Chereads / THE BOYISH AND THE PLAYBOY / Chapter 26 - CHAPTER 25

Chapter 26 - CHAPTER 25

A/N - Lubus-lubusan po ang aking pasasalamat sa mga nagbasa at nagbabasa pa sa story na ito, binasa ko ulit ito at sobrang natouch ako dahil hindi ako makapaniwala na may mag-aabalang basahin ito. Ilang beses akong nakaranas ng kawalan ng gana sa pagsusulat, pero dahil sa pagbabasa ng comments ay nainspire ulit ako na tapusin ang story nila Francis at Reyann. Sa mga sumubaysay sa story na ito sana po ay suportahan din ninyo ang iba ko pang stories. Muli, mula sa inyong ate yanagi, maraming-maraming salamat po.

*****

Nakalabas na ng ospital si Reyann, mabilis lang ang naging recovery nito mula sa aksidente, lumipas ang ilang linggo na walang nagtatangka sa buhay niya, malamang ay nagpalamig muna ang kung sino mang nananakot sa kanya. Ngunit sa kabila ng pananahimik ng buhay niya ay may napansin siya sa kasintahang si Francis, hindi na kasi niya ito madalas makasama, laging dahilan ng binata ay busy siya. Ayaw man sanang pansinin ni Reyann ang kawalan ni Francis ng oras sa kanya ay hindi nya maiwasang hindi magdamdam. Katulad ngayong gabi, nangako ang binata sa sasabay itong magdinner sa kanila, pero natapos na silang magdinner at pasado alas diyes na ng gabi ay wala parin ang binata. Sa sobrang sama ng loob ay lumabas ng bahay si Reyann, dala ang helmet at pagkatapos ay sumakay sa kanyang motorsiklo, kailangan niya ng distraction para hindi siya mapraning sa posibleng dahilan ng panlalamig ni Francis. Kilala niyang may pagka chikboy ang binata kung kaya't naiisip niya na posibleng bumalik sa dating pagiging chikboy ang kanyang kasintahan.

Makalipas ang kinse minuto ay narating ni Reyann ang racing track na matagal tagal narin niyang hindi napupuntahan, napangiti siya ng makita ang mga humaharurot na motor, nakaramdam siya ng pananabik na muling kumarera.

"Hey Reyann! Long time no see" Nakangiting bati ng isa sa dating nakakalaban ni Reyann sa motor racing, nakipag high five pa ito sa kanya. "May laban kaba tonight?" Tanong nito.

"Wala, nandito lang ako para manuod, bored lang sa bahay" Sagot ni Reyann.

"Sayang, akala ko pa naman makakalaban kita" Nanghihinayang na sabi ng lalakeng nagngangalang Robin. "Nagka boyfriend kalang humina kana yata sa racing" Dagdag pa nito.

Napabuntong-hininga naman si Reyann. "Hindi naman, di bale next time magpapa schedule ako ng laban" Sabi ni Reyann sa kausap.

"Asahan ko yan ah" Ani Robin. "I'll go ahead, see you around" Paalam nito.

Tumango lang si Reyann, pagkatapos ay naghanap na ito ng mauupuan upang makapanood ng laban.

*****

Alas tres na nang madaling araw ng makauwi si Reyann, dumaan pa kasi siya sa isang bar at nakainom din ng ilang bote ng beer, papasok na sana siya sa terrace ng bahay ng matigilan sya, may nag-aabang sa kanya, si Francis.

"Where have you been?" Madilim ang mukhang tanong nito kay Reyann. Hindi agad nakasagot ang dalaga. "Ang sabi ko saan ka galing?" Pagtatanong muli ng binata.

"Jan lang" Walang ganang sagot ni Reyann at tuluy-tuloy na siyang pumasok ng bahay.

"Alam mo ba kung anong oras na?" Tanong uli ni Francis, nakasunod siya kay Reyann.

"Alas tres?" Sarcastic na sabi ng dalaga.

"Yeah right! It's already 3 in the morning, ano bang pinaggagawa mo? Amoy alak kapa!" Mahina pero may diin na sabi ni Francis.

"Naglibang lang, nabuburyo na'ko dito sa bahay!" Inis na sagot ni Reyann, masama parin ang loob niya sa kasintahan, ilang beses narin siyang pinaasa nito na sasabay sa kanila sa dinner pero hindi naman sumisipot.

"Look at you! Bumabalik kana naman sa dati!" Panenermon ng binata kay Reyann. Hinarap naman ito ni Reyann.

"Kapag ba lagi kang ginagabi may naririnig ka bang reklamo sakin? Di ba wala naman?!" Inis na sumbat ng dalaga. "Kaya huwag ka ring magreklamo sa mga bagay na gusto kong gawin!" May kalakasang bigkas pa ni Reyann, napapitlag pa si Francis sa biglang pagtaas ng boses nito.

Sinamantala ni Reyann ang pananahimik ni Francis, umakyat na siya sa kanyang kwarto, gusto na niyang makapag pahinga, hindi niya namalayan na nakasunod parin pala sa kanya ang binata, akma niyang isasarado ang pintuan ng kwarto niya ng pigilan ito ng binata.

"Baby, let's talk" Pakiusap ni Francis. "Ayokong nagkakaganito tayo"

Pinukol ng masamang tingin ni Reyann ang kasintahan. "Sabihin mo nalang sakin ng harapan kung may ibang babae ka nang kinababaliwan! Hindi yung ganyan na pinaparamdam mong wala ka ng oras sakin!" Ani Reyann.

Napangiti nalang bigla si Francis. "Selos ka? Wala akong babae kung yan ang iniisip mo" Nakangiting sabi nito sa kasintahan.

"Babaero ka dati diba? Malay ko paba kung bumalik ka sa pambababae mo!" Irita paring sabi ni Reyann, kitang-kita ang pagseselos sa mukha nito.

"Ikaw lang ang babae ko" Anang binata at niyakap ang kasintahan. "I'm sorry kung palagi akong busy, hindi naman babae ang inaatupag ko, para din yon satin, sa future natin" Dagdag pa ni Francis.

"Ikaw kasi! Ni hindi ka nagsasabi sakin kung anong pinagkakaabalahan mo!" Pagmamaktol parin ni Reyann.

Bumitaw sa pagkakayakap si Francis, pagkatapos ay inakay niya ang dalaga papasok ng kwarto, umupo sila sa kama, hinawakan niya ang kamay nito at diretsong tiningnan sa mga mata. "This past few days na palagi akong wala, yon ay dahil inaasikaso ko ang negosyong pinapa manage sakin ni Papa" Panimula ni Francis.

"Okey na kayo ng Papa mo?" Takang tanong ni Reyann.

Tumango si Francis. "Yes, after ng mga nangyaring pagtatangka sa buhay mo, nagdecide ako na makipag ayos na kay Papa, kailangan ko ang tulong niya para maprotektahan ka" Paliwanag ni Francis. "Mabilis naman akong napatawad ni Papa, hinihintay niya lang pala na magpakumbaba ako at makipag ayos na sa kanya, kaya lagi akong busy dahil tinanggap ko ang trabahong binigay sakin ni Papa, ako na ngayon ang nagma-manage ng construction company namin" Mahabang paliwanag ng binata.

"Sorry kung pinagdudahan kita" Ani Reyann, bigla siyang nakonsensya.

"I understand baby, but please don't do this again, wag kana ulit umalis at magpagabi ng mag-isa sa labas, natatakot ako na baka may magtangka ulit sayo" Hinawakan ng binata ang pisngi ng kasintahan.

Napapikit ang dalaga at hinawakan ang kamay ni Francis na nakahawak sa kanyang pisngi. "Sorry talaga, sorry kung palagi nalang kitang pinag-aalala"

"I love you my Reyann" Taos pusong sabi ni Francis.

"Mahal din kita" Nakangiting sabi ni Reyann.

Napangiti si Francis, hinalikan niya sa noo si Reyann. "I love you more"

*****

Matapos ng madamdaming pag-uusap nila Francis at Reyann ay nagpasya ng umuwi si Francis sa sarili niyang bahay. Kailangan na rin niyang magpahinga, dahil bukod sa trabahong ibinigay ng Papa niya ay may isa pa siyang pinagkakaabalahan, iyon ay ang paghahanap sa taong nagtatangka sa buhay ng pinaka mamahal niyang si Reyann. May mga clue na siyang nahanap, konti nalang at malalaman na niya kung sino nga ba ang nangangahas na paghiwalayin sila ng dalaga.

Kinaumagahan kinailangang umalis ni Francis, kahit dalawang oras lang ang tulog niya ay pinilit niyang bumangon, kailangan niyang magpakitang gilas sa Papa niya, kailangang maibalik na ang buong access niya sa mga bank accounts na bigay ng Papa niya sa kanya, dahil kailangan nya ng pera upang mapabilis pa lalo ang ginagawa niyang paghahanap sa taong gumugulo sa relasyon nila ni Reyann. Hindi sya makakapayag na may humadlang sa pagmamahalan nila.

To be continue...

*****

Sensya na po yan lang nakayanan, bawi nalang sa next update.