Now playing: Why by Sabrina Carpenter
Miyuki
Kanina pa ako pa ngiti-ngiti habang tinititigan ang nakuha kong stolen shot picture ni Jennie. I also don't know why but I do find her attractive especially when she's smiling and blushing.
She's so cute.
Wala naman akong intensyon na makilala siya. Hindi ko rin naman inaasahan na may taong lalapit sa akin kahapon, pagkatapos akong pag tripan ng mga estudyanteng iyon. Dahil sanay akong maging invisible sa mata ng iba. Iyong hindi nakikita. Lalong lalo na noong nasa Japan pa ako.
But she did. At hindi ko akalain na ang katulad niyang parang anghel ang makakakilala at makakakita sa akin.
At masyado yatang pumapabor sa akin ang panahon noong muli na naman kaming pagtagpuin sa parehong araw din, dahilan para yayain ko ito sa isang dinner date.
Yes, it's a date for me. But don't get me wrong 'cause it's only a friendly date. Wala ng iba. Which is not so me. Dahil hindi ako sanay na nag i-invite na lamang bigla-bigla. But I did. At iyon din ang kauna-unahang nang imbita ako ng tao para lamang may kasabay ako sa pagkain.
Gusto ko pa siyang mas makilala pa. At masaya ako na sa parehong University lamang kami mag-aaral. Sayang nga at nakalimutan kong itanong kung anong course nito. Pero hindi na bale, dahil maliit lang ang University Campus ng St. Wood para hindi kami pagtagpuing muli.
And I know for sure na mas magiging masaya akong makita siyang muli. Napapangiti na sabi kong muli sa aking sarili.
"Omg! Why are you smiling? I'm not used to it." Saway sa akin ng aking pinsan noong madatnan niya ako sa parking. Sa kanya kasi ako sasabay at siya na rin ang maghahatid sa akin sa St. Wood.
Magkaibang University kami ng papasukan. At ang pinagkaiba namin, siya marami ng alam na pasikot-sikot dito sa Pilipinas, dahil madalas siyang magbakasyon dito, samantalang ako ay nangangapa palang.
And oh, she's also a commercial model in Japan. At ngayong dito na rin siya maninirahan sa Pilipinas kasama namin, may mga kompanya na kumukuha na rin sa kanya dito sa Pilipinas.
"So, tell me something about St. Wood." Panimula nito noong nagsimula na siyang magmaneho. "Why is it one of the famous Universities here in the Philippines besides...sa maraming bully na students? Am I right?" Curious na tanong nito sa akin.
Napahinga na lamang ako ng malalim. "Mas bully ka parin." Mahinang sabi ko sa kanya. Bigla naman itong napalingon sa akin bago napa puppy eyes.
"Well, am a changed woman now." Sabi nito habang nakataas ang kilay. Napapailing na lamang ako.
"You already know what to do when someone bullies you. You will report it to me. Understand?" Dagdag pa niya. Hindi na lamang ako kumibo pa at napatingin na lamang sa labas ng bintana.
"Anyways, who was the girl with you last night?" Muling pagtanong nito sa akin. Agad naman na napakunot ang noo ko.
"The girl with me last night?" Nagtataka na tanong ko bago muling tinignan siya sa kanyang mukha, dahil si Jennie lang naman ang kasama ko kagabi.
"Yes. The girl with you in a restaurant." Tugon nito. "I saw her." Dagdag pa niya.
Oo nga pala. Malamang sa malamang eh makikita nga niya si Jennie dahil siya ang nagsundo sa akin. At siya rin ang dahilan kung bakit hindi ko nagawang maitanong kay Jennie ang address nito kahit na mobile number niya.
"J-Just a friend." Sagot ko sa kanya bago napaiwasa ng tingin.
"Just a friend. Hmmm." Pag ulit nito sa sinabi ko habang napapatango. "And when did you learn to make friends?" Hindi ko alam kong masaya ba ito para sa akin o nagiging sarkastiko lamang siya. "Well, that's a good start anyways. Make friends as many as you want. Okay?"
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paguhit ng ngiti sa gilid ng labi nito. Hindi ko alam kung bakit.
"So, tell me. What is her name?"
"Her name?"
"Yes, Miyuki. That girl with you last night." Medyo nauubusan na ng pasensya na sabi nito sa akin.
"Ow." Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit tila bigla akong kinabahan sa pagtanong nito sa pangalan ni Jennie. Natatakot kasi ako na baka hindi parin siya nagbabago hanggang ngayon at isa si Jennie sa gawin niyang susunod na biktimahin. Huwag naman sana. Because Jennie's deserve better.
"Why did you take so long to answer? It's just a simple question--"
"Jennie." Putol ko sa kanya dahil tuluyan na nga itong naubusan ng pasensya. "That's her name." Dagdag ko pa.
"Ow, Jennie." At pagkatapos ay hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano. Ngunit kitang kita ko ang pag guhit ng matamis na ngiti sa kanyang labi na hindi ko pa yata nakita mula noon sa kanya.
"That's a pretty cool name." Dagdag pa nito. "Can I come with you to St. Wood sometimes? I just want to meet your friend."
Oh well, makakatanggi pa ba ako? It's Nami. My great cousin. Kaya malamang sa malamang, papayag nalang ako sa ayaw at sa gusto ko.
"Sure." Tipid at mabigat sa loob na sagot bago tuluyang inihinto nito ang sasakyan sa harap ng gate ng St. wood.
---
Lisa
Kanina pa hindi maipinta ang aking itsura habang binabaybay namin ni Brent ang daan patungo sa University.
"Hey, hon. Slow down." Pagpapaalala nito sa akin noong bigla kong binilisan ang pagpapatakbo.
"Hayaan mo na si Jennie. Baka gusto lang niya ngayon ang mapag isa. Alam mo naman 'yun at kilala mo naman siya, hindi ba? Madalas naman siyang nagsosolo." Paliwanag nito sa akin.
Paano ako hindi mababadtrip eh nagising akong wala na si Jennie sa tabi ko. Wala na siya sa kanyang kuwarto at nauna na naman siyang umalis para pumasok.
Kung noon normal sa akin ang ganoon, pwes ngayon hindi na. Lalo pa ngayon at sa nakita ko kagabi. Nakikipag kaibigan na siya ngayon sa kung sino. Paano kung ikapahamak niya 'yun?
Alam ko naman na hindi na siya bata pa. Pero kasi, hay ewan. Hindi ko rin maintindihan. Pakiramdam ko mawawala siya sa akin at aagawin ng iba.
"Hindi mo naiintidihan." Matigas na sabi ko kay Brent.
Isa pa, hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang sabihin kay Brent na nakita ko ang kapatid niya kagabi sa restaurant habang mayroong kasamang iba.
And that girl, Miruki, Muyuki, or kung ano mang pangalan niya. Wala akong tiwala sa kanya. Naiinis ako sa awra niya. Naiirita ako sa pagmumukha niya. Naiinis ako kung paano niya tignan si Jennie. Kung paano siya ngumiti kay Jennie.
Like, how dare she to look and smile at her like that. Arrrrggghhh! Naiinis talaga ako. Ke aga-aga kumukulo 'yung dugo ko.
Pabalang na ipinark ko ang aking sasakyan at walang sabi na ihigas kay Brent ang susi nito. Mabuti naman at agad niya itong nasalo. Mabilis na tumalikod na rin ako mula sa kanya.
"Hon, kiss ko." Parang bata na nakakunot ang noo nito habang naka nguso.
Napahinga ako ng malalim bago muling nilapitan ito atsaka binigyan ng isang mabilisang halik sa kanyang labi.
"I love you." Sabi nito na ngayon ay naka ngiti na.
"I love you too." Ganting sabi ko rin sa kanya at agad na muling tumalikod na.
Sa Cafeteria ang unang destinasyon ko dahil alam kong doon dumidiretso si Jennie kapag ganitong maaga siya pumapasok. Gutumin kasi siya at talagang mahilig sa pagkain.
Agad na iginala ko ang aking mga mata noong makarating ako rito. Awtomatiko rin na pinag piyestahan ako ng mga mata na akala mo eh hindi ako nakikita araw-araw dito sa St. Wood.
"Hi, Queen Lisa."
"Good morning, Queen Lisa."
"Acccck! You're so gorgeous talaga, Queen."
Iilan lamang iyan sa mga naririnig kong pagbati sa akin na hindi ko naman talaga pinapansin. Alam kong maganda ako. Period.
And there she is.
Nahanap ko rin ang mukha na kanina ko pa gustong makita. Naka ngiti ito ng malawak habang mayroong hawak na tray ng pagkain. Napapangiti at napapailing na lamang ako sa aking sarili bago nagsimula ng ihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya.
Noong malapit na ako rito ay saka ko lamang napansin na parang mayroong kumakausap sa kanya. Dahan-dahan na napatingin ako sa babaeng nakasunod sa kanya at sabay silang naupo sa isang bakanteng table.
Awtomatikong natigilan ang mga paa ko sa paghakbang bago napanganga in disbelief, lalo na noong mamukhaan ko ang babaeng kasama nito. Hindi ko rin mapigilan ang napatawa ng mapait habang nakapako lamang sa kanilang dalawa ang aking mga mata.
Hindi ko na hinayaan pa ang sarili ko na tignan o panoorin pa silang dalawa. Kaagad na tumalikod na ako at dumiretso sa exit ng Cafeteria. Ngunit bago pa man ako makalabas ay mayroong tatlong babae ang humarang sa akin dahilan upang muli akong matigilan.
"You know what? Hindi talaga kayo bagay na maging mag bestfriend ni Jennie, Queen Lisa. Mas bagay silang maging magkaibigan ng kasama niya ngayon. Kaya kung ako sa'yo, samin ka nalang makipag friends." Sabi ng isa sa akin.
Oh no. Please huwag ngayon. Pakiusap ko sa aking isipan. At nagsimulang magbilang ng tatlo.
Kusang napapapikit na lamang ako ng aking mga mata para kalmahin ang aking sarili.
"I agree." Sabi naman ng kasama nito.
Isa.
"She's so pathetic. Same sa kasama niya." Bago sila nagtawanan pa.
Dalawa.
"I mean, look at her. She's so jologs talaga at walang taste taste---"
Dahil doon ay mabilis kong kwenelyuhan iyong huling nagsalita dahilan upang matigilan siya. Halatang nagulat ko ito ngunit wala akong pakialam.
"Gusto mo bang gawin kong wig yang buhok mong parang walis tambo?!" Galit at naniningkit ang mga mata na sabi ko sa kanya.
Agad naman na pinagtinginan kami ng mga estudyante. I bet ganoon din si Jennie ang kasama nito na tanaw na tanaw kami mula sa lamesa kung nasaan sila. Narinig ko pa ang isang Prof. na sinaway ako, kaya mabilis ko rin itong binitiwan.
"S-Sorry, Queen Lisa." Paghingi nito ng tawad ngunit tinignan ko lamang ito ng masama bago tuluyan ng lumabas ng Cafeteria na iyon.
Gosh! Why do I feel like I'm about to explode in anger? And why do I also feel like, I'm being robbed of something I don't own?