Hindi parin makapaniwala si Reyann sa mga nangyayari. Paulit-ulit niyang itinatanong sa kanyang sarili kung bakit humantong sa ganito ang lahat, bakit pati kabuhayan nila ay kailangang mawala? Ganon na ba kalaking kasalanan ang mahalin si Francis?
Nakauwi na si Reyann sa kanyang tinutuluyang bahay, si Ariella at Rico naman ay kausap pa ang mga opisyal ng fire department para sa imbestigasyon ng pagkakasunog ng restaurant nila. Gustung-gustong magsalita ni Reyann na sinadyang sunugin ang resto nila pero mahigpit ang bilin ng taong may pakana ng lahat, buhay ng pamilya niya ang nakasalalay kapag nagsalita sya.
"Ikaw lang ba? Asan ang mga kapatid mo?" Bungad na tanong ni nanay Marta kay Reyann pagpasok palang sa terrace ng bahay. Mukhang kanina pa ito naghihintay.
Hindi kaagad nakasagot si Reyann sa tanong ng nanay nya, sa halip ay napaupo nalang ito sa malapit na upuan. Bigla siyang nanghina, ngayon lang sya nakaramdam ng sobrang panghihina, ni sa pakikipag-away ay hindi sya nakaramdam ng ganitong panghihina, tanging mahal sa buhay nya ang nakakapagpahina sa kanya.
"Reyann, tinatanong kita, asan ang mga kapatid mo?" Pag-uulit ni nanay Marta sa tanong.
Huminga muna ng malalim si Reyann bago sumagot. "Kausap pa nila ang mga taga fire department, para daw po sa imbestigasyon" Bahagyang pumiyok ang boses ng dalaga sa huling sinabi, para siyang maiiyak sa tuwing maaalala na sya ang dahilan kung bakit nawalan sila ng hanapbuhay.
Naupo si nanay Marta sa tabi ni Reyann, at pagkatapos ay walang pasabing niyakap ang anak. "Magpasalamat parin tayo dahil walang nasaktan na kahit sino, lalung-lalo na sa inyong magkakapatid. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda sa inyo" Madamdaming bigkas ni nanay Marta. Lalo tuloy naiyak si Reyann, para siyang batang umiyak ng umiyak sa kanyang nanay.
******
Mabilis na nakarating kay Francis ang balita tungkol sa pagkakasunog ng restaurant nila Reyann, ngunit gustuhin man niyang puntahan ang kasintahan ay hindi nya magawa dahil nasa kalagitnaan sya ng meeting.
"Francis, are you okey? You look bothered" Pabulong na tanong ni Mr. Henson sa anak, magkasama sila sa meeting, balak na din kasing ipa-manage ni Mr. Henson ang Shoe Factory nila kay Francis kung kaya't isinasama nya ito sa mga meetings na kasama ang mga investors at executive officers.
"Nasunog ang resto nila Reyann" Mahinang sagot ni Francis sa ama.
Nangunot ang noo ng matanda, bakas sa mukha nito ang pagkagulat, maya-maya ay napabuntong hininga na lamang ito. "You may go" Ani Mr. Henson kay Francis, batid niyang sobra na itong nag-aalala para sa kasintahan.
"Are you sure Pa?" Paninigurado ni Francis sa ama.
Nakangiting tumango si Mr. Henson. "Marami pa namang oras para matutunan mo ang lahat tungkol sa mga businesses natin" Anang matanda at tinapik tapik nito ang balikat ng anak. "Kailangan ka ng girlfriend mo"
Napangiti narin si Francis. "Thank you Pa" Aniya at tumayo na. "I'll go ahead" Paalam nito sa ama, tinanguan na lamang sya ng ama.
Mabilis ang naging pagkilos ni Francis, sa ilang saglit lang ay narating nya ang bahay nila Reyann. Nadatnan nya ang buong mag-anak sa sala, agad niyang hinanap ang kasintahan at ng mamataan ito ay mabilis niyang nilapitan at niyakap.
"Thank God you're safe" Nasambit ni Francis habang yakap ang kasintahan. Wala namang naging tugon si Reyann.
Humiwalay na sa yakap si Francis at hinarap ang kasintahan, wala itong reaksyon, hindi katulad ng dati na kapag nagkikita sila ay palagi itong nakangiti, naiintindihan nya ito, hindi biro ang nangyari sa kanila, sa isang iglap ay nawala ang kabuhayan nila.
"Don't think to much, ibabalik natin ang resto nyo, hihingi ako ng tulong kay Papa para maipatayo uli ang resto" Ani Francis, pilit pinapagaan ang loob ng kasintahan at ng pamilya nito.
Napailing si Reyann. "Hindi na, nakapag-usap na kami nina ate, uuwi nalang kami sa probinsya at dun ulit magsisimula" Wala paring reaksyong sabi ni Reyann.
"But babe, ayokong malayo sayo" Parang batang turan ni Francis. Hindi na naman umimik si Reyann, sa halip ay tumalikod ito at nagsimulang naglakad patungo sa pintuan papunta sa likod ng bahay kung saan sya laging nag-eensayo ng boxing. Sumunod naman si Francis.
"Babe..talk to me please" Pakiusap ni Francis, kanina pa sya nag-aalala sa pinapakitang asal ng kasintahan.
Huminto sa paglalakad si Reyann at nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga. "Tama ka, kailangan nating mag-usap" Ani Reyann at hinarap ang binata.
"About what?" Nagtatakang tanong ni Francis.
"Maghiwalay na tayo" Diretsong sabi ni Reyann, wala paring reaksyon ang kanyang mukha.
Napailing naman si Francis, hindi sya makapaniwala sa sinabi ni Reyann. "You must be kidding me" Aniya.
"Seryoso ako" Seryoso namang sabi ng dalaga. "Maghiwalay na tayo"
"Don't do this to me Reyann. I don't get it, bakit?" Nagtataka at hindi makapaniwalang tanong ni Francis.
"Wag ka ng magtanong! Basta ayoko na! Tigilan na natin 'to!" Pasigaw na sagot ni Reyann. Napapitlag ang binata sa inasta nito.
"Is it about the threat? May nanggugulo ba ulit sayo?" Kunot-noong tanong ng binata. Hindi nakasagot si Reyann, kung kaya't na-gets ni Francis na may kinalaman nga ang pagbabanta sa buhay ng dalaga kaya ito nakikipag hiwalay. "I get it" Naluluhang bigkas ni Francis, pilit pinipigilan ang luhang gusto ng kumawala sa mga mata nya. "If that's what you want, fine! Maghiwalay tayo, for NOW!" Dagdag ng binata at binigyang diin ang salitang NOW. "Only for now, habang magulo pa ang lahat, I promise na hahanapin ko ang may kagagawan ng lahat ng 'to! Pagbabayarin ko sya sa panggugulo satin!" May kalakasang sambit ng binata.
"Gulo lang yang binabalak mo" Napapailing na sabi ni Reyann.
"I don't care! Gulo ang binigay nila satin kaya bibigyan ko sila ng giyera!" Galit na sambit uli ng binata.
Napahinga nalang ng malalim si Reyann, ayaw na niyang makipagtalo pa, pagod na sya, at wala na siyang lakas upang makipag bangayan. "Bahala ka, gawin mo ang gusto mo" Aniya at tinalikuran na muli ang binata.
"Promise me that you will never stop loving me, please Reyann" Nakikiusap ang tinig ni Francis.
Napakagat sa kanyang ibabang labi ang dalaga. "Hindi ko alam" Sagot nito kay Francis, wala siyang natanggap na sagot sa halip ay naramdaman na lamang niyang may yumakap sa kanyang likuran. Hindi nakagalaw si Reyann, hinayaan na lamang niyang yumakap sa kanya ang binata kahit sa huling pagkakataon man lang. Hindi na nya narinig pang magsalita si Francis, sa halip ay puro hikbi nalang ang narinig nya at naramdaman niya ang pagkabasa ng kanyang balikat. Umiiyak si Francis. Parang dinudurog ang puso ng dalaga sa nasasaksihang pag-iyak ng taong mahal nya, gusto naring kumawala ng mga luha nya pero mas pinili niyang magpakatatag, tumingala sya upang pigilan ang mga nagbabadyang luha.
Ilang minuto din silang nasa ganoong sitwasyon, nang humupa ang nararamdaman ay kusang humiwalay si Francis sa pagkakayakap kay Reyann. "I have to go, lagi ka sanang mag-iingat, I love you" Aniya at hindi na hinintay pang sumagot ang dalaga, mabilis itong umalis.
Pag- alis ni Francis ay bumuhos ang lahat ng nararamdaman ni Reyann, napaupo nalang sya sa sobrang panghihina, at maya-maya ay bumalong na ang luha sa kanyang mga mata, hanggang sa napahagulgol nalang sya, sobrang sakit ng nararamdaman nya. Mahal nya si Francis pero mahal din nya ang pamilya nya, hindi madali para sa kanya ang mamili subalit kailangan niyang gawin.
Itutuloy...