Chapter 11 - Chapter 11

Now playing: Jump Then Fall by Taylor Swift

Jennie

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mga nangyayari ngayong gabi. Bakit bigla-bigla eh may kasama akong hindi ko kilala na isang babae.

Isang estrangherong babae.

Agad akong nagtiwala sa kanya. Ewan ko rin ba, hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang kabilis na nagtiwala ako, gayong hindi ko naman ito kilala. At mas lalong hindi ko naisip na ipapahamak niya ako.

Mukha naman kasi siyang mabait. Ngunit kakaiba ang kanyang awra, para bang napaka misteryo nitong nilalang.

Hanggang ngayon hindi ko parin maisip kung saan ko na nga ba siya unang nakita noon?

Alam kong nagkita na kami sa isang convenience store, noong gabi na gutom na gutom ako. Hindi ko yun malilimutan. Pero bukod doon, alam ko rin na nakita ko na ito sa kung saan.

Haaaaay. Hayaan na nga.

Pero bakit naman ganoon? Muntik na kami halos mag-kiss kanina dahil sa kalampahan ko. Mabuti nalang talaga at mabilis kong natakpan ang labi ko.

Dahil kung hindi, siya ang naging first kiss ko na dapat ay para kay Lisa.

Mabilis akong napailing noong maisip ko ang best friend ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Are you alright?" Tanong nito sa akin atsaka inihinto ang kanyang big bike sa tapat ng aming gate.

Siya na rin kasi ang nag insist na ihatid ako. Kaya naman itinuro ko na lamang din ang aming address dahil malalim na ang gabi, mas magtitiwala nalang ako sa kanya kaysa sa mga taxi driver, ano?

"You seems worried. May bumabagabag ba sa'yo?" Muling pagtanong nito. Agad akong napailing at nginitian siya.

Ngunit agad din na napaiwas ng tingin.

Ang sexy niya talaga, ang tangkad pa at talagang napakaganda. Kahit na mayroon itong suot na helmet. Mapapanganga ka nalang sa hubog ng kanyang katawan lalo pa at hapit na hapit ang suot nitong jacket at black jeans.

"T-Thank you sa paghatid." Pagpapasalamat ko. "At sa pagdala sakin sa isang tahimik na lugar." Dagdag ko pa.

Dahil kung hindi lang talaga dumating 'yung sinasabi niyang mga kaaway niya, tiyak na hanggang ngayon ay nandoon parin kami.

"My pleasure." Sabay kindat na sabi pa niya. "Good night, Jennie." At pagkatapos ay muli na nitong pinasibad ang kanyang sasakyan.

Napapanguso nalang ako na tinitignan ito habang papalayo. Itatanong ko pa kasi sana ang kanyang pangalan, ngunit huli na dahil nakaalis na ito.

Hindi ko na naman nakuha ang pangalan niya. Reklamo ko sa aking sarili at pumihit na rin para pumasok na sa aming gate nang mapasulyap ako sa katabing gate ng aming bahay.

Ang gate ng bahay nina Lisa.

Napalunok ako atsaka napatingala sa second floor ng kanilang bahay kung saan natatanaw ang veranda ng kanyang kwarto.

Bigla nalang kasi itong nagwalk-out kanina. And I feel bad about it.

Mabilis na nagkubli ako nang makita ko itong lumabas sa veranda.

Haaaay. Sana hindi niya ako nakita.

Kaya lang naisip ko rin...

Tsk. Bahala na nga!

Mabilis na kinuha ko ang aking cellphone at tinext ito sa kanyang number.

"Still awake?" Tanong ko kahit na kakakita ko lang naman sa kanya na gising na gising pa siya.

Mabilis ko itong sinend sa kanya.

Narinig ko pa mula rito sa labas ng kanilang gate ang pag tunog ng kanyang cellphone.

Naghintay ako ng ilang segundo, bago ko tuluyang natanggap ang reply nito.

"Yeah." Tipid na reply nito.

Noon naman nag desisyon na akong lumabas sa pinagkukublian ko at nagpakita sa kanya. Agad naman na napansin ako nito.

Kumaway ako sa kanya habang naka ngiti ng alanganin. Bago muling nag-type ng reply.

"Can I come in?" Noong matanggap nito ang reply ko ay agad na nabasa niya iyon. Hindi na siya nagreply pagkatapos, ngunit agad na pumihit pabalik sa kanyang kuwarto.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko kasi alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

Maya-maya lamang ay narinig ko na lamang ang mga yabag nitong papalapit sa gate at agad na binuksan iyon.

"Ba't nandito ka pa? Gabing-gabi na." Wika niya. Magkasalubong ang mga kilay habang naka-cross arms.

Tahimik lamang na pinagmasdan ko siya sa kanyang mukha.

"What? Titignan mo nalang ba ako riyan?" Pagtataray pa rin niya bago ako tinignan ng diretso sa aking mga mata.

Nagkatitigan kaming dalawa.

Ilang segundo rin ang itinagal ng aming mga mata sa isa't isa, nang siyang biglang gumuhit ang ngiti sa aking labi.

Magsasalita pa sana ito nang unahan ko na siya ng isang yakap. Iyong yakap na mawawala ang tampo niya sa akin.

"S-Sorry na." Paghingi ko ng tawad habang yakap parin siya.

"Hmp!"

"Sabi ko, sorry na. Nandito na ako. At sorry...kung may nasabi man ako kanina na hindi dapat kaya ka nagtatampo ngayon." Dagdag ko pa.

Marahan na kumalas ito sa aking pagyakap, bago ako muling tinignan sa aking mukha. Magkadikit parin ang aming mga katawan kaya medyo nakaramdam ako ng pang-iinit sa aking tenga. Lalo pa at ganito kalapit ang mukha niya.

Napalunok siya.

"Tatanggapin ko lang ang sorry mo sa isang kundisyon." Wika niya.

This time, ako naman ang napakunot ng aking noo.

"W-What is it then?" Curious na tanong ko.

"Dito ka matutulog ngayong gabi." Napahinga ako ng maluwag habang natatawa ng may pagkaalanganin. Akala ko kasi...

"Please?" Dagdag na pakiusap pa niya bago napa-pout at hinawakan ako sa aking dalawang kamay. "Wala kasi akong kasama eh. Wala sina mommy at dad, nasa business trip with their clients---"

"A-Ano?" Mabilis na putol ko sa kanya dahil sa gulat at mabilis na lumayo mula sa kanya. Halatang nagulat ko rin ito dahil sa aking naging reaksyon.

Iniisip ko palang kasi na dalawa lang kami sa loob ng bahay nila, especially sa kanyang kuwarto, tapos magkatabi pa kaming matutulog---

"Why? What's wrong?" Nagtataka na tanong nito. "Ayaw mo ba? Madalas ka namang mag-overnight dito ha." Nahihimigan ko ang muling pagtatampo sa kanyang boses.

Napapikit ako ng mariin.

Ako lang naman kasi itong mayroong malisyang naiisip dahil sa aming dalawa ako lang ang may nararamdaman.

"Ayaw mo yata eh. Pero kapag kay Miyuki, go na go ka." Nagtatampo parin siya.

"Fine." Tuluyang pagpayag ko. "B-Basta huwag kang malikot sa pagtulog ha!" Pagdadahilan ko pa bago nauna nang pumasok sa loob ng kanilang bukas na gate.

Narinig ko naman itong napatawa dahil sa sinabi ko at agad na sinundan na rin ako, bago inakbayan.

Hindi ko mapigilan ang mapasinghap ng palihim dahil naramdaman ko ang hinaharap nitong sumasagi sa gilid ng braso ko.

Isang hirap at mariin na paglunok ang muling ginawa ko dahil ramdam na ramdam kong wala siyang bra.

Oh my gosh!

Nararamdaman ko 'yung lambot.

----

Pagdating sa loob ng kanilang bahay ay agad na dumiretso kami sa kanyang kuwarto. Naupo siya sa ibabaw ng kanyang kama habang tahimik na pinagmamasdan ako.

Noon ko lamang naalala na hindi pa nga pala ako nakakabihis at mas lalong wala akong pamalit na damit.

Narinig ko na napatawa ito ng mahina.

"Alam mong pwede mong gamitin ang mga damit ko." Sabay baba taas nito ng kanyang kilay.

Nababasa pa niya ang nasa isip ko?

Nahihiya naman na napakamot ako sa may batok. Tumayo ito at dumiretso sa kanyang closet.

Mayroon siya kinuha na short at isang t-shirt na malaki. Mahilig kasi talaga siya sa loose shirts kapag nasa bahay lang.

Parang ngayon. Tapos walang suot na bra! Napapairap na sabi ko sa aking isipan.

"Here!" Pag abot nito sa akin.

"Mag shower kana para makapagpahinga." Pagkatapos ay binigyan niya ako ng isang ngiti.

Tumango na lamang ako bago tumalikod na at dumiretso sa kanyang banyo.

Pagkatapos ng fifteen minutes ay natapos na rin ako. Naabutan ko naman si Lisa na nakatalikod mula sa akin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya, ngunit laking gulat ko nang bigla itong maghubad ng kanyang suot na damit at pati na rin ng kanyang suot na shirt.

Kaya ngayon ang tanging naiwan na lamang na saplot sa kanyang katawan ay ang kanyang underwear.

Mabilis na tumalikod ako habang nakapikit ng mariin.

"What are you doing?" Tanong ko sa kanya. "Pwede bang isuot mo uli yang damit mo at short?!" Inis sa utos ko sa kanya.

At ayaw kong humarap sa kanya ng ganyan ang kanyang itsura.

Dahil sa sinabi ko ay muling napatawa ito.

"Chill, magpapalit lang ako ng damit." Noong marinig ko iyon ay tila ba nakahinga na ako ng maluwag.

"Ano pang hinihintay mo riyan?" Tanong nito sa akin nang mapansin na hindi parin ako humaharap sa kanya.

"N-Nothing." Muli akong napalunok.

Jusko naman! Ilang beses ba ako kailangang mapalunok ngayon?

Napapakapit na lamang din ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng pintig nito.

Paano ba naman, paulit-ulit na nagsusumiksik ang hubad niyang katawan sa aking isipan.

Ang hirap naman ng ganito. Mag best friend kami, oo. Kaya wala lamang sa kanya ang mga ginagawa niya sa harapan ko. Pero sa akin, lahat mayroong ibig sabihin. At sobrang apektado ako.

Katulad nalang nito ngayon.

Nagbilang muna ako ng hanggang tatlo bago muling pumihit paharap sa kanya at agad na sumampa na sa kama.

Sumulyap lamang ako ng konti sa kanya na ngayon ay nakapagpalit na nga ng nighties.

Sa tingin ko, kailangan ko ng itulog ito. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig.

Susubukan ko nang hindi siya kausapin hanggang sa antukin ako.

Gosh!

Kung bakit naman kasi...Okay, nevermind.

Noong makahiga na ako ay tumalikod akong muli sa kanya. I think mas better nang ganito, mas madali akong dadalawin ng antok.

Saktong ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paglubog ng higaan sa likod ko, at ang marahan na pagyakap nito sa aking katawan mula sa likod, dahilan upang mapasinghap ako at manigas ang aming katawan noong maramdaman ko ang ilong nitong lumapat sa may batok ko.

"Hmmmm. You smell good, Jen." At mas lalo pa nitong isiniksik ang kanyang mukha roon.

Omg! I cannot sleep like this!

Lalo na ganito siya kalapit sa akin at ang tanging imahe lamang nito na aking nakikita sa aking isipan, ay siya. Habang yakap niya.