Chapter 9
- Jenny's POV -
Naalimpungatan ako ng magising ako at para akong inaalog. Napakunot ang noo ko ng maramdaman ko ang hilo na umaakyat papunta sa ulo ko at sobrang lumakas iyon at dali-daling akong napamulat ng mata.
Nang makita ko ang paligid ay mabilis akong tumakbo papunta sa banyo at doon ko na inilabas lahat ng pwede kong ilabas. Nararamdaman kong nanghihina na ako pero ang dami parin gustong lumabas.
"Princess?"
"Jenny?"
Sabay na tanong ng kung sino man sila. May lumapit sa akin at inalalayan ako, may humimas din sa likod ko habang patuloy parin ako sa pagsuka. Nang matapos ako ay doon ko lang sila nakita.
Si kuya Jonny at si Zeir iyon. Bakas ang pag-aalala sa muhka nila habang nakatingin sa akin. Habang ako ay nanghihina parin at halata ang pagod sa akin habang naghahabol ng hiningan.
"What the hell are you doing here?" Tanong ko kay Zeir.
"We're on a out-of-town trip, princess." Si kuya Jonny ang sumagot sa akin.
"Kuya, ikaw ba ang tinanong ko?" Mataray kong tanong sa kanya.
"Wait lang, may kukunin lang ako sa labas, ok?" Paalam ni kuya Jonny bago sya lumabas at iniwan kami ni Zeir. Nagulat ako ng hawakan ni Zeir ang tyan ko.
"Sinabi sa akin ni Jonny na buntis ka daw?" Nakangiting sabi nya.
"Oo, bakit? Pananagutan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang sya akin. Tapos hinimas-himas pa ang tyan ko.
"Sis!" Malakas na tawag ni Kuya at awtomatikong napabitaw si Zeir sa tyan ko. "Ito ohh, pasabulong sayo ni Zeir."
"Ayoko nyan. Lalo na galing kay Zeir." Mataray ko paring sabi.
"Sayang, cheese cake pa naman to." Parang nanghihinayang na sabi nya.
"Akin na!" Sigaw ko. "Akin na nga yan, hindi ka na mabiro, ehh." Nakanguso kong sabi.
"Labas na tayo?" Tanong ni Zeir tapos inilahad ang kamay sa akin pero inirapan ko lang sya at inunahan ko na silang lumabas.
Nang makalabas ako ay medyo madami ang tao sa hallway at nakita nila ako. Kaagad silang ngumiti at lumapit sa akin.
'Kaya pala hindi pamilyar s akin ang kwarto, wala pala ako sa bahay.'
"Oyy, sis." Nakangiting sabi ni Kristine.
"Congratulations." Sabi ni Angeline sa akin. "Sabay pa talaga kayo ni Finnei nagbuntis. Sino ba ang tatay?" Tanong nya. Ngumuso lang ako at nag-iwas ng tingin.
"Ayaw nya ata sagutin." Nakangiwing sabi ni Ara.
"Pa-controversial pa si girl. Kung hindi ka lang talaga buntis, kanina pa kita sinampal." Mataray na sabi ni Kristine.
"Pero wala bang clue kung sino?" Tanong ni Angeline.
"Basta kilala nyo sya." Mataray kong sabi. Lahat sila nagulat at agad na napalingon kay Zeir na ikinagulat ko tapos gulat parin silang nagbalik sa akin ng tingin.
'Dyos ko, mabuti nalang at hindi nakatingin si kuya at Zeir.'
"Tama ba kami?" Bakas parin ang gulat kay Ara. Napakagat ako sa kuko at nag-iwas ng tingin sa kanila bago tumango.
Nang magbalik ako ng tingin sa kanila ay pare-pareho nang malalaki ang mga mata nila nakatakip pa sa mga bibig nila. Yung napaka-OA na gulat na reaksyon, ganon.
"Talaga?" Natutuwang tanong ni Kristine.
"Oh my God!!" Sabay-sabay naming sigaw at sasali din sana talunan nila pero naalala ko na may bata pala sa tyan ko.
"Sorry, bawala ka nga pala tumalon." Natatawang sabi ni Angeline.
"Bakit ba kayo sumisigaw?" Kunot-noong tanong ni Kuya Jonny.
"Wala. Hindi ka belong dito." Mataray na sabi ni Kristine.
"Bakit kayo sumisigaw?" Tanong sa amin ng iba naming kasama.
"Nasaan tayo?" Tanong ko sa kanila.
"Nandito tayo sa palawan." Sagot ni Zeir.
"Ahh." Tumatango-tangong sabi ko tapos pinalibot ang paningin sa bahay kung nasaan kami.
LUMIPAS ang isang masayang araw dahil wala kaming ibang ginawa kung hindi ang magsaya at maligo lang sa dagat. Nang kinahapunan ay pumasok na kami para magpahinga.
"Napagod ka ba?" Tanong ni Zeir ng masolo nya ako.
"Oo." Paglalambing ko sa kanya.
"Gusto mo ba mag-pahinga?" Tanong nya pa. Dahil bigla kong naalala ang sinabi noon ni Ashley ngyon na ang panahon para kausapin ko sya ng personal.
"Zeir, may tanong ako?"
"Ano yun?" Sagot nya.
"May babae ka na bang mahal?" Tanong ko. Napatitig naman sya sa akin.
"Oo..." Mahina nyang sabi habang titig parin na titig sa akin. "Naramdaman ko iyon noong highschool. Akala ko, nagustuhan ko lang sya kasi naaawa na ako sa kanya pero hindi naman pala ganon lang." Sabi nya habang nakatingin na sa sahig.
Ako naman ay napapikit at napakagat ng labi. Tumutulo ang luha dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pinunasan ko iyon bago ako tumayo sa kinauupuan ko at iniwan sya.
Sobrang sakit ng narinig ko at parang mawawasak ako sa sakit. Lahat sila ay napapatingin sa akin kapag dumadaan ako sa harap nila pero hindi ko sila pinapansin.
"Jenny, anong nangyari?" Tanong ni Kuya Jonny. Pero hindi ko sya pinansin at pumasok nalang ako ng kwarto ko at doon inilabas ang lahat ng iyak ko.
- Zeir's POV -
Napakunot ang noo ko ng mag-angat ako ng tingin at wala na sa harap ko si Jenny. Kunot-noo ko paring pinalibot ang mata ko at wala na talaga akong makitang Jenny sa paligid.
"Jonny, nasaan si Jenny? Nakita mo ba?" Tanong ko.
"Bakit?" Tanong nya.
"Kausap ko lang kanina, ehh. Bigla nalang nawala."
"Bro naman, maging sensitive ka naman. Buntis nga yung tao tapos ayon, pinaiyak mo nanaman." Parang naiinis nitong sabi.
"Anong pinaiyak? Ok lang namab kami kanina, ahh?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"So, ikaw nanaman pala ang nag-paiyak sa bestfriend namin?" Masungit na sabi ni Kristine.
"Ano nanaman ba ang ginawa mo, ha?" Sabat ni Chanel.
"Wala nga. Nagtatanong lang naman sya kung may babae ba akong minahal tapos sinagot ko lang sya." Paliwanag ko.
"Kaya nga, masakit nga sa kanya yon. Kasi alam nyang hindi sya yon!" Galit na sigaw ni Angeline.
"H-Hindi! Hindi nyo kasi naiintindiha--- nasaan na ba si Jenny?" Naglakad na ako papunta sa kwarto ni Jenny at kumatok.
"Leave me alone, Zeir!" Halata sa boses nyang umiiyak sya ngayon. Hindi ako nakinigat binuksan ang pintong hindi naman pala naka-lock. Pagbukas ko ay agad syang tumambad sa akin.
"Baby, let's talk." Kasama sa tinig ko ang pagmamakaawa.
"Ayoko." Pagmamatigas nito pero lumapit ako sa kanya at niyakap sya galing sa likod. Humarap sya sa may bintana kaya pareho na kaming nakaharap doon. Pinatong ko muna ang baba ko sa balikat nya bago magsalita.
"Baby... Yung babaeng tinutukoy ko, it's you." Walang alinlangan kong sabi. "Masyado ka kasing nag-aasume na may iba akong mahal kahit simula palang tayo naman talaga ang para sa isa't isa." Nakangiting kong sabi. Napilitan akong bumitaw ng bumaling sya paharap sa akin.
"Talaga?" Naniniguradong sabi nya. Natatawa naman akong tumango-tango.
"Actually, highschool palang tayo, nakakaramdam na din ako para sayo. Akala ko nga dati, naaawa lang ako sayo kasi lagi kang napapahiya at napapagalitan dahil sa akin." Natatawa kong sabi at naalala ang mga kabaliwang ginawa nya noon.
"So, meron ka na ring nararamdaman para sa akin?" Tanong nya.
"Oo nga, torpe lang talaga ako." Nakangiwi kong sabi tapos napakamot sa ulo. "I tried to confess to you but lagi mo akong nauunahan. Minsan naman nagiging ewan ang dati. Kaya nga hindi ako nagka-girlfriend, diba?" Natatawang sabi ko.
"I... I don't know what to say..." Parang hindi parin makapaniwalang sabi ni Jenny.
"You don't have to say anything about my confession, baby. I just need your sweetest and biggest yes." Nakangiting sabi ko pero nanginginig na talaga ako. Napalunok muna ako bago ako umayos ng pwesto. Lumuhod ako habang hanap ang kamay nya.
"A-Anong..."
"Jenny Leigh de Vega---" napakunot ang noo ko dahil hindi ko makapa ang singsing na binili ko pa galing Paris.
"Bro, may nakalimutan ka ata--- ohh..." Lahat sila ay natigalan ng makita akong nakaluhod sa harap ni Jenny.
"Ayon!" Sabi ko at kinuha kay Jonny ang singsing. Tapos humarap ulit kay Jenny. "Again. Jenny Leigh de Vega, will you marry your long time crush? Are you willing to marry your secret admirer for a long time?" Kinakabahan kong tanong. Lalo pa akong kinabahan ng mahinang matawa si Jenny.
"Baby, you're trembling." Natatawang sabi nya.
"Kinakabahan ako, ehh." Nakangiwing sabi ko, napalunok pa. Ngumiti sya sa akin tapos hinawakan ang dalawa kong pisnge saka nya ako hinalikan.
"Matagal na ng kitang gusto, diba? Tingin mo ba tatangihan pa kita?" Ganon nalang kaganda ang ngiting ibinigay nya sa akin matapos nyang sabihin iyon. Mabilis akong tumayo at hinalikan sya.
"What... Is just happened?" Gulat na tanong ni Kristine habang hindi parin makapaniwala.
"We're engaged!!" Sigaw ni Jenny at pinakita pa sa kanila ang singsing na kakasuot ko lang sa kanya.
"Teka, kung magpapakasal kayo... Paano ang ama ng--- Zeeeeeir!!" Galit na sigaw ni Genson tapos akmang hahabulin ako ng humarang si Jenny.
"Kuya, tama na. Ok na, ohh." Pagpigil ni Jenny sa kuya nya, ipinakita pa ang singsing na ibinigay ko sa kanya.
- The End -
(Thu, June 10, 2021)