"Anong ibig sabihin ng ngiting yan?" - Naniningkit ang mga matang tanong ni Ariella kay Reyann. Kasalukuyan silang nasa terrace ng bahay habang nagkakape, maaga nitong binisita ang kapatid dahil nag-aalala parin sya sa nangyaring pamamaril dito.
"Bawal ngumiti?" - Nangingiting tanong ni Reyann sa kanyang ate.
"Iba yang ngiti mo eh, magtapat ka nga" - Ani Ariella. "Kayo na ni Francis noh?"
Pinamulahan ng mukha si Reyann dahil sa sinabi ng kapatid, muling bumalik sa alaala nya ang ginawang pagtatapat ng damdamin kay Francis.
"Tama ako! Namumula ka" - Panunudyo ni Ariella sabay sundot sa tagiliran ni Reyann.
"Parang ewan naman 'tong si ate!" - Bulalas ni Reyann at napatayo dahil sa ginawang pagsundot ni Ariella sa kanyang tagiliran.
"Kailan naging kayo?" - Pang uusisa pa ni Ariella.
Muling naupo si Reyann at kinuha ang tasa ng kape at humigop muna ng kape bago sumagot. "Inamin ko na sa kanya kagabi na mahal ko din sya"
"Kayo na masaya" - Nangingiting sabi ni Ariella. "Sana all may jowa" - Pakantang sabi pa nito.
"Para ka talagang ewan ate! Pakanta kanta kapa jan" - Sita ni Reyann sa ate nya.
"Eto naman! Masaya lang ako for you, sana tuluyan ka ng magbago, may jowa kana" - Sagot ni Ariella at hinawakan sa pisngi si Reyann. "Dalaga na talaga ang tibo namin" - Nangingiting dagdag pa nito.
"Ang drama mo ate, di ako sanay na ganyan ka" - Naiiling na sabi ni Reyann. "Mas sanay ako na masungit ka"
"Ngayon lang 'to, bukas susungitan na uli kita" - Nakasimangot na turan ni Ariella. "Jan kana nga! Punta na'kong resto, pahinga kang maigi wag matigas ang ulo ha?" - Paalala nito kay Reyann at tumayo na.
"Opo!" - Natatawang sagot ni Reyann sa kapatid at tumayo narin ito upang samahan ito palabas ng gate.
Agad ding pumasok sa loob ng bahay si Reyann ng makaalis ang ate nito.
Dahil pinagbawalan siyang mag gagalaw masyado, nagpasya si Reyann na manuod nalang ng TV sa sala, naupo sya sa mahabang sofa at nilipat sa sports channel ang TV.
"Ay kabayo!" - Gulat na bulalas ni Reyann ng maramdaman ang pagdampi ng kung ano sa pisngi nya.
"Hey! Relax, maka kabayo ka naman" - Natatawang sabi ni Francis sa dalaga.
"Ba't kasi nanggugulat ka? Nagnakaw kapa ng halik" - Kunot noong sabi ni Reyann sa binata, bigla kasi siyang hinalikan nito sa pisngi na siyang kinagulat nya.
Naupo si Francis sa tabi ni Reyann. "Masanay kana, you're my girlfriend now, natural nalang ang mga pagnanakaw ko ng halik, next time sa lips naman" - Nakangiti at pataas taas pa ang mga kilay na sabi ni Francis.
Pinamulahan na naman ng pisngi si Reyann, kailan nga ba sya masasanay sa mga sweet gestures ng binata?
"Kinikilig kana naman" - Ani Francis at hinawakan ang pisngi ni Reyann at hinarap ito sa kanya. "Gumaganda ka lalo pag kinikilig ka" - Dagdag ng binata at walang sabi sabing hinalikan sa labi si Reyann, smack lang naman pero sapat na yon upang panlakihan ng mga mata ang dalaga at muling makaramdam ng pagkabigla.
"Abuso kana ha!" - Ani Reyann at hinampas nito sa balikat ang binata. Tinawanan lang naman sya nito.
"I know hindi kapa nagbreakfast, come on, ipagluluto kita" - Hinila ni Francis patayo ang dalaga at inakay ito papuntang kusina.
*****
"Nabusog kaba?" - Tanong ni Francis kay Reyann ng matapos silang mag almusal.
"Oo..." - natatawang sagot ni Reyann. "Kahit itlog lang at noodles ang niluto mo, nabusog parin ako, salamat sa effort" - dagdag ng dalaga at tuluyan na nga itong natawa.
"Malay ko bang yun lang ang meron ka dito sa kusina" - Natatawa naring bigkas ni Francis. "Next time magdadala na'ko ng lulutuin ko para di na'ko mapahiya sayo" - dagdag pa ng binata at bahagyang kinurot sa baba ang kasintahan.
"Sabi mo yan ah...asahan ko yan" - Sabi naman ng dalaga.
"Anyway, I'll go ahead, may kailangan akong asikasuhin sa gym, see you later baby" - Paalam ng binata at mabilis na ninakawan ng halik sa labi si Reyann, mabilis din ang ginawa nitong palayo dahil alam niyang hahampasin na naman siya ng kasintahan.
"Abuso kana talaga!" - Tinangkang habulin ni Reyann si Francis para kutusan pero mabilis din ang binata sa paglayo, tumakbo na ito palabas ng bahay.
"I love you!" - Sigaw ni Francis habang palabas na ng bahay.
"Mukha mo! Lagot ka sakin mamaya! Magnanakaw ng halik!" - Sigaw din ni Reyann. Nang makalayo na si Francis, unti-unting napangiti ang dalaga, di nya maintindihan, pero kahit na naiinis sya sa pagnanakaw ng halik ng kasintahan ay mas nananaig parin ang saya sa kanyang puso, hindi na nya kailangan pang itago ang nararamdaman niya para kay Francis.
*****
Halos isang linggo din ang ipinahinga ni Reyann. Bagot na bagot na siya sa loob ng bahay kung kaya't naisipan niyang lumabas, hindi na rin naman niya iniinda ang sugat niya sa balikat. Hindi na siya nagpaalam sa kanyang nanay Marta dahil siguradong sesermonan lang siya nito.
Banayad lang ang pagpapatakbo ni Reyann sa kanyang motor, papunta siya sa kanilang restaurant.
BLAGGG!
Huli na nang mamalayan ni Reyann na may bumangga sa kanyang likuran, dahil dito ay tumaob ang motor at tumilapon naman siya, naramdaman ni Reyann ang pagbagsak ng katawan niya sa sementadong daan, nagkagulo ang mga nakakita sa aksidente, naririnig niya ang ingay at pagpapanic ng mga tao, unti-unting iminulat ni Reyann ang kanyang mga mata, blurred ang paningin niya, pinipilit niyang makakita ng maayos pero ayaw makisama ng paningin niya hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.
*****
"Please Reyann wake up..." - Halos pagmamakaawa ni Francis habang hawak-hawak ang kamay ng kasintahan. Last week lang ay halos liparin niya ang ospital kung saan dinala si Reyann ng madaplisan ito bala ng baril, at ngayon, heto't nasa ospital na naman sila.
Halos hindi makahinga si Francis ng tawagan siya ng isang pulis para ibalita na naaksidente si Reyann, at nawalan ito ng malay. Halos mabangga na rin siya sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ng kotse makarating lang sa ospital kung saan dinala ang kanyang kasintahan.
Dahil sa lakas ng pagbagsak ni Reyann, tumama ang ulo nito sa sementadong daan, ito ang dahilan ng pagkawala ng kanyang malay.
"Kumusta siya..." - humahangos pa si Ariella ng makalapit sa hinihigaan ng kapatid, hindi niya maiwasang hindi mapaluha sa itsura ng kapatid, may malaking pasa ito sa noo, maraming gasgas lalo na sa bandang braso, at sa iba pang parte ng katawan, higit sa lahat ay wala itong malay.
"Sabi ng Doctor she suffer on a grade 3 concussion, kailangan niyang magising within 24 hours, or else she will be in coma" - malungkot na pahayag ni Francis.
Hindi na napigilan pa ni Ariella, napahagulgol na siya dala ng sobrang pag-aalala, siya lang ang nagpunta sa ospital dahil naghihisterya ang nanay Marta nila, nagpupumilit itong sumama ng ospital, kaya naman napilitan si Rico na maiwan upang samahan si Paolo sa pagpapakalma ng nanay nila.
Napaupo na lamang si Ariella sa bakanteng upuan na malapit sa kanya dala ng panghihina, hindi na ito umimik pa at tahimik nalang na umiyak at nanalangin na sana ay gumising na si Reyann.
*****
Puting kisame ang bumungad sa paningin ni Reyann pagmulat ng kanyang mga mata, nang idako niya sa ibang direksyon ang paningin, namataan niya si Francis, nakadukdok ang ulo nito sa kama, nakatulog ito habang nakaupo. Kahit hirap pang gumalaw, pinilit ni Reyann na igalaw ang kanyang kamay upang mahawakan ang pisngi ng kasintahan.
Nagising si Francis dahil sa pagdampi ng kamay ni Reyann sa pisngi niya.
"You're awake!" - bulalas ni Francis. Napatayo pa ito at hinalikan sa noo ang dalaga.
"Ouch..." - mahinang daing ni Reyann, bahagyang natamaan ang pasa niya sa noo.
"Sorry baby.." - malambing na paghingi ng tawad ng binata, nginitian lamang siya ni Reyann. "Wait, I'll call your Doctor" - Ani Francis at mabilis na nakalabas at tinawag ang doktor na naka assign kay Reyann.
Mabilis naman ang pagbalik ni Francis kasama na ang doktor. Naupo muna si Francis sa sofa na may kalayuan sa kama ni Reyann, hinayaan na muna niyang matingnan ito ng doktor.
After a few minutes ay natapos na din ang pag-e-examine ng doktor kay Reyann.
"Normal naman ang lahat, she remember everything, no signs of internal bleeding, and base on her x-rays and CT-scan, nothing to worry about, she just need to rest and take some medicine, and eat healthy foods as well for her fast recovery" - paliwanag ng doktor. Nakahinga ng maluwag si Francis, torture para sa kanya ang pagkakawala ng malay ni Reyann.
Nagpasalamat si Francis sa doktor, umalis na din agad ang doktor matapos ibilin ang mga gamot na dapat inumin ni Reyann.
"You scared me a lot!" - Ani Francis at hinagkan ang kamay ni Reyann. "Thank God at walang malalang nangyare sayo, kung hindi, baka mas mauna pa 'kong mamatay kesa sayo"
"Ang O.A mo..." - matatawang sabi ni Reyann. "Sorry kung...pinag-alala ko kayo" - mabagal na dagdag nito, hirap pa siyang magsalita ng mabilis dahil sa panghihina, nakakaramdam na rin siya ng gutom.
"Don't say sorry baby, di mo ginusto ang nangyare, aksidente yon" - Sabi naman ni Francis at muling hinagkan ang kamay ng kasintahan. "What do you want to eat? I'm sure gutom kana, 14 hours kanang tulog"
"14 hours?" - hindi makapaniwalang tanong ni Reyann.
"Yes, 14 hours..." - napapatangong sagot naman ni Francis.
Natahimik si Reyann, ganon katagal siyang tulog, ganon kahaba ang oras na pinag-alala niya ang mga taong mahal niya sa buhay, nagsisisi siya kung bakit ipinilit pa niya ang gustong makaalis ng bahay, nakokonsensya siya dahil sa katigasan ng ulo niya.
Kasalanan ko 'to...
Paninisi ni Reyann sa kanyang sarili.
To be continue...