Chapter 4 - Chapter 4

Now playing: If It Kills Me by Jason Mraz

Jennie

Nilakad na lamang namin pareho ni Miyu ang restaurant na gusto nito na kainan naming dalawa. Hindi ko na rin nagamit pa ang aking bisikleta at mas pinili na lamang ang maglakad at makipag kwentuhan kay Miyu, ngunit dala-dala namin ito hanggang sa restaurant.

Isa pala siyang transferee sa St. Wood at bukas na ang unang araw niya sa eskwela. Napadaan lamang daw ito sa University kanina para tignan at kumuha ng kanyang schedules.

Ngunit iyon nga lang at nakasalubong nito ang mga dakilang bully ng St. Wood. Kawawa naman.

Ayon sa kanyang kwento, ay nanggaling ito sa Japan. Isang Japanese ang kanya ama at isang Filipina naman ang kanyang ina. Lumipat na sila ngayon dito sa Pilipinas for good, dahil mas gusto na ng kanyang magulang ang dumito na lamang.

"Pero bakit St. Wood?" Nagtataka na tanong ko sa kanya noong makaupo na kami sa napili naming table na mayroong apat na upuan sa gilid nito.

Nagtataka talaga kasi ako bakit St. Wood ang napili nitong University, knowing na kilala itong maraming bully na estudyante.

Hindi ito nakasagot agad at mataman lamang na nakatitig sa akin bago ako binigyan ng isang ngiti. HIndi ko tuloy maiwasan ang hindi makaramdam ng pagkailang dahilan upang mapaiwas ako ng tingin.

"Would you believe me if I said that because you are in St. wood, kaya dito ko napiling mag-aral?" Mabilis na napalingon akong muli sa kanya dahil sa sinabi nito.

At swear! Napaka seryoso lamang ng mukha nitong nakatitig sa akin. Dahil doon ay kusa ko na lamang naramdaman ang pamumula ng mukha ko. Hanggang sa dahan-dahan na gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Kidding." Sabi nito habang naka ngiti. "I was just teasing you, Jennie. You're so cute. Paano ko malalamang nandoon ka, eh bago lang kita nakilala." Dagdag pa niya at noon naman dumating na ang waiter para kunin ang aming order.

"So, pwede ko bang malaman kung..." Natigilan ito sandali dahil inulit ng waiter ang aming order.

"K-Kung?" Medyo utal na tanong ko dahil hindi ko alam kung bakit bigla yata akong na tense na kaharap siya ngayon. Muli itong nagbaling sa akin pagkaraan ng ilang sandali noong tuluyang makaalis na ang waiter.

"Kung bakit palagi kang mag-isa?" Tanong nito. "I mean, you're pretty, you're cute, you're nice and sa tingin ko naman, hindi ka mahirap kaibiganin pero bakit wala yata akong napapansin na--"

"Because she's a bookworm? At dahil ako lang ang kaibigan niya." Putol ng isang kilala kong boses kay Miyu. Mabilis na napalingon kaming dalawa sa nagsalita.

Hindi ko mapigilan ang mapasinghap noong makita ko ang seryosong mukha ni Lisa, na matalim na nakatingin lamang kay Miyu.

Patay. Sabi ko sa loob ko. Nakalimutan ko na dito rin nga pala sila nagtungo ni Kuya kanina.

Mataman na tinignan lamang siya ni Miyu bago ito tinapunan ng isang matamis na ngiti.

"And you are?" Mabait na tanong ni Miyu kay Lisa. Ngunit ang aking best friend ay hindi parin nagbabago ang itsura. "I'm Miyuki. Miyu for short." Pagkatapos ay inilahad nito ang kanyang kanang kamay para magpakilala kay Lisa.

Ngunit walang emosyon na tinignan lamang ni Lisa ang kamay nito bago muling nagsalita.

"Hindi ko tinatanong ang pangalan mo. At hindi ko rin gustong malaman." Magaspang na wika nitong muli bago nagbaling ng tingin sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapapikit ng mariin dahil sa kahihiyan.

"What are you doing here? Hindi ba dapat nasa bahay ka na?" Tanong nito sa akin. Napakamot ako sa batok ko.

"Ah eh kasi---"

"I-I invited her for a dinner. Sana okay lang." Biglang singit ni Miyu. Nandoon parin ang matatamis at pormal na mga ngiti niya kahit na minamalditahan na siya ng kaibigan ko.

Muli ay napalingon sa kanya si Lila. Pagkatapos ay naka cross arms.

"And who are you to invite my best friend for a dinner?" Sarkastikong tanong ni Lisa sa kanya. Noon din ay mabilis na hinawakan ko ito sa kanyang kamay para sawayin. Napansin ko na napatingin si Miyuki sa aming mga kamay kaya muli ko itong binitiwan.

"Miss, relax." Pagpapakalma sa kanya ni Miyuki habang naka ngiti na ngayon ng nakakaloko. "At wala naman sigurong masama kung yayayain kong kumain si Jennie. She's also my friend now. Gusto ko lang suklian 'yung kabutihang loob na ginawa niya sa akin kanina. That's it." Naguguluhan naman ang mga mata na tinignan ako ni Lisa sa aking mukha.

Nagkibit balikat lamang ako at tinignan siya nang 'I'll explain later' look.

"Don't worry, she will be safe with me. And I will not take her away from you." Dagdag pa ni Miyuki.

Napahinga ng malalim si Lisa bago napatango.

"Fine. Mabuti na ang malinaw." Pagkatapos noon ay basta na lamang kaming tinalikuran at iniwan ni Lisa.

Habang ako naman ay nahihiya at hindi magawang tumingin sa mukha ni Miyuki.

"It's alright, Jen." Sabi nito sa mahinang tono. Noon din ay dumating na ang aming order na pagkain.

"Pag pasensyahan mo na 'yung best friend ko ha. Ganoon lang talaga 'yun." Paghingi ko rito ng tawad. Tinignan lamang ako nito sa aking mukha bago muling tinapunan ng kanyang ngiti.

"You must really be special to her." Sabi nito sa hindi ko malamang dahilan bago nagsimula na sa pagsubo ng kanyang pagkain.

"And I'm glad I've been added to your friend list now." Sabay kindat na dagdag pa niya sa akin dahilan upang mapangiti ako.

---

"So, new friend, huh?" Bungad sa akin ni Lisa noong papasok na ako sa gate ng aming bahay. Nasa may terrace ito at halatang hinihintay lamang ang pag uwi ko. Dahil agad na sinalubong ako noong makita na dumating na ako.

Naka suot ito ng isang maong na short shorts at isang hanging shirt naman sa itaas kung saan kitang kita ang kanyang pusod at nagyayabangan na abs. Mabilis na napalunok ako bago napaiwas ng tingin mula sa kanya.

Hindi ko ito tinapunan na muli ng tingin dahil baka mapansin nito ang biglang pamumula ng mga pinsgi ko. Itinabi ko na rin muna ang aking bisikleta bago dumiretso na sa pagpasok sa loob ng bahay. Hanggang sa loob ng aking kuwarto.

Ngunit agad din naman akong sinundan ni Lisa. Sandaling inilapag ko muna ang aking bag sa bedside table. Noon naman ay bigla at walang sabi na napa jump hug ito sakin dahilan upang maout balance ako at parehas kaming bumagsak sa ibabaw ng aking kami.

Nasa ibabaw ko siya sa mga sandaling ito. At inaamin ko na naninigas ang katawan ko ngayon at hindi ko magawang maigalaw ito. Lalo na dahil damang-dama ko ang paglapat ng kanyang hinaharap sa akin, pati na rin ang init ng kanyang paghinga na tumataba sa aking leeg.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng maraming beses at mariin. Noon din ay bigla itong nagpacute at napa pout.

Waaaaah!!! My heart. Masyadong nagwawala.

Kaya naman nabilis na itinulak ko siya palayo sa akin dahilan upang bumagsak ito sa sahig at tumama ang kanyang pwet sa kanto ng kama. Habang ako naman ay agad at mabilis na napaupo.

"Di mo na ba ako love?" Tanong nito habang napapahimas sa parte ng kanyang katawan na nasaktan. Hindi ko ito tinapunan ng tingin.

Naramdaman ko ang kanyang muling pag gapang patungo sa akin.

"Akala ko ba ako lang ang best friend mo?" Nahihimigan ko ang tampo sa kanyang boses. Dahil doon ay hindi na napigilan ng mga mata ko ang mapatirik ngunit mayroon namang simisilip na ngiti sa aking mga labi.

Ako lamang kami ang tanging nakakakita ng ganitong side ng isang Queen Lisa. Sa akin lamang din niya ipinapakita ito. Dahil para sa karamihan ay isang cold and heartless bitch siya. At dahil doon ay mas lalong...nevermind.

Muli ako nitong niyakap hanggang sa napahiga na naman kami pareho.

"Hoy, Jennie!" Sabay kalabit nito sa pisngi ko. "Ba't ayaw mong magsalita? Hindi mo ako pinapansin. Sorry na sa pagmamaldita ko kanina. Eh kasi naman---"

"A-Ano namang sasabihin ko?" Utal na tanong at putol ko sa kanya.

Muling napa pout ito. "Wala lang. Basta ako parin ang best friend mo ha?" Paglalambing niya.

Tahimik lamang na napatitig ako sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko sinagot ang tanong nito. Hindi nagtagal ay narinig ko na lamang ang mahinang paghilik nito. Marahan na inalis ko ang aking katawan sa kanyang tabi atsaka nilagyan siya ng unan sa kanyang ulo at nilagyan na rin ito ng kumot.

Dahan-dahan na hinawi ko ang buhok nitong humaharang sa kanyang magandang mukha at inayos ang kanyang bangs na mas lalong nagpapaganda sa kanya. Pagkatapos ay dinampihan ito ng isang matamis na halik sa kanyang noo.

Hindi ko pa mapigilan ang mapangiti noong makita ko ang pagkibot ng kanyang labi.

"Ang swerte swerte ng kuya sa iyo." Bulong ko sa natutulog na si Lisa bago tuluyang tumayo na para magtungo sa banyo.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makapasok, ay sandaling tinapunan ko muna ito ng tingin habang napapahinga ng malalim.