Chapter 28 - Chapter 28

Now playing: I Gotta Find You

Miyu

Hindi ko mapigilan ang mapatulala kay Jennie dahil sa kanyang naging itsura ngayon. Ang ganda-ganda niya, para akong hini-hypnotise ng kanyang kagandahan.

Para siyang isang dyosa na bawal titigan at kapag tinitigan mo ay mabubulag ka.

Nakakaadik siyang pagmasdan.

At inaamin kong nagulat ako noong makita siya kanina sa mall. Umaangat ang ganda niya sa lahat.

And she's so sexy!

Iyong pananamit ngayon, ibang-iba sa Jennie na nakilala ko. At mas lalong bumagay sa kanya. Swear!

Alam kong si Nami ang may kagagawan nito.

And she did a great job for that.

Ibang-iba ang Jennie na nakikita ko ngayon.

She is the most beautiful woman I have ever seen in my life.

Damn!

I couldn't take my eyes off her! Gosh!

Hindi ko mapigilan ang mapalunok nang dilaan nito ang conetto ice cream na kinakain niya ngayon sa aking harapan.

Para talaga siyang bata kung minsan. Komento ko sa aking isipan.

Dumaan kasi kami kanina sa isang convenience store para lang bumili ng ice cream dahil biglang nag crave siya.

"K-Kanina mo pa ako tinitignan ng ganyan. May dumi ba ako sa mukha?" Mabilis na napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya.

Ngunit muli ko ring ibinalik ang mga mata sa kanya.

"S-Seriously? Gosh, Jen. L-Look at you!" Sabay turo sa kanya. Napa-pout naman ito agad.

"Bakit? Hindi ba bagay sa akin?" Malungkot na tanong niya.

"I-I mean, look at you. Y-You're so gorgeous." Bago ako muling napalunok habang napapatitig sa kanyang labi.

Bakit ba parang inaakit at gusto kong matikman ang mga labi nito?

Napatikhim ako at muling napaiwas ng tingin.

Actually, she's not wearing any makeup right now. Just her aura, confidence and her posture ang tanging nagbago sa kanya.

Halata rin na inayos ang kilay nito. Naka-curl pa rin ang kanyang natural na kulay itim na buhok. And she's also wearing a high heels, which is also, not so her. Ngunit mas lalo rin itong bumagay sa kanya kaysa sa anumang rubber shoes at sneakers.

I don't know kung ano ang ginawa ni Nami, ngunit gusto kong pasalamatan siya para rito.

Napangiti ako ng palihim sa aking sarili habang tinitignan si Jennie na ngayon ay patapos na sa kanyang kinakain.

"No wonder kung bakit ganoon ka na lang kung pag-agawan ng dalawa kanina." Sabi kong muli habang nangingiting nakatingin sa kanya.

Nagtatanong naman ang mga mata na nagbaling ito ng tingin sa akin.

"Dahil sa bagong Jennie na meron ngayon---"

"Ako pa rin naman ito ah." Putol nito sa akin.

Napatango ako.

"Yes, ikaw pa rin 'yan. Pero ikaw na rin ang bagong Jennie na titingalain at hahangaan ng lahat." Pahayag ko. "Trust me, wala nang sino man ang mang-bu-bully sa iyo sa school." Dagdag ko pa.

Napansin yata nito ang paraan ng pagsulyap ko sa labi niya, kaya mabilis siyang napaiwas ng tingin mula sa akin. At sigurado akong namumula rin ang mga pisngi nito ngayon.

Hindi ko kasi masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil sa may kadiliman rito sa Park kung nasaan kami.

Hindi nagtagal ay kapwa kami binalot ng katahimikan habang nakatingin lamang sa kawalan.

Muli akong nagbaling ng aking mga mata sa kanya.

Alam kong gusto ni Jennie ang best friend niya, matagal na. Kasi si Jennie ang taong mabilis mabasa.

Ewan ko nga kay Lisa at bakit sobrang napaka manhid niya para hindi niya madama at makita 'yun.

Pero hays!

Hindi talaga ganoon kadali ang love.

Palaging mayroon kang magiging karibal o kung hindi naman ay may mga pagsubok na pagdadaanan muna bago tuluyang mapunta sa iyo ang isang tao.

Napangiti ako ng palihim habang na kay Jennie parin ang aking mga mata at palihim siyang pinagmamasdan.

Hindi naman importante sa akin na malaman nito ang pagtingin ko sa kanya. Ayoko ring maging selfish dahil gusto rin siya ng pinsan ko. Isa pa, alam ko naman na kaibigan lang ang turing nito sa akin wala ng iba pa.

Magiging kontento na ako sa kaibigan lang.

Atleast, diba? May parte at bahagi pa rin ako sa buhay niya.

Pwede ko naman siyang mahalin nang hindi niya nalalamang higit pa sa pagkakaibigan ang turing ko sa kanya, 'diba?

Pwede ko pa rin naman siyang mahalin na ako ay kaibigan lang sa mga mata niya.

Pero oras na makita kong saktan siya ni Nami o ni Lisa man, hindi ako magdadalawang isip na ilayo siya sa dalawang ito, just to protect her feelings and heart.

Sa ngayon, mamahalin ko na lamang muna si Jennie sa paraang alam ko.

Mamahalin ko siya, kahit na ako lamang ang nakakaalam.

---

Lisa

Narinig kong may humintong sasakyan sa tapat ng bahay nina Jennie kaya I assumed na hinatid na ito ni Miyuki.

Mabilis na inayos ko ang aking sarili at tinanggal ang suot na apron at pagkatapos ay hinintay na lamang ang pagpasok nito sa kanilang bahay.

"Ma, Pa, nandito na po ako!" Sabi nito na hindi niya alam ay kami lamang na dalawa ang nandidito sa loob ng kanilang bahay.

Narinig ko ang mga hakbang nito patungo rito sa kusina kaya mas lalong kinakabog ang aking dibdib sa kaba.

"Hmmmm, what's for dinner? Ang bango naman ng---"

Natigilan ito at halatang nagulat nang makita akong nakatayo sa kanyang harapan. Kapansin-pansin din ang paglunok nito ng mariin bago bumaba ang kanyang mga mata sa paborito nitong chicken afridad na niluto ko talaga para sa kanya.

Habang ako naman ay hindi mapigilan ang mapatitig sa kanyang mukha.

Hindi na siya ang jologs na Jennie na madalas itawag sa kanya ng lahat. She's a different, Jennie now.

Iba na ang tindig niya, ang pananamit niya maging ang ayos ng mukha nito at buhok na madalas dati ay naka ponytail lamang.

Mas lalo na siyang gumanda ngayon.

Mas nangibabaw na ang kanyang kagandahan ngayon, kaysa noon na ako lamang at ang iilang may gusto sa kanya ang nakakakita non.

Napatikhim ako at humakbang palapit sa kanya.

"Nasaan sina mama at papa?" Tanong nito sa akin at humakbang palayo noong mapansin niyang lalapitan ko siya.

"T-Tumawag si mom and dad, magkakasama sila ngayon at bukas pa sila ng umaga makakauwi---"

"Si Kuya?" Muling putol nito sa akin. "B-Bakit hindi kayo magkasama at bakit kailangan mo pa akong ipagluto--"

"Nasa overnight siya with team at hindi siya makakauwi dahil maaga silang may laro kinabukasan." Putol ko rin sa kanya at muling nilapitan siya.

But this time, hindi na ito muling lumayo sa pa akin.

Hindi ito makatingin sa akin at nakayuko lamang sa pagkaing nakahain sa kanyang harapan.

Dahan-dahan naman na hinawakan ko ang kamay nito at iniharap siya sa akin.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong ko sa malumanay na boses. "Jen, I miss you." Buong puso na sabi ko dahil miss na miss ko na talaga siya.

Hindi ito nagsalita at nananatili pa ring nakayuko kaya nagpatuloy ako.

"I've been looking for you everywhere, everyday sa St. Wood, pero wala ka. Sa Pageant ko, wala ka, na dati-rati naman ikaw ang nangungunang taga support ko." Pagpapatuloy ko.

"Jen, hangang kailan mo ba ako iiwasan?" Hindi ito sumagot at sa halip ay basta na lamang naupo sa silya na nasa kanyang harapan.

"Kain na tayo?" Sabi nito at agad na kumuha ng pagkain.

Hindi ko alam pero basta na lamang akong napaluha. Napahinga ako ng malalim at basta na lamang nagwalk-out palabas ng kusina.

Dumiretso ko sa labas ng kanilang bahay at doon naupo para ilabas ang sama ng loob ko.

Hindi ko alam kung nakakailang minuto na ako roon nang maramdaman ko ang pag-upo ni Jennie sa tabi ko at pagkatapos ay tahimik na niyakap ko.

Dahil sa ginawa niya ay mas lalo akong naiyak.

Miss na miss ko siya! Ghad!

Miss na miss kong makasama at mayakap siya. Miss ko ang bawat sandali na masaya lamang kaming dalawa.

Kumalas ito sa yakap pagkatapos ng ilang minuto. Mataman na tinitigan ako nito sa aking mukha at pagkatapos ay marahan na pinahid ang luha sa aking pisngi.

"Miss din naman kita, Lis." Nanginginig ang boses na pag-amin nito. "Miss na miss kita." Dagdag pa niya.

"Kaya lang kasi, kailangan kong gawin ang tama---"

"A-At ano ang tama? Ang layuan natin ang isa't isa? Ang layuan mo ako?" Putol na tanong ko sa kanya.

Napahinga ito ng malalim bago inayos ang kanyang pag-upo habang napapatango.

"Ayaw kong masaktan natin si Kuya." Sabi nito.

Napakagat ako sa aking labi. Hindi na ako makapagsalita pa pagkatapos niyang sabihin ito.

Fuck!

Matagal kaming binalot ng katahimikan. Hanggang sa magdesisyon ako na uuwi na lamang sa bahay.

Tatayo na sana ako nang mabilis niya akong pigilan sa aking kamay.

"Please, stay." Pakiusap niya bago tumayo rin kagaya ko.

"Kakain tayo ng hapunan ng sabay." Dagdag pa niya. "We're gonna watch movie after that, like we used to."

Napalunok ako.

"Please?" Muling pakiusap niya.

Sandali naman akong napaisip habang nakakunot ang noong napapatitig sa kanyang magandang mukha.

"Jen, kung ginagawa mo ito para ibalik ang kung anong dating tayo, I'm sorry. Pero walang kahit na ano pa ang makapagbabago ng nararamdaman ko para sa'yo, at walang makapagbabalik sa atin sa dating tayo."

Ngunit isang mabagal na ngiti lamang ang iginanti nito sa akin.

"I-I just want you to stay here with me, t-tonight." Napapalunok na sabi nito. "I just...I don't wanna think about tomorrow. All I want to think about right now is...is this little moment, and borrowed time with you." Dagdag pa niya.

"W-What about Brent then?" Medyo piyok pa na tanong ko dahil iyon naman talaga concern niya, ang mararamdaman ng kuya niya. Dahil ayaw niya itong masaktan.

Napalunok ito at mas lumapit ng isang hakbang sa akin.

"What about Kuya?" Napatango ako bilang sagot.

Napahinga ito ng malalim at pagkatapos ay walang sabi na nilasap na lamang bigla ang labi ko. Hindi ko iyon inaasahan kaya sandaling nanigas ako sa aking kinatatayuan.

"I said, all I want to think about is right now." Hinihingal na sabi nito sa pagitan ng aming mga labi at muling ipinagdikit ito, na agad ko rin namang ginantihan.