Now playing: I don't wanna lose you now
Lisa
Ilang araw ko nang napapansin na parang bumabait na si Austine kay Jennie. Ilang araw na kasi itong tahimik at sa tuwing may ginagawang gawaing bahay si Jennie ay tinutulungan niya ito.
Hindi ko na rin naririnig na inaasar niya ito, lalo na sa kanyang porma at kasuotan.
Hmmmm. Ang weird lang kasi na parang bigla-bigla yata eh magbabago ang katulad niya.
Siya na rin mismo ang sumasaway kay Finn kung minsan, kapag binubully nito si Jennie, na dati-rati ay silang dalawa ang nagtutulungan.
Hay naku, ewan ko ba. Mukhang napaparami na ang napapansin ko ngayon sa mga taong nakapaligid sa best friend ko. Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko na talaga maintindihan.
At sa ilang araw na iyon, ilang araw na rin ako na panay matyag lang kay Jennie.
Gusto ko palagi ko siyang nakikita at ayaw ko siyang inaalis sa paningin ko. Gusto ko ako 'yung nasa tabi niya palagi sa tuwing nalulungkot ito o kahit na masaya pa siya.
Ayaw ko parin na nakikitang kasama nito ang Miyuki na iyon dahil hanggang ngayon ay naiirita parin ako sa kanya. Kumukulo parin ang dugo ko at hindi ako panatag na silang dalawa ni Jennie ngayon ang palaging magkasama.
Gusto ko ako ang kasabay ni Jennie palagi sa pagkain, sa pagpasok sa school o maging sa uwian.
Someone please tell me, ano ba talaga ang nangyayari sa akin?
Hindi ko alam kung bakit natatakot ako na lumalawak na ang mundo ni Jennie ngayon. Feeling ko anumang oras, mawawala siya sa akin. Na may taong aagaw sa akin sa best friend ko at kailan man ay hinding-hindi ko na siya mababawi pa.
Bakit pakiramdam ko, kailangan kong makipag kompetensya sa mga taong nakapaligid sa kanya? Iyong feeling na hindi dapat ako maging kampante dahil sa best friend ko siya.
Gustong-gusto ko siyang ipagdamot sa lahat. Pero bakit ko naman gagawin yun sa kaibigan ko? Hindi ko naman kaya na tuluyang ipagdamot siya dahil unang-una ay may sariling buhay siya. At hawak parin niya ang anumang desisyon na meron siya.
Pwede siyang makipagkaibigan kahit kanino at kumilala ng mga bagong tao, pero bakit natatakot ako sa bagay na iyon?
Siguro dahil natatakot akong baka makalimutan na niyang may Lisa pa pala sa buhay niya? At tuluyan ako ma-itsapwera?
Wait a minute. Normal pa ba ito para sa isang best friend? Hays!
Napapapadyak ako ng aking paa sa ere habang nakahiga rito sa sofa ng aming sala.
Katulad nalang ngayon, anong oras na pero wala parin siya at hindi pa nakakauwi. Hays. Kung bakit kasi hindi ko siya sinundan kanina? Siguradong nagutom na naman iyon at naghanap ng pwedeng makakain.
Baka naman nakipagkita kay Miyuki at may pinuntahan silang dalawa? Tuyo ng aking isipan.
Napapahinga na lamang ako ng malalim.
Oh, please lang. Tumahimik ka! Saway ni inner self.
Kanina pa kasi ako hindi makatulog. Kaya naisipan kong tumambay sa terrace ng aking kuwarto. Sumakto talaga noong lumabas din si Jennie. Hindi ko na siya nasundan pa dahil ang bilis-bilis niyang maglakad.
Maya-maya lamang ay narinig ko na ang pagbukas ng gate sa kabilang bahay. Sigurado akong si Jennie na iyon kaya naman nagmamadaling napatakbo ako papunta sa kanila.
"Jennie!" Pagtawag ko sa kanyang pangalan noong isasara na sana nito ang gate. "Wait!"
Mababakas sa kanyang itsura ang gulat at pagtataka kung bakit ako nasa kanyang harapan ngayon. Mabilis na pumasok ako sa nakasiwang parin na kanilang gate hanggang ngayon. Bago niya ito tuluyang isinara noong nasa loob na ako.
Malawak ang mga ngiti na tinitigan ko siya sa kanyang mukha.
"B-Bakit gising ka pa?" Agad na tanong nito ngunit hindi ko iyon pinansin.
"Hug!" Parang bata na sambit ko bago ito niyakap ng mahigpit.
Napatawa naman ito sa ginawa ko bago ako niyakap pabalik.
"Gusto mo lang akong makatabi sa pagtulog eh." Biro niya bago kumalas mula sa yakap. Napatango ako at nginitian siya ng mas matamis.
Ewan ko ba. Pero simula noong makilala niya si Miyuki, gusto ko nang maging clingy palagi sa kanya. Haaaaay.
I hate this feeling. Mas nasasakop na nga ni Jennie ang isipan ko kaysa problemahin ang mga nagpapapansin na mga babae sa boyfriend ko.
Tsk!
Nauna nang maglakad si Jennie sa akin papasok ng kanilang bahay kaya naman agad kong sinundan ito at walang sabi na hinawakan sa kanyang kamay.
Natigilan siya sandali sa paghakbang bago napayuko para tignan ang aming mga kamay. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paglunok nito bago napangiti at nagpatuloy na sa pagpasok ng bahay.
Pagdating sa loob ng kanyang kuwarto ay pabagsak na nahiga ako sa kanyang kama. Habang siya naman ay sandaling pumasok muna sa cr para mag toothbrush.
Pagbalik nito ay agad na tumabi na rin siya sa akin. Ngunit tinalikuran naman ako.
Hmp!
Napabusangot ako at napanguso ng disoras. Kaya naman ang ginawa ko ay niyakap ko ito sa kanyang beywang at isiniksik ang aking mukha sa kanyang batok.
Hindi ko mapigilan ang mapapikit noong maamoy ko ang shampoo nito sa kanyang buhok.
Naramdaman ko naman ang paninigas ng kanyang katawan dahil sa aking pagyakap. Dahilan upang mapaharap ito sa akin. At hindi inaasahan na magiging sobrang magkalapit ang aming mga mukha.
"Oh my gosh! I'm sorry." Mabilis na paghingi nito ng tawad bago muling tumalikod sa akin.
Napatawa na lamang ako at mas lalong hinigpitan pa ang pagyakap sa kanya.
"Good night, Jen." Malambing ang boses na sabi ko bago hinalikan ang kanyang ulo. Hindi ko alam kung naramdaman ba niya iyon.
Hindi nagtagal ay naging kalmado na ang kanina lamang na natetense niyang katawan.
"Good night, b-best friend." Ganting sabi nito sa akin bago inabot ang kamay kong nakayakap sa kanya at ipinagdikit ang aming mga daliri.
Best friend. Tumatak iyon sa aking isipan.
I don't know why, but the thought of being her best friend hurts me now.
Ano talaga ang nangyayari sa akin? Best friend naman talaga kami, hindi ba?
---
Habang naghihintay ako kay Brent dito sa parking lot ng isang mall, dahil may nakalimutan siyang bilhin at tinamad na akong bumalik sa loob, kaya minabuti ko na lamang ang maghintay rito, ay naisipan kong i-stalk ang account ni Jennie sa instagram.
Pero wala namang bago. Gano'n parin naman, konti ang kanyang followers at iilan lang ang kanyang finafollow. Ngunit natigilan ako at agad na naningkit ang aking mga mata noong makita ko ang pamilyar na mukha sa isang naka follow sa kanya.
Si Miyuki.
Awtomatikong napatirik ang mga mata ko. Agad na pinuntahan ko ang wall nito, pero naka private. Argh!
Bakit naman naka private? Naaasar na tanong ko sa aking sarili.
"Gosh, Austine. I told you huwag mong aalisin si Jennie sa paningin mo!"
Mag i-scroll pa sana ako nang bigla akong matigilan dahil sa aking narinig. Nakabukas lamang kasi ang pintuan ng aking kotse kaya rinig na rinig ko ang boses nito.
"I have plans, so can we stick to that plan?" Nahihimigan ko ang pagiging maawtoridad sa kanyang boses. "I want everything to be fine when I introduce myself to Jennie. Do you understand?"
Jennie? Tama ba ako ng dinig? At mayroon pang kasamang Austine.
Iisang mga tao lang ba ang naiisip ko ngayon sa mga sinabi niyang mga pangalan? Agad na bumaba ako ng kotse at hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon.
Nakita ko ang isang babae na nakatayo sa may unahan, tatlong kotse lamang ang pagitan mula sa akin. Nakasuot ito ng helmet kaya hindi ko mamukhaan.
Kung boses nito ang pagbabasehan ay, tiyak ako na hindi ito si Miyuki. Isa pa, mas matangkad at mas sexy siya kay Miyuki.
Agad na sumakay siya sa kanyang big bike pagkatapos ng tawag, bago binuhay ang makina ng sasakyan nito. Lalapitan ko pa sana siya nang may biglang humablot sa aking braso.
It's Brent.
"Sorry hon, pinaghintay ba kita?" Ngunit wala sa kanya ang aking atensyon.
Muli kong ibinalik ang aking mga mata sa babae na ngayon ay mabilis nang pinasibad ang kanyang sasakyan.
Who the hell is she?! Hindi ko mapigilan ang hindi kutuban ng masama dahil sa narinig ko.
Lagot talaga sa akin si Austine kapag siya at ang Austine na kausap nito ay iisa lamang.
Pero shit lang!
Maghahating gabi na naman, hanggang ngayon ayaw akong patulugin ng mga narinig ko kanina.
Sino ba kasi iyong babaeng iyon? At bakit ako kinakabahan ng ganito?
Hindi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. Kailangan bang palagi ko nalang ngayong babantayan si Jennie?
My gosh! Hindi ko alam ang gagawin kapag mapapahamak siya.
Pero...bakit mayroon akong pakiramdam na ang babaeng iyon ay isa sa maglalayo kay Jennie sa akin?
Wait, hindi kaya...oh no no no.
Hindi naman siguro gay si Jennie, hindi ba?
Atsaka...bakit parang natuwa pa ako ng konti nang maisip ko iyon? Kaya ba hanggang ngayon hindi parin siya nagkaka boyfriend?