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa entrance.

"Just because." Tinid na sagot niya.

Binigyan nito ng ngiti ang tatlong guard na agad naming nilampasan.

Iyon tila ba kilalang-kilala na siya ng mga ito habang makangiti pa sa kanya ng malawak habang binabati siya.

Well, sino ba naman ang hindi mapapangiti sa dyosang katulad niya. Eh nagmumukha lang nga akong alalay nito dahil sa itsura ko eh.

Pagpasok namin ay agad na dumiretso kami sa elevator na mayroong nakalagay na 'FOR VIP ONLY' isa itong kulay gold na elevator kaya kapansin-pansin na walang sino man ang pwedeng makakagamit nito kung hindi naman VIP person.

Napapalunok ako habang nasa loob kami ng elevator. Ramdam ko rin ang pamamawis ng kamay ko at panlalamig na rin dahil sa sobrang kaba.

Narinig kong napatawa si Nami habang nakatingin sa akin.

"Will you please, relax?" Saway nito. "Swear, simula sa araw na ito, magbabago na ang lahat sa buhay mo. Everyone will admire you and they will all look up to you. No one, will ever insult you like they used to." Matamis na binigyan ako nito ng ngiti, kasabay ng pagbukas ng elevator dahil nasa floor na kami kung saan talaga ang destinasyon namin.

Mas lalo tuloy akong kinakabahan.

Walang sabi na kinuha nito ang kamay ko noong huminto kami sa tapat ng isang pintuan atsaka agad niya itong binuksan.

"You're gorgeous, Jen. And that beauty? Hindi dapat iyan itinatago." Sabi nito sa akin na ikinakunot ng aking noo kung ano ba ang ibig niyang sabihin.

Hindi ko mapigilan ang mapasinghap at mamangha noong makapasok na kami ng tuluyan sa loob.

Isa pala itong napakalaking dressing room kung saan, nakahilera ang mga mamahalin at magagarang damit, dresses, gowns, jewelry at marami pang iba.

Aakalain mo na nasa isa itong department store sa isang mall kung saan marami kang pagpipilian ng lahat ng gusto mo.

Napalunok ako.

"Oh my gosh! You're here! Finally!" Narinig kong sabi ng isang maganda ngunit may pagkamaarteng boses.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil natatakpan siya ng isang makeup artist.

"I'm sorry, I'm late." Paghingi ni Nami ng paumanhin.

"Oh gosh! And who is that?" Malditang tanong ng isang bakla na hindi ko alam kung isa rin ba sa makeup artist noong makita akong nakatayo sa likuran ni Nami.

Kaya dahil doon ay natigilan ang lahat at halos sabay-sabay na napalingon sa direksyon namin ni Nami.

Napakamot si Nami sa kanyang batok atsaka ako iniharap sa kanilang lahat. Nasa likuran ko na si Nami ngayon habang nakahawak sa magkabilaang balikat ko.

Oh jusko po!

Gusto ko nang magpalamon sa lupa. Lalo na noong makita ko na lahat pala ng nandito ngayon ay mga modelo.

"Guys, I want you all to meet Jennie. She's the one I mentioned last time, who I'll be with in the shoot today for the bench body commercial and billboard."

"A-ANO?!" Halos mapasigaw ako dahil sa gulat noong marinig ang sinabi ni Nami.

Katulad ko, gulat na napanganga din ang lahat habang napapailing bago muling nagbaling ng tingin sa akin.

Iyong tingin na tila ba hindi sila makapaniwala kung bakit ako ang kasama ni Nami.

"Nami---"

"It's alright. You can do it. And besides, am with you." Pagpapakalma nito sa akin.

Teka, sandali.

Ayaw mag-sink sa aking isipan ang mga nangyayari. Bakit masyado naman yata akong binibigla ng babaeng ito?

At ano raw? Bench body?

Commercial? TV commercial ba?

And what? BILLBOARD?!

"Are you fucking serious?!" Muling tanong sa kanya ng baklang maldita bago napailing.

Na sa tingin ko ay manager ni Nami at hindi makeup artist.

"Why?" Narinig kong tanong ng isang boses bago ito lumabas mula sa isang corner at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Oh my God! Hindi ko mapigilan ang literal na mapanganga.

"She's SOOOOO fine." Komento nito habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "And I think, mas bagay sa kanya ang makapareha ni Nami for the shoot today. Right Nami?" Bago ito napakindat kay Nami.

Habang ako naman ay hindI inaalis ang mga mata at literal na napapangangang nakatitig lamang isa isang supermodel na si Sarah Rodriguez.

Yes, Sarah Rodriguez! Ang super hot na supermodel!

"Yeah, Sarah is right. She's sooo fucking fine." Komento naman ng isang babae na unang nagsalita kanina noong makapasok kami ng dressing room.

Iyong natatakpan kanina ng make-up artist.

Mas lalo akong nagulat dahil hindi lamang si Sarah ang nakikita ko ngayon kung hindi pati si Sommer Mendoza.

Omg!

Ano bang nangyayari??

Bakit bigla-bigla yata eh, panay dyosa na ang nasaharapan ko ngayon?

At teka nga....p-pero...bakit naman ako pa ang napili ni Nami na makapareha?