Chapter 2
- Amira's POV -
Naiinis ako ngayon ng hindi ko alam ang dahilan. Patuloy lang ako sa paggawa ng kung ano-anong trabahong pwede kong gawin. Habang nakikinig ako sa music ay patuloy lang ako sa pag-ta-trabaho.
Hindi ako tumigil, patuloy lang ng patuloy hanggang sa mapagod ako. Kahit pagod na ako ay hindi parin ako huminto hanggang sa mapatingin nalang ako sa labas at nakita kong gabi na.
Biglang kumalam ang tyan ko at sobrang nagugutom na ako. Napabuntong-hininga ako at tumayo ng swivel chair na kinauupuan ko. Binuksan ko ang pinto ng office ko at nakita kong busy lahat ng mga tao.
"Amira." Biglang tawag ni Loreen sa akin. Humarap ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.
"What?" Mataray kong tanong.
"Gutom ka na ba?" Nakangiting tanong nito.
"Stop acting that you care about me. You're nothing, did you get it?" Mataray kong tanong.
"Alas-singko na kasi ng hapon. Hindi ka pa kumakain ng lunch, ano bang gusto mo?" Nakangiting tanong nito.
"I don't need your help." Mataray kong sabi at matagal muna kaming nagtitigan bago ako akmang maglalakad ng may biglang nag-abot sa akin ng pagkain. It's Winller.
"Sabi kasi ng mga tao mo dito hindi ka pa din kumakain." Masungit nitong sabi. "Why didn't you eat?" Masungit paring tanong nito
"The hell you care?" Mataray kong sabi.
"Don't you dare talk to me like that!" Sigaw nito at dinuro-duro pa ako.
"Psh!" Bigla kong singhal at dali-daling kumilos papasok ng office ko. Dali-dali naman syang sumunod sa akin.
"How's your anxiety?" Tanong nya. Tumingin ako sa kanya bago sumubo. Ngumuya muna ako saglit bago ako sumagot.
"Still f*cked up. It's so gross, Win. But I can win against it, I'm a fighter, right?"
"Of course, you are. I'm here, always remember that." Nakangiting sabi nito at ginulo ang buhok ko.
"The hell I care?" Nakataas ang isang kilay kong sabi.
"Alam mo, ako na nga itong palagi mong kasama, palagi mo pa akong ginaganyan. Palasamat ka nalang talaga at natitiis ko yang ganyang ugali mo." Sabi nya at pinanliitan ako ng mata.
"Edi, thank you." Sabi ko at pinanliitan din sya ng mata.
"Don't skip meals, Amira. You're not a child anymore, grow-up. Hindi kana bata para sabihin pa ang mga dapat mong gawin." Panenermin nito sa akin. Napairap nalang ako sa hangin. "Sige na. Umuwi ka na mamayang 8pm. Wag ka nang mag-overtime." Masungit paring sabi nito. Lumabas na ito at ako naman ay nagpatuloy lang sa pagkain.
- Luke's POV -
Napakunot agad ng noo ko ng makita kong lumabas si Winller na lumabas ng office ni Amira. Nang makita ako nito ay agad itong ngumiti, ako naman ay ginantihan din sya ng ngiti.
"Hi, couz." Nakangiting bati nito.
"Ano, pinagalitan ka nanaman ng boss mo?" Tanong ko.
"No. Dinalhan ko sya ng pagkain, hindi pa daw kasi sya kumakain." Nakangiting sabi nito.
"By the way, kung sawa ka na maging assistant ng babaeng iyon, you're free to come to my office. I'm going to be happy having a great employee like you, my cousin." Nakangiti pero nangungumbinsi kong sabi.
"I'm fine. Kaya ko naman pakisamahan si Amira. And, hindi naman ako ng secretary nya." Nakangiting sagot nito.
"Basta, if ever man magbago ang isip mo, pumunta kalang ng office ko." Nakangiting sabi ko at nagdere-deretso na papuntang office ko. Galing kasi ako sa office ng CEO ng companya.
Ang Trevino Group of Companies ay isang kilalang companya hindi lang sa buong bansa, kundi sa buong mundo. Ito ay binubuo ng iba't ibang companya at lahat ng iyon ay makikita mo sa iba't ibang lugar sa buong mundo.
Medyo matagal na din ako dito, simula ng makagraduate ako ng college ay nandito na ako. Pero shempre sa mababang pisisyon muna ako nilagay ng Daddy ko. At doon ko nga nakilala si Amira at Stacy.
"Harry, nasaan na ang report na hinihingi ko kahapon?" Tanong ko sa secretary ko.
"Here, sir." Sabi nito at agad na ibinigay sa akin ang isang makapal na papel.
"Thanks." Sabi ko at nginitian sya. Lumabas na ito at ako naman ay pinagpatuloy ang pag-ta-trabaho ko.
- Diana's POV -
Busy ako kakatype ng report ko ng biglang tumunog ang telepono ko. Napakunot ang noo ko at napangiti din ng makita kong si Stacy iyon.
"Hi, Stacy!" Malakas kong sigaw.
"Hello, punta ka dito sa ospital, kakapanganak ko palang." Mahinang sabi nya. Parang naawa naman ako agad.
"How's your baby?"
"She's healthy baby girl."
"Ok. After work, I'm going to see your baby girl." Nakangiting sabi ko.
"Hmm. Sige, pupunta din pala dito ang husband ko."
"Sige. See you. Bye!"
"Bye..."
"See---" napanguso ako ng patayan nya ako ng tawag.
Ang bastos naman ng babaeng to. Pero excited na akong makita ang anak nya.
Dahil sa naisip ko ay napangiti ako. Nagpatuloy na ulit ako sa trabaho at mas binilisan ko pa para mas maaga akong matapos.
- Amira's POV -
Natapis na ang trabaho ko at palabas na ako ng office ng makita ko si Loreen na bihis na bihis na at parang uuwi narin. Nang makita nya ako ay agad nya akong nginitian pero ako ay tinaasan lang sya ng kilay.
"Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"I'm waiting for you, gusto kitang makasabay umuwi." Nakangiting sabi nito.
"Ehh, ayaw kitang kasabay, ehh. Umuwi ka nalang mag-isa." Mataray kong sabi saka ko sya tinalikuran. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makasakay ako ng elevator at makarating ng kotse ko.
Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na ang condo ko. Pagbukas na pagbukas ko palang nito ay agad na akong nakaramdam ng paghihina. Nakaramdam ng pag-iisa. Kaya naman agad akong pumunta ng kusina at agad akong uminom ng gamot.
This is the real reason why I hate going home early. I feel so alone.
Napabuntong-hininga ako at nagtungo sa kwarto ko para magbihis. Pagkatapos ay nagluto, kumain at natulog na ako ng maaga. Kinabukasan paggising ko at agad na naligo, kumain, at pumasok ng office.
Pagpasok ko ay naraming tao sa labas ng office ko at parang natataranta si Loreen. Napakunot ang noo ko dahil nandoon din ang secretary ni Dad. Nagchi-chismisan ang mga empleyado ko.
"What are you doing here?" Taas-noong tanong habang taas noo din naglalakad.
"Gusto daw po kayong makausap ni Mr. Trevino." Magalang na sabi nito. Pasimple kong siniring ang paningin ko at tumango sa kanya. Yumuko muna ito at saka kami iniwan ni Loreen.
"Good morning, Amira." Nakangiting bati nito. Sakrastikong ngiti lang ang isinagot ko saka ako pumasok ng office ko. Alam kong bastos ako pero wala akong paki.
"ALAM mo bang namatayan nga?!" Galit na sigaw sa akin ni Dad.
Ako nga namatayan din, ehh. May dumamay ba sa akin?
"Bakit kasi hindi nya nalang sinabi sa akin ng maayos? Ang sabi nya may kailangan lang daw syang puntahan. Tapos ngayon kasalanan ko pa." Sagot ko at umirap sa hangin.
"Ganyan ka ba talaga? Ano bang meron sayo at naging ganyan ka? Bakit hindi ka nalang makisama kasi nga namatayan yung tao, hindi ba?" Tanong ni Dad. Lalong sumama ang loob ko.
"Wala akong pakialam kung nanatayan sila. Bakit, nung kailangan ko ba sila at malungkot ako, dinamayan ba nila ako? Wala akong pakialam kung nagluluksa sila. Kung ganon wag nila akong idadamay." Lakas loob kong sabi at lumabas ng office ni Dad. Mabuti nalang at napigilan ko ang luha ko.
- To Be Continued -
(Mon, May 16, 2021)