Now playing: Could I Love You Any More by Reneé Dominique
Jennie
Maaga akong nagising at umalis muli nang bahay para pumasok. Nakasanayan ko na talaga itong gawin sa tuwing iniiwasan ko si Kuya, lalong lalo na si Lisa.
Hindi ko na rin ito hinintay pang magising kanina kahit pa magkatabi lang naman kami sa pagtulog. Ewan ko ba. Natatakot akong mag panagpo kami ngayon. Tila ba nauubusan ako palagi ng sasabihin. At lahat ng iyon ay nagsimula lang naman noong gabi na nakita kong nag kiss sila ni kuya.
Pakiramdam ko kasi hindi ako makahinga. Everytime na nakikita ko silang nagkikiss ay paulit-ulit iyong nagsusumiksik sa aking isipan.
Pakiramdam ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata, milyon-milyong salita ang gustong kumawala sa mga labi ko, ngunit hindi ko naman magawang sabihin ang mga ito.
And I just can't tell her because...I can't. Kaya ang mga salitang nais sabihin ay nananatili na lamang sa aking sarili at isipan. At hindi ko na rin gusto pang ipaalam.
Nakukuha ninyo na ba ang ibig kong sabihin?
Oo, marahil tama nga kayo ng iniisip. I'm in love with my best friend. Matagal na. Matagal na panahon na.
Mga bata pa lamang kami ni Lisa, alam ko na kung ano ako. Alam ko na kung anong gusto ko at kung sino. Alam ko na, na sa tuwing hinahalikan ko siya noon sa kanyang pisngi, ay mayroon iyong ibig sabihin.
Alam ko na ang pag papanggap kong Romeo at siya ay si Juliet, ay iyon din ang pinapangarap ko sa para sa amin.
Alam ko na noon pa, na hindi isang Prinsipe ang hanap ko, kung hindi katulad ko rin na isang Prinsesa.
At wala akong ibang natitipuhan, kung hindi siya lamang. Si Lisa, na best friend ko. Si Lisa, na girlfriend ng kuya ko.
Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng mapakla sa aking isipan.
Kasi nakakatawa naman talaga, hindi ba? At sa hinaba haba na ng panahon, walang ibang nakakaalam ng nararamdaman ko para sa kanya kung hindi ako lamang. Na maging siya ay walang ideya. At hindi alam kung paano ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko siyang masaya sa iba.
Well, I can't blame her. Kamahal-mahal naman kasi si Kuya eh. Isa pa, alam kong straight si Lisa. Ayoko ring mapunta lamang sa wala ang lahat ng aming pinagsamahan. Ang aming pagkakaibigan.
Kaya mas minabuti ko na lamang na itago sa aking sarili ang lahat. Hindi na rin naman kasi mahalaga pa. Kasi tanggap ko ng hanggang kaibigan lamang ako sa kanya. Parang kapatid. Tanggap ko ng hindi na nito kailangan pang malaman ang tunay kong nararamdaman. Ang lihim kong pag tingin sa kanya.
At higit sa lahat, no one knows I'm gay. Even my family, my parents and my kuya. Even Lisa. And I don't think they will accept me for who I am when they find out. Kaya mas mabuti nang sarilinin ko na lamang ang lahat.
Isa pa, mas tahimik ang buhay ko na ganito, kahit na walang nakakaalam. Kahit na isa. Ang tanging nag mamatter sa akin ngayon, ay ang best friend ko. Si Lisa, iyong makita siyang masaya.
At dahil doon ay masaya na rin ako.
"Look who's here!" Natigilan ako sa aking pag hakbang noong marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
Mabilis na napalingon ako sa aking likuran. Agad na bumungad sa akin ang matatamis na ngiti ni Miyuki. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng excitement noong makita kong nakasuot na ito ng P.E unifrom ng aming St. Wood.
Malawak ang ngiti ang iginawad ko sa kanya pabalik bago lumapit dito.
Ganito pala ang pakiramdam kapag may bago kang kaibigan. Nakakatuwa at the same time, nandoon ang excitement. Tila ba nakawala ako sa isang hawla.
"Miyu!" Hindi maitago sa aking boses ang tuwa noong makita ko siya. Ewan ko ba. Napaka kampante ng loob ko sa kanya, kahit na ito ang pangalawang araw pa lamang na nakilala ko siya.
"Finally! I found you!" Nagniningning ang mga mata na sambit nito habang sinasalubong din ako.
Agad itong napakapit sa aking braso noong tuluyan na akong makalapit sa kanya. "Where are you going? Wala ka pa bang klase?" Nagtataka na tanong nito. Napailing ako habang napapahaplos sa aking tiyan.
"N-Nagugutom kasi ako." Nahihiya at utal na sagot ko.
"Ow, papunta kang Cafeteria?" Tanong nito. Agad na napatango naman ako bilang sagot. "I'll come with you then." Nakangiti na wika niya.
"Kakain ka rin?" Tanong ko rito habang nakangiti at nagsimula ng ihakbang muli ang mga paa, na agad rin naman nitong sinabayan. Napatango siya.
"Yes. If you want to. Mahirap kayang kumain nang mag-isa lang." Sabi niya na agad na sinang ayunan ko naman.
Pagdating sa Cafeteria ay umorder lamang ako ng paborito kong pasta at syempre, ang hindi dapat makakaligtaan na isa ko ring paborito, ang blueberry cheesecake.
Habang si Miyu naman ay isang sandwich lamang ang binili para sa kanya. Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng mahina.
Ang tipid niya namang kumain. Sabi ko sa loob ko.
Kung sabagay halata naman sa sexy niyang katawan na hindi siya palakain. Hehe.
"Sigurado ka bang mabubusog kana riyan?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad na kaming muli patungo sa isang bakanteng lamesa. Agad naman itong napatango sa akin atsaka sabay na kaming naupo pagkatapos.
Agad na nagsimula na ako sa aking pagkain. Alam kong pinagtitinginan kami ng mga estudyante ngayon. Pero masyado akong gutom para pansinin ang mga ito. Isa pa, sanay na ako sa mga panlalait nila sa akin.
Noon naman ay nahuli kong nakatingin lamang sa aking mukha si Miyu at hindi pa nagagawang galawin ang kanyang pagkain.
Awtomatikong nang init ang aking pisngi sa paraan ng kanyang pag tingin sa akin. Napalunok ako.
"M-May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kanya. Ngunit isang matamis na ngiti lamang ang ibinigay nito sa akin bago napa iling.
Noon naman ang biglang pag umpukan ng mga tao sa may exit ng Cafeteria. Na tila ba mayroong pinagkakaguluhan. Bigla-bigla rin eh naging tahimik ang buong Cafeteria.
"Gusto mo bang gawin kong wig yang buhok mong parang walis tambo?!" Umalingawngaw sa buong apat na sulok ng Cafeteria ang kilalang-kilala ko na boses na iyon.
Sabay kaming napalingon ni Miyuki sa pinanggalingan ng boses. Hindi na ako nabigla pa noong makita ko si Lisa na may kinekwelyuhan na isang estudyante.
Galit ang mukha nitong nakatingin ng diretso sa babae ngunit agad din naman niya itong binitiwan noong sinaway siya ng isang Professor. At walang sabi na mabilis nang lumabas ng Cafeteria.
"Hindi ba siya 'yung babae kagabi? Iyong bestfriend mo? Am I right?" Tanong ni Miyuki. Wala sa sarili naman na napatango ako bago mabilis na napatayo.
"W-Wait. Where are you--"
"P-Pasensya kana, Miyu. May pupuntahan lang ako." Mabilis na sabi at putol ko rito at pagkatapos ay agad na siyang tinalukuran.
Mabuti nalang at naabot pa ng aking paningin si Lisa kung saan siya papunta. Agad at tahimik naman na sinundan ko ito.
Ano na naman kayang nangyari at nakipag away na naman siya?
---
Lisa
Nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib nang maupo ako sa isang bench malapit sa may soccer field. Hindi ko magawang kalmahin ang aking sarili.
Naiiyak ako sa inis! Hindi ko rin alam kung bakit basta na lamang akong sumabog ng ganoon. At ngayon lamang din ako naramdam ng ganito. Ang bigat sa dibdib at hindi ko alam kung bakit ako nagagalit.
Napapailing na napatingala ako sa langit habang nakapikit ang aking mga mata. Noon naman ay naramdaman ko na mayroong naupo sa aking tabi.
Sa presensya pa lamang niya at noong malanghap ko ang kanyang pabango, alam ko na kaagad kung sino.
At abnormal ba ako kung sasabihin ko na bigla yata eh, parang gustong mapangiti sa kabila ng galit na nararamdaman ko?
Eh kasi, sino ba naman ang hindi matutuwa na susundan pala niya ako at iiwanan niya ang bagong kaibigan niya roon nang mag-isa.
Kahit na nagwawala na ang kalooban at ang aking isipan ay nanatili parin ako sa ganoong posisyon. At hindi nag-abalang tignan siya o lingunin.
"A-Ayos ka lang ba?" Utal na tanong nito. Marinig ko palang ang boses niya, tuluyan na akong naging kalmado.
Pero hindi. Nagtatampo parin ako. Hmp!
"Nakipag away ka na naman. Ano na naman bang nangyari?" Dagdag pa niya sa malumanay parin na boses.
Hindi parin ako nagsasalita at ganoon parin ang posisyon ko. Sandaling natahimik ito hanggang sa naramdaman ko na lamang ang marahan na paghawak nito sa ulo ko bago dahan-dahan niya itong isinandal sa kanyang balikat.
"Sige na. Kalmahin mo na muna ang sarili mo saka ka magkwento---" Agad na natigilan ito noong inalis ko ang aking ulo sa kanyang balikat at inayos ang aking pag upo.
"Ba't ka ba nandito?" Pagsusungit-sungitan ko. "Baka kailangan kana ng bago mong kaibigan doon kaya---"
"Mas kailangan mo ako." Mabilis na putol nito sa akin bago napaharap ng maayos. Sandaling nagtama ang aming mga mata. Habang nakakunot parin ang mga noo ko. "Ano na naman bang nangyari at may inaaway ka na naman kanina?" Dagdag pa tanong pa niya.
Mabilis na napaiwas ako ng tingin bago napayuko. Sandaling pinaglaruan ko ang aking mga daliri habang napapanguso.
"Sinabi mo ba sa kanya?" Tanong ko.
"S-Sa kanya? Ang alin?" Naguguluhan na tanong nito.
"That girl, Muruki---" Bigla itong napatawa ng mahina dahilan para matigilan ako at muling tinignan siya ng masama.
"Anong nakakatawa?" Napailing siya.
"Eh kasi, ang funny naman pagkakabigkas mo ng pangalan niya. Miyuki, hindi Muruki." Pagtatama nito sa akin. Napatango ako habang nataas naman ang isang kilay.
"Whatever." Napapairap na sambit ko. "So, did you mention to her?" Muling pagtanong ko sa kanya. Naguguluhan naman ang mga mata na tinignan ako nitong muli.
"Na favorite mo ang blueberry cheesecake?" Pagpapatuloy ko. "Hindi ba ang usapan natin, ako lang at ikaw ang makakaalam ng paborito ng isa't isa---"
"Of course not!" Mabilis na depensa nito bago ako tinignan ng diretso sa aking mga mata. "Ikaw lang ang gusto kong magbibigay 'non sakin sa tuwing nag ccrave ako." Dagdag pa niya.
Mataman na tinitigan ko muna ang aking best friend sa kanyang mukha. Sinisipat kung nagsasabi nga ba ito ng totoo o hindi. Pagtapos ay unti-unting sumilay na ang matamis na ngiti sa aking labi.
"Good." Masayang sabi ko bago inabot ang kanyang ilong at pinisil ito ng palambing.