Now playing: Don't Know What To Say by Reyne Cover
Jennie
Ang madalas kong tanong sa tuwing nakakasama ko si Nami, nananaginip lamang ba ako o totoo lahat ng ito?
Dahil sa tuwing nakakasama ko siya, nangyayari ang mga bagay na hindi kapani-paniwala na nangyayari o mangyayari sa buhay ko.
Iyong tila ba bigla na lamang akong magigising sa katotohanan na isa lamang panaginip ang lahat.
Lalo at higit sa lahat ang dalhin ako nito dito sa kanilang Studio, para samahan siya sa isang photoshoot na hindi ko alam, at wala akong kaalam-alam na matagal na palang nakalista ang pangalan ko sa mga pinagpipiliin.
Hindi naman pang model ang katawan ko, lalo na ang itsura ko.
Pero bakit tila ba tuwang-tuwa pa si Sarah at Sommer nang makita ako kanina?
Ang dugyot ko ngang tignan eh! Daig ko pa ang nagmukhang alalay ni Nami kanina.
Pero in fairness, nakapag pa-picture ako sa kanila na talagang hinding-hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko. Akala ko kasi noon sa TV at mga Billboards ko lamang sila makikita eh.
Pagkatapos na maipakilala ako ni Nami sa lahat, ay agad na ipinagkatiwala niya ako sa dalawang artist na mag-aayos sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa ng mga ito sa mukha ko. Basta ang alam ko lang, nakatulog ako nang hindi ko alam kung gaano katagal at ginising na lamang ako para sumunod kay Nami na ngayon ay nasa kabilang kuwarto na kung saan nagaganap na ang kanyang unang shoot.
Ngunit bago pa man ako makalabas ng dressing room, ay kapansin-pansin ang pagnganga ng ilang modelo habang nakatingin sa akin.
Hindi naman napigilan ng manager ni Nami na mapapalakpak noong mapalingon ito sa akin.
"Wow! Wow! Wow! You look stunning, Jennie!" Komento nito at mabilis akong nilapitan bago hinigit papunta sa isang napakalaking salamin kung saan nakaupo si Sommer kanina.
Swear!
Hindi ko din mapigilan ang mapanganga ng literal noong makita ko ang aking sariling mukha sa salamin.
Napapalunok ako ng maraming beses bago napahawak sa magkabilaang pisngi ko.
A-Ako ba talaga ito?
Nagniningning ang mga mata na napapangiti ako sa aking sarili.
Hindi ko akalain na gaganda rin akong katulad ng mga modelo na nandito.
Naka-curl na ang aking buhok ngayon, inayos ang aking kilay at nilagyan ng makeup, syempre ang aking mukha.
Nilagyan din ako sa aking buong katawan ng oil. Hindi ko alam kung para saan ngunit ang tanging alam ko lang, nanlalagkit na ako.
"Isa kang tunay na Dyosa." Komento ng isang makeup artist na lumapit sa akin. "Heto na nga pala ang susuotin mo." Pagkatapos ay maingat at maayos na ini-abot niya ito sa akin.
Muli akong napalunok nang makita ito.
"Y-Yan ba talaga ang isusuot ko?" Utal na tanong ko dahil isa itong bikini na parang nipples ko nalang yata ang matatakpan nito at iyong pang ibaba, hindi ko alam kung papaano nila ipapasuot yan sa akin.
Tatanggihan ko pa sana ito nang hilain ako bigla ng manager ni Nami at mabilis na lumabas kami ng dressing room.
"We need you there in 5 minutes." Wika nito. "Pumasok ka sa pintuang yan pagkatapos mong makapagpalit." Tukoy nito sa isang kulay brown na malaking pintuan kung saan ang pinaka studio nila.
"P-Pero---"
"Wala ng pero, pero. Time is running, so hurry up!" Pagkatapos ay mabilis na niya akong tinalikuran at iniwan.
Walang nagawa at nanghihina ang mga tuhod na sinunod ko na lamang ito.
Hays!
Five minutes?
Paano ko susuotin ito ng five minutes? Lalo na at ngayon lang ako nakahawak ng ganitong klase kasuotan.
Argh!
Bahala na nga!
---
"That's right, Nami!"
"Perfect!"
"Look at the camera!"
"Perfect! Gorgeous, Nami."
Wala akong ibang naririnig kung hindi ang boses ng photographer na kumukuha ng litrato ngayon kay Nami.
Hindi pa napansin ng Manager nito na nakapasok na ako. Hindi rin ako napansin ng kahit na sino. Binalot ko ang katawan ko ng nakita kong mahabang tela kanila sa loob ng dressing room.
Nahihiya kasi ako sa suot kong bikini.
Kung bakit naman kasi....hays!.
Habang papalapit ako ng papalapit kung saan posing lamang ng posing si Nami. Ay hindi ko mapigilan ang mapalunok ng mariin.
Napakaganda niya talaga. Lalo na ang katawan niya, hindi maikakaila na modelo nga talaga ito.
Parang lahat ng nandito ngayon sa loob, kulang nalang halos ay tumulo na ang laway habang pinapanood siya.
Ang hot naman kasi talaga.
"Willing akong papasukin ka sa mundo ko, Jen. At ngayon, sisimulan ko ang bagay na yun."
Sa hindi malamang dahilan ay bigla ko na lang naalala ang sinabi nito sa akin kanina.
Awtomatimong napangiti ako. Masaya kasi akong ginawa nga niya ang sinabi niya. At itong studio na ito, ang pagmomodelo niya, ay isa sa mundo ni Nami na gusto niyang makita ko, para lalong makilala ko siya.
And I'm glad na nagpapakatotoo siya sa akin. I am glad na handa siyang ipakilala ang kanyang sarili at totoong pagkatao sa akin.
Habang pinagmamasdan ko siya ng palihim at habang nakangiti pa rin ako dahil sa aking naaalala, ay bigla na lamang nagtama ang aming mga mata.
Mabilis akong napaiwas ng tingin ngunit huli na dahil basta na lamang itong humakbang palapit sa akin kahit na sinisigawan na siya ng camera man ay hindi niya ito pinakikinggan.
"She's here!" Biglang sabi nito noong nasa tapat ko na siya ngunit hindi parin inaalis ang mga mata sa akin. "My partner for today's shoot."
At ang lahat ay nagbaling ng tingin sa aming dalawa, pagkatapos ay agad na nagtawanan dahil sa tela na ibinalot ko sa aking katawan.
"She looks so weird!" Rinig kong komento ng isang staff.
Paano ba naman kasi, mukha akong siraulong naligaw lamang rito.
Napahinga ng malalim si Nami atsaka walang sabi na hinablot ang laylayan ng tela dahilan upang matanggal ito sa katawan ko at agad na tumambad sa kanya ang aking katawan.
Napasinghap ang lahat ganoon din ako sa ginawa niya.
Napalunok ako ng mariin dahil sa nahihiyang ipakita ang aking katawan.
Baka kasi mamaya, gudgurin pa ang itsura ko. Hays. Ito kasi talaga ang kauna-unahang napasuot ako ng bikini.
Dahan-dahan na ini-angat ko ang aking paningin sa mukha ni Nami para tignan ang reaksyon nito.
Kitang kita sa kanyang mukha at mga mata ang gulat. Lalo na ang mahinang pagmura nito habang pinapasadahan ako ng tingin sa aking kabuohan.
"Y-Y-You look....you look gorgeous and...fuck, Jen, you look so hot!" Komento nito na tila ba hindi ako isang tao sa kanyang harapan ngayon kung hindi isang putahe, pagkatapos ay napalunok pa.
Iyon ang nakikita ko mga mata niya kaya mas lalo akong naiilang sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
"Damn it!" Muling pagmura nito.
"It's too late. Kung pwede sana, ayaw kong makita ng iba ang katawan mong yan, but what can I do? Panatag pa rin ako dahil ako naman ang kasama mo." Sabay kindat na sabi pa niya.
Mas lumapit pa ito sa akin at dahan-dahan na hinawakan ako sa aking kamay.
"Let's go?"
"S-Saan?" Parang wala sa sarili na tanong ko.
Napanguso ito sa harapan kung saan siya nanggaling kanina. Kung saan naiinip nang naghihintay ang camara man.
"Para ipakilala ka sa buong mundo." Sagot niya habang naka ngiti ng malawak at hindi maitago ang labis na excitement sa kanyang mga mata.
---
Pagkatapos na pagkatapos namin ni Nami sa Studio, ay agad na dinala ako nito sa Mall para kumain ng Ramen.
Grabe!
Akala ko ba kapag model ka, kontrolado ang pagkain mo. Pero bakit siya? Mukhang nagutuman yata ng ilang linggo?
Okay lang ba talaga siya?
Hindi ko nga mapigilang mapangnga habang kumakain siya kanina eh.
Nagtataka kasi ako paano niya napapanatili ang ganyang katawan? Nakakainggit isipin.
Ngunit habang kumakain kami--- actually magmula pa noong shoot sa Studio, hanggang sa makarating kami rito sa mall, madalas ko itong nahuhuli na nakatitig lamang sa akin.
O kung hindi naman ay ngingitian ako nito kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.
Hindi lamang si Nami, pati iyong mga taong makakasalubong namin at iyong mga tao sa restaurant kanina.
Ano bang meron?
"You know why they keep staring at you?" Tanong nito sa akin nang mapasok kami sa elevator.
Napa iling ako.
"Because you're stunning, and they are jealous because you are more beautiful than them." Komento nito na nagpapainit sa magkabilaang pisngi ko.
"H-Hindi naman."
"Yes, you are. And am proud of it!" Pagkatapos ay piningot nito ang ilong ko.
Noong muling tumunog na ang elevator ay siya namang hindi ko inaasahan ang taong bubungad sa amin na ngayon ay papasok ng elevator kung saan kami nanggaling.
Si Nami ang unang napansin nito dahil agad ba nagkubli ako sa likod ni Nami. Isa pa, napapayuko ako dahil hindi ako sanay sa heels na suot ko na pinipilit ni Nami na MAS bagay daw sakin.
"Sa dinami-rami ba naman ng place, dito pa talaga kita makakasalubong?" Mataray na tanong nito kay Nami.
"Bakit? Pagmamay-ari mo ba itong mall para pagbawalan kami rito?" Ganting tanong naman ni Nami.
"Kami?" Nagtataka na tanong ni Lisa at noon naman ito napatingin sa akin.
Agad akong napasinghap nang magtama ang aming paningin.
Hindi maitago ang gulat sa kanyang mga mata nang makita niya ako. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang ginawa nitong paglunok atsaka ako pinasadahan ng tingin.
Pagkatapos ay ibinalik ang kanyang mga mata sa aking mukha.
"J-J-Jen. Wow! Y-You look--"
"Oh Gosh! Is that Jennie na losyang?" Biglang dumating ang mga kasamahan nitong cheer dancer at lahat sila ay nasa akin ang mga mata.
"At sino naman 'yung na kasama niya?" Rinig kong bulungan nito.
"Gosh! Bakit siya kasama ni Jennie?"
"Baka alalay niya." Sagot naman ng isa pagkatapos ay nagtawanan sila.
Naramdaman ko ang paghigit ni Nami sa kanang braso ko bago ito muling nagsalita.
"Girlfriend niya. Bakit?" Sagot ni Nami sa kanila na dahilan para mamilog ang mga mata ko. "At hindi ko siya alalay." Dagdag pa niya.
"What?"
What is she saying? " Tanong ng mga ito sa isa't isa.
"N-Nami--"
"Let's go." Putol nito sa akin at lalampasan na sana si Lisa nang mabilis din ako nitong hawakan sa kaliwa kong braso.
Napahinga ng malalim si Lisa bago tinignan ng masama si Nami.
"Sa akin siya sasama. Iuuwi ko na siya." Napangisi naman si Nami.
"Bulag ka ba? She's with me the whole time, so ako ang mag-uuwi sa kanya."
"Hindi. Bestfriend niya ako--"
"Exactly, BESTFRIEND ka lang! Hindi mo naman siguro obligasyon na kapag magkakasalubong kayo sa mall eh iuuwi mo agad siya!"
Mabilis na binawi ko ang magkabilaang braso mula sa kanilang dalawa.
"Teka nga, sandali!" Saway ko sa kanila dahil napipikon nang makinig sa kanilang bangayan. "Ako ang mag-de-decide kung saan ay kanino ako sasama. Pwede ba? Para kayong mga bata---"
"Hey guys, what's happening here?"
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang marinig ang boses ni Miyuki.
My savor for today!
Mabilis akong napatakbo sa kanya habang naglalakad ito parating sa akin.
"At saan ka naman pupunta?!/Where are you going?" Chorus na tanong nina Nami at Lisa bago sila nagtinginang muli at napairap sa isa't isa.
Habang si Miyuki naman ay gulong-gulo ang itsura na napapatingin sa aming tatlo.
"K-Kay Miyuki na ako sasama." Sabi ko sa dalawa.
"What?!/WHAT?!" Chorus nilang muli ngunit hindi ko na sila pinansin at basta ko nalang hinila si Miyuki para makaalis na.
Napatawa na lamang si Miyu sa kanila.
"Paano ba yan, sa akin na siya sasama." Pahabol na sabi at pang-aasar nito sa dalawa.
"YOU! /This all your fault!" Sabay na muling sambit at sisihan naman ng mga ito noong nakatalikod na kami sa kanila.
Argh! Hindi ko aakalain na magiging ganito ka-stressful ang araw na ito.