Chapter 4 - 4

Chapter 4

- Luke's POV -

Lahat kami ay natataranta pero lahat din kami ay nakamasid sa sekretarya ni Amira. Nagtataka kami dahil parang alam na alam nya kung ano ang mga ginagawa nya.

Patuloy din kami binabalot ng takot dahil sobrang pula na talaga ni Amira. Umiiyak na din ito at nagsasabing hindi na daw sya makahinga. Ang babae naman ay patuloy lang sa paghahanap ng sinasabi nitong gamot.

Hindi ko alam kung saan ko sya dadalhin. Dahil natataranta na din ako ay dumiretso nalang ako ng bahay namin. Doon pa din naman ako nakatira, kahit wala na sya doon.

PAGDATING ko doon ay tulog parin sya. Agad ko syang dinala sa kwarto at pinalitan ng damit tapos inasikaso ko naman ang sarili ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta ako ng kusina para magluto.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanda ng lamesa ng biglang pumasok si Amira sa kusina. Taka itong nakatingin sa akin at bahagya pang nakatagilid ang ulo nito.

"Bakit tayo nandito sa bahay mo?" Tanong nito.

"Bahay natin." Pagtatama ko sa kanya.

"Pinarenovate mo?" Tanong nito habang pinapalibot ang paningin sa kusina.

"Oo. Ito nga yung color at design na gusto mo, ehh. Akala ko kasi babalik ka kapag naayos na ang bahay natin." Mapait kong sabi.

"Hindi porket pinaayos mo ang bahay sa gusto kong ayos, babalik na ako. Tandaan mo ang mga masasakit na pinagdaanan natin, lahat iyon ay dahil hindi tayo nag-iisip. Dapat una palang hindi na tayo nagpakasal." Mahinang sabi nito habang nakatingin sa salamin na sliding door na nandito sa kusina.

"Nagsisisi ka bang pinakasalan mo ako?" Tanong ko.

"Oo." Walang alinlangan nyang sabi. Ako naman ay nasaktan, gulat akong nag-angat ng tingin sa kanya.

"Ano?" Gulat ko paring tanong.

"Hindi ba gusto mong malaman ang sagot ko? Bakit tinatanong mo pa ako?" Tanong nya. Dahil sa sagot nya ay parang nag-init ng sobra ang ulo ko. Hinila ko sya at pwersahang hinalikan.

Tinulak nya ako pero pwersahan ko padin syang hinalikan ulit. Dahil mas malakas ako sa kanya at hindi pa sya masyadong nakakabawi ng lakas ay wala na syang nagawa kung hindi ang hayaan ako.

NGAYON ay parang nagsisisi na ako. Tulog ulit si Amira sa tabi ko habang wala kaming saplot pareho. Napabuntong-hininga ako at inalala ang hubad nyang imahe.

Naging alisto ako ng bigla itong gumalaw. Baka kasi bigla itong magwala, wala pa syang lakas. Pero hinayaan ko na lang ang sarili ko dahil nagustuhan din naman nito ang ginawa namin kanina.

"Luke..." Mahinang tawag nito sa akin. Dali-dali ko naman syang hinarap.

"Bakit? May masakit ba sayo? Anong kailangan mo? Gutom ka na? Kain na tayo?" Sunod-sunod kong tanong.

"Gutom na ako..." Bulong nya tapos sumiksik sa tabi ko.

"Dadalhin ko lang dito ang pagkain natin. Wait lang." Paalam ko at dali-daling pumunta ng kusina at ininit ang pagkain namin. Pagbalik ko doon sa kwarto ay napaigtad ako dahil hinihimas nito ang tyan nya.

"Anong ginagawa mo?" Wala sa sariling tanong ko.

"Wala. Iniisip ko lang kung ano kayang nangyari sa atin kung nung una palang nagkaanak na tayo." Mapait nyang sabi. Napabuntong-hininga naman ako.

"Kain nalang muna tayo, wag mo nalang muna isipin yan." Sabi ko at tinulungan syang mag-adjust sa pwestong comfortable sya.

"Masarap?" Tanong ko.

"Masarap ka naman talaga magluto." Natatawang sabi nya. Dahil sa simple naming pag-uusap ay bumalik lahat ng alala.

(Now Playing: Halik sa hangin by: KZ Tandingan.)

Ang ikli ng

Panahona binigay sa amin

Pag-ibig na

Para lang isang halik sa hangin

"I love you, Luke." Masayang bulong nya.

"Mahal din kita." Masayang bulong ko din at hinalikan sya.

Ang ikli ng

Panahon na binigay sa amin

Pag-ibig na

Para lang isang halik sa hangin

Bumalik ang mga alaalang akala ko kaya ko nang ibaon. Akala ko kaya ko nang kalimutan lahat ng pinagsamahan namin. Ang mga masasayang pinagsamahan naming dalawa.

Sandali lang

Nabuhay ang pusong ito

At ngayon nagdurugo

Bakit ba kami naging ganito? Paano ba kami dumating sa ganito? Paano ba kami naging ganito?

Dahil nga ngayon

Wala na ako doon

Sa piling niya mayroon

Pag-asa pa ba?

Sana lang ay magkaroon

Isa pang pagkakataon

Na ibalik pa ang kahapon

Nung kasama ko siya

Nung ako ay masaya

Nung ako ay masaya

Nung ako ay masaya

Nung ako ay masaya

NATAPOS na kaming kumain at nagkaroon kami ng small conversation. Kahit na ganon, ok naman ang pag-uusapan namin. At alam kong pagkatapos nito, pagkatapos ng gabing to, babalik nanaman kami sa dating kami.

"Bukas... Ganito parin ba tayo?" Di ko mapigilang itanong.

"Hindi ko alam..." Mahina ngunit nakangiting sabi nya. "Siguro ganon parin tayo. Hindi ko kasi alam kong magiging ganito tayo sa harap nila. Ayoko kasing ipakita sa kanilang may kahinaan na ako ngayon." Dagdag nya pa at tumingin sa akin saka ngumiti.

"Hindi na ba natin itutuloy ang annulment?" Tanong ko.

"Hindi naman talaga natin na pag-usapan ang annulment." Natatawang sabi nya. "Hindi nga ata natin naisipan ang annulment na yan, ehh." Natatawang sabi nya.

Mas maganda talaga sya kapag tumatawa sya.

"Matulog ka na. Magpahinga ka ng maayos."

"Paano ang susuotin ko bukas?" Tanong nya.

"Nandyan naman ang mga gamit mo, ehh." Sabi ko at itinuro pa ang closet.

"Sige. Good night." Sabi nya at napaigtad ako ng halikan nya ako.

"Good night." Sagot ko ng makabawi.

- Amira's POV -

Aaminin ko na sa ikli ng gabing iyon ay parang ayoko nang matapos ang gabi na yon. Parang ang gabi kasing iyon ang gabing pinakamasaya sa buong buhay ko.

Buong gabi kaming nagtawanan. Buong gabi kaming nagkwentuhan. Buong gabi kaming nagsaya. Buong gabi kaming inalala ang lahat ng masasayang bagay na ginawa namin.

"Amira..." Mahinang pagtawag sa akin ni Loreen. Papasok na kasi ako ng office ko. Napatayo pa ito ng makita ako.

"Bakit?" Pagtataray ko sa kanya.

"How are you? Ok ka na ba?" Tanong nito. Nag-iwas ako ng tingin at tumikim.

"Wag mong isiping iniligtas mo ako kahapon ay bati na tayo ngayon." Kunwaring pagtataray ko. "Sabay nalang tayo mamaya mag-lunch." Singit ko pa at dali-daling pumasok ng office ko.

Pagpasok ko ay agad akong nagtrabaho. Doon ko itinuon ang buong atensyon ko. Nagtrabaho lang ako ng nagtrabaho hanggang sa pumasok si Loreen sa office ko.

"Yes?" Tanong ko ng hindi inaangat ang paningin sa kanya.

"Lunch na." Maikling sabi nya. Doon na ako nag-angat ng tingin. Nakangiti sya sa akin habang pinapakita ang mga pagkaing dala nya. Ako naman ay napatingin sa relo ko.

12 na nga...

Napabuntong-hininga ako at saka tumayo ng swivel chair ko. Lumabas sya at doon pumesto sa favorite spot ko sa office ko. Ang bintana. May malaki kasing glass wall doon at makikita mo doon ang buong city.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? How are you feeling?" Tanong nito.

"I'm ok now. You have nothing to worry about." Sagot ko sa kanya.

"Im happy to hear that." Nakangiting sabi nito. "Ok na ba kayo ng ex-husband mo?" Tanong nya bigla. Pareho kaming nakatingin sa labas.

"I don't know." Matapat kong sabi.

"I think you still love each other." Biglang sabi nya.

"Hmm..." Iyon nalang ang nasagot ko kasi ayoko ding paasahin ang sarili ko.

"Kaya lang kayo nagkaganyan dahil pareho kayong nasaktan. Pareho kayong hindi matanggap ang nangyari sa inyong dalawa. Pareho kayong mahal na mahal pa ang isa't isa." Mahabang sabi nya.

"Ehh, bakit kung makapagsalita ka, parang alam mo na ang lahat?" Tanong ko. May kasamang tarayat sakrastiko iyon.

"I know, I don't know nothing. But I can see to the both of you that you two still have feelings for each other. Halata kaya kayo sa tinginan nyong dalawa." Natatawang sabi nya. Ngumuso nalang ako.

"Tsk." Singhal ko at nag-iwas ng tingin para hindi nya mahalatang namumula na ang mga pisnge ko.

- To Be Continued -

(Wed, May 19, 2021)