Chapter 4 - 4

Chapter 4

- Zeir's POV -

Pag-uwi ko ay nakita kong nakatutok sa phone si Zai, Zayn, at muhkang may kausap pa sa telepono ang bunso naming babae. Tawa ng tawa at muhkang enjoy na enjoy.

"Hindi naman kasalanan iyon ni Ate Jenny. Natural lang sa taong nagkakagusto magselos... Hindi. Gusto mo bang buhusan kita ng tubig? Nananaginip ka ata." Tumatawa tapos biglang sumeryosong sabi ni Ashley. "Hindi ko nababasa ang utak ni Kuya kaya wag ako mangangakong makakatulong. Si Kuya ang pinakaweird na taong nakilala ko. Sya yung taong mahirap basahin ang utak."

'Grabe ka naman sa akin, lil princess.'

"Ehem!" Kunwaring ubo ko. Natawag ko ang atensyon nilang tatlo.

"Kuya!" Tawag ni Ashley sa akin na parang wala lang syang sinabi kanina. 

"I'm back." Nakangiting kong sabi.

"Alam namin. Nandyan ka nga sa harap namin, ehh." Sabi ni Zai.

"Kuya, ano ba!" Saway ni Ashley.

"Joke lang, kuya. Pasabulong ko?" Natatawang sabi nya.

"Ayan. Dyan ka magaling." Sarkastikong sabi ko.

"Alam mo bang sobrang napahiya ni Ate Jenny?" Biglang sabat ni Zayn. "Akala nya kasi may dini-date ka na. At akala nya pa dini-date mo si Ate Porsche." Natatawang nya pa.

"Alam ko yan. Nakita ko sila kanina sa D' Dinners. Ang sama nga nng tingin nya sa amin lalo na sa akin." Natatawang sabi ko.

"Grabe..." Parang hindi makapaniwalang sabi ni Ashley. "Totoo nga ang sinasabi ni Ate Jenny. Ang manhid mo ngang talaga, kuya." Sabi nya pa. Napakamot naman ako ng ulo ko.

Pero sa kabilang banda ay nakakaramdam ako ng saya dahil sa selos na nararamdaman ni Jenny kanina. Alam kong hindi magandang isipin ang ganon pero kahit nag-aalala ay natutuwa din ako.

"Aakyat na ako." Paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at umakyat na ko ng kwarto. Pag-akyat ko ay nagbihis ako at nahiga sa kama ko hanggang sa makatulog ako.

LUMIPAS ang mga araw at hindi ako pinapansin ni Jenny. Hindi nya din ako kinakausap, na kahit akong daldal ko, hindi sya nagsasalita. Gustuhin ko man syang kausapin, ayaw nya naman akong kausapin.

Kahit sa trabaho namin ay hindi pain sya kumikibo. Hindi ako sanay na tahimik at malamug ang pakikitungo nito sa lahat. Ito kasi ang pinakamadaldal at pinakamakulit na kilala ko.

Kahit anong approach ko ay hindi parin nya ako kinakausap. Kahit magkasabay kami sa elevator o sa paglalakad. Nasanay kasi akong agad itong mangungulit tumama lang ang mata nya sa akin.

Ganon ang naging pakikitungo nya sa lahat, maging sa mga kapatid nya. Sinisisi na nga ako ng mga kapatid nya dahil sa ganitong kapipitungo ni Jenny. Nagpatuloy iyon hanggang sa umabot na ang kaarawan nila.

"Saan tayo?" Tanong ko kay Jenny habang nandito kami sa loob ng elevator, kasama si Gerry.

"Sa D' Dinners." Si Gerry na ang sumagot.

"Sa D' Bar tayo." Biglang sabi ni Jenny kasabay ng paglabas sa elevator dahil bumukas na ito. Humabol naman kami.

"Pero sa D' Dinners ang napag-usapan." Sabi ni Gerry.

"Gusto ko sa D' Bars, ehh." Mataray na sabi nito habang hindi man lang kami hinarap. Napakunot naman ang noo ko.

"Jenny, ano?" Sabat ko. "Alam kong napahiya ka dahil sa akin pero wag mo naman idamay ang ibang tao. Kung galit ka, wag mo silang idamay." Dagdag ko pa.

"Wag mo akong sabihan dahil hindi mo alam ang pakiramdam ng napapahiya." Sabi nya pa tapos nauna nanaman sa aming maglakad. Kinalabit naman ako ni Gerry.

"Ikaw kasi, ehh." Parang naiinis nyang sabi. "Ganon talaga ang ugali nya kapag natapos ang buwanang dalaw nya. Nahuhuli ang miid swings." Sabi nya pa.

'Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng mapahiya.'

"H-Hindi ko naman alam, ehh." Palusot ko.

"Kasi, masyado ka kasing pabida." Sabi nya pa habang umiiling tapos sumunod na kay Jenny.

'Third Generation'

Zeir: Nag-change tayo ng venue.

Julian: Ha?

Jonny: Bakit?

Genson: Hindi namin to alam, ahh?

Lander: Sino bang nagsabi?

Zeir: Ayaw daw ni Jenny sa D' Dinners. Sa D' Bar daw tayo.

Genson: Sige.

- Jenny's POV -

Pagdating namin ng D' Bar ay nandoon na silang lahat. At agad kaming pinaulanan ng bati na may kasamang regalo. Pero wala sa kanila ang pinansin ko.

"Anyare don?" Rinig kong bulong ni Angeline.

"May topak." Rinig kong sabi ni Zeir. Nagsimula na kaming uminom lahat at nagpalaro pa si kuya Jonny.

"It's just simple, Truth or Dare. But, with a twist. Kapag hindi mo nasagot o hindi mo nagawa ang dare, bubunot ka dito kung sino ang magpaparusa sayo." Sabi nya. Inikot nya ang isang bote at agad na tumapat kay Zeir.

"Truth or Dare?" Tanong nila.

"Dare." Sagot ni Zeir.

"Halikan mo si Jenny." Mabilis na sabi ni Kristine. Hindi gumalaw si Zeir habang deritso nakatingin sa akin ng deritso sa mata.

"Ayaw nya." Sabat ni Ashley.

"Bumunot ka na." Sabi ni kuya Jonny. Bumunot nga si Zeir at tiningnan kung sino ang nabunoy nya.

"Sino?" Tanong ni Kuya Jonny.

"Si..."

"Sino?" Tanong nila.

"Si..."

"Sino nga?!" Sigaw pa nila.

"Kristine." Parang nawawalan ng pag-asang sabi ni Zeir. Nginisihan naman sya ni Kristine.

"Halikan mo na sya." Sabi pa ni Kristine. Tumingin naman silang lahat sa akin. Inikot ko ang mata ko at tumayo sa kinauupuan ko tapos kumyha ng alak. Pagbalik ko ay nakatingin parin sila sa akin.

"Ano?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko. Pero hindi na sila nagsalita. "Wag na kayo maglaro. Para kayong mga bata." Mataray kong sabi tapos umirap pa sa hangin.

Pero nagulat ako ng bigla akong halikan ni Zeir at sa labi nya pa ako hinalikan. Medyo matagal pa iyon, siguro mga ilang sigundo. Lahat sila ay umawang ang labi.

"Wooow!" Natatawang sabi ni Kristine.

"Bawal na sumali si Zeir. Tapos na sya." Biglang hirit ni Kuya Jonny.

"Kuya?" Tanong ko. Nagkibit-balikat lang ito tapos tatawa-tawang inikot ulit ang bote. Sumandal ako sa likod ng kinauupuan kong sofa pero nagulat ako ng hindi iyon ang masandalan ko.

Gulat kong tinignan kung kaninong braso ang nasandalan ko at nagulat ako ng makitang kay Zeir iyon. Nilingon ko sya at nakita kong nagulat din sya. Mabuti nalang ay wala ba sa amin ang atensyon ng lahat.

Akmang iaalis ko na ang ulo ko ng ibalik nya iyon. Gulat nanaman akong tumingin sa kanya dahil sa hindi kapani-paniwalang aksyon nya.

"It's ok." Mahinang sabi nya.

"Baka masaktan ka." Mahina ko ding sabi.

"I can handle." Mahina ulit nyang sagot. Bumuntong-hininga ako saka sumandal sa balikat nya.

"Anong masakit sayo?" Tanong nya.

"Masakit parin ang puson ko at likod ko dahil sa crumps. Minsan, hindi nakakatulog sila Daddy kasi halos umiyak na ako sa sobrang sakit." Sagot ko.

"Pwede ko bang hilotin?" Tanong nya. Bigla ulit akong napaharap sa kanya.

"What?"

"Pwede ko bang hilotin?" Pag-ulit nya.

"Yung puson ko?"

"Hmm. Pati likod mo." Sagot nya pa ulit.

"P-Pero..."

"Why?"

"Hindi kasi ako nasay na may ibang humihilot sa  puson ko. Lagi kasing sila Kuya lang o Si Daddy. Ayaw nilang ipahilot kay Mommy kasi mas masakit pag sya ang humihilot." Sagot ko.

"It's ok. Pwede naman yon. Hindi naman na ako iba sayo, diba?" Tanong nya ulit. Nagtaka naman ako. "Sabi mo nung mga bata palang tayo gusto mo akong maging asawa." Natatawang sabi nya.

"Ha? Wala naman akong matandaang sinabi ko iyon, ahh?" Angal ko.

"Meron kaya. Nung kinder tayo, sinabi mo yon." Natatawang sabi pa nya. Ako naman ay nag-isip hanggang sa maalala kong meron nga. Ayon, namula nanaman ang pisnge ko dahil kay Zeir. "Gusto mo ba talaga akong maging asawa? Kung gusto mo talaga, malay mo, gusto ko din." Makahulugang sabi nya pa.

"Anong sinasabi mo dyan. Ayokong magkaroon ng asawang manhin. Baka nga pag kinurot kita hindi ka masaktan, ehh." Nakangusong sabi ko.

"Nasasaktan din kaya ako. Hindi mo lang naha-halata." Sabi nya at nakatingin sa kung saan. Nang tignn ko iyon ay ang braso nya pala iyon, medyo namumutla na. Agad akong umalis sa pagkakasandal sa kanya.

"S-Sorry." Nauutal kong sabi. Kinuha nya ulit ang ulo ko at isinandal nya naman sa dibdib nya. Parang inakbayan nya ako, ganon.

"Ganito nalang." Sabi nya tapos inilapit pa ang kabila nyang braso. Parang yakap nya na ako, ganon. Napalingon ako sa mga kasama namin at halos lahat sila ay nagtatawanan.

"Baka mahalata nila tayo." Sabi ko at hinawakan ang isa nyang braso. Pero hindi natuloy iyon dahil pinagsaklop nya ang pareho naming kamay kaya taka akong tumingin sa kanya.

"Wag, please? Kahit ngayon lang?" Parang nagmamakaawa nyang sabi. Bumuntong-hininga nanaman ako.

"Pero paano kung makita nila tayo?" Tanong ko pa tapos lumingon ulit sa mga kasama namin.

"Tabi tayo matulog mamaya?" Bigla tanong nya. Nagulat ako dahil muhkang lasing na kaagad sya pero nakakailang shot palang kami.

"Unimon ka ba bago tayo pumunta dito?" Tanong ko. Tumango naman ito kaya nagtagis ang bagang ko sa inis.

"Bakit ka uminom?" Inis kong tanong sa kanya.

"Galit kasi sya sa akin. Nakita nya kasi akong may kasamang iba." Biglang sabi nya. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"May girlfriend ka na?" Wala sa sariling tanong ko.

"Hmm... Parang ganon." Sabi pa nya. Nakaramdam nanaman ako ng sakit dahil sa sinabi nya.

"Ehh, bakit yakap mo ako ngayon? May girlfriend ka naman pala?" Tanong ko tapos tinanggal ang braso nya.

"Dito ka lang." Mahina nyang sabi ng akma akong tatayo.

"Ayokong makasira ng relasyon. Wag mo akong gawing kabit mo." Inis ko paring sabi.

"Tsk. Nagbibiro lang ako naman ako, Jenny." Parang naiinis nya ding sabi.

"Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko tapos padabog na tumayo.

"Jenny!" Sigaw nya habang nakasunod din sa akin.

"Para na silang couple." Rinig kong sabi ni Ashley. Bigla akong humarap ulit sa kanila na ikinagulat nila, maging ni Zeir.

"Tigilan nyo ako." Bigla kong sabi tapos tinalikuran ulit sila.

- To Be Continued -

(Mon, June 7, 2021)