Abala si Francis sa pagrereview ng contract ng bago nilang project ng pumasok ang secretary niya. "Sir may gusto pong kumausap sa inyo"
"Who?" Tanong ni Francis na hindi tinitingnan ang kausap.
"Good afternoon Mr. Tan, may I come in?" Boses ng isang matandang lalake, napaangat ng tingin si Francis.
"Mr. Perez" Bigkas ng binata ng makilala ang matanda, ito ang Daddy ni Jessica, isa sa mga babaeng nakafling niya noon. "Come in" Anito at iminuwestra ang swivel chair sa harap ng table nya. "How may I help you Mr. Perez?" Pormal na tanong ni Francis.
"This morning I already talk with your father about merging and expanding our both businesses" Simula ng matandang si Mr. Perez. "Sinabi ko na ipakasal ka at ang only daughter ko, you already know her, right?" Napakunot noo si Francis? Kasal? Pumayag ang Papa niya? "Your father told me na ikaw daw dapat ang kausapin ko, dahil hindi daw siya nanghihimasok sa personal na buhay mo" Napahinga ng malalim si Francis, mabuti nalang at hindi pumayag ang Papa niya, mas importante parin siya kesa sa negosyo nila.
"Merging and expanding our business is a good idea, but I'm so sorry sir, may girlfriend po ako and I'm planning to marry her anytime soon" Sabi ni Francis sa matandang Perez, napansin niya ang pagtiim bagang nito.
"I heard that your girlfriend have nothing but the old restaurant that they inherited from thier father" Nakangising sabi ni Mr. Perez, napakunot noo si Francis sa tinuran ng matanda. "Bilang tagapagmana, hindi yata nababagay na makasal ka sa babaeng hindi mo katulad ang estado sa buhay, at higit sa lahat, ang alam ko puro away at pagbubulakbol lang ang alam ng sinasabi mong girlfriend mo" Dagdag pa ni Mr. Perez, tuluyan ng nagsalubong ang kilay ni Francis. "My daughter, Jessica, is way much better than her"
Napatayo si Francis sa sobrang galit, nagagalit siya sa ginagawang pang-iinsulto ng matanda sa babaeng mahal niya. "Stop insulting my future wife! You don't know her that much!" May kalakasang bigkas ni Francis. Walang sino man ang pwedeng mang-insulto sa babaeng pinakamamahal niya.
Tumayo narin si Mr. Perez, nakangisi parin ito, tila tuwang-tuwa sa nakikitang pagkapikon ng binata. "One of this days ay iiwan karin ng sinasabi mong future wife Mr. Tan" Hindi na hinintay pa ni Mr. Perez na makasagot si Francis, tumalikod na ito at tuluyan ng umalis.
Sa sobrang galit ay nasuntok ni Francis ang lamesa, at dahil sa pagkaka-alog nito ay nahulog ang maraming mga papeles at kung anu-ano pang nasa lamesa. Biglang napapasok ang secretary ni Francis ng marinig ang kalabog, natataranta itong lumapit at pinagdadampot ang nagkalat na papeles. Napahilot hilot sa kanyang sentido ang binata.
"Sino ba sya sa akala nya para insultuhin si Reyann? D*mn him!" Sabi ni Francis sa kanyang sarili.
Hindi na naging maayos ang mood ni Francis mula ng magkausap sila ni Mr. Perez, hanggang sa makauwi siya kinagabihan ay pangit parin ang mood niya.
"Malapit nang magdikit ang mga kilay mo" Bahagyang nagulat si Francis ng may magsalita pagpasok niya sa sala.
"Baby" Gulat na sabi ng binata. "I'm glad you're here" Bigla nalang napayakap si Francis kay Reyann, kailangan niya ito para gumanda ang mood niya. Yumakap naman pabalik si Reyann sa kanyang kasintahan.
"Mukhang bad mood ka, masyado kabang napagod sa trabaho?" Tanong ni Reyann habang magkayakap sila.
"Yes, but I'm okey now, nakita na kita eh" Napapangiting sagot ni Francis. Nanatili silang magkayakap sa loob ng ilang minuto, tuluyan ng gumanda ang mood ng binata.
*****
"Masarap ba?" Tanong ni Reyann, tinutukoy nito ang adobong niluto niya, kasalukuyan silang kumakain ng hapunan ni Francis.
"Masarap syempre, luto mo eh" Sagot ng binata. Sinamaan siya ng tingin ng dalaga, bahagyang natawa si Francis. "Why you're looking me like that?" Natatawang tanong nito.
"Sinungaling! Alam ko hindi yan masarap" Nakasimangot na sabi ni Reyann.
"What do you want me to say?" Natatawa paring tanong ni Francis.
"Yung totoo syempre" Ani Reyann.
"Fine! Maalat, pero konte lang" Nangingiting sabi ni Francis.
"Yan! Ganyan dapat, paano ako mag-i-improve sa pagluluto kung lagi mong sinasabi na masarap" Seryosong sabi naman ni Reyann.
"Thank you for this" Sincere na wika ng binata at tiningnan ng diretso sa mata ang kasintahan.
"Thank you? Bakit?" Natatawang tanong naman ni Reyann.
"Thank you kasi nag effort kang ipagluto ako, alam ko naman na hindi mo hilig ang pagluluto pero ginawa mo parin" Ani Francis.
"Sus! Para yun lang eh, paminsan-minsan kailangan ko rin matuto ng ibang bagay" Napapabuntong hiningang wika ni Reyann. "Kesa naman pakikipag karera lang ang alam ko, madagdagan man lang kahit konte ang kaalaman ko"
"Hey! Don't degrade your self, alam ko marami kapang alam gawin" Ani Francis at hinawakan ang kamay ni Reyann na nakapatong sa mesa. Napangiti naman ang dalaga.
"Salamat ah, kasi tanggap mo kung ano ako" Nakangiting sambit ni Reyann. "Ba't nga ba minahal mo'ko?"
Nagkibit-balikat lang ang binata sa tanong ng dalaga. "I don't know, kailangan ba may dahilan para mahalin ka? All I know is, i love you whoever you are" Sagot ni Francis. "E ako ba't mo'ko love bukod sa gwapo ako?"
Natawa si Reyann. "Wow ha! Gwapo ka?" Natatawang tanong nito sa binata.
Natawa narin si Francis. "Bakit? Hindi ba? Kaya ka nga nainlove sakin eh" Ani Francis.
Tuluyan ng natawa si Reyann, "Oo na ikaw na ang gwapo!" Anito.
Naging masaya ang hapunan ng magkasintahan, nawala ang agam-agam at pinili nilang maging masaya sa kabila ng posibilidad na may mga taong gustong paghiwalayin sila.
*****
Kinaumagahan ay nagising si Reyann sa maingay na ringtone ng cellphone nya, napilitan siyang magmulat at kinapa-kapa sa ilalim ng unan ang cellphone. Nang makapa ang cellphone ay agad niyang tiningnan kung sinong tumatawag mula pa kanina, si Ariella.
"Hello-" Hindi pa man natatapos maghello si Reyann ay pag-iyak agad ni Ariella ang narinig niya, napabangon tuloy siya mula sa pagkakahiga. "Ate! Bakit-" Hindi na naman natapos ni Reyann ang tanong at naunahan siya ni Ariella.
"Na-nasusunog ang resto!" Umiiyak na wika ni Ariella.
"Ano?!" Gulat na tanong ni Reyann. "Papunta na'ko jan!" Hindi na niya hinintay pang sumagot ang kapatid at pinatay na ang tawag, pagkatapos ay tumayo na siya, nagmadali siya sa pagpapalit ng damit, wala na siyang oras para maligo at mag-ayos, nasusunog ang restaurant nila!
Mabilis na nakarating si Reyann sa kinaroroonan ng restaurant nila, pagdating niya ay may mga rumesponde ng mga bombero, nakita niya ang mga kapatid na nasa katapat na tindahan ng restaurant nila, agad niyang nilapitan ang mga ito. Walang humpay sa pag-iyak si Ariella, panay naman ang mabibigat na buntong hininga ni Rico.
"Pano nangyari 'to?" Naguguluhang tanong ni Reyann, kitang-kita niya kung pano unti-unting gumuho ang restaurant na pamana pa ng Tatay nila.
"Pa-pagdating namin ni Rico nasusunog na" Umiiyak paring sabi ni Ariella. "Mabuti nalang at wala pang tao sa loob"
Unti-unti naring naluluha si Reyann, ang pamana ng Tatay nila, ang pinaghirapang itayo at itaguyod ng Tatay nila ay unti-unti nang nawawala sa isang iglap lang.
Tinapik-tapik ni Rico ang balikat ni Reyann ng mapansing iiyak narin ito. "Wala na tayong magagawa, ang importante ay walang nasaktan" Sabi nito sa kapatid. Tuluyan ng naiyak si Reyann, parehong niyakap ni Rico ang mga kapatid. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Reyann, kung kaya't napilitan siyang humiwalay sa yakap ng kapatid.
"Sasagutin ko lang 'to kuya" Paalam ni Reyann, tumango lang ang mga kapatid niya. Bahagya siyang lumayo sa mga ito.
"Sino to-" Hindi pa man tapos magtanong si Reyann ay may nagsalita na sa kabilang linya.
"Masarap bang pagmasdan ang pagguho ng kabuhayan niyo?" Tila binuhusan ng malamig na tubig si Reyann sa narinig, may sadyang nagpasunog ng restaurant nila.
"G*go ka! Sino ka?!" Galit na tanong ni Reyann, sa halip na sumagot ay tumawa lang ang nasa kabilang linya.
"Kapag hindi mo pa hiniwalayan si Francis Tan, ang mga mahal mo sa buhay naman ang susunugin ko ng buhay!" Malademonyong tinig ng nasa kabilang linya, nanginig ang katawan ni Reyann sa pinaghalong takot at galit. Bigla nalang namatay ang tawag. Nanginginig ang kamay ni Reyann, muntik pa niyang mabitawan ang cellphone niya.
Siya pala ang dahilan ng pagkakasunog ng restaurant nila, buong akala niya ay tumigil na ang mga nagtatangka sa buhay niya, yon pala ay umisip lang ito ng panibagong plano para patiklupin sya, at sa pagkakataong ito ay tila bibigay na siya, pamilya na niya ang nadadamay, ang pagtatangka sa buhay niya ay kayang-kaya niya, kahit mamatay pa siya ay okey lang sa kanya, pero kapag isa sa pamilya niya ang mapahamak ay hindi niya kaya, di baleng siya nalang, wag lang ang pamilya niya. Ang daming gumugulo sa isipan niya, paano si Francis? Masasaktan niya ang lalaking kauna-unahan niyang minahal. Tila sasabog na ang utak ni Reyann.
"Anong gagawin ko?" Naitanong niya sa kanyang sarili, ano nga bang dapat niyang gawin?
To be continue....