Chapter 3 - 3

Chapter 3

- Zeir's POV -

Ngayon ay nandito na ako sa D-Dinners kasama si Porsche. Masaya kaming kumakain sa habang nag-uusap din. Panay ang pagpapatawaa nito at nakikitawa naman ako.

"How's work?" Tanong ko.

"It's still f*cked up. Parang ayoko na maging model. May mga kumukuha nga ng litrato sa ating ngayon, ehh." Nakasimangot nyang sabi. Natawa naman ako. Pasimple kong inikot ang paningin ko habang mahinang tumatawa.

Tatawa-tawa pa ako habang nakikita ko ang mga nakatagong sa paligid namin at pasimple kaming pini-pictur-an. Pero sa isang tao tumuon ang mata ko, sa isang babaeng masama ang tingin kay Porsche.

At alam mo kung sino iyon? Sya lang naman ang babaeng matagal nang may gusto sa akin, si Jenny. Hindi nya napansing nakatingin ako sa kanya dahil ang huong atenayon nya ay tanging nakay Porsche lang.

Nang maglipat sya ng tingin sa akin ay napalunok ako. Sobrang sama kasi ng tingin nya kay Porsche at mas lalong sumama ng sakin na tumama ang tingin nya.

"She's creepy." Biglang sabi ni Porsche.

"Huh?" Nalilito kong tanong.

"I mean, si Jenny. She's creepy." Natatawang sabi nya. "Her eyes is locked from us since we get here. And, kanina pa masama ang tingin nya sa akin, lalo na sayo." Natatawang sabi nya.

"Really?"

"Are you in a relationship with her?" Biglang tanong nya.

"Not yet." Nakangisi kong sabi na nagpatawa sa kanya. Kalaunan ay natawa na din ako sa sarili ko.

"Good luck." Natatawang sabi nya.

"Yeah, right." Kunwaring pagsang-ayon ko sa kanya.

"By the way, how's tita?" Bigla nyang tanong.

"She's fine, as always." Natatawa kong sabi.

"About that girl, she's beautiful, huh?" Parang nanunuksong sabi nya.

"Yeah." Pagsang-ayon ko.

"You like her?" Tanong nya.

"No." Mabilis kong sagot.

- Jenny's POV -

Hindi ako makapaniwala dahil nakita na ako ni Zeir kanina pero hindi parin sya gumawa ng kahit na anong reaksyon o aksyon. Tinawanan nya lang ako na parang nakakatawa pa ang ginawa ko.

Ngayon ay nakatingin parin kaming tatlo sa dalawang mukhang enjoy na enjoy sa pinag-uuspan nila. Minsan pa ay tumitingin-tingin pa si Zeir at yung babae sa amin at parang tawang-tawa.

"Grabe, ohh. Ang manhid ng dalawa..." Parang hindi makapaniwalang sabi ni Chanel.

"Sana oll may bebe." Singit ni Angeline.

"Sana oll may ka-date." Parang naiingit na sabi ni Kristine tapos kinuha ang phone nya. "Hello, sweetheart. Oo, punta ka nga dito. Oo, date tayo." Sabi nya tapos binaba na ang phone. "Una na muna ako, mag-da-date kami ni Lorenze." Tumayo na sya tapos bumeso sa akin.

"Ako din, yayain ko din si Santi." Sabi naman ni Ara pagkatapos nyang tumayo.

"You're going to a date with him?" Takang tanong ni Chanel.

"Nope. Magpapalibre lang ako." Nakangiting sabi nito tapos bumeso din sa akin. "Bye." Sabay nilang sabi ni Kristine.

"Pero---"

"Uwi na din ako. Cheer up, sis. Kaya mo yan." Sabi nya tapos pinakita ang kamay nya. "Fighting!" Mahinang sabi nya tapos sabay-sabay silang tatlo umalis.

"Hoy! I'm still here! Sama nyo na ako!" Sigaw ko pero hindi na nila narinig. Tumayo ako tapos kinauupuan ko tapos nagpunta ng counter at binayaran ang kinain namin tapos umalis ng D-Dinners.

Dahil wala naman akong ibang mapupuntahan at ayoko pang umuwi ay dumiretso ako ng D's Bar. Pagkarating ko doon ay may kaunti nang tao dahil pasado alas-sais na.

"Ohh, ate Jen?" Bakas sa tono ni Kendric ang pag-aalala.

"Pahingi nga ng isang vodka." Sabi ko. Agad naman syang sumunod at kinuhaan ako ng vodka. Pagkatapos kong inomin iyon ay nagsalita si Kade.

"Gusto mo bang ipasundo ka na namin?" Tanong nya.

"Ok lang. Uuwi na ako, salamat sa vodka." Sabi ko tapos inabot sa kanya ang bayad at mabilis na umalis ng D's Bar.

Nang makarating ako ng bahay ay nandoon na si Kuya Gerry, Jonny, Genson, Mommy, and Daddy. Nagtaka ako dahil parang nag-aalala silang lahat sa akin.

Ito ang maganda sa mga myembro ng Dynasty. Lahat kami ay parang pamilya na dahil magkakaibigan ang mga ama namin at yung iba ay magkakaibigan ang mga ina.

Lahat kami ay mapag-alaga sa lahat kahit na iniisip ng maraming tao na lahat kami ay magkakakumpitensya. Lahat kami ay hindi ganon ang isa't isa, lalo na kaming mga ikatlong salin-lahi.

Sa totoo lang, mahirap makapasok at maging isang myembro ng Dynasty. Kung anak ka ng isang myembro ay bawas na ang requirements mo pero hindi iyon required kung asawa ka o kaibigan maliban kung may maiipapakita ka.

Masyadong tahimik ang Black Dynasty noon. Dahil hindi pa marami ang myembro nito at hindi din maingay gumalaw ang naunang henerasyon. Pero umingay ng maging myembro na kaming mga ikatlong henerasyon.

"Anak, are you ok?" Salubong sa akin ni Mommy.

"Gusto mo bang mag-file na tayo ng kaso?" Tanong ni Kuya Genson. "Mag-file na ba ako ng warrant of arrest?" Tanong nya pa.

"I'm ok. I can handle." Sagot ko sa kanila at nginitian sila.

"Gusto mo na bang magpahinga? Parang ang Pagod na pagod ka na, ehh." Nag-aalala pang sabi ni Kuya Jonny.

"Ito na ang ba ang sinasabi ko." Biglang sabi ni Mommy. "Is this a curse, Johnson?" 

"Curse?" Tanong ko?

"Hehe. Joke lang iyon, anak." Natatawang sabi ni Mommy. Parang nakahinga naman ng maluwag sina Kuya.

"Sige na, umakyat ka na." sabi ni Kuya Genson at dahan-dahan akong hinatid sa kwarto ko. Nang makarating ako ng kwarto ay sinarado ko iyon at nahiga ako ng kama.

Pagkatapos ay nagsimula na akong maghubad ng lahat ng saplot ko na sout ko at aksidente akong napalingon sa life-size mirror ng kabinet ko. Napatingin ako sa buong katawan ko.

'What if ibigay ko nalang sa kanya ang sarili?'

Marahas akong umiling at tinungo nalang ang banyo sa kwarto ko. Gusto ko kasing magbabad sa ilam ng malamig na para mahimas-masan naman ako kahit kunti.

Pagkatapos kong maligo at magbigis ay binuksan ko ang phone ko at tumunog nanaman iyon dahil sa dami ng mga texts at chat sa gc. Nagtatanong kung ok lang ako o nakauwi na ba ako.

'Third Generation'

Angelo: Sigurado ba kayong ok lang sya?

Gerry: Oo nga.

Lander: How sure you are?

Jonny: Sure na sure.

Finnie: Sino ang kasama ni Ate @Jenny sa D-Dinners kanina?

Ashley: What? They're there? Kuya is there too.

Luke: What?

Julian: What?

Gerry: What?

Genson: What?

Jonny: What?

Jenny: I saw him with a girl.

Gerry: That bastard...

Jonny: I'm going to punch his face!

Genson: I'm going to file a warrant of arrest now!!

Ashley: She's with ate Porsche kanina.

Angelo: Who the hell is that?

Ashley: She's tita Zayara's first born.

Zayn: She's our cousin. And girlfriend din sya ni Theodore.

Julian: Who the hell is Theodore?

Zai: He's from Green Wood Dynasty. Our sister department.

Justine Jr.: They're now Black Dynasty. The Second Generation decided to change the name of the sister department. And, mahirap na din pumasok doon.

Lander: That's good.

Ashiro: Ang bilis talaga kapag sa chismis.

Zack: Ayan nanaman kayo!

Ashley: Sino ang kasama mo kanina, ate @Jenny

Jenny: Sila @Chanel, @Angeline, @Ara, @Kristine. Tapos iniwan nila ako kasi makikipagdate daw si Kristine kay Lorenze. Pati si Ara, yayayain nya daw si Santi.

Lucas: Shut up, you motherf*ckers!

Elias: They're dating?

Finlay: Ayan. Pag-chismisan ang active.

Elias: Of course!!

Finlay: @Genson, pwede kang mag-file sa akin ng warrant of arrest. Basta unahin mong hulihin si Elias.

Genson: Yes, sir!

Napabuntong-hininga ako dahil pagkausap mo talaga ang mga to ay walang deritsong napag-uusapan. Bali-baliko kasi ang reply nilang lahat. Para mga utak nila. Mali, namin pala.

Napabuntong-hininga ako ulit at inilapag ko nalang phone ko at hinayaan kong tumunog nalang iyon ng tumunog dahil sa kung ano-ano pinag-uusapan ng mga tao sa gc.

'May sarili-sariling mundo kahit sa chat.'

Ayan ang epekto ng pagiging matalino naming lahat. Lahat kami ay may hidden talents pero hind namin isinasa-publiko. Katulad ni Zeir, magaling sya sa tungkol sa space.

Ako, magaling akong mag-bake. Si Ara, magaling sa fashion at alam naman ng iba iyon. Marami pa kaming myembro na kung ano-ano ang kinuhang course.

Ang D' Entertainment ay ang pinakasikat na entertainment sa lahat ng lugar sa buong mundo. Marami kasing mga nag-artista sa amin, pati model at sobrang ganda ng lahi namin kaya hindi na ako magtataka.

- To Be Continued -

(Sun, June 6, 2021)