Chapter 10 - Chapter 10

Now playing: Sigurado by Zack Tabudlo

Lisa

"Good evening Ninong!" Pagbati ko sa ama nina Brent at Jennie na prenting nakaupo sa kanilang sala habang nanonood ng NBA mula sa TV.

Tumango lamang ito sa akin noong lumapit ako sa kanya para magmano.

"Hindi na naman maawat ang mga mata sa panonood." Bulong naman sa akin ni Ninang, ang ina nina Brent at Jennie bago ito naupo sa tabi ng kanyang asawa.

Napatawa na lamang ako sa sinabi nito bago lumapit din sa kanya para bigyan ito ng beso.

"Hayaan mo na ninang, atleast hindi sa babae." Pabirong sabi ko naman dito bago sumulyap sa nakangiti na si Ninong Ralph at kinindatan siya. "Right, ninong?" Natawa na lamang din ito bago napatango at muling ibinalik ang mga mata sa TV.

Noon naman ako nagpalinga-linga sa paligid para hanapin si Jennie.

"Hmmm, Ninang, where's Jennie?" Tanong ko rito. Ngunit nagkibit balikat lamang ito habang nakakunot ang noo.

"Aba, hindi pa iyon nakakauwi kanina pa. Akala ko nga ay kasama ninyo." Sagot nito sa akin. "Hindi ba ninyo siya kasama?"

Sandaling napaisip ako bago napailing. "H-Hindi po." Nagsabi nga pala kasi ako sa kanya na mag o-out of town kami ni Brent ngayon, pero hindi na ako sumama pa dahil ako lang naman ang nag-iisang babae na sasama, kaya nagpaiwan na lamang ako kina Brent.

Napahinga ako ng malalim.

"I'll call her." Sabi ko sa aking ninang bago lumabas na ng kanilang bahay. Narinig ko pa itong may isinigaw ngunit hindi ko na naintindihan pa kung ano.

Habang tinatawagan siya sa kanyang numero ay napasulyap ako sa aking suot na relo, mag-aalas nuebe na ng gabi pero wala parin siya. Saan na naman kaya nagpunta yun?

Napapasapo ako sa aking noo dahil hindi nito sinasagot ang tawag ko, hanggang sa mag-end na lamang ang call kaya muli ko itong i-denial.

"Pick up, Jennie. Please." Sabi ko sa aking sarili habang nagpaparoon at parito mula dito sa terrace ng kanilang bahay kung saan natatanaw rin ang kanilang gate.

Hindi ko rin kasi namalayan ang oras dahil nakatulog ako kanina noong maihatid ako ni Brent sa bahay. Sabi ko pa naman yayayain ko siyang kumain sa labas. Hays!

Hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng pag-aalala nang muling ang end ang tawag nang hindi parin nito sinasagot.

Muling tatawagan ko pa sana ito sa pangatlong pagkakataon nang hindi magtagal ay may matanaw akong sasakyan na paparating. Hindi lamang ito basta isang sasakyan, ngunit isang mamahalin at magarang sasakyan pa.

Awtomatiko na napakunot ang aking noo nang huminto ito sa tapat ng gate ng bahay nina Jennie. Maya-maya lamang ay iniluha nito mula sa driver seat ang pinaka kinakainisan kong si Miyuki.

Umikot ito sa kabila para pagbuksan si Jennie.

Huh! So, tama nga ako. Si jennie nga ang babaeng kasama niya. At magkasama sila the whole time?

Hindi ko mapigilan ang hindi mapailing at mapangiti ng mapakla habang pinagmamasdan sila ng palihim, mula rito sa pwesto ko bago napa cross arms.

Nakita ko na binigyan nito si Jennie ng halik sa pisngi bago siya muling sumakay sa kanyang sasakyan.

Habang si Jennie naman ay parang istatwa na hindi na makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

Kung bakit naman kasi kailangan lips pa niya ang ilalapat sa pisngi ni Jennie? Pwede naman kasing beso lang. Argh! Nakakaasar. Kumukulo na naman ang dugo ko sa kanya.

Matapos ang ilang segundo ay muling pinasibad na ng Japanese na hilaw ang kanyang sasakyan papalayo. Noon naman pumasok na si Jennie sa kanilang gate nang naka ngiti.

Napatikhim muna ako bago tuluyang nagsalita.

"Saan ka galing?" Agad na tanong ko sa kanya dahilan upang mapatalon ito gulat.

"Jesus, Lisa! A-Anong ginagawa mo riyan sa dilim?" Napapahawak sa kanyang dibdib na tanong nito sa akin.

Kahit na gusto kong matawa sa naging itsura niya, ay pinilit kong maging seryoso aking mukha sa kanyang harapan. Bago humakbang ng dalawang beses palapit sa kanya.

"Atsaka, ang akala ko n-nasa out of town kayo ni kuya?" Napapalunok na tanong nito ngunit hindi ko iyon pinansin.

"Ang sabi ko...saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? I've been calling your phone for two times, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Pagkatapos ay nahinto ako sa kanyang harapan.

Ramdam ko rin ang paggalaw ng mga panga ko dahil naalala ko naman ang ginawang paghalik ni Miyuki sa pisngi niya. Ang sarap lang sungalngalin ng bibig ng babaeng iyon.

"Oh shit!" Pagmura nito bago napatakip sa kanyang bibig. "Naiwan ko pa yata ang cellphone ko sa bahay nina Miyuki---" Agad na natigilan ito noong mabanggit niya ang pangalan iyon.

"Oh, so you came from Miyuki's house?" Alam kong si Miyuki ang naghatid sa kanya, alam ko rin na magkasama sila dahil sa nakita ko. Pero hindi ko naman aakalain na dinala pa pala siya ng babaeng iyon sa kanilang bahay?

Napangiti akong muli ng mapakla bago napatawa. Habang tahimik na pinagmamasdan lang naman ako nito sa aking mukha. Tila ba binabasa nito kung ano ang tumatakbo asa aking isipan.

"Galit ka ba?" Tanong nito sa akin dahilan upang mapapikit ako ng mariin. Naaamoy ko rin kasi ang pagiging dismayado sa boses nito.

"No!" Matigas kong pagtatanggi at pagsisinungaling.

"Hindi eh, nagagalit ka kasi alam mong kasama ko na naman si Miyuki." Matigas din na sabi nito sa akin.

Inaamin kong nagulat ako dahil ito yata ang kauna-unahan na sinagot ako ng ganito ni Jennie.

"Lisa, Miyuki is my friend. Wala naman sigurong masama na dalahin niya ako sa kanila at---"

"And you trust her already?" May pagkasarkastiko na tanong ko sa kanya. "Jen, hindi kita pinagbabawalan na makipagkaibigan sa iba, pero please, kilalanin mo--"

"Paano ko siya makikilala ng lubusan kung iiwasan ko siya gaya ng gusto mo?" Tanong nito sa akin.

Napahinga ako ng malalim. Oo nga naman, may point siya. Paano nga naman makikilala nito ang isang tao kung lalayuan niya ito.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa aking kamay.

"Mabait si Miyuki, Lis. Please, kung ayaw mong magtiwala sa kanya, magtiwala ka sa akin. She's my friend now, but YOU, are my best friend." Malambing na paliwanag nito sa akin habang tinitignan lamang ako ng diretso sa kanyang mga mata. "Ikaw parin ang the best sa lahat. Kung alam mo lang."

Pero hindi ko na narinig pa ang huling sinabi nito dahil masyado nang mahina.

Hindi ko alam, pero sa tingin ko, unti-unti nang may nagbabago kay Jennie. She is a more open person now and she is able to express how she feels through words. Hindi gaya noon na, tahimik lamang ito kahit na marami naman siyang gustong sabihin.

Muli akong napahinga ng malalim at tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa akin.

"I don't know." Sabi ko sa mahinang boses. "But I think, kailangan ko munang i-process ang lahat ng ito." Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya.

"Lis..."

Pero nilingon ko muna itong muli at binigyan siya ng isang ngiti.

"Good night, Jen. I'll see you tomorrow." Pagkatapos ay malungkot na binigyan ko siya ng ngiti bago tuluyang lumabas na ng kanilang gate.

Ayokong umaakto ng ganito sa harap niya. Pero hindi ko mapigilan. Hindi ko alam kung bakit ako ngayon nasasaktan na nakikitang may mga pagbabago sa kaibigan ko, pero alam kong hindi ako ang dahilan ng mga iyon.

Bakit ko ba ito nararamdaman?

Maging ako ay hindi ko na rin maintindihan ang aking sarili. Dahil sa mga ginagawa ko, alam kong nasasaktan at nahihirapan narin si Jennie. Baka nga iniisip nito na masyado akong childish.

Minsan naiisip ko, minsan nang sumagi sa isip ko, hindi kaya...nagkakagusto ako sa kanya?

Oh no! Of all people. Bakit ko naisip yun?! Napapailing ng ulo na sabi ko sa sarili.

And she's a girl. She's my best friend, my boyfriend's sister.

Napapatawa na lamang ako sa aking isipan dahil may mga bagay na ginagawa ko ngayon para sa kanya, na hindi naman dapat.

This is stupid, Lisa. Sabi kong muli sa aking sarili bago inihagis ang katawan sa ibabaw ng aking kama.

You must stop thinking like that, Lisa.

---

Nami

When someone gets my attention, I just focus on that person. Nothing else gets my attention but her, no one else attractive than her, no matter what she look like, para sa akin, higit siya sa lahat.

Wala ng papantay pa sa kanya. At hindi ako titigil hanggat hindi ito napapasakin.

Hindi ako titigil at gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Naiinis at nauubusan na ng pasensya na tinatawagan ko ng paulit-ulit si Austine, pero hanggang ngayon ay hindi parin nito sinasagot ang aking tawag. Huminto na muna ako rito sa isang park para makalanghap ng sariwang hangin.

Kanina pa rin kasi ako nag ri-rides at medyo na ngangalay na ang aking braso sa pagmamaneho.

Pero, nasaan ba kasi 'yung lalaking iyon at buong maghapon yata na hindi nagpakita sa akin?

"Fuck!"

Napapahinga ng malalim na tuluyang ibinaba ko ang tawag habang napapamura sa aking sarili.

Humanda talaga sa akin 'yung lalaking iyon kapag nagkita kami. May halong pagbabanta na dagdag ko pa. Nakalimutan yata bigla ang atraso nito sa akin.

Noon naman ay mayroong biglang bumangga sa likod ko habang nakatayo rito sa may gilid ng kalsada.

Mabilis na napalingon ako rito para tignan at sawayin kung sino ang hayop na 'yun, nang makita ko ang kanyang magandang mukha. At agad akong napatulala.

Wait, what is she doing here in the middle of the night?

"S-Sorry." Wala sa sarili na paghingi nito ng tawad bago nagpatuloy nang muli sa paglalakad.

Napanganga na lamang ako bago napatawa habang sinusundan siya ng tingin.

Naglalakad ba siya ng tulog o ano?

Okay lang kaya siya?

Pagkatapos ay napapangiti ako nang disoras noong maalala ang inosente nitong mukha kanina sa bahay, kaya nagkuwari na lamang ako na tinawagan ang pinsan kong si Miyuki.

Para lamang makita ito ng solo sa may pool area kanina. Suot parin nito ang damit na suot niya kanina. Hindi pa rin ba siya nakakauwi?

Muli ko itong sinundan ng tingin noong nakakalayo na siya at awtomatiko na muling isinuot ang aking helmet.

Mabilis na binuhay ko ang makina ng aking big bike at hinabol ito. Baka kasi hindi safe para sa kanya, lalo na sa oras na ganito at nag-iisa lamang siya.

Noong maabutan ko na ito ay agad na iniharang ko ang sasakyan sa kanyang daraanan. Doon lamang yata ito nagising at nagulat dahil may biglang humarang sa kanya, habang namimilog pa ang mga mata na nakatingin sa akin.

Napangisi ako, kahit na hindi naman niya nakikita ang itsura ko bago iniabot ang isang helmet sa kanya.

Ngunit tila ba kinakabahan at natatakot na tinignan lamang nito ang hawak ko, bago ibinalik ang mga mata sa aking mukha na hanggang ngayon ay mayroon paring helmet.

"Oh, sorry." Paghingi ko ng tawag bago sandaling hinubad ang suot na helmet upang mamukhaan niya ako.

"Hi." Pagbati ko at pagkatapos ay nahihiya pang nginitian ko siya.

Kusa naman itong napatulala sa aking mukha bago napaiwas ng tingin habang napapalunok ng mariin.

"Wanna ride? Baka lang makatulong sa iniisip mo." Pagyaya ko bago ito muling nginitian. " Don't worry, I won't bite you, and I won't eat you. You can trust me." Dagdag ko pa at kinindatan siya.

Sandali naman na muling napatingin ito ng mataman sa helmet na hawak ko, bago muling ibinalik ang mga mata nito sa aking mukha. Tila ba nag-iisip ito kung ano ang magiging desisyon niya hanggang sa...

"M-Mapagkakatiwalaan ka ba talaga?" Tanong nito na halatang natatakot parin. Hindi ko mapigilan ang mapatawa.

"Of course!" Sagot ko at binigyan itong muli ng isang assurance smile.

Tss! Sa kanya lang ako ngumingiti ng ganito palagi ha. Except sa camera dahil iyon ang trabaho ko.

"S-Sige. Hindi naman siguro masama na magtiwala sa isang stranger, right?" Sabay hablot nito sa helmet na hawak ko.

Medyo nangalay din ang kamay ko doon ha.

"You won't regret. And I am not a stranger." Sinasabi ko ang mga iyon habang isinusuot nito ang helmet atsaka sumampa na ito sa aking likuran.

Isinuot ko na rin ang aking helmet, bago napayuko sa kamay nitong parang nandidiri na nakakapit sa aking leather jacket. Napahinga ako ng malalim.

"Hold tight, please." Utos ko.

"S-Sorry." Paghingi nito ng tawad bago napakapit sa aking katawan, ngunit mararamdaman mo parin na sa pagkapit niyang iyon ay maari parin siyang mahulog.

Kaya naman, mabilis na hinawakan ko ang magkabilaang kamay nito na alam kong ikinagulat niya, lalo na noong iniyapos ko ang mga ito sa aking katawan ng mahigpit.

"Like this, alright?" Napapangisi na sambit ko dahil naramdaman ko mula sa aking likuran ang malusog nitong hinaharap.

Oh my gosh! Ano ba itong iniisip ko. Ang manyak! Tss!

Pilit na binalewala ko iyon kahit na mahirap at pagkatapos ng ilang sandali ay mabilis na pinasibad ko ang bigbike.

Tahimik lamang kami pareho buong biyahe, of course. Hindi kami masyadong magkakarinigan lalo pa at alam kong medyo mahiyain siya. Baka hindi pa siya magsalita.

Matapos ang halos sampung minuto ay huminto kami sa tapat ng paborito kong lugar. Isa itong open space field. Dito ako nagpupunta kapag gusto kong lumanghap ng sariwang hangin at gusto kong lumamig ang ulo ko.

Maingat na bumaba ito ng motor atsaka hinubad ang helmet, ganoon din ako. Tahimik lamang din na pinagmamasdan ko siya ng palihim habang nagpapalinga-linga ito sa paligid.

Hindi naman kasi madilim dito dahil mayroong nagkalat na lights sa buong area.

Gumuhit ang isang ngiti sa aking labi habang tinitignan siya. Para bang nagiging mabagal ang pag-ikot ng mundo ngayon dahil sa kanya, dahil kasama ko siya.

"B-Bakit ganyan ka makangiti?" Tanong nito sa akin. Hindi ko namalayan na nahuli na pala niya akong nakatingin sa kanya, habang naka ngiti na parang ewan.

Mabilis na napaiwas ako ng aking mga mata.

"N-Nothing. I'm just happy." Sagot ko dahil totoong nag-uumapaw sa saya ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Bago ko inihakbang ang aking mga paa at hinawakan siya sa braso.

"Come on, para maging magaan 'yang dinadala mo." Sabi ko pa at iginaya siya sa may unahan.

Noong nasa tapat na kami ng pader ay binigyan ko ito ng dalawang buti ng beer na wala ng laman.

"Para saan ito?" Curious na tanong niya.

"Just throw it on the wall, so you can release that heavy thing on your chest or whatever is bothering your mind." Paliwanag ko sa kanya. "Isipin mo na lang na 'yung bote na yan, ay 'yung bagay na kanina mo pa gustong mawala sa isipan at dibdib mo." Dagdag ko pa.

Ngunit dahan-dahan na napangiti lamang ito sa akin bago ibinalik ang mga mata sa kanyang hawak na ngayon na buti.

Awtomatiko ko naman na naramdaman ang pang-iinit ng aking buong mukha dahil sa mga ngiti niya.

Damn! I wouldn't mind spending my whole life just seeing those smiles all the time.

"Go, Jennie. Just throw it."

Dahan-dahan na ini-angat na nito ang bote para ihagis, nang siya namang biglang may mga nagsidatingan na dalawang kotse at tatlong motorsiklo rin.

"Shit!" Mabilis na pagmura ko noong agad na mamukhaan ko sila.

Napaka wrong timing naman nila, oo.

Mabilis na hinawakan ko ng mahigpit si Jennie sa kanyang braso at agad itong hinila para magtago.

"W-Why?" Tanong nito sa akin na halatang kinabahan na naman.

"They are my enemies." Sagot ko rito.

"M-May kaaway ka? Bakit?" Tanong nito sa akin habang hila-hila ko parin ito sa kanyang braso.

Hanggang sa bigla na lamang siyang natalisod. Sasaluhin ko pa sana ito nang mahawakan niya ako ng mabilis sa aking balikat at tuluyang bumagsak na rin ako kasama niya atsaka dumiretso ang katawan ko sa ibabaw ng kanyang katawan.

The worst part is that I almost kissed her.

Mabuti nalang at mabilis ang mga kamay nitong natakpan ang kanyang labi.

Phew! Sayang! Muntik na.