Now playing: Fallin' for you by Colbie Caillat
Lisa
Kanina ko pa hindi kinikibo si Jennie. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang kausapin ito ngayon. Marahil dahil sa nangyari kanina sa ilog.
I just can't help it.
Para akong hini-hypnotised ng nga mata niya kanina. Lalo na dahil sa suot nito na bakat na bakat ang hubog ng kanyang katawan.
Maging ako sa aking sarili ay hindi ko na rin ito maintindihan.
Bakit?
Bakit ko ito nararamdaman sa aking kaibigan? Sa isang babae at kay Jennie pa.
Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi ko parin siya magawang kausapin ngayon. Kung bakit hanggang ngayon ay kumakain kaming kapwa tahimik at hindi man lamang nag uusap.
Nandito kami ngayon sa isang Filipino restaurant malapit sa bahay ng lolo't lola ko.
Plano ko sana na ipagluto ito ng dinner ngayon, ang kaso bigla nalang akong nawala sa mood. Ayaw ko naman na pakainin siya ng hindi masarap.
Tapos na ako sa pagkain nang maisipan kong kalikutin ang cellphone ko. Hindi ko rin magawang tignan ito sa kanyang mukha.
Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi manghihina lang ako kapag magtatama na ang aming mga mata.
"Lis..."
"Are you done?" Biglang tanong ko sa kanya. Napatango ito.
"Okay." Tipid na saad ko at agad na tumayo na sa upuan. "Uwi na tayo." Dagdag ko pa at mabilis na tinalikuran na siya.
Bayad na rin naman kasi ang mga kinain namin kaya wala ng dahilan para magtagal pa.
Agad na dumiretso ako sa sasakyan at pumasok sa loob. Ilang segundo pa ang nakalipas bago sumunod si Jennie sa akin..
Noong makasakay na rin ito ay mabilis na binuhay ko na ang makina at pinasibad ito pauwi.
Six minutes away lang naman kasi itong restaurant mula sa bahay ng grandparents ko kaya mas lalong hindi na ako nag-abala pang kausapin siya.
Pagdating sa bahay ay hindi ko na rin ito hinintay pang makababa muna. Agad na dumiretso na ako sa entrance ng bahay para buksan ang pinto nang pigilan niya ako.
"Hey, what's going on?" Tanong nito sa akin sa nag-aalalang boses. "Can you please tell me?" Sabay hawak nito sa braso para iharap ako sa kanya, nang siya namang dahilan para maramdaman ko ang kakaibang pag daloy ng kuryente sa aking katawan mula sa paghawak niya.
Dahil doon ay mabilis kong binawi ang aking braso.
Sandaling nagkatitigan kami sa aming mga mata. Hindi nakaligtas sa akin ang ginawa nitong paglunok. Habang ang aking mga mata naman ay unti-unting napako sa labi niya.
Oo, sa mga labi niya na para bang hirap hindi titigan.
"Lisa, m-may nagawa ba akong mali?" Utal na pagtanong nito sa akin. K-Kanina lang kasi, excited ka pang pumunta rito tapos ngayon---"
Sa hindi malamang dahilan ay bigla ko na lamang na imagine, bigla ko na lamang nakita ang aking imahe na hinahalikan siya.
Kaya naman napalunok ako kasabay ang isang malutong na pagmura dahilan para matigilan siya.
Awtomatikong nag-unahan sa pagtaas ang aking dibdib kaya napakapit ako rito at mabilis na napaiwas ng tingin kay Jennie.
Halatang nagulat ko ito sa ginawa kong pagmura.
I don't know what's going on with me.
I can't look away from her lips!
Napasabunot ako sa aking buhok.
"Pwede bang...pwede bang iiwan mo muna ako rito?" Pakiusap ko sa kanya. "Susunod ako, but right now, I really need to be alone, Jen. Please?"
Napatango ito at hindi na ako muli pang tinignan sa aking mukha.
Napapatampal na lamang ako sa aking noo.
"What the hell?" Dismayado na bulong ko sa aking sarili.
At agad na na konsensya dahil sa ginawa kong pagmura. Baka inisip ni Jennie na siya ang dahilan kaya ako nagmura.
Hays!
Ilang minuto pa akong nagtagal sa labas ng bahay bago tuluyang pumasok. Magsosorry na agad ako dahil ayaw kong matulog ito na masama ang loob.
Ngunit walang Jennie akong naabutan sa sala. Kaya naman dumiretso na ako sa kwarto. At doon, nakita ko itong nakahiga na sa kama. Nakatalikod ito mula sa akin.
Mukhang nakatulog na nga yata. Malungkot na sabi ko sa aking sarili.
Hindi na ako nag-abala pang gisingin siya dahil baka napagod din ito kanina sa buong biyahe.
Pumasok na muna ako sandali sa banyo para makapag toothbrush at hilamos. Pagkatapos ay dahan-dahan na sumampa na rin sa kama.
Ingat na ingat ako dahil ayokong magising ko pa ito. Nakatulala lamang ako sa kisame, nang bigla itong napaharap sa akin at napayapos sa katawan ko.
Kusang napapikit ang dalawang mga mata ko habang napapalunok na naman ng mariin. Dahil ang mukha nito ay nasa may bandang leeg ko lamang, habang nararamdaman ang mainit nitong hininga na tumatama sa aking balat.
Hindi ko mapigilan na hindi mapatitig sa kanyang mukha. She is so pretty. Swear! Maraming hindi nakakapansin no'n dahil sa porma at pananamit ni Jennie.
But when you get close to her like this? Atsaka mo lamang makikita na napaganda pala niya. And she's like a doll for me. Ang sarap niyang panggigilan palagi.
No wonder kung bakit ganoon na lamang ang inis ko kay Miyuki. Dahil bukod sa akin, isa siya sa nakakakita ng kung anong nakikita ko kay Jennie.
I can't blame her, yes. But there is a part of me na ayoko siyang i-share sa iba.
Mula sa kanyang magandang mukha, hindi maiwasan ng mga mata ko na mapadako sa dibdib niya. Hanggang sa muli akong mapalunok dahil sa sumisilip na cleavage niya at sa bumabakat pa nitong nipples dahil sa nipis ng suot nitong sando.
Hindi pa nakontento ang mga mata ko dahil muli itong naglakbay patungo sa kanyang sexy arms, sa magandang hubog ng kanyang katawan, pababa sa nakalantad na kanyang mahahaba at mapuputing legs.
Mabilis na muling ibinalik ko ang paningin ko sa kanyang mukha dahil sa biglang pang iinit ng aking pisngi. Lalo na dahil sa kung anong kiliti na aking nararamdaman habang lihim na pinagmamasdan siya.
Gosh!
Am I into her?
Do I have a crush on my best friend? Naguguluhan na tanong ko na alam kong wala namang ibang makakasagot kundi sarili ko lamang.
Isang ideya ang pumasok sa aking isipan. Kasabay ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
Hindi naman niya malalaman dahil tulog siya, hindi ba? At mas lalong hindi niya mararamdaman.
Kaya naman dahan-dahan na inilapit ko ang aking mukha at labi sa kanya.
Hindi naman siguro masama na hahalikan ko si Jennie, right? I mean, gusto ko lang malaman kung ano bang feeling na mahalikan siya.
That's it.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko at idadampi na ang labi ko sa kanya, nang basta na lamang nitong iminulat ang kanyang mga mata dahilan upang mapasinghap ako ngunit mabilis ko itong itinago.
Maging ito ay nagulat dahil sa lapit ng mukha naming dalawa. Agad na napaawang ang kanyang labi atsaka napalunok ito ng mariin.
"S-Sorry." Paghingi ko ng tawad at tatalikod na sana nang mabilis at walang sabi na inilapat nito ang kanyang labi sa gilid ng aking labi.
Awtomatikong nanigas ako sa aking pwesto at napatulala sa kanyang mukha. Napakurap din ako ng maraming beses. Lalo na dahil sa bultahe ng kuryente na muling dumadaloy ngayon sa buong katawan ko.
Isang matamis ngunit inosente na ngiti ang iginawad nito sa akin, bago niya muling ipinikit ang kanyang mga mata.
"Good night, Lisa." Atsaka isiniksik na nito ang kanyang sarili sa akin.
Teka nga, h'wag niyong sabihin sa akin na nananaginip lang siya ngayon at wala itong matatandaan kinabukasan!
Napapairap na lamang ako sa aking isipan. Tsk!