Chapter 21 - Chapter 21

Now playing: Mine by Bazzi

Jennie

"SURPRISED!!!!!"

Sabay-sabay na sigaw nina mama, papa, kuya at ang mga kaibigan niya, pati na rin ng parents ni Lisa noong makarating kami sa aming destinasyon.

Nasa Tagaytay na kami ngayon, kung saan isang lugar na mayroong over looking view habang natatanaw ang buong Taal Volcano mula rito sa itaas.

Isang tahimik na lugar kung saan nirentahan ng aming pamilya para sa akin.

Noon ko lamang naalala na kaarawan ko nga pala bukas at nandito silang lahat, nandito kaming lahat upang salubungin ang kaarawan ko.

Bakit pati sariling birthday ko eh hindi ko yata naalala? Dismayadong sabi ko sa aking sarili.

Masyado yata akong maraming iniisip nitong mga nakaraang araw kaya pati sariling birthday ko eh nakakalimutan ko na.

Plinano na pala nila ito noong nakaraang araw pa nang hindi ko alam.

Pagdating namin ni Lisa ay mayroon nang nakahain agad na hapunan at kami na lang talagang dalawa ang hinihintay.

May nagkalat na balloons sa sahig at naka decorate na happy birthday sa may wall na nasa harapan.

Isa-isa akong niyakap ni mama at papa ganoon din si kuya.

Pagkatapos ay lumapit din sina Austine at Fynn sa akin para ako ay batiin.

Himala at hindi yata nila ako binu-bully ngayon?

Ganon din ang mga magulang ni Lisa na masayang niyakap din ako. Sila ang mga pangalawa ko ng magulang. Kapag wala ang mga magulang ko, sila ang tumatayong ina at ama ko. Kaya malaki rin ang pasasalamat ko palagi sa kanila, sa buhay nila.

At syempre, sino pa nga ba ang pinakahuling lalapit sa akin? Walang iba kung hindi si Lisa, ang best friend ko.

Pigil ang ngiti na mayroong nakakalokong tingin na lumapit ito sa akin bago ako niyakap.

"Advance Happy Birthday para sa pinakamaganda, pinakaworth it at pinaka the best na taong nakilala ko. My best friend, Jennie!" Pagbati nito sa akin.

Awtomatiko namang nanigas ang katawan ko sa aking kinatatayuan. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang ginawa nito kanina, na hanggang sa makarating kami rito eh hindi na kami napapansin dahil sa nangyari.

Kumalas ito pagkatapos ng ilang segundo at tinignan ako ng diretso sa aking mga mata. Naiilang man akong tignan ito pabalik, eh hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang alisin ang aking paningin sa kanya.

Binigyan ako nito ng isang ngiti at pagkatapos ay may ibulong siya sa akin.

"I'll sleep with you tonight." Sabi nito sa akin at pagkatapos ay tinalikuran na ako.

Matapos ang ilang minuto ay sinimulan na nga naming kainin ang mga nakahaing iba't ibang uri ng pagkain sa mahabang lamesa. Lahat kami ay nakakamay lamang at masaya namin itong pinagsaluhan.

May mga pagkakataon na nahuhuli kong napapasulyap sa akin si Lisa. Habang ako naman ay pinipilit na alisin ang mga mata sa kanila ni Kuya habang nagsusubuan pa.

Nauna akong natapos sa pagkain. Kaya naman agad na akong dumiretso na kung saan ang aking magiging kuwarto para makahugas na ng katawan at makapagpalit na rin ng damit.

Noon naman naalala ko si Miyuki. Medyo nalungkot ako nang maalala ko siya dahil hindi ko siya naimbitahan. Hindi ko siya makakasama sa kaarawan ko. Napalapit na kasi ito sa akin at siya ang kauna-unahan kong naging kaibigan bukod may Lisa.

Pero hindi na bale. Ang importante naman ay kasama ko ngayon ang pamilya ko, ang pamilya ni Lisa at syempre, siya.

Ang best friend ko. Ang taong mahal ko...

Hindi ko mapigilan ang mapahawak muli sa aking labi habang dinadama ang mainit na tubig na dumadaloy sa aking katawan, mula sa hot shower.

Napapikit ako at muling inaalala ang lambot ng labi ni Lisa na lumapat sa akin kanina.

Awtomatiko na muling bumilis sa pagtibok ang aking puso.

Nagtatanong na naman ang aking isipan kung bakit niya iyon ginawa?

Hindi kaya nadala lamang siya sa moment?

Noon din ay napalunok ako ng mariin nang biglang sumagi sa akin ang isang ideya na...

Paano kung alam na niyang higit pa sa isang kaibigan ang turing ko sa kanya?

Papaano kung...matagal na pala niyang ramdam at ayaw lamang niyang sabihin?

Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga ng malalim hanggang sa tuluyan na akong nagpasya na tapusin na ang pagligo at nang makapagbihis na.

Gusto ko ng itulog itong mga naiisip ko dahil baka maaga akong masiraan ng bait.

Tapos na ako sa pagpalit ng damit, hinihintay ko na lamang ding matuyo ang aking buhok at handa na ako sa pagtulog.

Ayaw ko na kasing lumabas pang muli, sigurado kasi akong nag-iinuman lamang sina kuya sa labas, habang abala naman sa trabaho ang aking mga magulang o kung hindi naman ay kung anu-anong topic na sila lamang ang nagkakaintindihan kasama ang mga magulang ni Lisa.

Bigla akong napabaligwas sa pag bangon nang mag vibrate ang cellphone ko dahil sa isang text message.

Nakita kong galing iyon kay Lisa kaya mabilis kong binuksan.

Ngunit agad na nagsisi rin, at hindi na sana na-excite na mabasa ang kanyang message dahil agad na na-disappoint lang ako.

"Sorry, Jen. Can't make it, tonight. I'll make up to you tomorrow. Ang kulit kasi ni Brent eh. Aalagaan ko muna. Good night. I'll see you tomorrow! :*"

Napangiti na lamang ako ng malungkot habang muling inilalapag sa ibabaw ng bedside table ang cellphone ko.

Hindi naman ako umaasa eh. Kasi alam ko naman ang sitwayson.

Lalo at nandiyan si Kuya. Mahirap mag-expect sa isang bagay na alam mong malabo naman talagang mangyari.

Pero ewan ko ba? Bakit hinihintay ko parin na basta na lamang susulpot si Lisa sa kuwarto ko. O kung hindi naman ay basta na lamang itong kakatok sa pintuan kung nasaan ako.

Kahit na ganoon, kahit na walang kasiguraduhan ay naghintay pa rin ako. Baka kasi biglang magbago ang isip niya. Baka biglang hindi na maging makulit si Kuya.

Hinintay ko siyang hanggang sa tuluyang makaramdam na ako ng antok at sumapit na ang alas dos ng umaga.

Bakit pa nga ba kasi ako umaasa?

Eh kasama ng best friend ko ang boyfriend niya.

Si Kuya.

Napahinga ako ng malalim hanggang sa tuluyang nagpasya nang matulog na at huwag ng isipin pa si Lisa.

----

Sinasadya kong hindi mapatingin sa gawi ni Lisa na kadarating lamang dito sa dining area.

Nasasaktan lamang kasi ako.

Tapos na kaming lahat sa pagkain ng pananghalian, pero sila ni kuya ay kagigising lamang.

Hindi rin sila nakapag-almusal kanina.

Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako nababati.

Well, hindi naman kasi big deal sa akin kung nabati na ba niya ako o hindi.

Pero bakit ka nagkakaganyan ngayon? Tuyo ng aking isipan.

Nagseselos lang?

Tss!

Hindi ba dapat masaya ako ngayong kaarawan ko?

Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko at tamad na tamad ako?

Parang mas gusto ko na lang din ang magkulong sa kuwarto at ang matulog maghapon.

Nakakawalang gana.

Noon naman biglang tumunog ang cellphone ko.

Napakunot ang aking noo noong tinignan ko ang screen nito dahil unknown number ang tumatawag.

Sino naman kaya ito?

Bigla na lamang pumasok sa aking isipan si Miyuki.

Pero kasi, may number naman niya ako.

Hindi kaya...sandaling napaisip ako bago tumayo sa aking upuan at lumayo sa kubo na ginawa naming dining area.

Hindi kaya si Nami itong tumatawag? Tanong kong muli sa aking isipan.

Hanggang sa natapos na lamang ang tawag ay hindi ko pa rin ito nasasagot.

Ibababa ko na sanang muli ang cellphone nang muli na naman itong tumunog at ang number pa rin na iyon ang tumatawag.

Napahinga ako ng malalim bago tuluyang sinagot ang tawag.

"H-Hello?" Utal na pagsagot ko bago napalunok.

"Finally!" Agad na nabosesan ko kung sino ang nasa kabilang linya. "Thank God! Sinagot mo rin!" Bahid sa kanyang boses ang pagiging masaya at excited kaya napangiti na lamang ako.

"Nami...n-napatawag ka?"

So tama nga ako ng hinala. Si Nami ang nasa kabilang linya.

"Yes. Because I wanna greet you a Happy Happy Birthday!" Sabi nito sa matining na tono ng boses.

"T-Thank you!" Buong puso na pagpapasalamat ko.

"C-Can I come over? Pwede ba kitang mahiram sa family mo kahit sandaling oras lang?" Tanong nito. "Please!"

"H-Ha?" Napakamot ako sa aking batok. "Kasi---"

"You know what? It's too late for rejection kasi nandito na ako at sinusundo na kita." Putol nito sa akin.

Ngunit ang mas ikinagukat ko ay iyong sinabi niya.

Mabilis na napalingon ako sa paligid at nakita ko nga siya! limang hakbang lamang ang layo mula sa akin.

Akala ko pa naman nagsisinungaling lang siya.

Namimilog ang mga mata at hindi makapaniwala na napatingin ako sa kanyang kabuohan.

Seryoso ba talaga siya?

Teka, paano niya nalaman kung nasaan ako?

Noon ko naman naalala si Austine na kaibigan din nga pala niya. Malamang sa malamang eh, kay Austine nang galing ang impormasyon na narito kami.

Agad na napalunok ako noong magtama ang aming paningin, lalo na noong binigyan niya ako ng isang ngiti.

Ang ganda-ganda niya talaga. Parang halos kulang nalang ay pakpak para maging anghel siya.

Ibinaba nito ang kanyang cellphone bago tuluyang humakbang palapit sa akin.

"Hi." Pagbati nito habang naka ngiti ng alanganin.

Himala at bigla yatang nawala ang signature na ngisi niya?

Kahit na simpleng blouse, jeans at sandals lamang ang suot niya, ang gara niya paring tignan. Wala bang damit ang hindi babagay sa kanya?

"For you." Pagkatapos ay nahihiya na inabot nito sa akin ang kanyang gift.

"T-Thank you, hindi ka na sana nag-abala pa." Pagpapasalamat ko sa kanya.

"Well, it's your birthday." Wika niya habang hindi pa rin inaalis ang kanyang nakakatunaw na mga tingin sa aking mukha.

Noon naman narinig kong tinawag ng aking ina ang pangalan ko. Kapwa kami napalingon ni Nami sa kanya habang naglalakad ito palapit sa amin.

Magalang na sinalubong siya ni Nami bago nagbeso sa kanya.

Habang ang aking ina naman ay hindi mapigilan ang mapatitig sa kanya na halos mapanganga pa sa sobrang paghanga, dahil hindi iyon maitago ng kanyang mga mata habang pinapasadahan ng tingin si Nami.

Ako tuloy ang nahihiya para sa kanya. Argh!

"Hi Mrs. Kim. I'm Nanami, Jennie's friend." Pagpapakilala ni Nami sa aking ina.

"Wow! At kailan pa nagkaroon ng isang model na kaibigan ang anak ko?" Malawak ang ngiti na tanong ng aking ina sa kanya habang nanlalaki ang mga mata with matching takip pa ng bibig. Iyong parang kinikilig.

Atsaka...a-ano daw? Model?

"M-Model?" Pagulit ko sa sinabi ni mama.

"Yes, hija. Hindi mo ba alam? Isa siyang commercial model." Binigyan lamang siya ng ngiti ni Nami habang namumula ang pisngi nito.

Ngayon ko lamang nakita na nag-blush si Nami. Kaya napangiti ako ng disoras.

Kaya lang...

"M-Model? I-Ikaw?" Sabay turo ko kay Nanami. Kaya naman pala ang ganda-ganda ng tinig niya, ng pustura niya at kung manamit siya, lahat bagay na bagay sa kanya!

At higit sa lahat, kaya naman pala noon pa siya pamilyar sa akin. Dahil malamang sa malamang ay nakikita ko na siya sa mga commercial sa TV or billboards noon pa man.

Napangiti lamang ito sa akin bilang sagot.

Teka, sandali. Ayaw mag-sink in sa aking isipan na si Nanami Takeda, na pinsan ni Miyuki Takeda, ay isang model?

Pero nagagawa niyang makipag basagan ng mukha? Paano?

Muli akong napatingin kay Nanami na ngayon ay halatang pinipigilan lamang ang matawa habang nakatingin sa akin dahil nakikipagtalo ako sa aking isipan.

Atsaka muli nitong ibinalik ang kanyang mga mata at atensyon sa aking ina na hanggang ngayon ay hindi pa rin inaalis ang mga mata kay Nami.

Jusko po!

"Uhmmm...M-Mrs.Kim. I'm here to borrow your daughter. Hihiramin ko lang sana siya sandali. Kahit 2 hours lang, then I will get her back here nang walang galos at gasgas." Diretsahan na pag papaalam nito sa aking ina para sa akin.

Sandaling natahimik si mama habang tinititigan siya. Iyong tipo na para bang sinusubukan nitong basahin ang nasa isipan ni Nami.

Hindi nagtagal ay napatango ito.

"Sure! Walang galos at gasgas ha?" Sabay ngiti ni mama ng makahulugan sa kanya.

"Copy that Mrs. Kim. Thank you so much!" Pagkatapos ay magalang na napayuko si Nami sa kanya habang parang nagdadasal na magkadikit ang mga palad.

Iyong paraan ng pagbibigay galang ng mga Japanese sa nakatatanda sa kanila.

Malawak naman ang ngiti na muling lumapit sa akin si Nami.

"Please, paki ingatan ang baby girl ko." Pahabol pa ni mama kaya napatawa ako.

Iyong nanay ko talaga, kahit kailan!

Baby girl!

Noon naman dumating si Kuya Brent at Lisa galing sa kung saan man sila nanggaling.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang gulat na mukha ni Lisa noong makita si Nami na nakatayo ngayon sa aking tabi.

Kunot noo na tinignan niya ito mula ulo hanggang paa.

"At anong ginagawa mo rito?" Masungit na tanong nito kay Nami.

Ngunit tila ba hindi man lamang nasindak si Nami sa kanya at napangisi lamang ito.

"Magulang ka ba ni Jennie para mag-explain ako sa'yo?" Ganting tanong naman ni Nami kay Lisa bago ako hinawakan sa aking beywang at marahan na hinapit palapit sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang mapasinghap dahil sa ginawa nito.

Sandaling nagkasalubong ang mga mata namin ni Lisa. Ngunit mabilis akong napaiwas ng tingin dahil isang pamilyar na kirot ang gumuhit sa aking dibdib noong makita ko ang isang pamilyar na maliit na kiss mark sa may bandang dibdib niya.

"L-Let's go, Nami."

Ako na mismo ang nag-aya kay Nami upang makaalis na kami, at pagkatapos ay walang lingon likod na nilampasan na sina Kuya at Lisa.

Ayaw ko na munang isipin si Lisa ngayon.

At ang totoong dahilan kung bakit na-late sila ng gising ni Kuya. Isama mo pa 'yung kiss mark sa dibdib niya.

Hays!

Jennie, it's your birthday for pete's sake.

Please, you need to enjoy it. Paalala ko sa aking sarili bago napasulyap kay Nami na ngayon ay pinagbubuksan na ako ng pintuan ng kanyang mamahaling sasakyan.

Napangiti ako.

"Nasaan ang big bike mo?" Tanong ko sa kanya dahil ito yata ang kauna-unahang nakita ko siyang kotse ang gamit niya.

Napangiti ito.

"Come on, Jen. It's our first date, you deserve a formal date, kaya dapat deserve mo din ang isakay sa isang komportableng sasakyan." Paliwanag nito sa akin na naging dahilan para mang init ang buong mukha ko.

"D-Date talaga?" Utal na tanong ko noong makapasok na ako sa sasakyan niya. At ang bango-bango.

Halata na pang mayaman.

Isinara nito ang pintuan bago umikot sa driver seat. At noong makasakay na siya ay saka ito muling nagsalita.

"Yes, a date." Wika niya.

"Because I like you." Walang paligoy-ligoy at diretsahan na sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.

Dahil doon natigilan ako at bigla na lamang napasinok.

*Hik*

Awtomatikong gumihit ang ngiti sa labi ni Nami kaya mabilis na napaiwas ako ng tingin at ibinaling na lamang sa labas ng bintana ang aking mga mata.

*Hik*

Omg! Bakit ako sinisinok? Nakakahiya! Narinig kong napatawa si Nami ngunit pilit kong binabalewala ito.

"Can you please look at me?" Pakiusap nito.

"Please?" Dagdag pa niya.

Napahinga ako ng malalim at napapikit ng mariin bago dahan-dahan na muling napaharap sa kanya.

At mapapasinok pa sana akong muli nang basta ko na lamang naramdaman ang malambot na labi na dumampi sa ilong ko dahilan upang mabilis na mapamulat ako ng aking mga mata at hindi na naituloy pa ang naudlot kong pagsisinok.

"See? Effective, right?" Sabay kindat nito sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.

At tuluyan na ngang binuhay nito ang makita ng sasakyan bago sinimulang pinasibad ito.

"You're so pretty!" Rinig kong bulong nito sa sarili niya bago napa sulyap sa akin. "And I really mean it. I like you, like, a lot, Jennie!" Dagdag pa niya.