Now playing: Byahe by Jroa
Jennie
Magkasabay kaming pumasok ni Lisa sa St. Wood, hindi ko alam pero mas lalo yata itong nagiging clingy sa akin ngayon. Mas lalo lamang din akong nahihirapan na pigilan itong pagtingin ko at nararamdaman para sa kanya kahit na hindi naman dapat.
Lately, palagi itong nakadikit sa akin. Ni hindi nga yata niya ako inaalis sa kanyang mga mata eh. Kung saan ako ay nandoon din siya. Palagi niya akong hinahawakan sa aking beywang, at pagkatapos ay hihigitin niya palapit sa kanyang katawan.
Iyong dikit na dikit na animo'y pagmamay-ari niya ako.
And the way she looks at me now, it's kinda different. Para bang...nevermind.
Palagi rin itong nakabuntot sa akin sa tuwing si Miyuki ang kasama ko, pagkatapos ay pagbabawalan nito ang kawawang si Miyuki sa tuwing may gusto siyang puntahan kasama ako.
Haaay. Hindi ko siya maintindihan. Akala ko ba gusto niya na magkaroon ako ng maraming kaibigan? Pero bakit pakiramdam ko ngayon, ipinagdadamot din niya ako sa iba.
Atsaka nagiging assuming ka. Tuyo ng aking isipan.
Hmp! Hindi naman sa pagiging assuming pero, masisisi niyo ba ako na sa tuwing ginagawa niya ang mga bagay na iyon ay hindi ko mapigilan ang hindi kiligin? Hindi ko mapigilan ang maging masaya dahil sa mga ginagawa niyang wala mang meaning sa kanya, pero sa akin, meron.
"Are you okay? Mukhang kanina ka pa tahimik at nakatulala diyan." Komento nito na siyang dahilan para bumalik ako sa realidad.
Dahan-dahan na napaharap ako sa kanya bago siya binigyan ng isang ngiti.
"M-May iniisip lang." Utal na sagot ko naman sa kanya.
Napataas ang kilay nito ngunit sa unahan parin nakatutok ang mga mata, malapit na rin kami sa St. Wood dahil nakikita ko na ang gate mula rito.
"Hmmmm. Gano'n ba? At ano naman ang iniisip mo? Or should I say, who?" Sabay baling nito ng tingin sa akin dahilan upang mapatawa ako ng may pagkaalanganin.
Paano ba naman hindi eh siya lang naman kasi itong iniisip ko palagi. Pero hindi ko naman syempre pwedeng sabihin sa kanya ang bagay na iyon.
"W-Wala." Pagsisinungaling ko.
"Eh ano?" Pagkatapos ay napataas ito ng kanyang kilay. Ipinasok na nito ang kanyang kotse sa gate. Hindi pa man ito nakakababa ay nagtitilian na ang ibang estudyante dahil alam nang dumating na ang Queen Lisa nila.
Hindi na ako kumibo pa kahit pa naiintriga ito ng sobra. Wala naman kasi akong sasabihin at mas lalo naman na hindi ako aamin, 'no?
Inihinto na nito ang sasakyan at maayos na rin niya itong na i-park, ngunit hindi parin nito ini-unlock ang pintuan ng kotse kaya napatingin ako sa kanya. Noon naman ay maayos na iniharap nito ang kanyang sarili sa akin ,bago ako tinignan ng diretso sa aking mga mata.
"Umamin ka nga sa akin." Panimula niya. "May tinatago ka ba sa akin?" Pagkatapos ay pinaningkitan pa ako ng kanyang mga mata.
Napanganga ako in disbelief.
"Ano namang itatatgo ko sa'yo?" Ganting tanong ko sa kanya. Napahinga siya ng malalim bago ako mataman na tinignan lamang sa aking mukha. Tila ba mayroong iniisip ito na hindi ko mawari kung ano.
"Nevermind." Ani niya. "Maybe I'm just being paranoid." Dagdag pa niya bago nauna na itong bumaba ng sasakyan. Agad naman na sumunod na rin ako sa kanya.
Walang kibo na inihakbang ko na ang aking mga paa at handa na sana na umiwas sa mga mata, na kung makatingin sa akin ngayon ay para bang gusto akong ibaon ng buhay sa lupa, dahil kasama ko na naman si Lisa.
Nang matigilan ako dahil sa kanyang pag akbay sa akin. At walang sabi na inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga para bumulong.
"Don't mind them, they're just jealous of us." Sabi nito.
Awtomatiko na nagtayuan ang balahibo sa aking batok, nang maramdaman ko ang mainit na hininga nitong tumatama sa aking tenga, bago kami nagpatuloy sa aming paglakad.
Hindi ko alam kung pakiramdam ko lamang ba iyon o ano, pero parang sinadya nitong isagi ang kanyang labi sa aking balat. Dahilan upang agad na magliparan ang milyon-milyong paru-paro sa aking tiyan.
Napapalunok na lamang ako ng mariin bago napasulyap sa kanya ng palihim. Ngunit mabilis na binawi ko rin ang aking mga mata nang muli ako nitong tinignan at binigyan ng isang malagkit na tingin at ngiti.
Gosh!
Kung bakit kasi ikaw pa ang naging girlfriend ng kuya ko at naging best friend kita. Hindi sana ako nahihirapan ng ganito sa pagtago ng nararamdaman ko para sa iyo. Parang ewan na kinakausap ko ang aking sarili bago muling ibinalik sa aming dinadaanan ang aking mga mata.
---
Ilang araw nang mayroong nagpapadala ng mga bulaklak sa akin. Kung hindi ito sa St. Wood naka address, ay sa bahay namin.
At sa tuwing titignan ko kung kanino ito nang galing at kung sino ang salarin ay palaging walang nakalagay na notes kung hindi...
'Please, smile for me'
Ang nakakahiya pa roon eh palaging ang parents ko ang nakakatanggap ng mga iyon sa tuwing sa bahay namin ito ipinapadala. nakabalik na kasi ang mga ito galing sa bakasyon.
Pati tuloy sila naiintriga na rin kagaya ko.
"Ms. Kim?" Pagtawag sa akin ng delivery man dahil another bouquet na naman ang dumating ngayong araw.
Nakangiti na tinanggap ko iyon at pumerma sa ibinigay nito sa akin.
At kagaya ng ini-expect ko, ganoon parin ang note na nakalagay rito.
"T-Thank you." Pagpapasalamat ko rito. At tatalikod na sana ako nang muli akong nagbaling ng paningin sa delivery man.
"Can please tell me kung kanino ito nang galing?" Tanong ko sa kanya. Napakamot ito sa kanyang batok kahit na may suot naman siyang full face helmet. "Please." Dagdag na pakiusap ko pa.
"Pasensya kana ma'am, pero hindi ko rin ho alam eh." Pagsisinungaling niya. "Sige ho, mauna na ako." Pagkatapos ay muling pinasibad na nito ang kanyang motorsiklo.
Bagsak ang balikat naman na muling napatingin ako sa mga bulaklak bago napabusangot.
"Sa lahat ng kilala ko na binibigyan ng bulaklak, ikaw lang yata ang hindi natutuwa." Komento ni Miyuki habang humahakbang palapit sa akin.
"Paano naman ako matutuwa kung masyadong nagpapaka misteryoso ang sender nito?" Dismayado parin na sabi ko rito.
Napakagat naman ito sa kanyang labi, halatang pinipigilan ang kilig na nararamdaman. Pabiro na itinulak niya ako sa aking balikat.
"Malay mo, diba?" Wika niya.
"Na ano?"
"That sooner or later, that person will suddenly introduce themselves to you." Sabi nito sa akin habang naka ngiti parin ng malawak. Napangiti na lamang din ako, paanong hindi eh, nakakahawa ang mga ngiti ng babaeng ito palagi.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpalinga-linga ito sa paligid.
"Where's your best friend? Hindi ko yata siya napapansin ngayon na nakabantay sa'yo?" Tanong nito.
Napangiti na lamang ako ng malungkot dahil naalala kong nagpaalam nga pala si Lisa sa akin na mayroon silang out of town ni kuya.
Bagay na parang na pansin agad ni Miyuki.
"So, are you free tonight?" Tanong nito. "Because...I'm going to invite you if you're free."
"Invite me to where?" Curious na tanong ko.
Sandaling pinagmasdan muna ako nito ng may katagalan sa aking mukha habang naka ngiti ng nakakaloko.
"To my house." Tipid na sagot niya at basta na lamang akong hinila papunta sa parking lot.
"T-Teka, m-may kotse kana?" Gulat na tanong ko noong huminto kami sa tapat ng isang kulay pula at mamahaling Ford Mustang 2021.
Muli itong napangiti. "Yes? My parents bought it for me." Proud na sabi nito bago ako pinagbuksan ng pintuan.
Hindi ko mapigilan naman ang mapalunok ng mariin habang namimilog ang mga matang naka tingin sa kanyang magarang sasakyan.
"Please." Sabi pa niya dahilan upang mapatawa ako at tuyang pumasok na sa passenger seat. Maingat na isinara nito ang pintuan pagkatapos, at agad na umikot na rin sa kabila.
Habang ako naman ay namamangha at napapatingin sa loob ng kanyang bagong sasakyan. Pati 'yung amoy, amoy bago pa talaga. At ito rin ang kauna-unahan na makakasakay ako sa ganito kamahal na sasakyan.
"I hope you are comfortable." Wika nito noong makapasok na rin siya ng sasakyan at agad na binuhay ang makina.
"Yes, of course. Ang ganda-ganda ng kotse mo, Miyu." Na aamazed parin na komento ko. Napansin ko na namula ang kanyang mukha ngunit mabilis niya itong naitago.
"T-Thank you. And I am glad to hear that you are comfortable." Medyo nautal pa siya. "Ikaw rin kasi ang kauna-unahan na naisakay ko rito." Dagdag pa niya.
Hindi mapigilan ng dalawang mga mata ko ang muling mamilog dahil sa sinabi niya.
"Really?"
"Yup." Medyo nahihiya na sagot nito bago napasulyap sa hawak ko parin hanggang ngayon na bouquet.
"Bagay sa'yo ang kulay ng mga bulaklak. Nagtataka na rin ako kung sino ba 'yung secret admirer mong yan." Pag iiba niya ng usapan. Bago ako tinignan sa aking mga mata sandali at binigyan ng isang ngiti, at ipinagpatuloy na ang kanyang pagmamaneho.
Hanggang sa hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang malaki at mataas na gate. Bumusina lamang si Miyuki, nang agad na may nagbukas na dalawang guard para makapasok ang kanyang sasakyan.
Agad na ipinarada niya iyon. Sumalubong sa amin ang lima hanggang pitong maids noong makita ang sasakyan ni Miyuki at agad silang nagpila sa harapan ng kotse.
"We're here." Matamis ang ngiti na sabi nito bago mabilis na binuksan ang kanyang sasakyan. Bababa na rin sana ako ng mabilis niya akong pigilan.
"Ops! Let me open that door for you." Sabay kindat na sabi pa niya. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod nalang.
Katulad nga ng sinabi niya ay pinagbuksan niya ako.
At muli na namang hinila ang braso ko papunta sa kung saan.
"T-Teka naiwan ko 'yung bag atsaka 'yung---"
"Hayaan mo na, ang maids na ang bahala sa mga gamit natin." Sabi nito.
Grabe! Hindi ko akalain na ganito pala kayaman at kagara ang buhay ni Miyuki. Atsaka itong bahay nila na napakalaki, hindi naman yata ito basta bahay eh. Tinalo pa yata ang bahay ng Presidente ng Pilipinas sa laki at lawak ng kanilang tirahan.
Hindi man niya ako dinala sa mismong loob ng kanilang bahay, pero dinala naman niya ako sa pool area kung saan aakalain mong nasa isang world class resort ka mula sa ibang bansa.
As in literal na napapanganga ako sa aking nakikita ngayon.
Napakalawak at napakalalim ng pool na nasa aming harapan ngayon. May apat na lalaki ang naglilinis rito at agad na binati rin kami nang makarating, especially si Miyuki.
Naupo kami sa isang pabilog na lamesa na mayroong apat na upuan ang nakapalibot rito. Maya-maya lamang ay may dumating na naman na dalawang maid, dala ng mga ito ang meryenda na hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga ito.
Nakalimutan ko rin yata na Japanese nga pala si Miyuki.
"Welcome to my home, Jennie." Nakangiting sabi nito bago dahan-dahan na tinatanggal ang kanyang saplot sa aking harapan.
Hinuhubad pa lamang nito ang kanyang suot na uniform sa itaas nang mabilis na napatakip na ako ng aking mga mata dahil nakita ko na ang cleavage niya.
Oh my gosh!
Narinig ko namang napatawa ito ng malutong.
"Relax, mag swi-swimming lang tayo. Pinakuha ko na rin ang pamalit mong damit." Paliwanag niya.
"Pwede bang sa loob ka nalang ng banyo maghubad? May mga nakakakita sa'yo---"
"Pfft." Rinig kong pinipigilan nito ang muling matawa. Naramdaman ko naman ang paglapit nito sa akin bago ako marahan na hinawakan sa aking dalawang kamay na hanggang ngayon ay nakatakip parin sa aking mga mata.
Dahan-dahan niyang tinanggal iyon. Ngunit nakapikit parin ako.
"Open your eyes, Jennie. Hindi ka naman mabubulag, swear!" May pagkasarkastiko at nakakaloko na sabi nito sa akin.
Walang nagawa naman na iminulat ko nalang din ang aking mga mata. Agad na bumungad sa akin ang kanyang hinaharap dahil nakayuko parin ito at ngayon nga ay nakasuot na lamang siya ng kanyang bra at panty.
Hindi ako palamurang tao, pero napapamura ako sa aking isipan dahil sa ganda ng hubog ng kanyang katawan.
Ang sexy niya!
Napansin kong napangisi ito noong umakyat na ang mga mata ko sa mukha niya. Lihim na sinasaway ko ngayon ang aking sarili dahil kitang-kita ni Miyuki kung paano ko pasadahan ng tingin ang kanyang buong katawan.
Nagagandahan lang naman ako sa katawan niya ah.
"Busog na ba yang mga mata mo?" Panunukso pa niya na mas lalong ikinamatis ng aking buong mukha, bago ito nagpakawala na naman ng isang malutong na tawa.
Noon din ay tumunog ang kanyang cellphone. Sandaling natigilan siya at napatingin sa caller.
"Wait, I need to answer this call. It's my cousin." Paalam nito sa akin. Agad naman na napatango ako.
Lumayo muna siya mula sa akin bago nito sinagot ang tawag.
Importante at the same time, masyadong private siguro ang kanilang pag-uusapan.
Habang naghihintay kay Miyuki ay napansin ko na ako na lamang ang naiwan mag-isa sa may pool. Noon na ako napasulyap sa orange juice na nasa aking harapan na nasa ibabaw ng lamesa. Medyo nauuhaw na rin ako kaya napainom na ako mula sa aking baso.
Nang maramdaman ko na para bang mayroong mga mata ang kanina pa nakatitig sa akin at pinagmamasdan lamang ako ng palihim.
Sinubukan kong magpalinga-linga sa paligid ngunit wala naman akong nakikita na kahit isang tao rito, kung hindi ako lamang.
Weird.
May multo ba sa bahay na ito? Napailing ako.
Nararamdaman ko talaga na may nakamasid lamang sa akin eh.
Hays! Bahala na nga. Sabi ko sa aking sarili bago sinimulang lantakan ang cookies na nakahain sa lamesa.