Chapter 33 - Chapter 33

Now playing: Nang dumating ka by Bandang Lapis

Nami

"Sigurado ka bang kaya mo na? I won't leave incase na---"

"Nami, it's fine." Putol nito sa akin. "Kaya ko na. Isa pa, masyadong malaking abala na ako sa'yo. I appreciate your concern, pero kaya ko na. Hmmm?" Dagdag pa niya.

Ngunit mahahalata naman sa kanyang itsura ang panghihina.

Pero syempre, ayoko naman na maging makulit ngayon. Isa pa, para na rin makapag pahinga siya ng maaga.

Hindi ko lang talaga mapigilan ang hindi mag-alala. Lalo na ngayon na mag-isa lamang siya.

Haaaay. Napapahinga na lamang ako ng malalim.

Isa pa, kanina pa gumugulo sa aking isipan kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Lisa.

May kutob kasi ako na may hindi magandang nangyari sa kanila nitong mga nakaraang araw kaya tila ba iwas si Jennie na mabanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.

Or should I say, pangalan ng babaeng mahal niya.

The pain immediately drew in my chest at the thought of it.

Kung bakit sinasaktan lamang ang taong gusto ko, habang pwede ko naman siyang saluhin at ilayo sa lupit ng mundo.

Mataman na tinitigan ko siya sa kanyang mukha habang nakapikit.

"Good night, Jen." Tuluyang paalam ko sa kanya. Noon naman ay dahan-dahan na muling iminulat nito ang kanyang mga mata.

"G-Good night, Nami. Please take care!" I couldn't hide the smile on my face.

Sapat na rin sa akin na malamang concern din ito kahit papaano sa akin.

"I will, don't worry." Pagkatapos ay muling tinapunan ko ito ng tingin sa huling pagkakataon bago ako tumalikod na at nagtungo sa pintuan ng kanilang bahay.

Maingat at dahan-dahan na isinara ko ang pinto noong makalabas na ako. Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko palabas sa kanilang gate nang bigla na lamang bumuhos malakas na ulan.

What the!

Are you fucking kidding me?! Inis na muling bumalik ako sa terrace ng bahay nina Jennie.

Naghintay pa ako ng ilang minuto dahil baka sandali lamang ito at bigla na ring huminto, ngunit bigo ako.

Dismayado na napapakamot na lamang ako sa aking ulo atsaka napatingin sa pintuan ng bahay nina Jennie.

I guess dito na talaga ako magpapalipas ng gabi?

Naiiling na muling hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahan na muling pinihit ito para makapasok ako.

Alam kong tulog na si Jennie kaya maingat ko na muling isinara ang pintuan. Tahimik na muling bumalik ako sa kanya sa sofa kung saan ito nakahiga mula kanina.

Hindi nga ako nagkamali.

Mahimbing na nga itong natutulog. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang tahimik siyang pinagmamasdan.

Ang amo at ang ganda-ganda lang kasi niya. Para siyang siyang sanggol na kay sarap titigan habang natutulog.

Napahinga ako ng malalim bago lumapit sa kanya at naupo sa tabi nito. Naupo ako sa sahig, iyong magiging magka-level ang mukha naming dalawa at mararamdaman ko ang init ng kanyang paghinga.

Ngunit hindi pa man umiinit ang pwet ko sasahig nang mapansin kong giniginaw yata ito.

Nakalimutan pa yatang i-turn off ang aircon.

Muli akong tumayo at hinanap ang remote para bawasan ang lamig nito. Pagkatapos ay bumalik sa kung saan ako naka pwesto kanina.

Hindi yata ako magsasawa na titigan siya. Lalo na kapag ganitong malapitan. Mas na-e-emphasise ang ganda nito. Mula sa mahahaba at natural niyang pilik mata, sa makinis niyang mukha, sa matangos nitong ilong, sa mapupula nitong labi na natural din ang kulay dahilan para mapalunok ako at napatitig roon ng matagal.

Damn!

Kahit naman hindi ko pa siya na make over noon, talagang maganda na siya.

Ewan ko kung bakit siya ang naging paboritong i-bully ng mga estudyante sa St. Wood, o baka dahil inggit lang sila kay Jennie dahil mas maganda ito sa kanila kahit na jologs kung manamit.

Muli akong napangiti habang napapalunok din. Dahil pansin kong dahan-dahan na lumalapit ang mukha ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa kanyang labi.

Self! Ano bang ginagawa mo? Inis na saway ko sa aking sarili.

Hanggang sa konting paggalaw ko na lamang ay pwede ko na siyang mahalikan.

Pero hindi ko ginawa. Hindi ko magawa at sa halip na sa labi nito, ay basta ko na lamang inilapat ng maingat ang labi ko sa tungki ng kanyang ilong.

Ayoko namang halikan siya ng hindi siya aware, ano?

Baka ipakulong ako dahil magnanakaw ako ng halik.

"Don't worry, Jen. Hangga't nandito ako, walang sino man ang pwedeng manakit sa'yo." Sinasabi ko iyon sa taong tulog na tulog at nilalagnat pa rin hanggang ngayon.

Napalunok ako at sandaling inayos ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan ngayon.

"I promise you that I will always be there when you need someone to be with, someone to lean on, someone who will not judge you and someone who will never leave you alone. I will always be there for you. Always." Dagdag ko pa kahit na hindi naman talaga niya ako naririnig.

Napangiti ako ng parang siraulo sa aking sarili pagkatapos.

"Sorry ha. Kinakausap kita kahit na hindi mo naman talaga ako naririnig." Sabi ko. "So paano ba yan? Dito na muna ako matutulog ngayon. Hmmm?" Dagdag ko pa pagkatapos ay nagpalinga-linga sa paligid.

Hinahanap ko kasi kung saan ba ang kuwarto nito. Hanggang sa mapatingin ako sa hagdanan patungong second floor.

Muli akong tumayo para i-check kung alin ba sa dalawang kuwarto sa itaas ang kaniya.

Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng mahina nang makita ang nakasulat sa kulay brown na pintuan.

"You are not allowed to enter this room, unless you have my permission. - Jennie"

Well, mayroon mang permission niya o wala pero kailangan ko siyang mailipat sa kanyang kuwarto, dahil hindi maganda na sa sofa lamang siya matutulog sa magdamag.

Anim na hakbang lang naman ang hagdanan patungo sa kanyang kuwarto kaya I think, kayang kaya ko siyang buhatin.

Maingat ang mga hakbang na muling lumapit ako sa nahihimbing pa rin na si Jennie.

Handa na akong buhatin ito nang makita ko ang kanyang panginginig.

Shems! Mariin na napalunok ako at hindi na nagdalawang isip pang buhatin siya ng tuluyan. At naglakad ng maingat ngunit may kabilisan mailapag ko lamang siya agad sa kanyang higaan.

Sobrang giniginaw siya.

Hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin noong tuluyan ko na siyang mailapag sa kanyang higaan.

Dahil alam kong hindi magiging sapat ang makapal na blanket unless...

Napalunok ako atsaka napayuko sa aking katawan.

Gumalaw ito at umikot sa kabilang side ng kama.

"Lisa..."

Tila ba huminto ang mundo nang banggitin nito ang pangalan na hindi ko inaasahan na babangitin niya.

Ang sakit pala 'no?

Ang sakit na ikaw ang nasa tabi nang taong mahal o gusto mo, pero ibang tao ang hinahanap niya.

Hindi ko mapigilan ang mapakagat sa aking labi. Literal kasi na nararamdaman ko ang sikip sa aking dibdib.

"Lis..." Muling pagtawag niya. "Ang ginaw..." Dagdag pa niya.

Napahinga ako ng malalim at muling napalunok ng mariin.

Whatever! Sabi ko sa aking sarili habang isa-isang hinuhubad ang sariling damit.

Bahala na!

Iyon na lamang ang tanging nasabi ko sa aking sarili bago tuluyang sumampa sa kama at nahiga sa tabi niya without any clothes on but my flawless skin.

Maingat na hinapit ko ito palapit sa aking katawan. At dahan-dahan na idinikit ang aking katawan sa kanya.

Gosh!

Awtomatikong nanigas ako noong basta na lamang itong umikot paharap sa akin at agad na nagsumiksik sa leeg ko.

At lihim na nananalangin na sana ay hindi ko tuluyang mahalay itong dyosa na may sakit ngayon.

Napapabuga na lamang ako ng hangin.

"I know I'm not the person you expect to be with right now, but I have to do it." Sabi ko kay Jennie habang napapalunok ng mariin.

Hindi nalang siguro ako matutulog at babantayan ko na lamang siya.

Tama!

Great idea.

Mahirap na.

---

Jennie

Naramdaman ko ang malambot na bagay sa may dulo ng ilong ko. Agad na nalanghap ko rin ang bango nito na ngayon ko lang yata naamoy, pero ang weird dahil naamoy ko na rin yata sa kung saan, hindi ko lang matandaan kung saan at kung kailan.

"Hmmmm..." Napaungol ako at mas lalong nagsumiksik pa rito.

Alam ko naman kasi na unan lamang ito.

Pero haaaay. Ang bango talaga. Pero bakit tila nanigas yata ito noong mas isinubsob ko pa ang aking mukha?

At noon lamang naramdaman ng aking labi ang texture nito. Kaya hindi ko mapigilan na hindi ilabas ng konti ang dila ko para lasahan ito dahil tinatamad pa akong imulat ang mga aking mata.

"Oh fuck! Stop doing that or else!"

Noon lamang yata bigla akong natigilan at parang binuhusan ng malamig na malamig na tubig bago tuluyang iminulat ang aking mga mata.

"AAAAAHHHHHHHHH!!!!" Agad na napapasigaw ako sa magkahalong kaba, gulat at inis nang makitang si Nami ang katabi ko at ubot hubad ito.

Ang mas lalong ikinakabahala ko ay ang----

"WAAAAAAAAHHHHH!!" Mas lalo akong napasigaw na halos kulang nalang lumuwa at lumabas na ang lalanunan ko, dahil sa hindi makapaniwala na ang hinaharap pala nito ang dinilaan ko kanina at kung saan ako nakasubsob.

Mabilis na napabangon ako at patakbong nagtungo sa banyo at doon nagkulong.

"What the hell?!" Rinig kong wika nito mula sa labas.

Nanginginig ang buong katawan na napasandal ako sa pintuan ng banyo. Para akong nakipag unahan sa isang daang kabayo dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Ayaw ko yatang kumalma dahil sa mga nakita ko.

B-Bakit siya nakahubad at bakit magkatabi kami? Isa pa, bakit nasa iisang kama kami?

Bigla akong nagulat noong basta na lamang itong kumatok sa banyo.

"Don't worry, Jen. Nothing happened last night. I-I just gave you body heat because you're so shivering and I don't know what to do. That's it!" Paliwanag nito. "That's the only way I can think of to help you. Hindi naman ako doctor para malaman kung ano ang pwede kong gawin. I-I'm sorry, I didn't mean to scare you." Dagdag pa niya at pagkatapos ay basta ko na lamang narinig ang mga hakbang nito papalayo.

Hindi na muna ako agad lumabas ng banyo.

Hinintay ko muna ang maraming minuto bago ako tuluyang lumabas.

Nadatnan ko naman na wala na nga si Nami sa aking silid at wala na rin ang nasa lapag na mga damit nito kanina.

Napahinga ako ng malalim habang napapakapit sa aking dibdib.

Imbis na magpasalamat sa kanya, kung anu-ano pa ang unang naisip ko.

Ikinalma ko muna nang tuluyan ang aking sarili bago nag desisyon na bumaba na at dahil nagugutom na ako.

Mag-so-sorry na lamang siguro ako kay Nami mamaya.

Ngunit pababa pa lamang ako ng hagdanan nang naamoy ko na ang mabangong pagkain na niluluto mula sa kusina.

Mabilis ang mga hakbang at nagtataka na agad na nagtungo ako rito.

And there, I saw Nami cooking some of the food I didn't know but it looked delicious. May nakahain na rin na itlog at hotdog sa ibabaw ng lamesa.

"Starving?" Tanong nito noong makita akong nakatayo at nakatunganga sa kanya na parang ewan.

Napatango ako bago awtomatikong napahawak sa tiyan kong kumukulo na ngayon.

"Come, let's eat!" Pagyaya nito sa akin na para bang bahay niya ito.

Ngunit agad na tinignan ako nito sa aking mukha noong mapansin niyang nakatitig lamang ako sa kanya.

"Ano pang ginagawa mo rito?" Matigas na tanong ko dahilan para magulat siya ngunit mabilis niya iyong naitago.

"Atsaka hindi ba dapat nakauwi ka na kagabi?" Hindi mapigilan ng dibdib ko ang mag-unahan sa pagtaas baba habang nakatingin pa rin ng diretso sa kanya.

Napatango ito.

"I'm sorry, I didn't come home last night because it suddenly rained and you were asleep already so I didn't wake you up." She explained.

"I had to stay all night with you because I was so worried, your fever was too high so I just chose to stay here with you. Even though I know you'll be angry dahil sa madadatnan mo kinabukasan. And sorry about that, gusto ko lang talagang alagaan ka at---"

Hindi na nito naituloy pa ang kanyang gustong sabihin nang basta na lamang akong mabilis na lumapit sa kanya at hinalikan siya sa kanyang labi.

Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon nagawa pero isa lang ang sigurado ako, wala nang mapaglagyan ang nararamdaman ko dahil sobrang na-aappreciate ko si Nami sa lahat ng kanyang mga ginagawa para sa akin.

Halatang nagulat ito sa aking ginawa maging ako rin sa sarili ko, kaya muli kong ipinaghiwalay ang aming mga labi pagkatapos ng ilang segundo.

"I-I'm sorry kasi---"

"Wew! We'll that's your first kiss bunso! Errrr, I think?" Rinig kong sabi ng aking kuya na hindi ko alam ay dumating na pala.

Napalunok ako ng mariin at halos hindi magawang maigalaw ang katawan dahil sa kaba na nararamdaman.

Mabilis na napaharap ako rito at agad na napasinghap nang makita ko ang gulat at tulalang reaksyon ni Lisa habang nakatingin ng diretso sa akin.

I can see the pain in her eyes especially when she looks away and automatically leaves the house again.

But this time, I no longer followed her.

Hinding-hindi ko na siya susundan.

Hindi na.