Chapter 7 - Chapter 7

Now playing: Kailan by MYMP

Nami

Kapag ganitong gabi na at hindi ako makatulog ay nakasanayan ko na talaga ang lumabas ng bahay, tapos maglalakad-lakad para maaliw ang sarili.

Tinamad din kasi akong gumimik ngayon. Wala na bang bago?

Nagiging boring na kasi ang araw-araw ko. Ewan ko. Reklamo ko pa sa aking sarili.

Nasasawa na rin akong makipag fling. Argh! Lahat sila ang boboring. Alam mo 'yung isang tingin at ngiti mo palang gusto kana agad nila? Mahal kana agad nila?

The fuck! Wala man lamang ka challenge-challenge. Mapalalaki man o babae.

Napapapadyak ang mga paa na nahinto ako sa tapat ng isang convinience store. Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa biglang pagkulo nito.

Oo nga pala, hindi ako nakapag hapunan. Paano ba naman kasi maghapon akong naglaro lang. Haaaay. 'Yung mga kaklase ko kasi lahat bad influence. Tsk!

At nanisi ka pa talaga ng iba na ikaw naman ang palaging may pakana? Ani ng aking isipan.

Oh, shut up self. Hindi kita kinakausap.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang nag desisyon na pumasok na sa loob ng store. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang mapansin ko ang isang babae na kalalabas lamang mula sa loob, habang mayroong hawak na malaking bowl ng cup noodles.

Agad na naupo ito sa isang lamesa na mayroong apat na upuan ang nakapalibot rito, na nakaayos sa labas ng store.

Napalunok pa ako noong maamoy ko ang noodles noong buksan niya iyon at sinimulang kainin.

Napapailing na lamang din ako. Grabe! Kaya niyang ubusin yun? Natatawa na tanong ko sa aking isipan. Too much carbs.

I was about to ignore her when I noticed her familiar face, causing me to stop from my steps. Because her face was not only familiar to me, but I really imprinted her beautiful face on my mind.

Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na tuluyan nang nawala ang gutom na nararamdaman ko kanina. Napapangiti rin ako ng lihim sa aking isipan.

Sa halip na sa loob ng store ang diretso ko ay bigla ko nalang napansin ang aking sarili na inihahakbang na ang mga paa palapit sa kanya.

Biglang naging exciting ang gabi ko at talagang natanggal ang bored ko.

Sinadya kong sipain ang bakanteng silya na nasa kanyang harapan para maagaw ko ang kanyang pansin. Agad naman itong natigilan sa kanyang pagsubo bago dahan-dahan na ini-angat ang kanyang ulo para ako ay tignan.

Mabilis naman na naupo ako sa silya na nasa kanyang harapan at hindi man lamang magawang alisin ang mga mata sa kanya. At agad siyang binigyan ng aking pinaka sweet na ngiti.

Awtomatiko itong natigilan sa kanyang pag nguya kahit pa punong-puno pa ng pagkain ang kanyang bunganga.

Agad din itong napatulala sa aking mukha, na animo'y nakakita ng isang multo, habang namumula pa ang magkabilaang pisngi.

Napapangiti ako sa loob ko.

She's blushing and she's so cute! Parang gusto ko na siyang iuwi ngayon din at alagaan habambuhay. Damn!

"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng isang dyosa?" Pabirong sabi ko sa kanya at syempre, may halong pagmamayabang.

Aba! Maganda talaga ako, 'no?

Mapapaubo pa sana ito dahil sa sinabi ko, nang mabilis niyang buksan ang bottled water na nasa kanyang harapan atsaka uminom mula rito.

Mahinhin na inilapag niya itong muli sa ibabaw ng lamesa. This time, hindi na siya makatingin pa sa akin at basta na lamang napatulala sa noodles na kanyang kinakain.

"Awww. Please, don't mind me. Kumain ka lang 'dyan at isipin mo nalang na langaw lang ako." Pagkatapos ay nangalumbaba pa ako sa kanyang harapan at amazed na hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

Napalunok ito. Napansin ko ang naiwang dumi sa gilid ng kanyang labi kaya naman walang sabi na inabot ko iyon gamit ang aking hinlalaki bago pinunasan.

"If you don't mind." Sabi ko.

Agad naman na nanigas ito dahil sa ginawa ko at mas lalo pang namula ang kanyang itsura. Dahil doon ay isang nakakalokong ideya ang aking naisip.

Dahil basta ko na lamang ipinasok sa aking bibig ang aking daliri na ginamit sa paglinis sa dumi sa gilid ng kanyang labi. Atsaka siya tinitigan ng malagkit sa kanyang mga mata na may halong pang aakit.

Sobrang nag-eenjoy ako sa aking ginagawa dahil mas lalo pang nangamatis ang kanyang buong mukha. Damn!

Mabilis na napaiwas ito ng tingin mula sa akin. Kaya naman agad akong napangisi pagkatapos bago napatawa ng mahina.

"You're so cute." Komento ko habang natatawa parin.

Ngayon ko lang napansin na nakapantulog na ito na pants at blouse. Naisip ko rin na malapit lamang siguro ang bahay nila rito. At marahil nagutom kaya naisipan niyang lumabas din kagaya ko, para maghanap ng makakain.

"M-May kailangan ka ba sa akin?" Biglang tanong nito dahilan upang matigilan ako.

Ito kasi ang kauna-unahan na narinig ko ang kanyang boses.

At shit lang! Para itong musika sa aking tenga na ka'y sarap-sarap pakinggan.

Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa kanyang mukha. Napapalunok ako ng maraming beses bago ibinaba ang aking paningin sa kanyang mga labi.

Ngunit agad ko rin na ibinaling sa ibang direksyon ang aking mga mata bago ko pa siya magawang sunggaban kahit na hindi naman dapat.

Gosh! Why does she affect me like this? No one has ever made me nervous like this. Siya pa lang.

"Wala akong kailangan sa'yo. I-I just..I-l'll uhhh.."

Shit! Napapamura na sabi ko sa aking isipan bago napakagat ng mariin sa aking labi. Bakit nauutal ako?

"Nevermind." Wika ko. "Naghahanap lang ako ng makakatanggal ng boredom ko." Dagdag ko pa at pagsisinungaling. "Am glad you did."

Pagkatapos ay napatayo na akong muli at tinignan siya ng mas maigi sa kanyang mukha. Hindi ko kasi alam kung kailan ko siya makakausap muli ng ganito o ito lang ba ang pagkakataon na ibinigay sa akin para makasama siya.

"Jennie, right?"

Halatang nagulat ko ito dahil alam ko ang kanyang pangalan.

Hindi nito napigilan ang mapalunok habang namimilog ang mga matang napatingin ng diretso sa akin, dahilan upang muling mapangisi ako.

"P-Paanong..."

"I'll see you again next time." Sabay kindat na sabi ko pa at tuluyan na itong tinalikuran.

I couldn't help but smile like an idiot habang naglalakad pabalik ng bahay.

---

Jennie

Hindi ko alam kung bakit at kung kailan maghahating gabi na eh doon pa ako makakaramdam ng gutom.

Ito talaga ang bagay na pinaka ayaw ko sa lahat. Ang magutom ng ganitong oras.

Kaya kahit na inaantok parin ay sinikap at pinilit ko ang aking sarili na lumabas ng bahay ng disoras ng gabi. Hindi rin naman kasi ako makakatulog ng maayos na kumakalam ang sikmura.

Wala na kasi akong stocks na pwedeng makain eh. Hays! Kung minamalas ka nga naman.

Mabuti na lang at may malapit na convinience store sa kabilang kanto. Makakakain ako ng paborito kong cup noodles. Tama! Iyon nalang ang kakainin ko.

Pagdating sa store ay kumikinang ang mga mata na agad na kinuha ko ang pinaka malaking bowl. Ang lawak-lawak ng ngiti ko habang bitbit ito palabas ng store, bago naupo sa lamesang nandoon at agad na sinimulang kainin ito.

Napapapikit pa ako habang ngumunguya dahil sa ninanamnam ko ang anghang at init nito. Nang may biglang sumipa sa bakanteng silya na ng inuupuan ko. Agad akong natigilan sa aking muling pagsubo bago dahan-dahan na ini-angat ang aking ulo para tignan kung sino ang bastos na may gawa 'non.

Mabilis itong naupo sa silya sa aking harapan at binigyan ako ng isang ngiti, habang hindi inaalis ang kanyang paningin sa akin.

Awtomatiko akong natigilan sa aking pag nguya kahit pa punong-puno pa ng pagkain ang aking bibig, dahil sa ganda ng kanyang ngiti. Lalo at higit sa lahat, sa ganda nitong taglay.

Hindi ko mapigilan ang mapatulala sa kanyang mukha. Kusa ko na lamang ding naramdaman ang pamumula ng aking magkabilaang pisngi.

Gosh! I can't help but admire her beauty. And she looks so familiar to me. Saan ko na nga ba siya unang nakita?

"Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng isang dyosa?" Pabirong sabi nito sa akin ngunit nahihimigan ko ang pagyayabang.

Well, bagay naman sa kanya dahil dyosa naman talaga siya.

Mapapaubo pa sana ako dahil sa sinabi nito nang mabilis kong abutin ang bottled wataer na nasa aking harapan at agad na napainom mula rito.

Muntik ko na siyang mabugahan ng pagkain na nasa aking bunganga parin hanggang ngayon. Hays. Nakakahiya tuloy.

This time, hindi ko na siya magawa pang tignan dahil sa kahihiyan at ibinaling na lamang ang aking paningin sa noodles na nasa aking harapan.

Nanghihinayang din dahil unti-unti ng lumalamig ang noodles ko. Huhu.

"Awww. Please, don't mind me. Kumain ka lang 'dyan at isipin mo nalang na langaw lang ako." Pagkatapos ay nangalumbaba pa ito aking harapan at amazed ang mga mata na tinignan lang ako.

Jusko! Napaka gandang langaw naman nitong nasa harapan ko. Komento ko sa aking isipan.

Napalunok ako.

At ang hindi ko inaasahan na sumunod na ginawa nito ay ang basta na lamang niyang inabot ang gilid ng aking labi bago iyon pinunasan gamit ang kanyang hinlalaki.

"If you don't mind." Wika nito habang nangingiti.

Awtomatiko na nanigas ako sa aking kinauupuan nang maglapat ang kanyang balat sa akin.

At pagkatapos ay basta na lamang niyang ipinasok sa kanyang labi ang kanyang daliri na parang lollipop, bago ako tinignan ng malagkit na halatang nang aakit ngunit nanloloko lang.

Halatang nag-eenjoy din siya sa kanyang ginagawa dahil sa epekto nito sa akin, bago ito napangising muli. Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanya bago napapalunok. Parang bigla rin tuloy akong pinagpawisan sa aking singit.

Harujusko! Bakit naman kasi siya ganito? Pasalamat siya at maganda siya kung hindi, ewan ko nalang.

"You're so cute." Dagdag na komento pa nito habang natatawa.

Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang lihim na pagsipat nito sa aking kasuotan.

Ngayon lang din ba siya nakakita ng nakapantulog at disoras na ng gabi ay nandito pa sa labas?

Nagtataka rin ako kung bakit ba siya nandito sa harap ko? Eh pwede naman niya akong hindi nalang pansinin dahil doon naman ako sanay. Lalo na ang tulad niyang mala-modelo ang ganda.

Madalas kasi dapat snob sila eh.

"M-May kailangan ka ba sa akin?" Bigla na lamang iyong lumabas sa labi ko dahil sa pagtataka kung bakit ba niya ako kinakausap. Hindi naman niya ako kilala.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay basta na lamang itong napatulala sa aking mukha.

Napakunot lalo ang aking noo. May dumi parin ba ako sa aking mukha? Grabe kasi siya kung makatitig sa akin. Ngunit hindi nagtagal ay bumaba ang mga mata nito sa aking medyo nakaawang na labi.

Wait, bakit siya nakatingin sa labi ko? Naguguluhan na ako lalo. Mabuti nalang at agad rin niyang ibinaling ang kanyang paningin sa ibang direksyon. Makakalimutan ko na sana ang huminga.

Hays! Bakit ba kasi ang ganda-ganda niya?

"Wala akong kailangan sa'yo. I-I just..I-l'll uhhh.."

Napapikit ito ng mariin. Gusto ko pa sana ang matawa pero hinayaan ko nalang. Ang cute niya kasing mautal. Haha.

"Nevermind." Muling wika niya "Naghahanap lang ako ng makakatanggal ng boredom ko." Dagdag pa nito. Napatango ako.

Kaya naman pala.

"And I'm glad you did." Sabi niya bago muling napatayo na sa kanyang inuupuan.

At andiyan na naman po ang nakakailang niyang mga titig at tingin.

"Jennie, right?" Bakas na bakas ang gulat sa aking mukha noong marinig ko ang aking pangalan na lumabas sa labi niya.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng maraming beses habang namimilog ang mga matang napatitig sa kanya.

"P-Paanong..."

"I'll see you again next time." Sabay kindat na sabi nito at hindi man lamang nag-abala pang sagutin o sabihin sa akin kung bakit nito alam ang pangalan ko.

Pero teka nga...nakita ko na siya noon eh.

Nakakainis lang bakit hindi ko maalala. Tsk!